You are on page 1of 56

ARALIN 8

DISIPLINA,
ANG MATIBAY NA
SANDATA
ESP Q2 W9 D1
R A L Isulat ang TSEK kung ang pahayag ay nagpapakita ng
K - A
BA
LI paggalang sa kapwa at EKIS naman kung hindi.
1. Ang pagliban sa oras ng klase ay hindi
nakakatulong sa pag- unlad nang natutunan.
2. Pagtatapon ng kalat sa tamang lalagyan.
3. Pagtapak sa mga bagong tanim na halaman ng
paaralan.
4. Hindi pagbubuhos sa ginamit na palikuran.
5. Iniiwan ang pinagkainan sa kantina.
SIN
Basahin ang seleksyon at unawain.
L A
K
TU
DISIPLINA ANG MATIBAY NA SANDATA
Ni: L. P. Gomez

Sa gitna na ating kinakaharap na pagsubok sa


panahong ito, ang susi upang tayo ay magtagumpay ay
ang pagkakaroon ng disiplina. Tanging ang disiplina
lamang ng bawat isa sa pagsunod sa panuntunan ng
pamilya tulad ng pagpapanatili nang tahimik, malinis at
kaaya-ayang kapaligiran.
Ang kapaligiran ay likha ng Poong Maykapal
para sa bawat nilalang dito sa mundong ibabaw.
Ang mga bagay na makikita natin sa ating
kapaligiran ay nagbibigay saya at buhay tulad ng
mga ibong nagliliparan sa alapaap, mga punong
hitik sa bunga ng mga bungangkahoy, mga
halamang namumulaklak at malinis na agos ng
tubig sapa.
Bilang isang Pilipino, tungkulin ko na
mapangalagaan ang aking kapaligiran. Ang
pangangalaga sa kapaligiran ay mahalaga sa ating
mga naninirahan dito. Kung malinis ang ating
paligid, magiging malusog at ligtas sa sakit ang mga
tao at hayop na nakikinabang sa mga likas na yaman
ng bansa. Pinapanatili ng malinis na kapaligiran ang
maaliwalas na pamumuhay ng bawat mamamayan.
Ilan sa mga paraan na kayang mong gawin sa
pangangalaga ng kapaligiran:
1. Pagtatanim ng mga halamang gulay at puno. Hindi
maiiwasang kinakailangan talaga natin ang mamutol
ng mga puno o manguha ng mga halamang tumutubo
sa mga lugar o lupain na ating gagamitin. Upang hindi
maubos ang mga punong pinuputol, kailangan nating
palitan ang mga ito sa pamamagitan ng pagtatanim
muli.
2. Pag segregate o paghihiwa-hiwalay ng mga basurang
itatapon. Ang mga basura ay kailangang paghiwa-hiwalayin
bago itapon upang ang mga mabubulok ay pwedeng gamiting
pataba sa mga halaman. Kapag ang isang tapunan ay puro
mabubulok, ang lupa ay magiging mataba at makakatulong ito
upang ang mga tanim ay maging malusog. Ang mga hindi
nabubulok naman ay pwedeng irecycle, gagawing plastik muli
ng mga pabrika samantalang ang mga delikadong basura ay
kailangang itapon sa ligtas na lugar upang hindi
makapaminsala.
3. Maglinis ng kapaligiran. Sa simpleng pagpulot ng basura,
nakatutulong ka na upang maging maginhawa at maging presko ang
hanging nalalanghap. Maganda ring tingnan ang kapaligirang
malinis mula sa mga plastik. Isa rin itong tulong para sa ligtas na
paligid.

