You are on page 1of 85

A g ood de sc r i p ti on

i s a mag ic i a n t ha t
c a n tur n an ea r i n t o
an eye .
-A no ny m ous
MGA URI NG
TEKSTO
TEKSTONG DESKRIPTIBO
• O deskripsyon o paglalarawan ay naglalayong bumuo nang malinaw
na larawan sa isip ng mambabasa.
• Kung ang pintor ay pumipili ng mga sangkap na isasama sa pagguhit
upang makalikha ng isang buhay na larawan para sa titingin ay gayon
din ang manunulat. Pumipili ang manunulat ng mga salita at iba pang
sangkap ng paglalarawan na makatutulong sa pagbuo ng larawan sa
isipan ng mambabasa.
• Ang mga pang-uri at pang-abay ay karaniwang nang gamitin sa
deskriptibong teksto. Maliwanag at mabisang nailalarawan ang mga
pang-uri at pang-abay ang ano mang bagay na nais ipamalas sa iba.
MGA PANGANGAILANGAN SA EPEKTIBONG
DESKRIPSYON

1.Pagpili ng Paksa
2.Pagbuo ng isang Pangunahing Larawan
3.Pagpili ng Sariling Pananaw o Perspektibo
4.Kaisahan
5.Pagpili ng mga Sangkap na Isasama
DALAWANG URI NG DESKRIPSYON
• 1. Karaniwang Deskripsyon

Maganda at madaling pakibagayan. Iyan ang impresyon ng sinomang


makahaharap ni Linda. Dala marahil iyon ng kaniyang mapang-akit na mga
mata na nakahahalina sa sino mang makakakita nito. Ang kaniyang
namumurok na pisngi at ang napakalalim na biloy na lalong nagpapaganda sa
kaniyang mukha kung siya ay tumatawa. Parang iginuhit ang kaniyang kilay at
nagtataglay ng mga pilik-matang malantik at mahahaba na lalong
nakatutulong upang, ikaw ay mahalina ng kaniyang mga mata. Sa kaniyang
pagtawa, mapapansin mo ang pantay-pantay at mapuputi nitong ngipin. Ayon
sa marami, ang mahaba at maitim niyang buhok ay nagsisilbing pang-akit ni
Linda sa mga kalalakihan.
DALAWANG URI NG DESKRIPSYON
• 1. Karaniwang Deskripsyon

Si Linda ay may matatag na paninindigan sa buhay. Ginagawa


niya ang ano mang kaniyang sabihin. Makabago si Linda at sosyal
pero matapat na nagpapahalaga at nag-iingat sa kaniyang puri at
pagbabago.
Relihiyosa at may takot sa Diyos si Linda. Lagi siyang
nagsisimba, mababa ang loob at handang tumulong sa sino mang
nangangailangan. Mapagpasensya rin siya kaya napakarami
niyang kaibigan.
DALAWANG URI NG DESKRIPSYON
• 1. Masining na Deskripsyon

Sa malas ni Isagani, sa tatlong oras na pagpupuyos ng bagyo


ay higit pang Malaki ang ipinagbago ng Magdalo kaysa
sampung taong pagkawalay nila sa nayon niyang ito. Halos lahat
ng nakikita niyang kagubatan ay likha ng nakapag-aalimpuyong
hangin at ulan. Gaya ng dati, ang malumot nanag munting
simbahan ni Aling Barang ay ibinagsak ng hangin, ngunit
nakataya pa sa harapan ng luklukang kawayang mahahabang
oras ding pinapag-init niya samantalang nakikipag-inuman siya
ng tuba, nakikiapagtayugan ng mga pangarap sa kaniyang
kapwa bata.
TAKDANG-ARALIN:

• Sumulat ng isang masining na deskriptibong teksto


tungkol sa iyong pinakamalapit na kamag-anak (lolo,
lola, ina/ama, tiyahin/tiyuhin o kapatid). Sikaping
maiugnay ang iyong teksto sa iyong sariling pamilya.
• Maglagay ng larawan ng iyong kamag-anak at ilagay
ang naisulat sa isang short bond paper.
PANGKATANG GAWAIN:
PANUTO: Mahahati sa dalawang pangkat ang klase. Ang bawat pangkat ay
maghahanap ng 5 bagay para sa ipahuhulaan sa kabilang pangkat. Kinakailangan
ay may nakaatas na isang miyembro na magpapahula at ang lahat na kasamahang
naiwan ay siyang manghuhula. Magbibigay lamang ng salitang pang-uri ang
nakaatas para mahulaan ng kasamahan ang mga bagay na pahuhulaan. Mabibigyan
lamang ng 5 minuto para mahulaan lahat ng bagay na inihanda ng kabilang
pangkat. Limang(5) puntos bawat tamang sagot. Ang bawat isa ay may 20 puntos
na ngunit ito ay mababawasan kung mali ang gagamiting salita. Ang may
pinakamaraming puntos at pinakaikli na oras ang siyang mananalo.
NARATIBONG TEKSTO
• Ang naratibong teksto ay may layuning magsalaysay o
magkuwento ng mga magkakaugnay-ugnay na pangyayari.
Ang batayan nito’y maaaring mga sariling karanasan, mga
pangyayaring napakinggan/narinig,
nakita/nasaksihan/napanood, nabasa/natunghayan o
nabalitaan. Maaari ring magkuwento ng mga pangyayaring
likhang-isip lamang.
NARATIBONG TEKSTO
KASUKDULAN
Sunod-sunod at Papataas
ng mga Pangyayari

WAKAS

SIMULA
MGA KATANGIAN NG MABUTING
NARATIBONG TEKSTO
1.Mabuting Pamagat
a. maikli
b. kawili-wili o kapana-panabik
c. nagtatago ng lihim o hindi nagbubunyag ng wakas, orihinal o
hindi palasak,
d. hindi katawa-tawa, kung ang komposisyon ay wala naming
layuning mapagtawa, at
e. May kauganayan o naaangkop sa paksang-diwa ng komposisyon.
2. Mahalagang Paksa.
MGA KATANGIAN NG MABUTING
NARATIBONG TEKSTO
3. Wastong Pagkasunod-sunod ng mga Pangyayari.
a. Simula,
b. Gitna, at
c. Wakas.
Ang iba naman ay gumagamit ng flashback o paraang pabalik na tulad
nito:
a. Gitna o dakung wakas,
b. Nagbabalik sa simula sa pamamagitan ng paggunita o pag-alala,
at
c. Wakas.
MGA KATANGIAN NG MABUTING
NARATIBONG TEKSTO
Ang pagsasalaysay ay maaari rin naming may ganitong pagkasunod-sunod:
a. Nagsisimula sa wakas,
b. Nagbabalik sa tunay na simula, at
c. Natatapos sa tunay na wakas na ginamit sa simula ng sumulat.
4. Mabuting Simula.
5. Mabuting Wakas.
Basahina ang pahina 18 at 23.
PANGKATANG GAWAIN:

• Gagawa ang klase ng isang kuwento. Ang kuwento ay naglalaman


ng simula, gitna, kasukdulan at wakas. Maaring pagkasunduan ang
pangalan ng mga tauhan at lugar.
QUIZ # 1:

Buksan ang aklat sa pahina 6. Hatiin ang


klase sa 5 pangkat at sundin ang panuto
sa pahina.
TEKSTONG EKSPOSITORI
• ang ekspositori ay pagpapaliwanag. Ito ay isang uri
ng teksto na nagpapahayag ng mga ideya, kaisipan
at impormasyon na sakop ng kaalaman ng tao na
inihanay sa isang maayos at malinaw na
pamamaraan upang maging daan sa pagkakaroon
ng bago at/ o dagdag na kaalaman ng ibang tao.
KAHALAGAHAN AT LAYUNIN
Mahalagang teksto ang ekspositori dahil ito ay nagiging daan
sa pagkakaroon ng bago at/ o karagdagang kaalaman ng tao
kaugnay ng mga bagay na nagaganap sa kaniyang
kapaligiran. Ang kaalamang ito naman ay nagiging daan sa
pagpapabuti ng kaniyang pagkatao at nagpapaangat ng antas
ng pamumuhay ng ibang tao. Ang tao ay laging may mga
tanong na kaniyang ninanais na matugunan kung kaya’t
madalas siyang naghahanap ng paraan upang mabigyan ng
sagot ang mga ito.
KAHALAGAHAN AT LAYUNIN
Ang pangunahing layunin ng tekstong ekspositori ay upang
makapagbigay ng impormasyon. Nilalayon ng tekstong ito na
maragdagan ang kaalaman ng tao tungkol sa mga bagay na
nagaganap sa kaniyang kapaligiran. Ang kasalukuyang antas
ng pamumuhay ng tao ay bunga ng mga pag-aaral na
isinagawa ng mga tao noong unang panahon at sa
pamamagitan ng pagpapaliwanag, nagging daan ito upang
maisalin sa mga susunod na henerasyon upang patuloy na
mapakinabangan ng susunod na henerasyon at mapaunlad ang
antas ng kanilang buhay.
Expositions are the
timekeepers of progress.
- William Mckinley
KAHALAGAHAN AT LAYUNIN
Ayon kina Bernales, et al. (2006), layunin ng eksposisyon na
gumawa ng isang malinaw, sapat at walang pagkiling na
pagpapaliwanag sa ano mang bagay na nasasaklaw ng
kaalaman ng tao.
MGA KATANGIAN NG MABUTING
TEKSTONG EKSPOSITORI
• Itinala nina Pagkalinawan, et al. (2004) ang
katangian ng isang mahusay at epektibong
eksposisyon:
1.Malinaw
2.Tiyak
3.May kohirens
4.Empasis
MGA HULWARAN
NG TEKSTONG
EKSPOSITORI
MGA HULWARAN NG TEKSTONG EKSPOSITORI

