You are on page 1of 29

KAGAWARAN NG EDUKASYON

SANGAY NG LUNGSOD NG JOSE DEL MONTE


San Ignacio St., Poblacion, City of San Jose del Monte 3023
1
Mathematics
Kwarter 4 – Unang Linggo
Pagsasabi ng mga Araw sa
Isang Linggo at mga Buwan sa
Isang Taon sa Wastong
Pagkasunod-sunod
Mathematics – Ikaunang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat Markahan – Modyul: 1
Pagsasabi ng mga Araw sa Isang Linggo at mga Buwan sa Isang Taon sa Wastong
Pagkasunod-sunod

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
1

Mathematics
Kwarter 4 – Unang Linggo
Pagsasabi ng mga Araw sa
Isang Linggo at mga Buwan sa
Isang Taon sa Wastong
Pagkasunod-sunod

Kagawaran ng Edukasyon • Republika ng Pilipinas


Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sap ag-aaral ng mga mag-aaral
sa kani-kanilang tahanan.

Ito at may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
Gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Kagawaran ng Edukasyon • Republika ng Pilipinas


Alamin

CONTENT STANDARD
The learner demonstrates understanding of time and
non-standard units of length, mass and capacity.
PERFORMANCE STANDARD
The learner is able to apply knowledge of time and
non-standard measures of length, mass, and capacity in
mathematical problems and real-life situations.
MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES
 The learner tells the days in a week; months in a year
in the right order.

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin:


 Aralin 1 – Mga Araw sa Isang Linggo
 Aralin 2 - Mga Buwan sa Isang Taon
Narito ang mga inaasahan layuning dapat mong makamit
pagkatapos ng araling.
 Nasasabi ang mga araw sa isang linggo sa wastong
pagkakasunod-sunod.
 Nasasabi ang mga buwan sa isang taon sa wastong
pagkakasunod-sunod.

2
Subukin

Magandang araw! Handa ka na bang matuto


ngayong araw? Subuking sagutin ang inihanda kong
gawain upang masukat ko ang iyong kaalaman sa ating
paksang pag-aaralan.

Panuto: Basahin mabuti ang bawat tanong. Isulat sa


sagutang papel ang iyong sagot.

1. Ilang araw mayroon sa isang linggo?


a. pito b. walo c. siyam

2. Ano ang unang araw sa isang linggo?


a. Sabado b. Linggo c. Biyernes

3. Kung Martes ngayon,ano ang araw pagkalipas


ng dalawang araw?
a. Miyerkules b. Huwebes c. Biyernes

4. Anong buwan ang nasa pagitan ng Hunyo at Agosto?


a. Hulyo b. Mayo c. Marso

5. Ano ang huling buwan sa isang taon?


a. Enero b. Hunyo c. Disyembre

3
Aralin Mga Araw sa Isang Linggo
1

Balikan

Balikan muna natin ang natutuhan mo sa nakaraang


modyul sa pamamagitan ng pagsagot sa gawaing nasa
ibaba.

Panuto: Kumpletuhin ang pamilang na pangungusap.


Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot. Gawin ito sa
kuwaderno.

4
Tuklasin

Kumusta? Kayo ba ay may mga nakatakdang


gawain para sa bawat araw? Ngayong araw, kilalanin
natin ang batang si Ana. Katulad mo, siya rin ay nasa
unang baitang. Alamin natin ang mga bagay na
ginagawa niya sa loob ng isang linggo. Halina at basahin
natin ang maikling kuwento.

Linggo, maagang Lunes, masaya siyang


gumising si Ana dahil ito pumasok sa paaralan. Ito
ang araw ng kanilang ang unang araw ng klase
pagsamba. niya.

Martes, siya ay buong Miyerkules, siya ay


siglang nagbasa ng tula matiyagang nagsulat ng
sa harap ng kanyang kanyang aralin sa
mga kaklase. kuwaderno.