4. Huwag itapon ang basura kahit saan. Kung maaari, iligpit sa bag
ang basura gaya ng balat ng kendi at tsitsirya kung walang makitang
basurahan. Itapon ito sa tamang tapunan kapag nakahanap na ng
pagkakataon. Ang basurang pakalat-kalat ay maaaring liparin ng
hangin at bumara sa mga kanal na makapagdudulot ng baha dahil
natakpan na ang mga imburnal at napuno na ang mga kanal.
Mahalagang mapanatiling malinis ang ating kapaligiran dahil
dito nakasalalay ang ating kalusugan. Madaling sabihin ang
paglilinis pero mahirap itong gawin pero kung iisipin natin na para
sa kabutihan natin itong lahat. Ang mapanatiling malinis ang ating
kapaligiran ay isang mahalagang bagay dahil dito natin masasabing
umunlad ang ating lugar. At masasabing ang kalinisan ay katulad ng
kalinisan ng ating kalooban at may mabuting pakikipagkapwa –tao.
Ang lahat ng pagsisikap ay magkakaroon ng katuturan kung ito
ay ating isasapuso. Disiplina ang sandata upang magkaroon ng
katuparan ang lahat, at maging ligtas sa anomang sakit na dulot ng
kapabayaan sa Inang kalikasan.
N
Sagutin ang mga tanong:
R I I
SU
1. Ano ang mahalagang mensahe ipinapahatid ng salaysay na iyong
binasa? Ano ang iyong damdamin, matapos mabasa ito?
2. Ano ang mangyayari sa kapaligiran kung ang mga tao ay walang
disiplina?
3. Bilang mag-aaral, ano ang iyong tungkulin upang mapangalagaan
ang kalinisan at kaaya-ayang kapaligiran?
4. Bakit mahalaga na mapanatili ang malinis, tahimik, at kaaya-ayang
kapaligiran?
5. Kung ikaw ay itatalaga upang pangunahan ang pagpapanatili ng
katahimikan at kalinisan ng iyong lugar, ano–ano ang gagawin mong
hakbang?
T
AAIANNG Pinangangalagaan Ko ang Aking Paligid.
GAW
K
PANG

Bilang kasapi ng Samahan ng mga


Kabataan sa inyong purok, magsagawa ng
isang proyekto kung paano ninyo
maipapakita ang pagpapanatili ng malinis na
kapaligiran. Isulat ang naisip mong proyekto
sa loob ng kuwaderno.
P
Kumpletuhin ang talata upang mabuo ang kaisipang
I SI
I SA ipinahahayag sa araling iyong natutunan.
Mula sa mga gamit na itatapon na o hindi na ginagamit. Maging
malikhain sa pagrerecycle nito. Gumawa ng kapaki-pakinabang na
gamit sa mga bagay na maaari ng itapon.
Napakahalaga ang pagpapanatiling __ __ __ __ __ __ __ ng
iyong kapaligiran, sapagkat malaki ang nagagawa mo sa bahagi ng
daigdig na iyong kinabibilangan. Kapag pinanatili mong malinis ang
iyong __ __ __ __ __ __ __ at__ __ __ __ __ __ __,
pinangangalagaan mo ang isang maliit na bahagi ng daigdig.
P
Kumpletuhin ang talata upang mabuo ang kaisipang
I SI
I SA ipinahahayag sa araling iyong natutunan.
Kapag ang iyong pamilya ay nagsasagawa ng _ _
_ _ _ _ _ _ _ _ _ ng mga basura, walang basurang
nakakalat kahit na saan. Ang __ __ __ __ __ __ __
__ __ __ ay hindi lamang nangangahulugan ng hindi
pagkakaroon ng basura kundi pag-iwas sa paggawa
ng kahit anong bagay na makapipinsala sa
kapaligiran.
Iguhit ang BULAKLAK 🌸 kung ito ay paraan upang mapanatili ang
I N
N kalinisan at kaayusan ng kapaligiran at DAHON 🍃 naman kung hindi.
M A
YA
PA G

____ 1. Pinagsasabihan ko ang aking mga kaklase na itapon sa


tamang tapunan ang mga basurang papel.
____ 2. Nililinisan namin ang mga basyong lata ng gatas
upang taniman ng mga halaman.
____ 3. Nakikiisa ako sa kampanya para magresiklo ng mga
patapong bagay.
____ 4. Pinipitas ko ang mga magagandang bulaklak sa
bakuran ng kapitbahay.
____ 5. Ibinabaon ko sa lupa ang mga basurang nabubulok
upang maging pataba o abono.
ARALIN 8
DISIPLINA,
ANG MATIBAY NA
SANDATA
ESP Q2 W9 D2
N A Iguhit ang 🙂 sa kahon kung may pagpapahalaga sa
K I
B U kapaligiran, 🙁 naman kung hindi.
SU
SI N
L A
U K
T
Pangarap ng bawat isa ang tahimik, malinis at
kaaya-ayang kapaligiran. Ang ideyal na paligid ay
mkakamtan kung ang lahat ay magtutulong-tulong.
Kaya mo bang maging bahagi sa pagkakamit nila?

