You are on page 1of 4

EXPLICIT TEACHING ON FILIPINO 1

December 12, 2018 WEDNESDAY


8:25-9:15

I. Layunin:
Nasasabi ang mensahe ng isang babala

II. PAKSA AT KAGAMITAN


a. Paksa: Mga mensahe ng mga babala
b. Kagamitan: Powerpoint Presentation, larawan, tsart
c. Sanggunian:
CG: F1PS-IIIe-9 TG: 34-35 ; LM: pp.72-77

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang gawain
1. Pagsasanay:
Basahin ang maikling talata:
May isang batang kumakain ng sorbetes. Nakita siya ng isang batang pulubi at
humingi siya. Binigay niya sa batang pulubi ang sorbetes at nakipagkaibigan siya.

Bilangin ang mga salita sa loob ng maikling talata.

2. Balik-Aral:
Tukuyin ang salitang kilos sa mga pangungusap.
1. Umakyat si Boni sa puno ng bayabas.
2. Si Alan ay naglilinis ng kanyang kwarto.
3. Maraming mga ibon ang lumilipad tuwing umaga.

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak
Makinig sa isang kuwento:

May magkakaibigan na namamasyal sa plasa. Habang naglalakad sila may nakita silang silang mga
simbolo sa kalsada. Itanong sa mag-aaral:
 Nakita niyo na ba ang mga simbolong ito?
 Saan ito nakikita?
 Ano ang mga ibig sabihin nito?

2. Paglalahad
Mailalarawan ang mga mensahe ng bawat babala na ipapakita. (MAPEH Integration)

Bawal ang manigarilyo Bawal ang pumitas ng bulaklak

Bawal magtapon ng basura Bawal ang tumawid

3. Modeling

Maipapakita ng guro sa mga mag-aaral kung paano maiuugnay ang mga simbolo at mensahe
nito. Mairarawan ng guro ang kahalagahan ng mga babala sa paligid.

1. Kapag nakakita ka ng simbolong ito sa kalsada,


ibig sabihin bawal kang tumawid. Anong mangyayari kapag
hindi mo ito sinunod?

2. Kapag nakita mo ang simbolong ito,ibig sabihin


Bawal kang mag-ingay. Bakit kailangan itong sundin?

4. Guided Practice
Stepping Game: Maglalagay ng mga larawan ng babala ang guro sa sahig. Babasahin ng guro ang
ibat-ibang mensahe ng babala. Aapakan ng mga bata ang larawan ng inilalarawan ng mensahe.
(Mga dapat alalahanin sa laro: Huwag magtutulakan at huwag magsisigawan. Ang makakasagot ng tama
ay makakatanggap ng premyo.)

1. Bawal ang pumitas ng bulaklak

2. Bawal ang mang-away

3. Bawal gumamit ng telepono

4. Bawal ang magtapon ng basura

5. Pangkatang Gawain

Papangkatin ang klase sa apat. Bawat pangkat ay magtutulungan na sasagutin ang ibibigay na
mga Gawain.
Gawain:
Pangkat isa: Gumuhit ng tatlong babala sa isang malinis na cartolina. Kulayan ito

Pangkat dalawa- Ilarawan at sabihin ang nais ipabatid ng mga babala na iginuhit ng Pangkat-isa

Pangkat tatlo- Pagtambalin ang larawan ng babala sa mensaheng nais ipabatid nito

Pangkat apat- Basahin ang mga mensahe sa isang papel at ituro sa pisara ang tamang babala na dapat
sundin

5. Paglalahat

Bakit mahalagang sundin ang mga babala? Ano ang maaaring mangyari kung hindi mo susundin ang mga
babala?

IV. Pagtataya

Sabihin ang mensahe ng mga babala .Piliin ang tamang sagot.

1. A. bawal ang mag-ingay

2. B. bawal ang magtapon ng basura


3. C. bawal ang mang-away

4. D. bawal gumamit ng telepono

5. E. bawal pumitas ng bulaklak

V. Pag-insayuhin

Lagyan ng tamang simbolo ang bawat babala na makikita sa mga larawan. Gupitin ito at idikit sa ibaba ng
mensahe.

Bawal ang Bawal ang


Bawal ang
manigarilyo pumitas ng
mang-away
bulaklak

You might also like