You are on page 1of 1

ACTIVITY SHEET IN ESP 5

QUARTER 3 (WEEK 4)

Pangalan: ______________________________________ Seksyon: ___________________


Baitang: ___________________________________ Petsa: _____________________

PAGIGING RESPONSABLENG TAGAPANGALAGA NG KAPALIGIRAN

Bawat tao ay may tungkulin at responsibilidad na nakaatang sa kaniyang mga balikat na kailangan niyang
gawin at isakatuparan. Isa sa mga responsibilidad na ito ay ang responsibilidad na pangalagaan ang ating
kapaligiran. Maging mapanuring tagapangalaga ng mga likas na yaman ng mundo. Kapag hindi tayo
nagmalasakit sa kapaligiran natin, tayo rin ang magdurusa sa bandang huli. Sa atin din mapupunta ang
maraming basura, maruming hangin, maruming tubig, at iba pa.

Ang pagiging vigilant o mapanuri sa mga pangyayaring illegal sa ating kapaligiran ay isa rin sa mga
responsibilidad natin bilang tagapangalaga ng mundo. Ang pagiging sakim ng tao sa pag-angkin ng mga bagay
na sobra sa kanyang pangangailangan ang nagdudulot ng kasamaan at pang-aabuso sa mga likas na yaman ng
mundo.
Ilan sa mga responsibilidad o pananagutan natin sa kapaligiran ay ang mga sumusunod:
1. Pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan.
2. Pagpapanatiling malinis ng daluyan ng tubig.
3. Pagtatanim ng puno minsan sa isang taon.
4. Pakikiisa sa mga programang pangkapaligiran sa pamayanan.
5. Pagpapanatiling malinis ng paligid.
6. Maging mapanuri sa mga nangyayari sa kapaligiran.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Gumuhit ng bituin () sa patlang kung ang pangungusap ay
nagpapakita ng pagiging vigilant o mapanuri sa mga illegal na gawain sa kapaligiran at buwan ()naman kung
hindi.
____1. Ipagbibigay alam ko sa mga kinauukulan ang mga taong lumalabag sa batas na pangkalikasan.
____2. Bibigyan ko ng halaga ang ikabubuti ng nakararami kaya iiwasan kong sumali sa mga ilegal na gawain.
____3. Bilang isang mamamayan, responsibilidad kong pangalagaan ang aking kapaligiran.
____4.Titingnan ko lamang ang mga nagtatapon ng basura sa ilog.
____5.Makikiisa ako sa programang pangkapaligiran sa aming barangay.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2


Panuto: Kompletuhin ang graphic organizer. Buuin ang mga pangungusap na nagsasaad ng pamamaraan ng
pagpapakita ng responsableng pangangalaga sa kapaligiran.

You might also like