You are on page 1of 4

Introduksyon

Tayo ay isinilang sa mundo at tayo ay nakatira sa mundo. Kaya ang kapaligiran kung saan tayo ay
nabubuhay ay napakahalaga at ito ay direktang nakakaapekto sa ating buhay. Sinasabi na ang tao ay
siyang produkto ng kaniyang kapaligiran. Ang problema sa basura ay isang pandaigdigang alalahanin. Ito
ay walang hangganan. Sa ating paaralan, pagsisikap ay kailangan upang ang bawat estudyante ay
magkaroon ng kamalayan tungkol sa pagkasira ng kapaligiran dahil sa hindi tamang paglalagay ng basura
na naayon sa lalagyan. Ito ay isang pangunahing sanhi ng polusyon at pinagsimulan ng mga karaniwang
sakit. Walang permanenteng solusyon para sa problema ng basura. Ang isa sa mga magagawa nating mga
kabataan ay ang bawasan at kontrolin ang basura sa pamamagitan ng tamang kamalayan at pagsasanay.
Ang tamang pamamahala ng basura ay isa sa pinakamahalaga sa ating paaralan.

PROPONENT NG PROYEKTO: Pangulo ng SSG: Joseph Kian Alanes

PAMAGAT NG PROYEKTO: Basurahan Para sa Ikauunlad ng Ating Paaralan

III. PONDONG KAILANGAN: ₱1,125 PHP

RASYONAL

Ang proyektong ito ay nais maisagawa sapagkat hindi lingid sa ating kaalaman na ang ating
paaralan ay dumadaan sa prosesong kailangan ng sapat at wastong malinis na kapaligiran. Bilang tulong
sa ganitong problema ng ating paaralan, ang mga basurahan sa bawat sulok ng campus ay makakatulong
upang maiwasan ang pagtatapon ng basura kung saan-saan.

DESKRIPSYON AT LAYUNIN NG PROYEKTO

Deskripsyon

Ang deskripsyon ng proyektong ito ay makabili at maisagawa ang tatlong basurahan na mayroong
laybel na “nabubulok” “hindi-nabubulok” at “nareresiklo”. Nang sa gayon ay makatulong tayo sa bawat
isa gayundin sa ating paaralan.

Layunin

Layunin ng proyektong ito na magkaroon ng kaaya-ayang kapaligiran at makaiwas sa kung anuman


ang sakit na pwedeng nating makuha pagdating sa usaping basura. Gayundin, upang ang ating paaralan
ay makakuha ng parangal sa Departamento ng DENR (Department of Environment and Natural
Resources).

KASANGKOT SA PROYEKTO

Kasangkot sa proyetong ang mga sumusunod:

Maidene Praise Obedoza (Magsasagawa ng proyekto)

Mariellyn N. Aragon (Magsasagawa ng proyekto)

Joseph Kian Allanes (Presidente ng Paaralan)

VII. KAPAKINABANGANG DULOT

Sa proyektong ito, bukod sa makakatulong tayo sa kalinisan ng ating paaralan, tayo rin mismong
mga indibidwal ay makikinabang dito. Sa mga estudyante, hindi sila mahihirapan sa kanilang pag-aaral
sapagkat may malinis na kapaligiran. Gayundin sa mga guro dahil karamihan o halos lahat naman yata ng
mga guro ay ayaw ng maruming silid-aralan. Hindi lamang iyon, kapag napanatili natin ang ganitong
gawain maaari ding makinabang ang ating paaralan sapagkat maaaring makakuha tayo ng parangal mula
sa DENR. Makakaiwas din tayo sa masasamang dulot ng basura kagaya ng pagbaha, pagkakasakit at iba
pa.

VIII. TALATAKDAAN NG MGA GAWAIN AT ESTRATEHIYA

PETSA MGA GAWAIN PANGALAN (ng kung sino ang gagawa) LUGAR/LOKASYON

Septyembre 29,2017 Pagbili ng basurahan Bibilhin ng lider ng bawat baitang Smart Grocery

Oktubre 2, 2017 Paglalagay ng basurahan sa naaayon na lugar Maidene Praise Obedoza at


Mariellyn N. Aragon Tabi ng kantina, tabi ng tarangkahan, positron park at sa gilid covered court

GASTUSIN NG PROYEKTO
Sa proyektong ito, tinatayang gugugol ang bawat baitang ng kabuuang halagang Php. 1,125 na
inilalaan sa sumusunod na pagkakagastusan.

BILANG NG AYTEM PAGSASALARAWAN NG AYTEM PRESYO NG BAWAT AYTEM (PHP)


PRESYONG PANGKALAHATAN (PHP)

15 BASURAHAN ₱75.00 ₱1,125

KABUUANG GASTUSIN ₱1,125

Konklusyon

Dapat maintindihan ng bawat anciestas na bawat isa sa kanila ay lumilikha ng basura. Kung sino ang
nakikinabang at lumilikha ng basura ang siyang may pananagutan sa madaling salita dapat nang
maglagay ang paaralan ng basurahan sa bawat sulok ng paaralan upang maisaayos ng tama ang bawat
basura ng mga estudyante. Kung seseryosin at nasa tamang segregasyon ang basura bago ilagay sa (MRF)
hindi na mahihirapan pa o mas mapapadali ang trabaho.

Inilahad ni

Chezka Mayne Angara

Kalihim ng SSG

Iminungkahing Pagtibayin:

Jezreel Dela Torre


Pangalawang Pangulo ng SSG

Pinagtibay:

Joseph Kian Alanes

Pangulo ng SSG

You might also like