5
Huwebes, masiglang Biyernes, buong husay
binigkas ni Ana ang mga niyang ginuhit ang
bilang. gawaing pinapagawa ng
guro.

Sabado ang pinakasayang


araw ni Ana. Sa wakas,
makakapaglaro na siya
kasama ang kanyang mga
kaibigan.

Mula sa kuwentong binasa, sagutin ang mga sumusunod


na tanong. Isulat sa sagutang papel ang wastong sagot.
1. Sino ang batang nasa kuwento?
___________________________________________________
2. Anong araw sila sama-samang nagsisimba?
___________________________________________________

6
3. Anu-anong mga araw siya pumapasok sa
paaralan?
___________________________________________________
4. Anong araw siya nagbabasa?
___________________________________________________
5. Ano ang ginanagawa niya tuwing Sabado?
___________________________________________________

Suriin
Suriin natin ang mga gawain ni Ana sa loob ng isang
linggo. Ano ang pinapakita ng larawan? Kaya mo ba
itong isa-isahin?

Mga Araw sa Mga Gawain ni Ana sa loob ng


Isang Linggo Isang Linggo

Linggo

Lunes

7
Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

8
Pinapakita ng talaan ang mga araw sa isang linggo. May
pitong araw sa isang linggo. Linggo ang unang araw sa
isang linggo. Ito rin ang araw ng pagsamba. Tuwing Lunes
hanggang Biyernes ang mga mag-aaral ay nag-aaral ng
kanilang aralin sa Modular Distance Learning o kaya
dumadalo sa Online Class. Sabado ang huling araw sa
isang linggo. Ito rin ang araw ng pamamahinga sa mga
gawaing pampaaralan.

Pagyamanin

Sagutan ang mga gawain na makikita sa ibaba upang


mas mapagtibay ang iyong kaalaman at pang-unawa sa
aralin.
Gawain 1
Panuto: Kumpletuhin ang loob ng kahon. Isulat sa
sagutang papel ang hinihinging ngalan ng araw.
Kahapon Ngayon Bukas
Sabado 1. Lunes
2. Miyerkules Huwebes
Huwebes Biyernes 3.
Martes 4. Huwebes
5. Sabado Linggo

Gawain 2
Panuto: Piliin ang hinihinging ngalan ng araw. Isulat sa
sagutang papel ang tamang sagot.
1. ____________, Martes, Miyerkues
Huwebes Lunes Linggo
2. Lunes __________, Miyerkules
Martes Miyerkules Biyernes
9
3. Lunes, Martes,____________
Sabado Huwebes Miyerkules
4. ____________, Biyernes, Sabado

Martes Huwebes Linggo

5. Huwebes, ____________, Sabado

Lunes Miyerkules Biyernes

Isaisip

Basahin at tandaan ang tamang pagkasunod-sunod


ng mga araw sa isang linggo sa tulong at gabay ng
nakakatandang kasapi ng pamilya.

May pitong (7) araw sa loob ng isang linggo.


Ang pagkasunod-sunod ng mga araw ay:
Una - Linggo
Pangalawa - Lunes
Pangatlo - Martes
Pang-apat - Miyerkules
Panlima - Huwebes
Pang-anim - Biyernes
Pampito - Sabado.
Linggo ang unang araw sa isang linggo at Sabado ang
ikapitong araw sa isang linggo.

10
Isagawa

Binabati kita sa iyong pagpapatuloy. Upang lalong


maunawaan ang aralin tungkol sa mga araw sa isang
linggo, ipagpatuloy mo pa ang pagsagot sa susunod na
gawain.

Panuto: Ayusin ang tamang pagkasunod-sunod ng mga


araw sa isang linggo. Piliin ang tamang sagot sa loob ng
kahon. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

Biyernes Miyerkules Lunes Sabado


Huwebes Martes Linggo

1. Una ________________________________
2. Pangalawa ________________________________
3. Pangatlo ________________________________
4. Pang-apat ________________________________
5. Panlima ________________________________
6. Pang-anim _________________________________
7. Pampito _________________________________

11
Aralin Mga Buwan sa Isang Taon
2

Balikan

Sa Aralin 1, natutuhan mo na may pitong araw sa


isang linggo at napag-aralan mo din ang wastong
pagkasunod-sunod nito. Kaya bago ka magpatuloy sa
ating bagong aralin, halina at sagutan mo muna ang
gawain sa ibaba upang malaman ko ang natutuhan mo
sa nagdaang aralin.

