You are on page 1of 24

1

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul 2
Epekto ng Pisikal na Kapaligiran
sa Pag-aaral
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Epekto ng Pisikal na Kapaligiran sa Pag-aaral
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat/ Tagaguhit/ Tagalapat/Editor:


Juveth J. Reyes
Jay Vee B. Violago
Francheska Mae V. Gutierrez
Mary Abigail R. Bautista
Virgilio L. Laggui
Tagasuri ng Nilalaman: Mary Abigail R. Bautista
Tagasuri ng Wika: Mary Abigail R. Bautista
Tagasuri ng Paglapat: Mary Abigail R. Bautista
Tagapamahala: Gregorio C. Quinto
Rainelda M. Blanco
Virgilio L. Laggui
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia
Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________
Department of Education – Schools Division of Bulacan
Office Address: Curriculum Implementation Division Learning
Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
1
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2
Epekto ng Pisikal na Kapaligiran
sa Pag-aaral
AP1PAA-IIIb-3
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa


kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan naman na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para


sa iyong kapakinabangan. Ito ay upang
matulungan kang unawain ang mga araling
tinatalakay sa Araling Panlipunan Baitang 1.

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw


ay:
1. Nasasabi ang epekto ng pisikal na
kapaligiran sa sariling paaralan; at
2. Natutukoy ang epekto ng pisikal na
kapaligiran sa sariling paaralan.

1
Subukin
Panuto: Anong bahagi ng paaralan ang kailangan ng
mag-aaral para sa sumusunod na sitwasyon? Isulat ang
letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang batang nag-aaral sa isang malinis at tahimik na


paaralan ay magiging_______________.
A. malungkutin
B. masayahin
C. matalino
D. palaaway
2. Sa anong uri ng silid-aralan magiging maganda ang
kalagayan ng mga mag-aaral?
A. mabaho
B. magulo
C. makalat
D. tahimik at malinis
3. Makapag-aaral ng mabuti ang isang bata sa isang
silid-aralan na_________________.
A. magulo
B. makalat
C. malinis
D. marumi
4. Sa iyong palagay, nakahahadlang ba ang sira-sirang
upuan at mesa sa pag-aaral ng mga bata?
A. hindi
B. oo
2
C. maaari
D. wala sa nabanggit

5. Alin sa mga sumusunod ang mga epekto ng pisikal na


kapaligiran na nakatutulong sa pag-aaral ng mga
bata?
A. Ang mga bata ay nagtatakbuhan sa labasan.
B. Ang paaralan ay may tahimik , malinis at maayos na
silid-aralan.
C. Maingay na daanan dahil sa mga sasakyan.
D. Nag-iingay ang mga bata sa loob ng silid-aralan.

3
Balikan

Panuto: Anong bahagi ng paaralan ang kailangan ng


mag-aaral para sa sumusunod na sitwasyon? Isulat ang
letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Nasa paaralan na si Zoey nang biglang sumakit ang


kaniyang tiyan at parang nahihilo. Saang bahagi ng
paaralan siya dapat magtungo?
A. kantina
B. klinika
C. palaruan
D. silid-aralan
2. Oras ng rises at nais nina Kiel at Jayson na bumili ng
tinapay. Saang bahagi ng paaralan sila dapat
pumunta?
A. gymnasium
B. kantina
C. palaruan
D. silid-aklatan
3. Nais ni Carla na maglaro habang hindi pa dumarating
ang kaniyang sundo. Saang bahagi ng paaralan siya
dapat pumunta?
A. palaruan
B. palikuran
C. silid-aklatan
D. silid-aralan

4
4. Sa bahaging ito ng paaralan madalas nagbabasa ng
aklat sina James at Ina. Anong bahagi ito ng
paaralan?
A. kantina
B. palikuran
C. silid-aklatan
D. silid-aralan
5. Bahagi ito ng paaralan kung saan tinuturuan ni
Gng. Reyes ang mga batang sumulat, magbilang at
magbasa.
A. kantina
B. palaruan
C. palikuran
D. silid-aralan

5
Tuklasin
Halina at tayo ay tumula.
Ang Paaralan ni Bitoy
(ni Juveth J. Reyes)
-
Ako ay nag-aaral sa aming munting paaralan
Masaya akong nakikinig,nakikilahok sa talakayan,
Magbilang at magbasa ang aking kagustuhan
Kaya ako ay masaya sa tuwing may natututunan.

Masaya ang mag-aral sa tahimik na kapaligiran


Salamat na lamang tahimik sa aming paaralan,
Ang ingay ng mga sasakyan ay hindi ko alintana
Malayo sa aming silid sumilip ka man sa bintana.

May epekto sa mag-aaral ang maingay na kapaligiran


Minsan ay hindi maintidihan ang guro sa talakayan,
Dahil dumaragdag ang ingay ng mga sasakyan
Kaya’t maging matiyaga upang may matutunan.

