You are on page 1of 2

Department of Education

Region III
Schools Division of Bulacan
Sta. Maria East District
BUENAVISTA ELEMENTARY SCHOOL
Buenavista, Santa Maria, Bulacan

Banghay Aralin sa Filipino 2


Inihanda ni Darrelyn M. Franco

I. Mga Layunin:
Sa loob ng 50 minuto, ang mga mag- aaral ay inaasahang :
a. Nakikilala ang mga salitang may kambal katinig na kl,ts,gl,pr at gr .
b. Nababasa at nabibigkas ng wasto ang mga salitang may kambal katinig o klaster
c. Naipahihiwatig ang kahalagahan nang wastong pagbigkas ng mga kambal katinig.
II. Paksang Aralin:
A. Paksa: Gawain: Klaster o Kambal Katinig
B. Kagamitan: Powerpoint Presentation, Projector.
C. Sanggunian: Ang Bagong Batang Pinoy Filipino 2 LM pahina 276-279
TG Yunit 3 pahina
Mga larawan, meta strips

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagganyak
Drill
1. Gallery walk --Hatiin ang mga bata sa anim na pangkat. Sa loob ng 10 minuto, susulat ang mga
bata ng mga salitang nakikita nila . Bawat dalawang minuto, sa hudyat ng guro lilipat sila sa
ibang istasyon. Isulat ang pangalan ng mga larawang makikita sa bawat istasyon.

Station 1. Mga salitang may kambal katinig na kl- klase, klima,


Station 2. Mga salitang may kambal katinig na ts-tsinelas,tsokolate
Station 3. Mga salitang may kambal katinig na gl-globo,
Station 4. Mga salitang may kambal katinig na pr-preso,prinsipe,prinsesa,prutas
Station 5. Mga salitang may kambal katinig na pl-pluma,plorera,plasa,plantsa,
Station 6. Mga salitang may kambal katinig na gr-grado,gripo,groto,grasa

B. Paglalahad ng Paksa
May nakahandang mga salitang nakasulat sa meta strips. Isa- isang ipabasa sa mga bata
ang mga salita . Pagkatapos,ilagay ito sa pisara. Tumawag ng mag-aaral at ilagay sa
tamang hanay ang mga salita.

kl ts gl pr pl gr

klase tsinelas globo preso plantsa grado


klima tsokolate prinsipe pluma gripo
tseke prinsesa plasa grotto

C. Paglalahat:

Ang kambal katinig o klaster ay binubuo ng dalawang magkasunod na katinig sa loob


ng unang pantig ng salita. Isinusulat ang mga ito nang may tamang espasyo ng mga
letra.

Kung ang salitang may kambal katinig ay tiyak na ngalan, ito ay nagsisimula sa
malaking letra at kung ito ay di-tiyak, nagsisimula ito sa maliit na letra.

Paano binibigkas ang mga kambal katinig ? ( may iisang tunog )


Bakit kailangan nating basahin nang wasto ang mga salitang may kambal katinig ?
Ano-ano ang mga kambal katinig?
D. Paglalapat:

Isulat ang kambal katinig na makikita sa bawat salita.

1. gripo
2. plantsa
3. klima
4. prutas
5. tsinelas

IV. Pagtataya:
Kilalanin ang mga salita. Lagyan ng tsek(/) ang patlang kung ang salita ay may kambal
katinig at ekis(x) kapag hindi.
___ 1. klase ___ 6. kalabasa
___ 2. plato ___ 7. polo
___ 3. grasa ___ 8. garapon
___ 4. palabas ___ 9. plasa
___ 5. krema ___ 10. preso

V. Takdang Aralin:
Magdala ng tatlong bagay na ang salita ay may kambal katinig.

Prepared by: Checked by:


Darrelyn M. Franco Mrs. Veralyn E.Cruz
Grade 2 Adviser Principal I

You might also like