Panuto: Ayusin ang mga araw sa isang linggo sa kaliwa


mula una hanggang huli. Isulat mo ang mga ito sa mga
patlang sa kanan.Gawin ito sa iyong kwaderno.

Sabado 1. ________________________________________

Martes 2._________________________________________
Biyernes
3._________________________________________
Miyerkules
4._________________________________________
Linggo
5._________________________________________
Huwebes
Lunes 6._________________________________________

7.________________________________________

12
Tuklasin

Handa ka na bang matuto at pag-aralan ang mga


buwan sa isang taon? Anu-anong pagdiriwang ang alam
mong ipinagdiriwang sa bawat buwan? Halina at sabay
nating pag-aralan ang mga buwan sa isang taon at mga
buwan ng pagdiriwang gamit ang kalendaryo.
KALENDARYO 2021

13
Tignan at Pag-aralan ang mga buwan ng pagdiriwang
gamit ang kalendaryo na nasa itaas.

Bagong Taon Araw ng mga Puso

Enero 1 Pebrero 14

Araw ng Kalayaan Buwan ng Nutrisyon


Hunyo 12 Hulyo

Buwan ng Wika Araw ng mga Patay

Agosto Nobyembre 1
14
Sagutin natin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat
ang wastong sagot sa iyong sagutang papel.

1. Anong petsa ipinagdiriwang ang Bagong Taon?


_____________________________________________________
2. Ano ang ipinagdiriwang tuwing ika-12 ng Hunyo?
______________________________________________________
3. Anong pagdiriwang mayroon sa buwan ng Hulyo?
______________________________________________________
4. Anong buwan ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika?
______________________________________________________
5. Anong buwan pumupunta sa sementeryo upang
dalawin ang mga mahal sa buhay na pumanaw na?
______________________________________________________

Suriin

Halina at suriin natin ang wastong pagkasunod-sunod ng


mga buwan sa loob ng isang taon.
Kalendaryo ang ginagamit para malaman ang wastong
pagkasunod-sunod ng mga buwan sa isang taon. Ang
isang taon ay binubuo ng labing dalawang buwan (12).
Basahin natin ang mga buwan sa isang taon na makikita
sa loob ng kahon.
Mga Buwan sa Isang Taon
Una - Enero Pampito - Hulyo
Pangalawa - Pebrero Pangwalo - Agosto
Pangatlo - Marso Pansiyam - Setyembre
Pang-apat - Abril Pansampu - Oktubre
Panlima - Mayo Panlabing-isa - Nobyembre
Pang-anim - Hunyo Panlabing-dalawa - Disyembre

15
 May mga buwan na may tatlumpung (30) araw.
Ito ay ang mga buwan ng Abril, Hunyo, Setyembre at
Nobyembre.
 May mga buwan din na may tatlumpu’t isa (31) na
araw. Ito ay ang mga buwan ng Enero, Marso, Mayo,
Hulyo, Agosto.
 Ang buwan Pebrero ay may 28 na araw. Ito’y
nagiging 29 tuwing ikaapat na taon.

Ang bawat buwan ay may iba't ibang pagdiriwang.


Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
 Enero 1 - ipinagdiriwang ang Bagong Taon .
 Pebrero 14 - ipinagdiriwang ang Araw ng mga Puso.
 Hunyo 12 - ipinagdiriwang ang Araw ng
Kalayaan.
 Hulyo - ipinagdiriwang ang pagbibigay halaga
sa kalusugan o Buwan ng Nutrisyon.
 Agosto - ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika.
 Nobyembre1-ipinagdiriwang ang Araw ng mga Patay
bilang pag-alala sa mga mahal sa buhay na
pumanaw na.