Ang pamahalaan ay nagtatakda ng mga


alituntunin sa pagpapanatili ng tahimik, malinis at
kaaya-ayang kapaligiran.
SI N
L A
U K
T
Sa pamamagitan ng iba't ibang programa,
napangangalagaan nito ang kapaligiran tulad ng
sistema ng pangongolekta ng basura,
pagtatalaga ng mga pulis na tumitiyak sa
katahimikan at kaayusan ng lugar, pulis trapiko
na nagsasaayos ng daloy-trapiko at mga
programa na nangangalaga sa kalikasan.
SI N
L A
U K
T
Nagtatakda rin ang mga lokal na pamahalaan ng
mga ordinansa sa oras ng paggamit ng videoke,
maayos na pangangalaga sa mga alagang hayop,
pagbabawal sa paggamit ng plastik at tamang lugar
na tawiran, babaan at sakayan. May mga nakalaan
ding pampublikong palikuran na maaaring magamit
ng kahit na sinong mamamayan.
SI N
L A
U K
T
May mga hakbang din na ginagawa ang
paaralan upang mapanatili ang kaayusan ng
paligid nito. May mga basurahan na
matatagpuan sa iba't-ibang bahagi ng paaralan.
Nagkakaroon din ng mga kampanya para sa
wastong pangangalaga ng kapaligiran.
Basahing mabuti ang talata at punan ang mga puwang
I I N gamit ang mga salitang nasa loob ng kahon.
SU R

Panatilihing tahimik, __________ at kaaya-


aya ang kapaligiran. Ito ay nakakatulong upang
________ maiiwasan. ________ ang kailangan
upang makamtan natin ito. ________ tayong
lahat upang makamtan ang malinis na ________.
ANNG Basahin ang mga gawain sa ibaba. Lagyan ng tsek ✔ ang
T
AAI
PANGA
G
W
K
iyong sagot.
I SI P
I SA
Ang kalinisan ay kasunod ng pagiging
maka-Diyos. Ang malinis na isip ay
nagbubunga ng malinis na gawa. Ang
pagiging malinis ay isa ring disiplinang
pansarili na nagbubunga ng kabutihan at
kagandahan sa sarili, sa lipunan lalo na sa
kalikasan.
1 -5
Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap at piliin
I N
TAYA H ang pinakamainam na sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng disiplina sa
pangangalaga sa kalikasan kahit walang nakakakita?

