You are on page 1of 51

AP 1

Ang Kapaligiran ng D

Aming Paaralan A
QUARTER 3 WEEK 3 Y
1
Ang paaralan ang sinasabing ating pangalawang
tahanan, ang mga guro ang ating mga pangalawang
magulang at ang ating mga kaklase ay ating mga
kapatid. Dito ay marami kayong mga bagong kaibigan o
kalaro na makikilala. Mahalaga ang paaralan sa mga
batang katulad ninyo.
Sa paaralan kayo natututong bumasa, sumulat, at
magbilang. Dito rin kayo natututo ng dagdag pamantayan
ng mabubuting asal. Sa ngayon, alam na ninyo ang mga
impormasyon tungkol sa sariling paaralan. Dapat alam
nyo din ang lugar kung saan nakatayo ito.
Ang aming paaralan ay matatagpuan sa Kalayaan
Village Brgy. 201, Pasay City. Nakapaligid ang iba’t
ibang istruktura gaya ng Kalayaan National High
School, Brgy. Hall, Istasyon ng Pulis, mga tindahan,
mga kabahayan at malapit din sa simbahan.
May mga paaralan na napapalibutan ng maraming
puno at malapit sa mga kalyeng dinaraanan. Iba-iba
ang mga lugar na nakapalibot sa paaralan. Ang
mahalaga ay madaling matuto ang mga mag-aaral
kung tahimik, malinis, at ligtas sa panganib ang lugar
na kinatatayan ng paaralan.

 Ano ang pangalan ng iyong paaralan?


Isulat ang Tama kung totoo ang isinasaad ng pangungusap na nakatala sa
ibaba Mali naman kung hindi totoo ang isinasaad ng pangungusap.

______1. Mahalaga ang lugar na kinatatayuan ng paaralan para sa pag-


aaral ng mga bata.
______2. Dapat malinis, maayos at ligtas sa panganib ang lugar na
kinatatayuan ng paaralan.
______3. Maliit man o malaki ang paaralan, dapat itong mahalin at
ipagmalaki.
______4. Sinisikap ng pamahalaan na ayusin hindi lang ang paaralan kundi
maging ang kapaligiran.
______5. Huwag ipagmalaki ang paaralan na pinapasukan.
Mahalaga ang paaralan sa buhay ng batang tulad nyo.
Iba-iba man ang lugar na kinatatayuan ng ating
paaralan ang mahalaga ay madaling matuto ang mga
mag-aaral kung tahimik, malinis, at ligtas sa panganib
ang lugar na kinatatayuan ng paaralan. Ipagmalaki nyo
kahit kanino at kahit saan ang inyong paaralan.
Lagyan ng tsek (/) ang patlang bago ang tambilang kung wasto at
makatwiran ang isinasaad sa pangungusap. Kung hindi wasto, lagyan ng
ekis (X).

______1. Bagamat walang perpektong paaralan, mahalagang matugunan ang


pangangailangan ng bawat paaralan.
______2. Araw-araw kang papasok at lalabas ng paaralan kaya dapat ay
maayos ang kapaligiran.
______3. Pahalagahan at ingatan natin ang ating paaralan dahil dito tayo
natututo ng maramimg mabuting bagay.
______4. Hayaan lamang ang mga nakakalat na basura sa loob ng paaralan.
______5. Panatilihing malinis at maayos pag nasa loob at labas ng paaralan.
Bakit mahalaga ang
paaralan sa buhay ng
batang tulad ninyo?
Iguhit angmasayang mukha kung sang-ayon ka ba sa isinasaad
na pangungusap, malungkot na mukha kung hindi ka sang-ayon.
______1. Malinis at tahimik ang aming paaralan habang
nagsisimula na ang klase.
______2. Magulo ang paligid ng aming paaralan.
______3. Nararapat lamang na malaman natin ang
kinatatayuan ng ating paaralan.
______4. Dito sa aming paaralan makikita mong
masayang naglalaro ang mga mag-aaral.
______5. Mahalaga ang paaralan sa mga batang
katulad ko at tulad mo.
Pag-aralan ang aralin.
AP 1
Ang Kapaligiran ng D

Aming Paaralan A
QUARTER 3 WEEK 3 Y
2
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng
paaralan sa inyong buhay.

 Bakit nga ba mahalaga ito?