1.Depinisyon
2.Pag-iisa-isa o Enumerasyon
3.Pagsusunod-sunod o Order
4.Paghahambing at Pagkokontrast
5.Problema at Solusyon
6.Sanhi at Bunga
MGA HULWARAN NG TEKSTONG EKSPOSITORI

1.Depinisyon
ang isang depinisyon ay karaniwang nagtataglay ng tatlong bahagi:
(1)Termino o salitang binibigyang-kahulugan
(2)Ang uri, class o specie
(3)ang mga natatanging katangian nito (distinguishing characteristics) o kung
paano ito naiiba sa mga katulad na uri
May tatlong paraan na maaaring gamitin ang isang manunulat,
-sinonim o mga salitang katulad ang kahulugan
- Ang intensib na pagbibigay kahulugan
- Ang ekstensib
MGA HULWARAN NG TEKSTONG EKSPOSITORI

1.Depinisyon
May tatlong paraan na maaaring gamitin ang isang
manunulat,
-sinonim o mga salitang katulad ang kahulugan
-Ang intensib na pagbibigay kahulugan
Sa paraang ito ginagamit ang tatlong bahaging tinalakay sa
naunang talata
-Ang ekstensib na depinisyon, pinalawak ang kahulugang
ibinigay o tinalakay sa intensib na pagbibigay ng kahulugan
MGA HULWARAN NG TEKSTONG EKSPOSITORI

2. Pag-isa-isa o Enumerasyon
Nauuri ito sa dalawa: simple at komplikadong pag-iisa-isa
-ang simpleng pag-iisa-isa ay pagtalakay sa pangunahing paksa at
pagbanggit ng mga kaugnay at mahahalagang salita
-ang komplikadong pag-iisa-isa ay pagtalakay sa pamamaraang
patalata ng pangunahing paksa at mga kaugnay na kaisipan na
naglilinaw sa paksa.
MGA HULWARAN NG TEKSTONG EKSPOSITORI

3. Pagsusunod-sunod o Order
Isang paraan ng pag-oorganisa ng isang tekstong ekspositori ay ang
paggamit ng paraang pagsunod-sunod o order ng mga pangyayari o ng
isang proseso.
May dalawang batayang uri ito:
a. Sikwensyal-Kronolohikal – ang sikwens, ayon sa diksyonaryo, ay
mga serye o sunod-sunod na mga bagay na konektado sa isa’t isa at
ang kronolohiya naman ay mga pagkakasunod-sunod ng mga
bagay.
b. Prosidyural – ito ay isang uri ng teksto tungkol sa serye ng mga
Gawain upang matamo ang inaasahang hangganan o resulta.
MGA HULWARAN NG TEKSTONG EKSPOSITORI

4. Paghahambing at Pagkokontrast
Isang tekstong nagbibigay-diin sa pagkakatulad at pagkakaiba ng
dalawa o higit pang tao, bagay, kaisipan o ideya at maging ng
pangyayari. May dalawang paraan ang hulwarang ito. Maaaring
halinhinan (alternating) ang pagtatalakay sa katangian at ang ikalawa
ay ang isahan (block) na ang ibig sabihin ay magkasunod na pagtataya
sa katangian ng dalawang paksang pinahhahambing at kinokontrast.
MGA HULWARAN NG TEKSTONG EKSPOSITORI