A. Sa palikuran ay ipina-flush mo ang kubeta at hindi itinatapon ang


tissue sa toilet bowl para malinis na magamit ng ibang tao.
B. Sa daan ay inilalaglag mo ang mga basurang galing sa iyong
bulsa mula sa paaralan.
C. Sa parke hindi mo pinipitas ang mga magagandang bulaklak na
nakikita mo.
D. Sa palaruan ay itinatapon mo ang iyong basura sa ilalim ng slide
dahil may tagalinis naman dito.
1 -5
Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap at piliin
I N
TAYA H ang pinakamainam na sagot.
2. Nagmamadali kang umuwi dahil may dadaluhan kang birthday party ng
iyong kapitbahay. Paglabas mo ng silid-aralan, nakita mong umaapaw ang
basura sa labas. Ikaw na lang ang tao dahil nauna nang umuwi ang iyong
mga kaklase. Ano ang gagawin mo?
A. Pababayaan ang basura dahil baka mahuli ka sa birthday party na iyong
dadaluhan.
B. Magkukunwaring hindi nakita ang umaapaw na basura sa sako.
C. Magkikibit-balikat dahil hindi naman ikaw ang tagalinis sa araw na
iyon.
D. Mabilisan mong aayusin ang mga basura sa sako bago umuwi.
1 -5
Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap at piliin
I N
TAYA H ang pinakamainam na sagot.
3. Namamasyal kayo sa sa Roxas Boulevard. Habang
naglalakad sa baybayin nito ay nakaramdam ka ng
matinding pag-ihi ngunit malayo naman ang palikuran.
Kung sa baybayin ka iihi ay wala namang makakakita sa
iyo. Saan ka iihi?
A. Hindi na ako iihi at pipigilan na lang ito.
B. Sa palikuran kahit malayo.
C. Kahit saan basta maka-ihi lang.
D. Sa baybayin dahil wala namang makakakita.
1 -5
Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap at piliin
I N
TAYA H ang pinakamainam na sagot.
4. Kumakain kayo ng ice cream habang naglalakad sa tabi ng kalsada.
Pagkatapos ninyong kumain ay hinahanap ninyo ang basurahan para
itapon ang mga stick na inyong ginamit. Dahil wala kayong makitang
basurahan, bigla na lang itinapon ng kasama mo ang stick sa tabi-tabi
dahil wala naman daw makakakita. Ano ang gagawin mo?
A. Ibibigay sa kasama ang stick para siya na lang din ang magtapon sa
tabi-tabi.
B. Kakainin mo na lang ang stick para wala ka ng basura.
C.Sasawayin ang kasama at sasabihing itapon sa basurahan ang stick na
ginamit.
D. Gagayahin ang kasama sa pagtapon sa tabi-tabi.
1 -5
Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap at piliin
I N
TAYA H ang pinakamainam na sagot.
5. Habang nasa sasakyan ay ngumunguya ka ng bubble
gum. Nang malasahan mo ay matabang na ito. Ano ang
gagawin mo?

A. Itatapon sa basurahan ang bubble gum na nasa loob ng


sasakyan.
B. Ibabalibag sa nagpapakita ang kinakaing bubble gum.
C. Ididikit sa ilalim ng upuan ang bubble gum.
D. Lulunukin na lang ang bubble gum.
ARALIN 8
DISIPLINA,
ANG MATIBAY NA
SANDATA
ESP Q2 W9 D3
N B
U KI
SU B

Magbigay ng limang paraan kung


paano maipapakita ng batang tulad
mo ang pagpapahalaga sa ating
kapaligiran.
SIN
Basahin at unawain ang tula.
L A
K
TU
Ikaw, Ako, Tayo ang Susi
ni Maribel R. Carullo

Kay gandang pagmasdan malinis na kapaligiran.


Mga halamang sumasayaw, ibong nag-aawitan.
Malalagong puno na kay sarap akyatan
Lagaslas ng ilog nagyayayang paglanguyan.
U
T
K Kaya't
L A SI
huwag
N
nawang matapos ganitong
kapaligiran
Ganda ng kalikasan kayamanang tunay.
Magsisilbing susi ng ating tagumpay pundasyon
ito para sa ating kinabukasan.
Kaya't atin itong alagaan at pakaingatan.
Nang mga kabataang susunod ay mayroon pang
yaman.
SI N
L A
U K
T
Bukas tayo sa anumang pagbabago sa lipunan
Ngunit tandaan kalikasan ay huwag pabayaan
Disiplina ang siyang hayaang umiral
Makibahagi at makiisa ang sa isip ay ikintal.
N
Sagutin ang mga tanong:
R I I
U
1. Ibahagi ang mensaheng nais iparating ng tula. Bakit naihambing sa
S

kayamanan ang pagkakaroon ng malinis na kapaligiran?


2. Bakit mahalaga na mapanatili ang malinis, tahimik at kaaya-ayang
kapaligiran?
3. Paano mo maipapakita ang pakikiisa sa pangangalaga sa ating
kapaligiran?
4. Paano mo tutugunan ang panawagan sa huling linya ng tula?
5. Bilang isang mag-aaral sa ikaapat na baitang, paano mo
pangungunahan ang pagpapanatili ng katahimikan at kalinisan sa
inyong tahanan at pamayanan? Ano ang maimumungkahi mong
proyekto?
ANNG Ang mga salita ay maaaring makita nang patayo, pahiga o
T
AAI
PANGA
G
W
K
pahilis. Isulat ang mga salitang iyong nakita sa papel.
I SI P
I SA