16
Pagyamanin

Sagutan mo ang mga gawain na makikita sa ibaba upang


mas mapalalim ang iyong pang-unawa at kasanayan sa
aralin.
Gawain 1
Panuto: Isulat ang buwang tinutukoy sa bawat
larawan.Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang
tamang sagot sa sagutang papel.

Hunyo Nobyembre Hulyo


Enero Pebrero

1._______________ 2. _______________ 3.______________

4.________________ 5. ________________

17
Gawain 2
Panuto: Piliin ang tamang buwan na tinutukoy ng bawat
bilang. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang unang buwan sa isang taon?


(Enero, Marso, Abril)
2. Anong buwan bago ang Marso?
( Pebrero, Abril, Mayo )
3. Anong buwan pagkatapos ng Hunyo?
(Mayo, Hulyo, Agosto)
4. Anong buwan ang nasa pagitan ng Oktubre at
Disyembre?
(Agosto, Setyembre, Nobyembre)
5. Ano ang ikalabing dalawang buwan sa isang taon?
(Oktubre Nobyembre, Disyembre)

Isaisip

Kalendaryo ang ginagamit para malaman ang wastong


pagkasunod-sunod ng mga buwan sa isang taon. Ang
isang taon ay binubuo ng labindalawang (12) buwan. Ang
mga ito ay:
Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo
Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre,
Oktubre, Nobyembre at Disyembre
Ang bilang ng mga araw sa bawat buwan ay di pare-
pareho. May mga buwang may 28, 30 at 31 na araw.

18
Isagawa

Upang matiyak mo kung talagang naintindihan ang


araling pinag-aralan, sagutin mo ang gawain na makikita
sa ibaba.
Panuto: Pagsunod-sunorin ang mga buwan sa isang taon.
Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

Pebrero Setyembre Abril Enero


Disyembre Marso Oktubre Hulyo
Mayo Agosto Hunyo Nobyembre

Una - __________________
Pangalawa - __________________
Pangatlo - __________________
Pang-apat - __________________
Panlima - __________________
Pang-anim - __________________
Pampito - _________________
Pangwalo - __________________
Pansiyam - __________________
Pansampu - __________________
Panlabing-isa -__________________
Panlabing-dalawa - _____________

19
Tayahin

Ngayong natapos mo na ang mga aralin, sagutan ang


gawain sa ibaba upang masukat ang antas ng pagkatuto
mo sa mga araling pinag-aralan sa modyul na ito.
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod. Piliin at
isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Anong mga araw ka pumapasok sa paaralan?
a. Sabado at Linggo
b. Linggo,Lunes , Martes at Miyerkules
c. Lunes,Martes,Miyerkules ,Huwebes at Biyernes

2. Ano ang huling araw sa isang linggo?


a. Linggo b. Sabado c. Biyernes

3. Ilang buwan mayroon sa isang taon?


a. labing isa b. labing dalawa c. labing tatlo

4. Anong buwan ipinagdiriwang ang Bagong Taon?


a. Hulyo b. Marso c. Enero

5. Anong buwan ipinagdiriwang ang Araw ng Kalayaan?


a. Hunyo b. Oktubre c. Nobyembre

20
Karagdagang Gawain

Mahusay! Matagumpay mong natapos ang mga gawain


sa modyul na ito. Alam kong natuto ka. Halina at sagutin
ang karagdagang gawain na inihanda ko upang mas
mapalalim ang iyong kaalaman sa mga natutuhan sa
aralin.
Gawain 1
Panuto: Anu-ano ang ginagawa mo sa mga araw na
makikita sa ibaba? Iguhit ito sa loob ng kahon.(3 puntos)

Lunes hanggang Biyernes

Gawain 2
Iguhit sa loob ng kahon ang paboritong mong
pagdiriwang. Isulat ang ngalan ng buwan kung kailan ito
ipinadiriwang.(2 puntos)

