You are on page 1of 3

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

Ikatlong Markahan
Pangalan__________________________________________Baitang________________________
Pangkat___________________________________________Petsa__________________________

PANGANGALAGA SA KALIKASAN
Panimula

“Wala ka bang napapansin sa iyong kapaligiran?” Pamilyar sa iyo ang linyang ito ng isang
awit, hindi ba? Usong-uso ito noon at patuloy na binabalik-balikan dahil sa kahulugan nito na
magpahanggang ngayon ay masasabing totoo pa rin. Ano nga ba ang napapansin mo sa iyong
kapaligiran o kaya ay sa kalikasan? May pagbabago ba? Ano -anong mga pagbabago ang napapansin
mo?

Tama. Marami tayong nakikitang nangyayari ngayon sa ating kapaligiran at kalikasan.


Nakararanas tayo ng matinding tag-init, mga pag-ulang nauuwi sa pagbabaha, malalakas na bagyo, at
kung anu-ano pa. Kadalasan, nauuwi ito sa pagkasira ng mga ari-arian at ng pagkitil sa buhay.
Minsan, hindi natin maiwasang magtanong, “Ano nga ba itong nangyayari sa atin?” Galit na ba sa
atin ang Inang Kalikasan ?

Ano ang maaaring gawin o gampanin ng tulad mo upang makaiwas sa ganitong mga
pangyayari ?

Sa gitna ng mga pangyayaring nauukol sa kalikasan at kalamidad na ating nararanasan,


mahalagang masagot mo ang mahalagang tanong na : Bakit kailangang pangalagaan ang kalikasan ?

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


 Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal sa Diyos (EsP10PB-III-9.1)
 Natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong ang pagmamahal sa Diyos sa kongretong
pangyayari sa buhay (EsP10PB-III-9.2)

Gawain 1
Panuto : Tukuyin kung alin sa sumusunod ang karaniwang paalala na iyong nakikita sa iyong
pamayanan o barangay.

STOP ILLEGAL
FISHING
Conserve Water
Preserve the
Planet
Bawal Plastik Dito
Sagutin ang mga Tanong:

1. Ano-anong tema o paksa mayroon ang mga paalala?


2. Alin sa mga paalalang ito ang iyong sinusunod / hindi sinusunod?
3. Paano nakatutulong ang mga paalalang ito sa pangangalaga ng kalikasan? Ipaliwanag.
4. Bakit kaya sa kabila ng mga paalalang ito ay patuloy pa rin ang tao sa pagwasak ng kalikasan?
Ipaliwanag.
5. Kung ikaw ang bibigyan ng pagkakataon na gumawa ng isang paalala para sa kalikasan, ano
ang gagawin mo?

 Mga Maling Pagtrato sa Kalikasan


1. Maling Pagtatapon ng basura
2. Iligal na pagputol ng mga puno
3. Polusyon sa hangin, tubig, at lupa
4. Pagkaubos ng mga natatanging species ng hayop at halaman sa kagubatan
5. Malabis at mapanirang pangingisda
6. Ang pagko-convert ng mga lupang sakahan, iligal na pagmimina, at quarrying
7. Global warming at climate change
8. Komersiyalismo

 Ang Sampung Utos para sa Kalikasan


1. Ang tao na nilikha ng Diyos na kaniyang kawangis ang siyang nasa itaas ng lahat ng
Kaniyang mga nilikha ay marapat na may pananagutang gamitin at pangalagaan ang
kalikasan bilang pakikiisa sa banal na gawain ng pagliligtas.
2. Ang kalikasan ay hindi nararapat na gamitin bilang isang kasangkapan na maaaring
manipulahin at ilagay sa mas mataas na lugar na higit pa sa dignidad ng tao.
3. Ang responsibilidad na pang-ekolohikal ay gawaing para sa lahat bilang paggalang sa
kalikasan na para rin sa lahat, kabilang na ang mga henerasyon ngayon at ng sa
hinaharap.
4. Sa pagharap sa mga suliraning pangkalikasan, nararapat na isaalang-alangmuna nag
etika at dignidad ng tao bago ang makabagong teknolohiya
5. Ang kalikasan ay hindi isang banal na reyalidad na taliwas sa paggamit ng tao.
6. Ang politika ng kaunlaran ay nararapat na naaayon sa politika ng ekolohiya.
7. Ang pagtatapos o wakas ng pangmundong kahirapan ay may kaugnayan sa
pangkalikasang tanong na dapat nating tandaan.
8. Ang karapatan sa isang malinis at maayos na kapaligiran ay kailangang protektahan sa
pamamagitan ng pang-internasyonal na pagkakaisa at layunin.
9. Ang pangangalaga sa kapaligiran ay nangangailangan ng pagbabago sa uri ng
pamumuhay.
10. Ang mag isyung pangkalikasan ay nangangailangan ng espiritwal na pagtugon bunga ng
paniniwala na ang lahat na nilikha ng Diyos ay Kaniyang kaloob kung saan mayroon
tayong responsibilidad.
Gawain 2
Panuto:
Obserbahan ang inyong pamayanan kung ito ba ay nakikitaan ng mga hakbang sa pangangalaga ng
kalikasan. Itala ang mga nakita sa ginawang pag-oobserba. Isangguni sa iyong guro kung paano ito
mabibigyan ng pansin.

Gawain 3
Panuto: Gamit ang isang maikling bond paper, iguhit at ipaliwanag ang sagot sa tanong na: Paano
mo patitibayin ang ugnayan mo sa Inang Kalikasan?

You might also like