Malaki ang kontribusyon ng malinis na


kapaligiran sa pagkakaroon ng malusog na
katawan at isipan ng mga mamamayan. Dahil
dito, ang disiplina at pakikiisa ng mga tao sa
lahat ng programang ipinatutupad ay kailangan
upang mapanatili ang kaayusan at kagandahan
ng kapaligiran.
6 - 1 0 Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap at piliin
IN
TAYA H ang pinakamainam na sagot.
6. Pasakay ka ng dyip papauwi ng makita mong iniwan ng
naunang sumakay ang kaniyang pinag-inuman na Milk
tea. Ano ang dapat mong gawin sa sitwasyong ito?
A. Kukuhanin ko ang kaniyang pinag-inuman at itatapon
sa aking bag.
B. Ilalagay ko sa upuan ng aking katabi ang kalat na
iniwan.
C. Itatapon ko sa bintana ng dyip ang kalat na iniwan.
6 - 1 0 Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap at piliin
IN
TAYA H ang pinakamainam na sagot.
7. Ikaw ay kumain sa isang fastfood chain sa Valenzuela.
Nag matapos ay nakita mo na maraming tao ang nakapila
at naghihintay sa mga matatapos kumain. Ano ang iyong
gagawin?
A. Iiwanan ko ang aking pinagkainin sa mesa.
B. Ililigpit ko ang aking pinagkainan at itatabi ito sa gilid.
C. Hahayaan ko na iligpit para sa akin ang aking
pinagkain ng crew nito.
6 - 1 0 Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap at piliin
IN
TAYA H ang pinakamainam na sagot.
8. Ikaw ay nagtungo sa bagong bukas na atraksyon sa Valenzuela na
Fatima Avenue. Maraming mga bilihan ng makakain ngunit wala kag
makitang tapunan ng mga basura. Naiisip mo na maghanap ng
matatapunan ng iyong pinagkaininan ngunit wala kang makita. Ano ang
iyong gagawin?
A. Itatapon ko na lang sa mga gilid ng halaman ang aking
pinagkainan.
B. Ilalagay ko na lamang sa aking bag ang aking basura at
Itatapon sa aking pag-uwi.
C.Iiwan ko na lamang sa aking pinagbilhan ang aking basura dahil sa
kanila ko naman ito binili.
6 - 1 0 Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap at piliin
IN
TAYA H ang pinakamainam na sagot.
9.Tuwing linggo ng umaga ay inilalabas mo ang inyong mga basura upang
kolektahin ng trak ng basura. Napansin mo na may naiiwan pa din at hindi
sa inyo ang mga basurang ito. Nakita mo ang iyong kamag-aral sa labas at
tinanong tungkol dito. Agad niyang tinuro ang bahay na inyong katapat.
Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito?

A. Pupuntahan ko ang bahay na tinuro sa akin ang aawayin


dahil sa pag-iiwan nila ng basura sa tapat ng aming bahay.
B. Sasabihin ko ito sa aking mga magulang upang sila ang
kumausap sa aming kapitbahay upang hindi na rin maulit
ang insidenteng ito.
C. Isusumbong ko ang aking kapitbahay sa aming barangay.
6 - 1 0 Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap at piliin
IN
TAYA H ang pinakamainam na sagot.
10. Nakita mong hirap na hirap ang inyong kapitbahay sa
pagbuhat ng isang sakong basura mula sa estero na kaniyang
nilinisan. Ikaw lamang ang nasa labas sa oras na iyon. Ano ang
iyong dapat gawin?
A. Panonoorin at hahayaan ko lamang siya sa kaniyang
ginagawa.
B. Tatawagin ko ang aking kapatid upang siya ang tumulong sa
pagbubuhat.
C. Lalapitan ko siya at aking tutulungan.
ARALIN 8
DISIPLINA,
ANG MATIBAY NA
SANDATA
ESP Q2 W9 D4
A L Lagyan ng ✔ kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama
- A R
LI K at ❌ kung mali.
BA