5. Problema at Solusyon
Pagtalakay naman sa isa o ilang suliranin at
paglalapat ng kalutasan ang pokus ng hulwarang
ito. Karaniwang inuunang talakayin ang problema
bago ang solusyon sa hulawarang ito bagama’t
minsan ay kabalikan nito. Ang problema ay
maaaring pang-agham o panlipunan
MGA HULWARAN NG TEKSTONG EKSPOSITORI

6. Sanhi at Bunga
Sa hulwarang sanhi at bunga, tinatalakay ang
mga kadahilanan ng isang bagay o pangyayari
at ang mga epekto nito. Makikilala ito sa
paggamit ng mga salitang dahil, kaya at iba
pang salitang nagpapahayag ng ugnayang sanhi
at bunga.
PANGKATANG PAGSUSULIT
PANUTO:
• Hatiin ang klase sa 6 na pangkat. Ang bawat
pangkat ay maghanda ng isang buong papel kung
saan ay isusulat nila ang mga nakuhang
impormasyon sa ibibigay na mga papel. Ang bawat
hulwaran ng tekstong ekspositori ay may nakalaang
4 na minuto para basahin ang detalye at isulat ang
mga impormasyon sa papel.
TEKSTONG
IMPORMATIBO
Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng
babasahing di piksyon. Ito ay naglalayong magbigay
ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at
walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad
ng sa mga hayop, isports, agham o siyensiya,
kasaysayan, Gawain, paglalakbay, heograpiya,
kalawakan, panahaon, at iba pa.
ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO

LAYUNIN NG MAY-AKDA
• Maaaring magkaiba-iba ang layunin ng may-akda sa pagsulat niya
ng isang tekstong impormatibo. Maaaring layunin niyang
mapalawak pa ang kaalaman ukol sa isang paksa; mauunawaan
ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag; matuto ng maraming
bagay ukol sa ating mundo; magsaliksik; at mailahad ang mga
yugto sa bagay ng iba’t ibang uri ng insekto, hayop, at iba pang
nabubuhay; at iba pa. gayunpaman, anuman ang layunin ay
mapapansing kaugnay ito lagi ng pagbibigay o paglalahad ng
impomasyon.
ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO

Pangunahing Ideya
• Di tulad ng tekstong naratibi na hindi agad inihahayag ng
manunulat ang mga mangyayari upang mapaabot ang interes ng
mambabasa sa kasukdulan ng akda, sa tekstong impormatibo
naman ay dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa
mambabasa. Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng
pamagat sa bawat bahagi-tinatawag din itong organizational
markers na nakatutulong upang agad makita at malaman ng
mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin.
ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO

Pantulong na Kaisipan
• Mahalaga rin ang paglalagay ng mga angkop na mga pantulong na
kaisipan o mga detalye upang makatulong mabuo sa isipan ng
mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o
maiwan sa kanila.
ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO
Estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang
magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin

• Makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mas malawak


na pag-unawa sa binabasang tekstong impormatibo ang paggamit
ng mga estilo o kagamitan/sangguniang magbibigay-diin sa
mahahalagang bahagi tulad ng sumusunod:
-paggamit ng mga nakalarawang representasyon
-pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto
-pagsulat ng mga talasanggunian
MGA URI NG
TEKSTONG
IMPORMATIBO
PAGLALAHAD NG TOTOONG
PANGYAYARI/KASAYSAYAN
• Sa uring ito ng teksto inilalahad ang mga totoong pangyayaring
naganap sa isang panahon o pagkakataon. Maaaring ang
pangyayaring isasalaysay ay personal na nasaksihan ng
manunulat tulad ng mga balitang isinusulat ng mga reporter ng
mga pahayagan o maaari ding hindi direktang nasaksihan ng
manunulat kundi mula sa katotohanang nasaksihan at
pinatutunayan ng iba tulad naman ng sulating pangkasaysayan
o historical account. Ang uring ito ng teksto ay karaniwang
sinisimulan ng manunulat sa isang mabisang panimula o
introduksiyon.
PAG-UULAT PANG-IMPORMASYON

• Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o


impormasyon patungkol sa tao, hayop, at iba pang bagay na
nabubuhay at di nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa
paligid. Ang pagsulat ng ganitong uring teksto ay
nangangailangan ng masusing pananaliksik sapagkat ang mga
impormasyon at detalyeng taglay nito ay naglalahad ng
katotohanan ukol sa paksa at hindi dapat samahan ng personal
na pananaw o opiniyon ng manunulat.
PAGPAPALIWANAG

• Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag


kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari.
Layunin nitong Makita ng mambabasa mula sa mga
impormasyong nagsasaad kung paano humantong ang paksa sa
ganitong kalagayan. Karaniwang itong ginagamitan ng mga
larawan, dayagram, o flowchart na may kasamang mga
paliwanag. Halimbawa nito’y ang siklo ng buhay ng mga hayop
at insekto tulad ng paruparo, palaka, at iba pa.
TEKSTONG
ARGUMENTATIB
TEKSTONG ARGUMENTATIB
• May mga pagkakataong nararanasan nating hindi sinasang-
ayunan ng ating kausap ang ating sinasabi. Hindi
maiiwasang may mga sandaling tumututol tayo sa panig ng
ilan lalo na’t taliwas ito sa ating pinaniniwalaan. Sa
kagustuhan nating ipaunawa sa iba ang mga batayan ng
ating mga pinaninindigan, ginagamit natin ang tekstong
nangangatuwiran (argumentative/argumentatibo). Kabilang
sa mga halimbawa nito ang mga talumpati, debate,
editorial, panunuring pampelikula, pandulaan, o pang-aklat.
TEKSTONG ARGUMENTATIB
• Pangangatuwiran ang mga pahayag na nagtataglay ng
paniniwala o paninindigang maaaring tama o mali. Umiikot ito
sa pagdududa sa usapin ng isang mananalaysay o
mananalumpati. Kailangang harapin niya ang paksa sa lahat ng
anggulo kahit pa nga sa simula pa lamang ay nailahad na niya
ang kaniyang pagkiling. Kailangan ding igalang ang opinion ng
kabilang panig habang pinaninindigan ng manunulat ang
kaniyang panig. Sa pamamagitan nito ay makukumbinsi at
mapaniniwala ang mga mambabasa o mga tagapakinig na
tanggapin ang ilalahad na mungkahi o saloobin.
URI NG PANGANGATUWIRAN
1. Pabuod na pangangatuwiran
Ang pangangtuwirang ito ay nagsisimula sa isang maliit at
ispesipik na halimbawa o katotohanan at magtatapos sa isang
panlahat na pahayag. Itinuturing na makaagham ang
pamamaraang ito dahil makailang ulit na dumaraan sa iba’t ibang
obserbasyon at pagsusuri bago ang paglalahat.
Ayon kina Tumangan, et al.(1997)
Mailalarawan ang uring ito sa pamamagitan ng ilustrasyon.

MGA DETALYE MULA


SA PINAKAMALIIT
HANGGANG SA
PINAKAMAHALAGA

Kongklusyon o
Paglalahat na
Pahayag
URI NG PANGANGATUWIRAN
1. Pasaklaw na pangangatuwiran
Dito,ang isang masaklaw na katotohanan ay ikinakapit sa
isang tiyak na pangyayari. Nagsisimula ito sa isang malaking
kaisipan patungo sa paghahati-hati nito sa maliit na kaisipan.
Ayon kina Tumangan, et al.(1997)
Mailalarawan ang uring ito sa pamamagitan ng ilustrasyon.

MASAKLAW NA
PAHAYAG

Mga
Sumusuportang
Detalye mula sa
Pinakamahalaga
hanggang sa
Pinakamaliit
MGA URI NG MALING
PANGANGATUWIRAN
Bawat salita ng iyong diskors, dahil nga sa
argumentatib ay sinusuri ng kabilang panig o
ng iyong mambabasa. Makatuwiran,
samaktuwid, na alalahanin ang mga uri ng
maling pangangatuwiran ( fallacies of
reasoning) na madalas gamitin kahit hindi
sinasadya ng isang nakikipag-argumento
upang “makagulat” sa kaniyang katalo o kaya
naman ay “makalusot” sa isang isyung mahirap
niyang pasinungalingan.
PANGKATANG GAWAIN:
Mahahati ang klase sa sampung pangkat. Ang bawat pangkat
ay bubunot ng isang uri ng maling pangangatuwiran. Pipili
ang bawat pangkat ng magiging lider, at paplanuhin ng
bawat pangkat ang gagawin sa nabunot na uri ng maling
pangangatuwiran. Ang bawat pangkat ay mag-iisip ng paraan
kung paano ipapakita sa kaklase ang halimbawa ng bawat uri
ng maling pangangatuwiran. Kinakailangan din
maipaliwanag ang bawat uri ng maling pangangatuwiran ng
bawat pangkat.
1. Argumentum ad homlnem