Unawain at sagutin ang mga tanong sa iyong sagutang


papel:
1. Saan nag-aaral ang mga bata?
2. Ano ang ingay na nakaaapekto sa pag-aaral ng
mag-aaral?
3. Ano ang pakiramdam ni Bitoy sa tuwing siya ay
nag-aaral?
6
4. Ano ang gusto ni Bitoy na matutunan sa paaralan?
5. Saan mo nais mag-aral, sa paaralang tahimik o
Maingay?

7
Suriin
Epekto ng Pisikal na Kapaligiran sa Pag-aaral

Ang paaralan ay maaaring matagpuan sa


kapatagan o kabundukan. Ito ay maaari ring makita sa
itinakdang lokasyon sa ating barangay o bayan.
Minsan ay malapit ito sa simbahan, bahay
pamahalaan, palengke, pabrika o iba pang
pampublikong lugar. Ang iba ay matatagpuang
malayo sa mga kabahayan upang makaiwas sa ingay.
Nakaaapekto ang paligid ng paaralan sa pagkatuto ng
mga mag-aaral. Mahihirapan ang mga mag-aral kung
ang paligid ay maingay at mahirap maunawaan ang
itinuturo ng guro. Ngunit kung tahimik at mapayapa ang
silid-aralan at ang mga nakapaligid dito, mas magiging
makabuluhan ang pinag-aaralan ng mga mag-aaral
dahil walang hadlang sa kanilang pagkatuto.

8
Pagyamanin
Gawain A
Panuto: Kulayan ng berde ang dahon kung ang salitang
nakapaloob dito ay nakabubuti sa pag-aaral at kulayan
ng dilaw ang dahon kung ito ay nakahahadlang sa iyong
pag-aral

malinis at tahimik na
1. paaralan

maingay at
2. nagtatakbuhan ang
mga bata
malakas na tunog na
3. galing sa kalsada

tahimik ang mga


4. bata sa silid-aralan
nagtatakbuhan ang
5. mga bata sa silid-aralan

9
Gawain B
Panuto: Saan mo nais mag-aral? Pagdugtung-dugtungin
ang mga linya na iyong napili.

Napili kong mag-aral sa paaralang ito sapagkat ito


ay_____________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

10
Isaisip
Panuto: Kulayan ng dilaw ang bituin kung ang
pangungusap ay tama at kulayan naman ng asul ang
ulap kung ito ay mali.

1. Maingay at tumatakbo ang mga mag-aaral malapit


sa inyong silid-aralan.

2. Ang mga taong nagsisimba na malapit sa inyong


paaralan ay tahimik.

3. Masarap makinig sa guro habang maingay ang iyong


kaklase.

4. Tahimik ang simbahan malapit sa iyong paaralan.

5. Malakas ang tunog ng radyo na malapit sa inyong


paaralan.

11
Isagawa
Panuto: Basahing mabuti ang kuwento upang
masagutan ang mga katanungan sa kasunod na pahina.

Si Jayson na Masayahin

Araw ng Lunes ay masayang naglalakad si Jayson


papunta sa kanilang paaralan. Ngunit dahil sa
pagmamadali niyang pumasok sa paaralan ay muntik na
siyang masagasaan ng kotse. Mabuti na lamang at
agad niya itong naiwasan. Laking pasasalamat ni Jayson
sa Diyos dahil hindi siya nasagasaan dahil mahalaga pa
naman sa kaniya ang araw na ito. Bibigyan siya ng
kaniyang guro na si Gng. Reyes ng sertipiko dahil sa
kaniyang galing sa pagsagot sa kanilang klase kahit na
laging maingay sa kanilang paaralan dahil malapit ang
tinatayuan ng paaralan nila sa kalsada. Pagkatapos ng
klase ni Jayson ay naging alisto na siya sa paglalakad
pauwi sa kanilang bahay.
12
Panuto: Piliin ang letrang tamang sagot at isulat ito sa
iyong sagutang papel.

_______1. Ano ang pangalan ng bata sa kuwento?


A. Jayson
B. Jay Vee
C. Mrs. Reyes
D. Sisa

_______2. Ano ang maaring epekto sa pag-aaral ng mga


mag-aaral kung tahimik ang kapaligiran?
A. Aayaw nang mag-aral ang mga bata.
B. Babagal ang pagkatuto ng mga bata.
C. Magiging mahusay ang mga bata.
D. Mawawalan ng disiplina ang mga bata.

_______3. Anong sasakyan ang muntik ng makasagasa sa


kaniya?
A. ambulansya
B. kotse
C. motor
D. trak

_______4. Ano ang dahilan kung bakit laging maingay sa


paaralan ni Jayson?
A. malapit sa kalsada ang kanilang paaralan
B. malapit sa palengke ang kanilang paaralan
C. malapit sa simbahan ang paaralan
D. malapit sa ospital ang paaralan

13
_______5. Bakit may sertipiko si Jayson?
A. dahil mabait siya sa klase
B. dahil magaling siya sa pagsagot sa klase
C. dahil magaling siya sa pagtakbo
D. dahil muntik na siyang masagasaan

14
Tayahin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa


iyong sagutang papel.