1. Itapon sa tamang basurahan ang mga kalat.


2. Matutong pagbukud-bukurin ang mga basura ayon
sa klase nito.
3. Itapon kung saan-saan ang balat ng pinagkainan.
4. Ilagay sa iisang basurahan ang lahat ng kalat.
5. Walisan ang mga kalat sa paligid ng tahanan o silid-
aralan.
Mga Paraan Kung Paano Mapapanatiling Maayos at
SI N
U K L A Malinis ang Ating Kapaligiran
T
1. Paglilinis ng Tahanan
Ang unang paraan kung paano mapapanatiling malinis
ang ating kapaligiran ay pagsisimula ng kalinisan sa ating
tahanan. Laging tandaan na hindi natin magagawang
panatilihin ang kalinisan ng ating kapaligiran kung sa
ating tahanan pa lamang ay hindi na natin magawa.
Napakasarap manirahan sa malinis at di-kontaminadong
kapaligiran kaya gawin natin ang ating sari-sariling
tungkulin.
Mga Paraan Kung Paano Mapapanatiling Maayos at
SI N
U K L A Malinis ang Ating Kapaligiran
T
2. Pagtatapon ng Basura sa Tamang Lagayan

Ang tamang pagtatapon ng basura ay isang tungkulin ng


bawat mamamayan. Ito ay mahalaga dahil maaari nating
maiwasan ang polusyon na makakasira sa atin lalo na sa
kapaligiran. Makakatipid sa paggamit ng paulit-ulit o reuse.
Ang reduce naman ay ang pagbabawas sa pagbili ng mga
plastik. At ang huli, ang recycle ay ang paggawa ng bagong
materyal gamit ang mga luma o patapong bagay na.
Mga Paraan Kung Paano Mapapanatiling Maayos at
SI N
K L A Malinis ang Ating Kapaligiran
TU
3. Pangangalaga ng mga Ilog at Dagat
Ang pagpapanatiling malinis ng mga ilog at dagat ay malaking
tulong sa kapaligiran dahil makatutulong ito na maiwasan ang pagguho
ng mga lupa at hindi magkaroon ng baha tuwing may bagyo. huwag
magtapon ng basura at nakalalasong kemikal. Huwag gumamit ng mga
dinamita at cyanide o anumang uri ng lason sa pangingisda dahil mas
malaki ang perwisyong dulot nito kaysa sa maaaring inaakalang
pagmumulan ng kabuhayan. Paggamit ng lambat na may katamtamang
laki ng butas sa pangingisda upang maiwasan ang paghuli sa maliliit
pang isda na mas mainam kung mapapalaki pa.
Mga Paraan Kung Paano Mapapanatiling Maayos at
SI N
U K L A Malinis ang Ating Kapaligiran
T
4. Pagtatanim ng mga Punongkahoy
Ang pagtatanim ng mga punongkahoy ang pinaka-epektibong
paraan kung paano mapipigilan ang pagbaha. At ngayong
nananalasa na ang baha at marami nanag nasisira, saka lamang
lubusang napagtutuunan ng pansin ang pagtatanim ng mga
punongkahoy. Wala na umanong mga puno sa mga kabundukan at
kagubatan dahil ito ay pinagpuputol na. May mga naitatanim na
puno ngunit hindi naman ito naaalagaan ng maayos. Hindi sapat
na itanim lang ang mga ito, kailangan din natin itong
pangalagaan.
Mga Paraan Kung Paano Mapapanatiling Maayos at
SI N
U K L A Malinis ang Ating Kapaligiran
T
5. Pagkakaisa at Pagtutulungan para sa Kapaligiran.
Ang pagkakaisa at pagtutulungan ay magandang paraan
kung paano mas mapapaganda ang ating kapaligiran o
komunidad. Kinakailangan natin ng pagkakaisa para sa ating
komunidad, para sa ating daigdig. Dahil sa pagkakaroon ng
pagkakaisa at pagtutulungan ay nagkakaroon ng magandang
bunga o resulta. Ipagpatuloy natin ang ating pagkakaisa at
paninindigan upang mas mapagtibay ang pangangalaga sa
ating kapaligiran.
Punan ang mga puwang gamit ang mga salitang nasa loob
I I N ng kahon.
SU R

