You are on page 1of 14

Kapaligiran, Pangalagaan

Natin!
Kalikasan ay ating pakaingatan upang
kalamidad ay maiwasan. |
Ang pagpapanatili at pag-aalaga sa ating kapaligiran ay
napakahalaga. Habang lumalago o lumalaki ang
teknolohiya, nakalilimutan natin na dumarami rin ang ating
mga basura (waste).
Kung magpapatuloy ito ay unti-unting masisira ang ating
mayamang kalikasan at magandang kapaligiran.
Ang kuwentong babasahin mo ay tungkol sa magkaklase na
pinag uusapan ang Clean and Green Drive ng kanilang
paaralan. Alamin natin kung ano ang mabuting maidudulot
nito.
Bago basahin ang kuwento ay sagutin ang mga tanong na
ito.
a. Ano ang magandang maidudulot ng malinis na
kapaligiran?
b. Bakit mahalaga ang pakikipagtulungan sa mga
programa na may kinalaman sa pagpapanatili ng
kalinisan at kaayusan ng isang lugar?
c. Sa iyong paaralan, ano ang mga ginagawa ninyo upang
magkaroon ng malinis at maayos na kapaligiran?
SURIIN MO
Sa loob ng paaralan ng Sto. Rosario Elementary School ay
mapapansin ang mga karatula na may nakasulat na
“Cleanliness is next to Godliness."
Kapansin-pansin din ang mga basurahan na nakapalibot sa
buong paaralan; may nakasulat sa mga ito na nabubulok at
hindi nabubulok.
Habang nagpapaninga muna ang iba ay naglakad-lakad
muna sina Romeo atLaiza.
“Palagi nating ginagawa itong Clean and Green Drive
activity. Hindi ka ba nagsasawa o nabo-boring?" tanong ni
Romeo.
SURIIN MO
"Hindi naman, kung iisipin mo kasi ay malaki ang
naitutulong nito sa ating paaralan. Pero mas malaki ang
maitutulong nito sa nakararami kung hindi lang natin ito sa
paaralan ginagawa,” suhestiyon ni Laiza.
“Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ni Romeo.
“Ang ibig kong sabihin ay kung meron din tayong Clean
and Green Drive activity sa ating komunidad, malaki ang
maitutulong nito sa ating mga kapitbahay,” paliwanag ni
Laiza.
"Maiiwasan na rin ang mga pagkakasakit. Bukod dito,
mababawasan ang mga basura sa ating lugar,” dagdag ni
Romeo.
SURIIN MO
"Tama, kung gagawin natin ito sa ating komunidad,
maiiwasan ang mga pagbabara ng mga kanal (drainage).
Iyon pa naman ang dahilan ng pagbaha sa lugar natin.”
“Isipin mo, hindi kaya ganito rin ang gusto nilang gawin
natin sa ating komunidad kung kaya't ginagawa natin ito sa
paaralan?" tanong ni Laiza.
"Sa palagay ko tama ka. Kaya nga nandito tayo sa paaralan
at nag aaral ay para gawin natin ang ating mga
natututuhan,” nakangiting sabi ni Romeo.
"Pag-uwi natin mamaya ay sabihin at isuhestiyon natin ito
sa Sangguniang Kabataan sa ating lugar," masayang sabi ni
Laiza:
Masayang bumalik ang dalawa upang ituloy ang pagtulong
sa pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang paaralan.
SAGUTIN MO
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
2. Ano ang makikita o mapapansin sa Sto. Rosario
Elementary School?
3. Para saan ang Clean and Green Drive activity?
4. Ano ang naisip isuhestiyon nina Romeo at Laiza sa
Sangguniang Kabataan?
5. Bakit mahalaga ang pagpapanatili ng kalinisan ng
kapaligiran?
6. Kung ikaw ang nasa kanilang sitwasyon, gagawin mo rin
ba ang kanilang naisip? Paano?
ISIPIN MO
Ang ating kapaligiran ay puno ng mga likas na yaman na
ating napakikinabangan sa pang-araw-araw. Sa mga urban
na lugar na kung saan dumarami ang mga pabrika at
lumalaki ang populasyon ay nakababahala na sapagkat unti-
unting nawawala ang kagandahan ng kalikasan.
Ang mga tao ang responsable at may pananagutan sa
paggamit ng mga likas na yaman na ito.
Kung magpapatuloy ang pang aabuso sa mga ito ay
maaaring maglaho ang mga magagandang yaman ng Inang
kalikasan.
ISIPIN MO
Ang hindi maayos o wastong pagtatapon ng mga basura ay
mapanganib para sa mga tao hindi lamang sa kanilang
kalusugan pati narin sa kanilang pamumuhay.
Kung magpapatuloy ang pagbabara ng mga daanan ng tubig
ay posibleng mga buhay ang maging kapalit dahil sa mga
hindi inaasahang kalamidad tulad ng mataas na pagbaha.
Mapipigilan natin ito sa pamamagitan ng pag-iisip ng
paraan na makatutulong upang maisalba ang ating kalikasan
at likas na yaman sa pagkaubos.
Makilahok sa mga programa na malaki ang maitutulong
upang mahikayat pa ang mga mamamayan na pangalagaan
at protektahan ang mundo na ibinigay sa atin.
SUBUKIN MO
Gumawa ng maikling talata kung paano mo
pangangalagaan kalinisan ng mga sumusunod na lugar.
1. Paaralan
2. Silid-tulugan
3. Kusina
4. Bakuran
ISABUHAY MO
Pandaigdigang Pagkakaisa para sa Kalinisan at
Kaayusan
Ang mga taong nagkakaisa para sa kalinisan at kaayusan ng
ating kapaligiran ay maituturing na isang responsableng
mamamayan na may pagmamahal sa kaniyang bansa.

Ikaw, sa paanong paraan ka nakatutulong sa pagpapanatili


ng kalinisan ng ating kapaligiran? Magbahagi ng iyong
karanasan tungkol dito. Isulat ang sagot sa iyong
talaarawan.
PAGBUTIHIN MO
1. Si Emily ay tumutulong sa paglilinis ng bakuran araw-araw.
2. Hindi ibinubukod ni Mark ang mga basurang nabubulok sa 'di-nabubulok.
3. Sinusunog ni James ang mga plastik na bote na kaniyang nakukuha sa
kanilang bahay.
4. Nilalagyan ng takip ni Lea ang mga basurahan upang hindi dapuan ng
mga insekto.
5. Sumasali sa mga programa na nakatutulong sa kapaligiran ang
magkaibigang Berna at Elisha.
6. Hindi nililinis ni Carla ang kaniyang kuwarto kahit na sinasabihan siya ng
kaniyang ina.
7. Hindi sinusunog ni Jay ang mga lumang gulong,ginagawa niya itong
taniman ng mga halaman.
8. Tumutulong sa pagtatanim ng mga puno ang mga mag aaral upang
mapaganda ang kanilang paaralan.
9. Naisip ni Carl na magkaroon ng kapaki-pakinabang na programa upang
maitapon ng maayos ang mga basura.
10. Ang mga tao sa barangay ay nagtulong-tulong sa paglilinis ng mga kanal.
PAGBUTIHIN MO
B. Gumawa ng islogan tungkol sa pangangalaga ng ating
kapaligiran. (Ilagay ito sa Bond Paper)

You might also like