Isang nakahihiyang pag-atake sa personal na


katangian/katayuan ng katalo at hindi sa isyung
tinatalakay o pinagtatalunan.
Halimbawa:
Ano ang mapapala ninyong iboto ang aking katunggali
gayong ni hindi, siya naging pinuno ng kaniyang klase o ng
kaniyang barangay kaya? Balita ko’y under de saya pa yata!
2. Argumentum ad baculum

Puwersa o awtoridad ang gamit upang maiwasan


ang isyu at tuloy maipanalo ang argumento.
Halimbawa:
Tumigil ka sa sinasabi mo! Anak lang kita at wala
kang karapatang magsalita sa akin nang ganyan! Baka
sampalin kita nang makita mo ang hinahanap mo!
3.Argumentum ad misericordlam

Upang makamit ang awa at pagkampi ng mga


nakikinig/bumabasa, ginagamit ito sa paraang pumipili ng
mga salitang umaatake sa damdamin at hindi kaisipan.
Halimbawa:
Limusan natin ang mga kapuspalad na taong ito sa lansangan.
Hindi ba natin nakikita ang marurumi nilang damit, payat na
pangangatawan at nanlalalim na mga mata? Ano na lamang ba
ang magbigay ng ilang sentimos bilang pantawid-gutom?
4. Non sequitur

Sa ingles ang ibig sabihin nito ay doesn’t follow.


Pagbibigay ito ng konklusyon sa kabila ng mga walang
kaugnayang batayan.
Halimbawa:
Ang santol ay hindi magbubunga ng manga. Masamang
pamilya ang pinagmulan niya. Magulong paligid ang kaniyang
nilakhan. Ano pa ang inaasahan mo sa ganyang uri ng tao kundi
kawalang-hiyaan.
5. Ignorado elenchi

Gamitin ito ng mga Pilipino lalo na sa mga usapang


barberya, wika nga. Ito ang tinatawag sa Ingles na circular
reasoning o paligoy-ligoy.
Halimbawa:
Ano mang bagay na magpapatunay sa aking pagkatao ay
maipaliliwanag ng aking butihing maybahay. Tiyak ko namang
pinaniniwalaan ninyo siya sapagkat akong naging mabuti siyang
ina sa aking mga anak kahit tanungin pa ninyo siya ngayon.
6. Maling paglalahat

Dahil lamang sa ilang aytem/sitwasyon, nagbibigay na


agad ng isang konklusyong sumasaklaw sa pangkalahatan.
Halimbawa:
Ang artistang ito ay naging tiwali sa kaniyang
panunungkulan. Ang artista namang iyon ay maraming asawa,
samantalang bobo naman ang isang ito na tumatakbo bilang
konsehal. Huwag na nating iboto ang mga artista!
7. Maling Paghahambing

Karaniwan nang tinatawag na usapang lasing ang


ganitong uri pagkat mayroon ngang hambingan
ngunit sumasala naman sa matinong konklusyon.
Halimbawa:
( Sagot ng anak sa ina) Bakit ninyo ako patutulugin
agad? Kung kayo nga ay gising pa.
8. Maling Saligan

Nagsisimula ito sa maling akala na siya namang naging


batayan. Ipinagpatuloy ang gayon hanggang magkaroon ng
konklusyong wala sa katuwiran.
Halimbawa:
Lahat ng kabataan ay pag-aasawa ang iniisip. Sa pag-aasawa,
kailangan ang katapatan at kasipagan upang magtagumpay. Dahil
dito, dapat lamang na maging tapat at masipag ang kabataan.
9. Maling Awtoridad

Naglalahad ng tao o sangguniang walang kinalaman


sa isyung kasangkot.
Halimbawa:
Ang Kristiyanismo ay pananampalataya ng mga
mahihina. Iyan ang ipinahayag ni Karl Marx.
10. Dilemma

Naghahandog lamang ng dalawang opsyon/pagpipilian na


para bang iyon lamang at wala nang iba pang alternatibo.
Halimbawa:
Upang hindi ka mapahiya sa ating debate, ganito na lamang
ang gawin mo: huwag ka nang pumunta o kaya ay magsambit
ka ng papel na nagsasaad ng iyong pag-urong.
MAKATUTULONG DIN ANG SUMUSUNOD
NA COHESIVE DEVICES SA PAGSULAT NG
TEKSTONG NANGANGATUWIRAN.