Ang ating barangay ay naglulunsad ng iba't ibang ________ upang


mapanatili ang ________, malinis at kaaya-ayang kapaligiran tulad ng
pagbibigay impormasyon sa tamang pagtatapon ng mga basura sa
tamang ________. Sa simpleng ________ sa ganitong programa tiyak
na maipapakita ang ________ sa kapwa. Gayundin naman sa paaralan
na nagsasagawa ng iba't ibang hakbang upang mapanatili ang kaayusan
ng paligid nito. Makakamit lamang ang pagkakaroon ng ideyal na
kapaligiran kung ________ ang ating paiiralin sa tuwina.
NG
Ano ang iyong gagawin sa sumusunod na sitwasyon?
TIAN
PANGA
G
W
K AA
Pangatwiranan ang iyong kasagutan.
1. Namamasyal kayo nang makaramdam ka ng matinding pag-ihi
ngunit malayo ang palikuran. Kung sa may likuran ka ng malaking
puno iihi ay wala namang makakakita sa iyo. Ano ang gagawin mo?
2. Kumakain kayo ng ice cream habang naglalakad sa tabi ng
kalsada. Pagkatapos ninyong kumain ay wala kayong makitang
basurahan, bigla na lang itinapon ng kasama mo ang stick sa tabi-
tabi dahil wala naman daw nakakakita. Ano ang gagawin mo?
3. Habang nasa sasakyan ay ngumuya ka ng bubble gum. Nang
malasahan mong matabang na ito, ano ang gagawin mo?
I SI P
I SA

Malaki ang kontribusyon ng malinis na


kapaligiran sa pagkakaroon ng malusog na
katawan at isipan ng mga mamamayan. Dahil
dito, ang disiplina at pakikiisa ng mga tao sa
lahat ng programang ipinatutupad ay kailangan
upang mapanatili ang kaayusan at kagandahan
ng kapaligiran.
Basahin ang bawat sitwasyon. Piliin at isulat ang titik ng
H IN
TAYA pinakatamang sagot.
1. Nagwalis ka ng inyong bakuran. Ano ang
gagawin mo sa naipong dumi?
a. Ilalagay sa bakuran ng kapitbahay.
b. Itatapon sa kanal.
c. Itatapon sa basurahan.
d. Susunugin ito.
Basahin ang bawat sitwasyon. Piliin at isulat ang titik ng
H IN
TAYA pinakatamang sagot.
2. Namamasyal kayo sa parke nang
maramdaman mong naiihi ka. Ano ang
gagawin mo?

a. Maghahanap ng palikuran sa parke.


b. Iihi sa tagong lugar.
c. Sa bahay na lang iihi.
d. Pipigilan ang pag-ihi.
Basahin ang bawat sitwasyon. Piliin at isulat ang titik ng
H IN
TAYA pinakatamang sagot.
3. Paano ka makatutulong sa pagpapanatiling
malinis at maayos ng inyong silid-aralan?

a. Hayaang nakakalat ang mga aklat.


b. Iwanan ang pinagkainan sa upuan.
c. Hayaang nakasara lang ang bintana.
d. Wawalisan ang mga kalat.
Basahin ang bawat sitwasyon. Piliin at isulat ang titik ng
H IN
TAYA pinakatamang sagot.
4. Nagpunta si Alma sa silid-aklatan. Napansin niya ang
maayos na pagkakasalansan ng mga aklat. Malinis din ang
paligid ng lugar. Paano niya mapapanatili ang kaaya-
ayang paligid ng silid-aklatan?
a. Iiwanan niya ang kalat sa ibabaw ng mesa.
b. Ibabalik niya ang hiniram na aklat sa tamang lagayan.
c. Ilalagay niya sa upuan ang hiniram na aklat.
d. Maglalaro siya sa silid-aklatan
Basahin ang bawat sitwasyon. Piliin at isulat ang titik ng
H IN
TAYA pinakatamang sagot.
5. Alin sa mga sumusunod na gawain ang
nagpapakita ng paggalang sa malinis at kaaya-ayang
kapaligiran?

a. Pagpitas ng mga bulaklak sa paligid ng palaruan.


b. Pagtapon ng basura sa tamang lalagyan
c. Pag-ihi kung saan-saan.
d. Pagpapadumi ng aso sa kalsada.

You might also like