Nararapat na ang isang paaralan ay may
Magandang katangian ng pisikal na
kapaligiran. Tinatawag na pisikal na
kapaligiran ang lahat ng mga nakikita sa
paligid ng isang pook. Ang paaralan ay
mayroon ding pisikal na kapaligiran.
Tingnan ninyo kung ganito rin ang ating paaralan.
Ayon sa pisikal na kapaligiran, ang paaralan ay maaaring:

 Malapit sa mga kalyeng dinaraanan.


 Malapit sa simbahan
 Napapalibutan ng mga tindahan, palengke, mall at mga kabahayan.
 Malapit sa mga tanggapan
 Napapaligiran ng maraming puno at mga gusali
 Nasa maingay na kapaligiran
Sa labas ng iyong paaralan, ang dadaanan bang mga
kalye ay maayos o masalimuot? Araw-araw kang
papasok at lalabas kaya dapat ay maayos ang
kapaligiran. Katulad ng kaligtasan at kapanatagan na
mayroon sa tahanan ay inaasahan din na makakamtan
ito sa paaralan. Madaling matututo ang mga mag- aaral
kung tahimik, malinis, at ligtas sa panganib ang
kapaligiran ng paaralan.
 Sino-sino sa inyo ang may bahay malapit
sa paaralan?

 Ano ang masasabi mo sa paaralang


malapit sa inyong tahanan?
Ikahon ang mga sumusunod na mga larawan kung mabuti ang epekto sa
pisikal na kapaligiran ng paaralan at ekisan naman kung hindi mabuti ang
epekto sa pag-aral ng mga mag-aaral
Lagyan ng tsek ang patlang bago ang bilang kung wasto at makatwiran ang
isinasaad sa pangungusap. Kung hindi nakabubuti sa ating pisikal na kapaligiran ng
ating paaralan, lagyan ng ekis.

______1. Mas mainam kung napapalibutan ng mga puno ang ating paaralan,
nagdudulot ito ng sariwa at preskong hangin sa ating mag-aaral.
______2. Maraming sasakyan ang dumaraan sa paaralan,
nagdudulot ito ng ingay dahil sa busina ng mga sasakyan.
______3. Madaling matututo ang mga mag-aaral kung tahimik, malinis at
ligtas na kapaligiran.
______4. Tahimik at malayo sa kaguluhan mas kaaya-aya kung tahimik
ang kapaligiran.
______5. Malinis ang paligid ng paaralan.
Bawat paaralan ay may pisikal na kapaligiran.
Nakakaapekto ang pisikal na kapaligiran ng isang
paaralan sa mga mga-aaral na kagayo mo. Kung kaya’t
nararapat na matugunan ito. Madaling matututo ang
mga mag-aaral kung tahimik, malinis, maayos at ligtas
sa panganib ang kapaligiran ng paaralan.
Isulat ang Tama kung nagsasabi ng Magandang katangian ng
pisikal na kapaligiran ang isang paaralan at Mali naman kung
hindi.

______1. Napapalibutan ng maraming puno ang paaralan.


______2. Tahimik at malinis ang paligid ng paaralan.
______3. Ipagmalaki at pahalagahan ang paaralan na
pinapasukan.
______4. Maraming dumadaan na mga sasakyan.
______5. Nasa maingay na kapaligiran ang kinatatayuaan
ng paaralan.
Pag-aralan ang pisikal
na kapaligiran ng
inyongpaaralan.
AP 1
Ang Kapaligiran ng D

Aming Paaralan A
QUARTER 3 WEEK 3 Y
3
Mahalagang malaman at makilala mo pa ng lubusan
ang paaralang iyong pinapasukan dahil ito ang
nagsisilbing pangalawa mong tahanan. Alam na natin
ang lugar na kinatatayuan at ang pisikal na kapaligiran
ng ating paaralan. Sa ngayon naman, ating tatalakayin
ang mabuting epekto sa pag- aaral ng mga nakapaligid
na istruktura sa sariling paaralan.
Bago tayo magsimula maglaro muna tayo, ang tawag sa
larong ito ay “Name Game”.