1. Nahihirapan si Ceejay sa kanyang aralin dahil sa


naririnig niyang_______na nagmumula sa mga
sasakyan na malapit sa kanilang paaralan.
A. busina
B. iyakan
C. kidlat
D. usok

2. Ang mga nakapaligid sa _____ ay nakakaapekto sa


pagkatuto ng mga mag-aaral .
A. ospital
B. paaralan
C. palengke
D. simbahan

3. Kung ang paligid ng paaralan ay ____,mahihirapan


ang mga mag aaral na maunawaan ang kanilang
aralin.
A. maingay
B. maganda
C. malinis
D. tahimik

15
4. Magiging mabilis at makabuluhan ang pagkatuto ng
mag-aaral kung _____ang silid aralan.
A. mabaho
B. maingay
C. marumi
D. tahimik

5. Ang paaralan ay matatagpuan sa itinakdang lugar


sa barangay o bayan, kabundukan at _____.
A. kapatagan
B. munisipyo
C. palaruan
D. simbahan

16
Karagdagang Gawain
Panuto:Hanapin sa ulap ang mga bagay na nakaaapekto
sa pag-aaral. Isulat ang letra ng tamang sagot sa loob
ng bilog sa iyong sagutang papel.

A. maingay na kalsada
B. malakas na radyo ng
kapitbahay
C. malayo ang paaralan
sa ingay
D. nagtatakbuhan at
nag-iingay ang mga
bata
E. tahimik na paaralan

17
1. DS 1. berdeng dahon 5. dilaw na dahon
2. S 2. dilaw na dahon 6. dilaw na dahon
3. DS 3. dilaw na dahon 7. dilaw na dahon
4. DS 4. berdeng dahon 8. dilaw na dahon
5. DS
Pinatnubayang Gawain 2
Maaring maiba ang sagot
Pangisahang Pagsusulit 1 18 Pangisahang Pagsusulit 2
Ang mga tamang sagot ay batay sa impormasyong
1. berdeng dahon TUKLASIN
5. dilaw na dahon tungkol sa bata. Gabay ng magulang ay kailangan.
1. sa paaralan
2. dilaw na dahon 2. ingay ng sasakyan
6. dilaw na dahon Pangisahang Pagsusulit 3
SUBUKIN ISAISIP
3. masaya Gamitin ang Rubriks
1. C
3. dilaw na dahon 4. bumilang at bumasa
7. dilaw na dahon Pinatnubayang Gawain 3
2. D 1. asul na ulap
3. C
4. berdeng dahon 2. dilaw na bituin
8. dilaw na dahon
4. B 3. asul na ulap
5. B 4. dilaw na bituin
PAGYAMANIN
5. asul
Gamitin na ulap
ang Rubriks .
Pinatnubayang Gawain 2
ISAGAWA
Maaring maiba ang sagot 1. A
2. C
TUKLASIN
3. B
1. sa paaralan ISAISIPA
4.
2. ingay ng sasakyan
Pangisahang Pagsusulit 2 1.5.
asulBna ulap
3. masaya 2. dilaw na bituin
Ang4. bumilang at bumasa
mga tamang 3. asul na ulap
sagot ay batay sa impormasyong BALIKAN
5. tahimik BALIKAN 1. B
4. dilaw na bituin
1. B 2. B
5. asul na ulap
tungkol sa bata. Gabay ng magulang ay kailangan.
2. B 3. A
PAGYAMANIN
3. D 4. C
GAWAIN A
4. C 5. D
1. berdeng dahon
5. D
2. dilaw na dahon
Pangisahang Pagsusulit 3
3. dilaw na dahon ISAGAWA
4. berdeng
Gamitin angdahon
Rubriks 1. A TAYAHIN
TAYAHIN
5. dilaw na dahon 2. A 1.
Pinatnubayang Gawain 3 3. B1. A 2. x
GAWAIN B 4. A2. B 3. x
5. B3. A 4.
4. D 5.
5. A
KARAGDAGANG GAWAIN
Maaring hindi magkasunod-sunod ang mga sagot
A C D
Ang sagot ng bata sa ibabang
bahagi ay maaring magkaiba-iba.
BALIKAN
1. B
18
2. B
Susi sa Pagwawasto
3. A
4. C
5. D
Sanggunian

Araling Panlipunan 2: K to 12 Gabay Pangkurikulum.


Kagawaran ng Edukasyon. 2016

Araling Panlipunan 2: Most Essential Learning


Competencies (MELCs) Matrix. Kagawaran ng
Edukasyon. 2020

Cruz, Gloria M. et. al. Araling Panlipunan 2: Patnubay ng


Gabay ng Guro at Kagamitan ng Mag-aaral.
Kagawaran ng Edukasyon. Philippines. 2013

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa:
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education, Schools Division of Bulacan
Department of Education,
CurriculumSchools Division of
Implementation Bulacan
Division
Curriculum
Learning Implementation
Resource Division
Management and Development System (LRMDS)
Learning Resource
Capitol Management
Compound, GuinhawaandSt.,Development System
City of Malolos, (LRMDS)
Bulacan
Capitol Compound, Guinhawa
Email Address: St., City of Malolos, Bulacan
lrmdsbulacan@deped.gov.ph

Email Address:lrmdsbulacan@deped.gov.ph
20

You might also like