You are on page 1of 2

PANUKALANG PROYEKTO

I. Pamagat:
"RENOBASYON NG MALINIS AT MAAYOS NA PALIKURAN PARA SA LAHAT NG
KASARIAN NG PCSHS"
II. Proponet ng proyekto:
1. Acedo
2. Gabatino
3. Cruz
4. Imperio
5. Tabangay
6. Usi

III. Kategorya ng Proyekto:


Seminar
IV. Petsa:
Ang nabanggit na proyekto ay inaasahang tatagal ng 3 buwan simula Setyembre 1 2019
hanggang Nobyembre 1 2019.
V. Rasyonal:
Ang pagsasaayos o pag re renovate ng mga palikuran ng PCSHS ay isa sa mga
mahahalagang bagay na dapat pag tuunan ng pansin ng ating paaralan. Una, upang mas
magkaroon ang mga estudyante ng kaaya ayang mga palikuran kasaman na din dito ang pag
punan sa mga bagay na kulang sa ating mga palikuran tulad ng mga salamin etc. Pangalawa,
para makaiwas ang mga magaaral sa mga maaring makuhang sakit sa pagkakaroon ng hindi
malinis na palikuran. Pangatlo, isa sa mga layunin ng proyektong ito ay ang pagtatanggal ng
Gender Based Comfort rooms kung saan walang kinikilalang kasarian ang mga palikuran bilang
pagbibigay respeto sa mga kasapi ng LGBT community.
VI. Deskripsyon:
Ang Proyekto na ito ay isang paraan upang magkaroon ng maayos na sistema sa mga
palikuran ng paaralan. Mas mabibigyan tuon at pansin dito ang pagkakaroon ng respesto sa
kapwa nating mga estudyante at guro, hindi lamang sa kasarian kundi rin sa kanilang
oryentasyon sa sarili. Karagdagan pa sa proyekto na ito ay magkaroon ng pagbabago sa
palikuran ng magkaroon na malinis na lugar na makakalayo ng sakit sa mga estudyante sa
paaralan.
VII. Badyet:

₱ 1 056 Toilet bowl


₱ 2 779 Hand dryer
₱ 650 Doorknob
₱ 499 "13.5 × 37.2" Mirror
₱ 986 4L Paint 87 tiles (per piece. For example, ×20)
₱ 2000 Labor

Approximately = 38 840
Fund raising (Fun Run) - 100 PHP per student
if 395 lahat students

= 39 500

VIII. Pakinabang:
Mabilis ang pagdami ng bacteria sa palikuran sapagkat ang loob nito ay mahalumigmig
at magandsng lugar para sa mga bacteria at mold para sa pagpaparami; maaari itong
makapagdulot ng norovirus, influenza o MRSA. Ibig sabihin lamang nito na mas ligtas at
makakaiwas ang mga estudyante sa mga sakit. Sumunod ay upang matanggal ang mga di
kaaya-ayang amoy na dahil sa mga di maayos na pag-flush at mga kalat sa loob na nakulob.
Mas magiging kapaki-pakinabang ang paggamit nito lalo na sa ilang mga kababaihang mahilig
mag-ayos ng kanilang anyo. Makakatulong rin na mabawasan ang pagkailang ng ilan sa mga
kasarian sa tuwing sila ay pumapasok dito; upang maiwasan na rin ang diskriminasyon ukol sa
paggamit nito.

You might also like