You are on page 1of 7

PST Name: Keziah N.

Llenares Date of Revision: Febuary 13, 2022


Subject Mentor: Jomil Juanito Date of Teaching: February 14, 2022

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao IV

I. Layunin

Pagkatapos ng 30 –minuto na talakayan, ang mga mag-aaral sa


Ika - 4 na baitang ay inaasahang maisagawa ang mga sumusunod ng
may 85% na kahusayan:

a. nasasabi ang kahalagahan ng pag-aalaga ng kapaligiran


b. natutukoy ang mga solusyon sa iba’t ibang sitwasyon; at
c. naipapakita ang disiplina sa pag-aalaga ng kapaligiran sa
pamamagitan ng pagbabahagi ng mga solusyon

II. Paksang- Aralin

Paksa: Nagkakaisang Lahi, Mundo’y Maisasalba


Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao Kagamitan ng Mag- Aaral 4
pahina 230-238

III. Mga Kagamitan


 PowerPoint Presentation
 mga larawan ng pinto, paglilinis at maling kilos sa kalikasan

IV. Pamamaraan

A. Paghahanda

Magandang umaga mga bata! (Magandang araw po Teacher)


Maaari ko bang malaman kung handa na ang lahat para leksyon ngayong
araw? Pakipindot ang heart emoji. Magaling! Ngayon handa na ang lahat,
ano-ano ang mga bagay na dapat natin tandaan sa ating pagtatalakay sa
ating klase? ( e- mute ang microphone, pindutin ang raise and button kung
gustong sumagot, makinig at buksan ang camera) Mahusay! Maaasahan
ko ba ang lahat ng mga ito sa inyo? Thumbs up! Mabuti kung ganon.
1. Pagbabalik- Aral

Bago tayo dumako sa ating paksa ngayong araw, sino


makapagsasabi sa klase kung ano ang leksyon noong nakaraang
linggo? (Sariling disiplina sa pagsunod ng mga batas) Tama! Bakit
mahalaga ang pagsunod ng mga batas? (Dahil ito ay nagdudulot
ng katiwasayaan sa lipunan at kaunlaran ng bansa o ito ang
kakambal ng kabutihan)

2. Pagganyak

Ngayon mga bata, gusto niyo bang maglaro? (Opo)


Magaling! Ang tawag sa larong ito ay, “Pumili ng Pinto”. Mayroon
akong tatlong pinto dito. Isang pula, asul at dilaw. Tatawag ako ng
isang estudyante na gustong pumasok sa isa sa mga pintong ito at
ilarawan ang nakasaad na lugar dito. Malinaw ba? (Opo) Ngayon,
maaari na tayong magsimula.
Asul: Maaari mo bang ilarawan ang nasa asul na pintuan?
(May maraming putol na mga puno, at isa na lg ang natitira) Sa
tingin mo, ano kaya ang sanhi nito? (Pagputol ng mga mamamayan
dahil sa kakulangan ng mga kagamitan sa bahay)

Dilaw: Ano ang iyong nakikita? (Naglilinis ang mga tao)


Sang ayon ka ba sa kanilang ginagawa? (Opo) Bakit? (Dahil
pinapatili itong malinis ang ating kapaligiran)

Pula: Ano ang iyong masasabi sa larawan? (May mga


nakakalat ng basura sa dalampasigan) Nakakita ka na ba ng
kagaya ng ganitong kadumi na dalampasigan? (Opo) Ano sa tingin
mo ang sanhi nito? (Pabaya ng mga tao)

Ang mga larawan na inyong nakita ay may kinalaman sa


leksyon natin sa araw na ito. Aalamin natin ito mamaya.

B. Paglalahad
Sa oras na ito, may ibabahagi akong isang tula sa inyo. Pamilyar
ba kayo sa isang tula? (Opo) Mabuti. Ngunit bago tayo magsimula, ano-
ano ang dapat niyong tandaan habang tayo ay nagbabasa ng isang tula?
(Makinig at isulat ang mga mahahalagang impormasyon) Tama! Handa
na ba ang lahat? (Opo)

Disiplina para sa Kapaligiran

Damhin ang amihang may samyo ng mga bulaklak;


Iwaglit ang lumbay, mangarap at ngumit sa tuwi- tuwina;
Sa kapaligiran ialay ang lugod na abot hanggang alapaap;
Iwasan ang pagyurak, pagsira at paggahasa sa Kalikasang Ina;
Panuntunan ay sundin at mga batas na sa ati’y pinaiiral;
Lingapin para sa kapuluan, kalawakan, karagatan at kalipi;
Isipin muna ang gagawin, kalikasa’y lagging isaalang- alang;
Nasa disiplina ng tao upang mundo’y laging may ngiti.
Araw- araw ang kalinisan at kaayusan kahit saan mang lugar;
Dapat isaisip, isapuso at isagawa ng matanda man o bata;
O, kay saya ng lahat, may disiplina para sa kapaligiran!
C. Pagtatalakay

Naunawaan niyo ba ang tula? (Opo) Magaling.