Anong “A” ang binabasa upang malaman ang mga aral


at kuwento?
Sino ang “G” ang gumagabay sa mga mag-aaral
upang matutong sumulat at bumasa?
Anong “P” ang pinupuntahan upang mag-aral?
Ang mabuting epekto sa pag aaral ng mga nakapaligid na
istruktura sa sariling paaralan ay ang mga sumusunod:
 Gumaganda at nakapagpapatayo pa ng bagong gusali sa
aming paaralan.
 Nabibigyan ang mga mag-aaral ng magandang pasilidad at
de-kalidad na edukasyon.
 Ang mga silid-aralan ay malinis, maaliwalas at may sapat na
laki sa bilang ng mag-aaral.
 Natutugunan agad ang mga pangangailangan ng mga mag-
aaral.
Bukod sa mga nabanggit, ano pa kaya ang
kailangan ng isang bata upang matuto nang
maayos?
Gumuhit ng masayang mukha kung ang pahayag ay nakatutulong sa iyo upang
makapag-ara nang mabuti at malungkot na mukha kung hindi. Isulat ang sagot sa
patlang.

______1. Tahimik na kapaligiran


______2. Malakas na musika mula sa kapitbahay.
______3. Maingay na mga batang naglalaro sa labas ng
bahay.
______4. Tahimik at kaaya-aya ang paaralan na aking
pinapasukan.
______5. Bagamat walang perpektong paaralan, ang
mahalaga ay matugunan ang pangangailangan ng bawat bata sa
paaralan.
Lagyan ng (/) ang isang (1) larawan na hindi nakakaapekto sa pag-aaral
ng mga mag-aaral kung sila ay nag-aaral sa paaralan.
Gumuhit ng isang istruktura na malapit
sa inyong paaralan na hindi
nakaaapekto sa pag-aaral.
Isulat ang Tama kung nagsasabi ng mabuting epekto sa pag-
aaral at Mali kung hindi nman. Isulat ang sagot sa patlang.

______1. Malapit sa pamilihan


______2. Malinis ang paligid at ligtas sa anumang sakit.
______3. Maingay dahil sa busina ng mga sasakyan.
______4. Tahimik at malayo sa kaguluhan ang
paaralan.
______5. Natutugunan ang mga pangangailangan ng mga
mag-aaral.
Pag-aralan ang mabuting epekto sa
pag-aaral ng mga nakapaligid na
istruktura sa sariling paaralan
AP 1
Ang Kapaligiran ng D

Aming Paaralan A
QUARTER 3 WEEK 3 Y
4
Napag-usapan na natin ang mabuting epekto sa pag-aaral
ng mga nakapaligid na istruktura sa ating paaralan. Ngayon
naman ating alamin ang hindi mabuting epekto ng mga
istrukturang nakapaligid sa ating paaralan.Sinisikap ng
pamahalaan na ayusin hindi lang ang mga paaralan kundi
ang mga kapaligiran nito kaya’t ipinagbabawal ang mga
inuman, sugalan sa may 200 metrong distansiya mula sa
paaralan.
May mga malasakit na computer shop owner na
ipinagbabawal ang estudyante kung oras pa ng klase.
Sa tulong ng mga larawan, ating tuklasin ang
masamang epekto ng mga istukturang nakapaligid.
Ganito din ba ang paligid
ng inyong paaralan?
Iguhit sa patlang ang iyong
nadarama sa sumusunod na
pangyayari.

______1. Tahimik ang paligid ng aming silid-aralan habang


nagtuturo ang aming guro.
______2. Masaya ako tuwing papasok at lalabas ng
aming paaralan.
______3. Naririnig ko ang busina ng mga sasakyan habang
kami ay nag-aaral.
_______4. Maraming nagkalat na basura sa labas ng aming
paaralan.
_______5. Malinis at maayos ang kapaliriran ng aming
paaralan.
Bilugan ang larawan na nagbibigay
ng ingay kung ang mag-aaral ay
nag-aaral sa tahanan man o
paaralan.
Gumuhit ng isang istruktura na
malapit sa inyong paaralan na
nakaaapekto sa pag-aaral.
Nagpapatayo ang pamahalaan ng mga
paaralan. Ito ay para makapag-aral kayo. Kaya
nagtutulungan ang pamahalaan, ang mga guro,
mag-aaral at mga magulang upang mapaunlad
at magkaroon ng malinis at maayos na
paaralan.
Bilugan ang mga istruktura o
bagay na nakapagdudulot ng
hindi mabuting epekto sa
pag-aaral ng mga bata kung
sila ay nasa paaralan.
Mag-aral.
Mag-aral ng
mabuti!

You might also like