You are on page 1of 3

GAWAING PAGKATUTO SA ESP 5

Ikatlong Markahan, Ikaapat na Linggo

Pangalan: ____________________________________ Baitang at Seksyon: __________


Petsa: _____________________________________

“Pangangalaga sa Kapaligiran, Responsibilidad Ko”

I. Panimulang Konsepto

Lahat tayo ay may tungkulin at reponsibilidad na nakaatang sa ating mga balikat


na kailangan nating gawin at isakatuparan. Bilang isang mag-aaral, dapat alamin ang
mga paraan sa wastong pangangalaga ng kapaligiran. Kailangan na maging isang
responsableng mamamayan
tungo sa isang magandang
kinabukasan.
Kung hangad natin ang
maaliwalas na paligid,
sariwang hangin, at malinis na
bukal ng tubig, lagi nating
pakatandaan na ito ay
nakasalalay lahat sa ating mga
kamay. Pangalagaan, ingatan
at gamitin ito nang wasto.
Ang pangangalaga sa kapaligiran ay mahalaga. Ito ay dapat bigyan ng pansin at
hindi pinababayaan. Kapag hinayaan natin na masira ito, magdudulot ito ng masamang
epekto tulad ng pagkakaroon ng matinding pagbaha, polusyon, pagguho ng lupa, at
marami pang iba na makasasama sa kalikasan. Upang maiwasan ang mga sakunang
dulot nito. Bawat isa sa atin ay may responsibilidad na dapat gampanan ilan sa mga ito
ay ang mga sumusunod:
1. Huwag magtapon ng basura kung saan-saan; ilagay ito sa tamang lalagyan.
2. Magtanim ng mga puno at halaman na makatutulong upang maging sariwa at malinis
ang hangin.
3. Panatilihing malinis ang mga daluyan ng tubig.
4. Pakikiisa sa mga programang pangkapaligiran.
5. Pagiging mapanuri sa mga iligal na gawain na nakasisira sa kapaligiran .

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT CODA SA MELC


1. Nakapagpapakita ng magagandang halimbawa ng pagiging responsableng
tagapangalaga ng kapaligiran
1.1 pagiging mapanagutan
1.2 pagmamalasakit sa kapaligiran sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga
programang pangkapaligiran
(EsP5PPP-IIId-27)
2. Napatutunayan na di-nakukuha sa kasakiman ang pangangailangan
2.1 pagiging vigilant sa mga illegal na gawaing nakasisira sa kapaligiran
(EsP5PPP-IIIf-28)
III. MGA GAWAIN

Gawain A
Iguhit ang hugis bituin kung ang pangungusap ay nagsasaad ng
pagiging responsableng tagapangalaga ng kapaligiran at hugis buwan
naman
kung hindi.
_____1. Ang malinis na kapaligiran ay nagsisilbing kayamanan ng isang
pamayanan.
_____2. Pagsasaayos o pagkukumpuni ng mga bagay na maaari pang ayusin
sa halip na ito ay itapon.
_____3. Pagtatapon ng mga basura sa mga ilog at dagat.
_____4. Pagsunod sa mga programa ng pamahalaan na may kinalaman sa
pangangalaga ng kapaligiran.
_____5. Paghihiwalay ng mga basura mula sa nabubulok at di-nabubulok.

Gawain B
Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung tama ang ipinahahayag ng pangungusap at ekis (x)
kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____ 1. Huwag isagawa ang drop, cover and hold kapag lumilindol.
_____ 2. Magtanim ng mga puno at halaman upang maiwasan ang pagkakaroon ng
matinding baha.
_____ 3. Kung aalis ng inyong tahanan siguraduhing nakatanggal o unplugged ang mga
saksakan ng de-koryenteng kagamitan o appliances.
_____ 4. Huwag magtapon ng basura kung saan-saan; ilagay ito sa tamang lalagyan.
_____ 5. Ipagwalang bahala ang mga babalang narinig tungkol sa paparating na
bagyo.

IV. REPLEKSIYON/PAGNINILAY
Kumpletuhin ang pahayag:

Natutuhan ko sa modyul na ito na _______________________________________________


___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________.

V. MGA SANGGUNIAN
DepEd (2020). K to 12 Most Essential Learning Competencies. ESP 5, p. 103
DepEd (2016). Curriculum Guide. Edukasyon sa Pagpapakatao 5, p. 74
Ylarde, Zenaida R. and Gloria A. Peralta, EdD, Ugaling Pilipino Sa
Makabagong Panahon. Reprint, Vibal Group, Inc., 2016, pp. 107-115.

Inihanda ni:
VICTOR M. REGALA JR

You might also like