You are on page 1of 18

1

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Sa Paligid ng Paaralan
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 02: Mga Mahahalagang Pangyayari at Pagbabago sa
Buhay Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marina G. Servan, Marc Edson R. Santiago
Editors: Marjorie D. Pilon, Hilda R. Mariano
Tagasuri: Perfecta M Bautista,Elizabeth R Berdadero, Miraflor B Mariano
Tagaguhit: Michael Alvarez, Prince Rhustan Casiano, Maria Enjussa Pascua
Tagalapat: Elizabeth R Berdadero, Ian Agustin, Marjorie D Pilon , Roselily M. Esteban,
Jay Lord B. Gallarde
Tagapamahala: Benjamin D. Paragas, Jessie L. Amin
Octavio V. Cabasag
Rizalino G. Caronan
Roderic B. Guinucay
Janette V. Bautista
Marivel G. Morales
Robert T. Rustia

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Region II

Office Address: Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500
Telefax: (078) 304-3855; (078) 396-9728
E-mail Address: region2@deped.gov.ph
1
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Sa Paligid ng Paaralan
Alamin

Sa modyul na ito ay pag-aaralan natin ang


epekto ng pisikal na kapaligiran sa iyong pag-aaral.

Matutunan mo sa modyul na ito ang tahimik at


payapang paligid ng paaralan ay mahalaga upang
maituon mo ang iyong isip at atensiyon sa pagkatuto mg
iyong mga aralin.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

a. Naihahambing ang tahimik at di tahimik na paligid,


b. Napahahalagahan ang mga paligid o bagay na
nagdudulot ng kabutihan sap ag-aaral.

1
Subukin
Panuto: Pagtambalin ang larawan at ang
pangalan nito sa pamamagitan ng linya.

pabrika

palengke

Mall

bukid

simbahan

2
Modyul Sa Paligid ng Paaralan
2

Ang paaralan ay maaring matagpuan sa iba’t


ibang lugar sa isang barangay o bayan. May mga
paaralan na matatagpuan malapit sa palengke, mall,
pabrika, simbahan at iba pang pampublikong lugar.
Mayroon namang mga paaralan na
matatagpuan sa gitna ng kabukiran na malayo sa
mga kabahayan. Ang ilan naman ay nasa
kabundukan.
Ang mga bagay na nakapaligid sa isang
paaralan ay nakaaapekto sa pagkatuto ng mga
mag-aaral. Kung maingay ang paligid, mahihirapan
ang mga mag-aaral na maituon ang kanilang
atensyon sa kanilang aralin. Kapag tahimik at payapa
ang paligid ng paaralan ay mas nagiging mabilis ang
pagkatuto ng mga mag-aaral.

3
Balikan

Panuto: Sundan ang mapa na nasa ibaba. Pagdugtungin


ang mga hiwa-hiwalay na linya. Ano-ano ang mga
madadaanang lugar o gusali sa paglalakbay patungo sa
paaralan? Pumili ng sagot sa mga salitang nasa loob ng
kahon. Bilugan ito.

Bukid tindahan
Bundok ilog
Palengke gusali

4
Tuklasin
Panuto: Basahin nang masigla ang tula

Sa Paligid ng Aking Paaralan


ni Marina G. Servan

Kay gandang pagmasdan;


Ang aking paaralan;
Halina ako’y iyong samahan;
Paglilibot sa kapaligiran.

Luntiang paligid, mga kabukiran;


Malawak na kapatagan;
Malayo sa kabahayan;
Siyang nakapalibot sa aking
paaralan;

Ang silid aralan ay tahimik at payapa;


Atensiyon at isip ay di nagagambala;
Sadyang nakatuon sa mga aralin;
Kanilang pagkatuto ay walang
suliranin;