1. Ano ang paksa ng tula? (Disiplina para sa Kapaligiran)

2. Base sa nabasa nating tula, ano ang dapat natin iwasan? (Dapat natin
iwasan ang pagyurak, pagsira at paggahasa sa kalikasang ina)

3. Ano naman dapat ang ating sundin? (Nararapat na sundin ang mga
batas) Bakit? (Upang ang kapaligiran ay maalagaan nang mabuti at
magbunga ang kaunlaran ng ating kalikasan)

4. Base sa tula, sino-sino dapat ang magsagawa ng pangangalaga ng


ating kalikasan? (Mga bata man o matanda)

5. Ano ang gustong iparating na mensahe ng tula para sa ating lahat?


(Dapat tayo ay maging disiplinado sa pag- aalaga ng ating kapaligiran)

D. Paglalahat

1. Ngayon mga bata, sa tingin ninyo, mahalaga ba ang kalinisan? (Opo)


Bakit? (Dahil ang pagiging malinis ay isa ring disiplinang pansarili na
nagbubunga ng kabutihan at kagandahan sa sarili, sa kapwa, sa
lipunan at lalong- lalo na sa kalikasan.)

2. Nasabi niyo kanina na ang mensahe ng tula ay ang pagiging


disiplinado. Mahalaga ba ang may disiplina sa sarili? (Opo) Bakit?
(Dahil hindi na kailangang may mag- utos pa kung kinakailangan.)
3. Sa anong paraan kaya natin maipapakita ang ating disiplina sa sarili
patungkol sa kalinisan? (Ang paglilinis ng paligid sa paaralan, sa
kalsada, o sa tahanan man ay isang kalugod- lugod na disiplinang
pansarili)

4. Ano ang mabilis na paraan upang unting manumbalik ang sigla ng


ating kalikasan? (Dapat tayo ay magtulungan sa paglilinis ng
kapaligiran)

Hindi dapat natin kalimutan ng bawat isa ang napakalaking


trahedya na naidulot ng mga bagyo katulad ng Bagyong Yolanda
sa Kabisayaan. Marami ang nawalan ng ari- arian, kinabukasan, at
buhay sa nangyaring napakalakas na bagyo na naglala ng
pinakamalakas naa hangin at pinakamalaking pinsala sa
kasaysayan ng Pilipinas. Iisa ang dahilan ng mga eksperto sa
nangyaring ito. Dahil daw sa nagbabagong atmospera at klima ng
ating mundo dulot ng pagkasira ng kalikasan.

Hindi na dapat itanong pa kung sinno ang ma kagagawan ng


pagkasirang ito dahil ang bawat isa ay may kontribusyon sa
suliraning ito.

Nasa bawat isa rin sa ating ang ikapaghilom ng mga sugat at


pagkasira sa ating kalikasan. Ito ay ang pag sama-sama at tulong-
tulong na pagkilos at pagsunod sa batas na ipinapatupad para sa
kalinisan ng ating kapaligiran. Malinaw ba? (Opo)
E. Paggamit

Panuto: Ibahagi kung paano mo maipapakita ang pagiging disiplinado sa pag-


aalaga ng kapaligiran sa mga ipinapakitang larawan.

1.

2.

3.

4.

5.

,
V. Pagbibigay- Halaga

Narito ang pagsusulit na kailangan ninyong sagutin. E po-post ko lamang ito


sa MS Teams pagkatapos ng klase. Babasahin ko muna ang panuto.

Panuto: Basahin at intindihin nang mabuti ang mga sitwasyon. Pindutin ang
masayang mukha kung ito ay nagpapakita ng pagiging disiplinado sa
pag-aalaga ng kapaligiran at malungkot na mukha kung hindi.
________1. Si Rosa ay kumakain ng ice cream habang naglalakad sa tabi ng
kalsada. Pagkatapos kumain, hinanap niya ang basurahan para itapon ang
mga stick na kanyang nagamit. Dahil walang nakitang basurahan, bigla na
lang niyang itinapon ito dahil wala naman daw nakakakita.

________2. Si Ana ay kakauwi lamang galing sa paaralan. Sa kanyang pag-


uwi ay tinulungan niya ang kanyang ina sa pagwawalis ng mga basura sa
kanilang bakuran. Nilinisan nila ito nang mabuti at itinapon ang mga kalat sa
basurahan.

________3. Sina Mark at Jay ay nagkaroon ng munting salo-salo sa isang


parke. May dala silang mga pagkain at mga inumin. Nang matapos sila sa
pagkain, iniwan lamang nila ang kanilang mga kalat at ang iba sa mga ito ay
nadala na ng hangin at kung saan na napapadpad.

________4. Si Tatay Erni ay isang mangingisda. Sa paghuli ng isda, kasama


niya ang iba pa niyang mga kumpare. Dala dala nila ang mga pinagbabawal
na dinamita sa paghuhuli ng isda. Dahil dito, agad silang nakakuha ng
maraming isda at may mapapakain para sa kanilang pamilya.

________5. Si Roque ay isang mag-aaral ng ikaapat na baitang. Naisipan


niyang makilahok sa organisasyon na makakatulong sa pagtatanim ng mga
puno sa kanilang lugar. Dahil dito, naging malaking tulong ito sa kanilang
lungsod at naiwasan ang pagtaas ng baha.

You might also like