Buwan ng ___________

21
22
Isagawa Pagyamanin
1. Linggo Gawain 1 Gawain 2
2. Lunes 1. Linggo 1. Lunes
3. Martes 2. Martes 2. Martes
4. Miyerkules 3. Sabado 3. Miyerkules
5. Huwebes 4. Miyerkules 4. Huwebes
6. Biyernes 5. Biyernes 5. Biyernes
7. Sabado
Tuklasin Balikan Subukin
1. Si Ana 1. 6 1. a
2. Araw ng Linggo 2. 2 2. b
3. Mula Lunes 3. 3 3. b
hanggang 4. 5 4. a
Biyernes
5. 6 5. c
4. Araw ng Martes
5. Siya ay
naglalaro
Aralin 1
Susi sa Pagwawasto
23
Karagdagang Tayahin Isagawa
Gawain 1
1. c 1. Enero
1-3. Maaring iba- 2. Pebrero
2. b
iba ang sagot. 3. Marso
3. b 4. Abril
Gawain 2
4. c 5. Mayo
4-5. Maaring iba-
6. Hunyo
iba ang sagot. 5. a
7. Hulyo
8. Agosto
9. Setyembre
10. Oktubre
11. Nobyembre
12. Disyembre
Pagyamanin Tuklasin Balikan
Gawain 1 1.Enero 1 1. Linggo
1. Enero 2.Araw ng 2. Lunes
Kalayaan
2. Hulyo 3. Martes
3. Buwan ng
3. Pebrero 4. Miyerkules
Nutrisyon
4. Hunyo 5. Huwebes
4. Buwan ng
5. Nobyembre Agosto 6. Biyernes
Gawain 2 5.Buwan ng 7. Sabado
1. Enero Nobyembre
2. Pebrero
3. Hulyo
4. Setyembre
5. Disyembre
Aralin 2
Sanggunian

K-12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding


CG Codes, Curriculum and Instruction Strand, Department of Education

Ulep,Soledad A. PhD., Landrito,Lydia M., Callanta ,Edna G., Canonigo,Allan M., Ong,Dang
M., Bautista,Jr.Guillermo P., Ronda,Erlina R., Manalac, Teresita R., Nivera,Gladys, at
Remoto, Shirley, 2012, Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat
( DepEd-IMCS)
Padilla,Danilo S., Pascua,Rodrigo V., Dacuba,Lolita P., Calelao, Marivic M., Silvania,Dahlia
L. at Garlejo,Maybellene A, 2017, Department of Education-Bureau of Learning Resources
(DepEd-BLR)

24
This material was contextualized and localized by the
Learning Resource Management Section (LRMS)
SCHOOLS DIVISION OF SAN JOSE DEL MONTE

MERLINA P. CRUZ PhD, CESO VI


Officer-in-Charge
Office of the Schools Division Superintendent

ERICSON S. SABACAN EdD, CESO VI


Assistant Schools Division Superintendent

ROLANDO T. SOTELO DEM


Chief Education Supervisor
Curriculum Implementation Division

ANNALYN L.GERMAN EdD


Education Program Supervisor, LRMS

CORAZON P. LOJA
Mathematics, Education Program Supervisor

JOMALYN G. BABALCON
Graceville Elementary School
Writer

REGINE F. PAMISA
Graceville Elementary School
Illustrator

MICHAEL ANGELO B. PAGARA


Graceville Elementary School
Layout Artist

MICHAEL L. SANTOS
Bagong Buhay G Elementary School
Cover Art Designer

EMEL S. ESCOBIDO
Graceville Elementary School
Content Editor

MAYLYN G. SUNGA
Graceville Elementary School
Language Reviewer

25
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of San Jose Del Monte City –


Learning Resource Management and Development System (LRMDS)

San Ignacio Street, Poblacion, City of San Jose Del Monte, Bulacan

Email Address: lrmssdosjdmc@gmail.com

You might also like