5
Suriin
.
Ang paaralan ay maaaring matagpuan sa
iba’t ibang lugar. Mayroong matatagpuan sa mga
siyudad na mga sentro ng kalakalan. Ito ay malapit sa
mall, palengke, simbahan at iba pang pampublikong
lugar. May mga paaralan naman na malayo sa mga
kabahayan at ang iba naman ay matatagpuan sa
mga kabundukan.
May kaugnayan ang kinalalagyan ng isang
paaralan at paligid nito sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Ang mga bagay na nakapaligid dito ay maaaring
makatulong o makaapekto sa pagkatuto kapag tahimik
at payapa ang paligid ng paaralan ay nagiging mabilis
ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa kanilang mga
aralin. Kung maingay ang paligid, mahihirapan ang mga
mag-aaral na maunawaan ang itinuturo ng guro dahil
nakadaragdag ang tunog o ingay na kanilang naririnig
sa labas ng kanilang silid aralan.

Gawain
Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang
sitwasyon ay nakaapekto sa pag-aaral at malungkot na
mukha kung hindi.

_____ 1. Maingay ang mga mag-aaral sa katabing silid-


aralan.
_____ 2. Malakas ang tunog ng mga sasakyan na
dumadaan sa
kalsada.
6
_____ 3. Malakas ang usapan ng mga magulang na nag-
aantay sa
kanilang mga anak.
_____ 4. Tahimik ang simbahan malapit sa paaralan.
_____ 5. Maayos at tahimik ang mga mag-aaral na
bumibili sa kantina.

Pagyamanin

Panuto: Ang mga sumusunod na larawan ay


maaaring matagpuan sa paligid ng iyong
paaralan. Lagyan ng tsek (√) ang larawan kung
ito ay makakaapekto sa iyong pag-aaral at ekis
(X) naman kung hindi.

7
8
Isaisip
Panuto: Lagyan ng tsek ang guhit bago ang bilang kung
tama ang sinasabi ng pangungusap at ekis naman kung
hindi.

______ 1. Masarap mag-aral kung tahimik ang kapaligiran.

______ 2. Nakakapag-aral ng mabuti kung maingay ang


mga kakalase.

______ 3. Nag-aaral na madilim ang paligid o malabo ang


ilaw.

______ 4. Nag-iingay ang mga kaklase habang nagtuturo


ang guro.

______ 5. Nakikipag-usap sa katabi habang may


ipinapaliwanag na leksyon ang guro.

9
Isagawa

Panuto: Gumuhit sa loob ng kahon ng isang lugar na


malapit sa iyong paaralan na maaring makaapekto sa
iyong pag-aaral.

10
Tayahin

Panuto: Kulayan ng dilaw ang kahon kung tama ang


sinasabi ng pangungusap at berde naman kung mali.

1. 2.
Pagsabihan ang kaklase Mag-aral sa maliwanag
kung siya ay nag-iingay na lugar upang Makita
habang nagtuturo ang at mabasa ng maayos
guro. ang leksiyon.

3. Makipag daldalan sa 4. Sabihin sa guro kung


katabi habang may ikaw ay nahihirapan sa
ipinapagawang gawain leksyon na kanyang
ang guro. itinuturo.

11
Karagdagang Gawain
Panuto: Mamili at kulayan ang isa sa mga larawan kung
saang lugar ka mas makakapag-aral ng tahimik. Sa tabi
ng larawan, isulat sa loob ng kahon kung bakit ito ang
iyong napiling larawan.

1.

2.

12
13
Tayahin Isagawa: Isaisip:
1. dilaw 1. √
Karagdagang Gawain: 2. berde Maaring 2. x
3. dilaw magkaka- 3. x
Maaring magkaka-iba 4. dilaw iba ang 4. x
ang sagot. sagot. 5. x
6. √ 4. √ 5. X
3. √ 1. √ 2. X
Pagyamanin:
Balikan:
Bundok, palengke, gusali
Susi sa Pagwawawasto
Sanggunian
K to 12 Curriculum Guide, Araling Panlipunan 1

Kagamitan ng Mag-aaral (Tagalog) Mga


Manunulat:
Noel P. Miranda, Odilon B. Ocampo
Rodel Q. Amita, Violeta E. Reyes
Malou M. De Ramos, Lenie A. Tiamzon
Ma. Corazon V. Adriano, Emily R. Quintos
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources


(DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like