You are on page 1of 5

Oras

Aralin 99

I. Paksa
Word problems involving time using calendar
II. Layunin
Nakasasagot ng mga payak na suliranin na may kinalaman sa panahon
gamit ang kalendaryo
III. Kinakailangang Kaisipan at Kasanayan
Paghahanap ng haba ng oras/panahon na nakalipas gamit ang kalendaryo
IV. Sanggunian/Kagamitan
Sanggunian:
Mathematics K to 12 Curriculum Guide p. 24
Teacher’s Guide pahina 347 -350
Teacher’s Manual pahina 242-243
Kagamitan:
1. Show me board
2. kalendaryo
V. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
Gamit ang kalendaryo, ipasulat sa mga bata ang petsa ng mga
nasabing okasyon o pagdiriwang.
a. Pasko
b. Araw ng mga Santo/Patay
c. Bagong Taon
d. Araw ni Rizal
e. Araw ng Manggagawa
f. Araw ng Kalayaan
2. Balik-Aral
Gamit ang kanilang show me board,sabihin sa mga bata na isulat
nila dito ang sagot sa mga tanong.
Ilang araw ang nakalipas,
Ø simula Pasko hanggang Bagong Taon?
Ø simula Araw ng Manggagawa hanggang Araw ng Kalayaan?
Ø simula Araw ng mga Patay hanggang sa Araw ni Rizal?
Ilang buwan ang nakalipas?
Ø simula Pebrero hangang Marso?
Ø simula Hunyo hanggang Nobyembre?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Ipakita ang larawan ng isang bata na papasok sa paaralan.
Itanong ang sumusunod:
a. Saan kaya pupunta ang mga bata?
b. Sa anong mga araw ka pumapasok?
c. Ilang araw kang pumapasok sa eskuwelahan?
d. Ilang araw kang di pumapasok sa paaralan?
2. Paglalahad
a. Concrete
Ipakita ang larawan ng isang bata na magbabakasyon. Ilahad ang
suliranin na nakasulat sa pisara.
Araw ng bakasyon. Si Rico ay gustong
magbakasyon sa Tagaytay City. Kasama ang kanyang
mga kaibigan, nanuluyan sila simula Abril 15 hanggang
Mayo 5.Ilang lingo silang nanatili sa Tagaytay?

Gabayan ang mga bata sa pagsagot gamit ang mga hakbang na


ito:
- Guhitan ang tanong sa suliranin.
- Isulat ang tanong sa pasalaysay.
( Si Rino at ang mga kaibigan niya ay nagbakasyon ng
_____linggo sa Tagaytay?
- Detalye para masagot ang mga tanong:
- Ano ang gagawin mo para masagot ang mga tanong?
(hayaan ang mga bata na mag-isip kung paano
masasagot ang suliranin)
Posibleng solusyon

- Ano ang sagot?


( Si Rino at ang mga kaibigan niya ay nagbakasyon ng
tatlong linggo sa Tagaytay.)
b. Pictorial
Kopyahin ang suliranin sa loob ng kahon. Sabihin sa mga bata na
iguhit ang kalendaryo sa buwan ng Enero at Pebrero. Gamitin ang
kalendaryo para makuha ang sagot.

c. Abstract
Sagutin ang mga suliranin.
1. Si John at si Jane ay magkikita pagkatapos ng limang araw
pagkatapos ng Lunes. Anong araw sila magkikita?
2. Buwan ng Enero. Ilang buwan ang nakaraan hanggang Agosto?
3. Ipinanganak si Karina noong Pebrero. Ilang buwan siya
pagdating ng Oktubre?

3. Karagdagang Gawain
Basahin at sagutin ang sitwasyon sa ibaba. Ipakita at ipaliwanag
ang paraan kung paano makuha ang sagot.
Ang Tatay ni Boy ay nagtrabaho sa bukirin ni Don Luis sa loob
ng 3 buwan.
- Kailan ang huling buwan niyang nagtrabaho sa bukirin kung
siya ay nagsimula ng buwan ng Marso?
4. Paglalapat

Mga Tanong:
a. Kung ang huling buwan na nagkita ang magkaibigan ay Hulyo,
anong buwan nangyari ang pag-uusap na ito?
b. Kung Setyembre 7 ibinigay ang proyekto, anong petsa ito
natapos ni Emy?
c. Anong mabuting ugali mayroon si Emy? Bakit?

5. Paglalahat
Sa pagsagot ng suliranin tungkol sa oras gamit ang kalendaryo,
1. Guhitan ang tanong.
2. Isulat muli ang tanong sa pasalaysay na sagot.
3. Sabihin muli ang suliranin na nakatuon sa mahahalagang
detalye upang mahanap ang sagot.
4. Mag-isip ng tamang proseso o equation ang maaaring gagamitin
sa paghahanap ng sagot , at
5. Bigyan ng kasagutan ang suliranin.
VI. Pagtataya
Basahin at sagutin ang tanong.
1. Si Sheila ay ipinanganak noong Oktobre 3, 2005. Ilang taon siya sa
Oktubre 3, 2025?
2. Ang Tatay ni Rolan ay 30 taong gulang nang siya ay ipinanganak. Ilang
taon ang tatay niya nang siya ay 7 taong gulang?
3. Tuwing ikatatlong buwan, si Belinda ay dumadalaw sa kanilang lolo sa
ibayong bayan. Ilang beses dumalaw si Belinda sa kanilang Lolo sa
loob ng isang taon?
Mga sagot:
1. 20 taong gulang
2. 37 taong gulang
3. 4 na beses
VII. Takdang-Aralin
Basahin ang talata sa loob ng kahon. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Si Liza ay nagsimulang magturo sa ikalawang baitang noong


Hunyo , 2002. Pagkatapos ng 2 taon, siya ay inilipat sa ikaanim na
baitang.
Noong 2009, siya ay umalis sa pagtuturo upang pamunuan ang
itinayong negosyo ng kanilang pamilya.

Mga tanong:
1. Ilang taong nagturo si Liza sa ikalawang baitang? Sa ikaanim na
baiting?
2. Bakit siya nagdesisyong lumipat ng trabaho?
3. Nais mo rin bang maging guro? Bakit?
4. Kung ikaw si Liza, aalis ka rin ba sa pagtuturo? Bakit?

You might also like