Pagpapahayag ng Pagpapahayag ng
Taliwasan/ Kondisyon-
Salungatan/Kontrast Bunga/Kinalabasan
Mga Cohesive Devices: Mga Cohesive Devices:
- Pero -Maaari -Siguro
-Ngunit -Puwede -Sigurado
-Sa Halip -Posible -Tiyak
-Kahit(na) -Marahil
MAKATUTULONG DIN ANG SUMUSUNOD NA
COHESIVE DEVICES SA PAGSULAT NG TEKSTONG
NANGANGATUWIRAN.
Pagpapahayag ng Pagpapahayag ng
Pagbibigay-linaw sa Pagsang-ayon, Di-
Isang Ideya, Pagbubuod, Psgsang-ayon, at Di-
at Paglalahat ganap na Pagsang-ayon

Mga Cohesive Devices:


- Sa madaling salita/sabi Mga Cohesive Devices:
-Bilang paglilinaw -Kaya -Kung gayon -kung ganoon
-Kung gayon -Dahil dito -Samakatuwid
-Bilang pagwawakas -Kung kaya -Patunay nito
-Bilang kongklusyon -Bilang pagpapatunay
-Samakatuwid
MAKATUTULONG DIN ANG SUMUSUNOD NA
COHESIVE DEVICES SA PAGSULAT NG
TEKSTONG NANGANGATUWIRAN.

Pagpapahayag ng
Pagpapatunay
Mga Cohesive
Devices:
- Patunay nito
-Bilang Pagpapatunay
TAKDANG-ARALIN:

• Maghanda at magdala ng iba’t ibang kulay na papel,


gunting at pandikit para sa gagawing aktibidad sa
susunod na araw.
• Gagawa kayo ng fishbone na kung saan ang kabilang
bahagi ay naglalaman ng negatibo at ang kabila naman
ay positibong impormasyon tungkol sa mapipiling
paksa. Dapat ang mga pangungusap na gagawin ay
naglalaman ng cohesive device.
TEKSTONG PERSWEYSIB
TEKSTONG PERSWEYSIB
Layunin ng tekstong persweysib ang manghikayat o
mangumbinsi sa babasa ng teksto. Isinusulat ang tekstong
persweysib upang mabago ang takbo ng isip ng mambabasa at
makumbinsi na ang punto ng manunulat, at hindi sa iba, ang
siyang tama. Hinihikayat din nito ang mambabasa na tanggapin
ang posisyong pinaniniwalaan o ineendorso ng teksto.
Ang tekstong persweysib ay may subhetibong tono
sapagkat malayang ipinapahayag ng manunulat ang kaniyang
paniniwala at pagkiling tungjkol sa isang isyung may ilang
panig. Taglay nito ang personal na opinyon at paniniwala ng
may-akda.
Ang ganitong uri ng teksto ay
ginagamit sa mga iskrip para sa
patalastas, propaganda para sa
eleksiyon, at pagrerekrut para sa
isang samahan o networking.
Inilalaran ng griyegong pilosopo na si
saristotle ang tatlong paraan ng
panghihikayat o pangumngumbinsi.
Ito ay ang sumusunod:
1. Ethos
2. Pathos
3. Logos
Ethos Halimbawa, ang isang taong
manghihikayat ng mga turista
upang bisitahin ang isang isla sa
Pilipinas gayong hindi pa siya
nakapupunta rito ay maaaring
Ito ay tumutukoy sa kredibilidad maging kaduda-duda.
ng isang manunulat. Dapat
makumbinsi ng isang manunulat
ang mambabasa na siya ay may
malawak na kaalaman at
karanasan tungkol sa kaniyang
isinusulat, kung hindi ay baka hindi
sila mahikayat maniwala rito.
Ethos Ang paraan ng pagsisipi ng
sanggunian ay maaaring
makatulong sa pagpapatibay
Gayunpapaman, may iba pang
ng kredibilidad. Kailangang
paraan upang magkaroon ng
mapatunayan sa mga
kredibilidada. Ang estilo ng
mambabasa na ang mga
pagsulat ay mahalag upang
datos at impormasyon ay
magkaroon ng kredibilidad. Dapat
wasto at napapnahon upang
na maisulat nang malinaw at wasto
makumbinsi na ang isinulat
ang teksto upang lumabas na hitik
ay tama at
sa kaalaman at mahusay ang
mapagkakatiwalaan.
sumusulat.
Pathos Halimbawa, ang pagsasalaysay
ng isang kuwentong makaaantig
ng galit o awa ay isang mabisang
paraan upang mahikayat silang
Tumutukoy ito sa gamit ng pumanig sa manunulat.
emosyon o damdamin upang
mahikayat ang mambabasa. Ayon
kay Aristotle, karamihan sa mga
mambabasa ay madaling madala ng
kanilang emosyon. Ang paggamit
ng pagpapahalaga at paniniwala ng
mambabasa ay isang epektibong
paraan upang makumbinsi sila.
Logos Ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang
makumbinsi ang mambabasa. Kailangang
ang mambabasa. Kailangang mapatunayan
ng manunulat sa mga mambabasa na batay
sa mga impormasyon at datos na kaniyang
inilatag ang kaniyang pananaw o punto na
siyang dapat paniwalaan. Gayunman, isa sa
mga madalas na pagkakamali ng mga
manunulat ay sumasalungat sa personalidad
ng katunggali at hindi sa pinaniniwalaan
nito.
TAKDANG-ARALIN:
Magsaliksik ng tekstong prosidyural batay sa sumusunod na
paksa. Pipili lamang ng isa at ipapakita ito sa pamamagitan ng
pagguhit o larawan.
• Paggawa ng suman na may palaman
• Flower arrangement sa Araw ng mga Kaluluwa
• Paggawa ng homemade life-saver sa panahon ng kalamidad
• Pagkabit ng CCTV
• Pagbibigay ng First Aid
• Paglalaro ng Sepak-Takraw
TEKSTONG PROSIDYURAL
TEKSTONG PROSIDYURAL
• Isang espesyal na uri ng tekstong ekspositori ang tekstong
prosidyural. Inilalahad nito ang serye o mga hakbang sa pagbuo ng
isang gawain upang matamo ang inaasahan. Nagpapaliwanag ito
kung paano ginagawa ang isang bagay. Layunin nitong maipabatid
ang mga wastong hakbang na dapat isagawa. Sa panahon ngayong
maraming mga bagay ang sinasabi nilang do-it-yourself o ‘yung mga
bagay na sa halip kumuha ng iba pang gagawa ay ikaw na mismo ang
gagawa, nararapat lamang na marunong tayong umunawa sa mga
prosidyur na nakalakip dito. Ang wastong pag-unawa sa mga
prosidyur ang gagabay sa atin upang matagumpay na maisagawa ang
isang bagay.
TEKSTONG PROSIDYURAL
• Hindi sapat na marunong tayong umunawa sa mga tekstong
prosidyural, dapat ding magkaroon tayo ng kakayahang
sumulat ng isang prosidyur na mauunawaan ng lahat.
• Sa pagsusulat ng tekstong prosidyural, kailangang
malawak ang kaalaman sa paksang tatalakayin.
• Nararapat ding malinaw at tama ang pagkakasunod-sunod
ng dapat gawin upang hindi malito o magkamali ang
gagawa nito.
• Ang isa pang dapat tandaan ay ang paggamit ng mga payak
ngunit angkop na salitang madaling maunawaan ng
sinumang gagawa.
TEKSTONG PROSIDYURAL
• Nakatutulong din ang paglalakip ng larawan o ilustrasyon
kasama ng mga paliwanag upang higit na maging malinaw
ang pagsasagawa sa mga hakbang.
• Dapat pakaisiping layunin ng tekstong prosidyural na
miapaliwanag nang mabuit ang isang gawain upang
isagawa ito nanag maayos at tumpak, kaya nararapat
lamang na maisulat ito sa paraang mauunawaan ng lahat.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
isang Tekstong Prosidyural
1. Layunin – ano ang gustonmong matamo sa iyong sulatin?
Magbigay nang malinaw na panuto upang buong
tiwalang maisagawa ng mga mambabasa o mga nakikinig
ang isang gawain.
2. Tagatanggap – para kanino ka nagsusulat? Sa guro ba,
mga kapuwa mag-aaral , grupo ba?
3. Pagkakakilanlan – sumusulat ka ba bilang awtoridad o
eksperto sa paksa?
Mga Katangian ng Mabisang
Tekstong Prosidyural
Layunin ng tekstong prosidyural na ipabatid sa mga mababasa o
mga nakikinig kung paano gawin ang isang bagay. Inilalahad ang
mga impormasyon sa lohikal na pagkakaayos ng mga pangyayari at
nahahati sa mas maliit pang detalye. Kadalasang binubuo ng apat na
bahagi ang isang proseso.
1. Layunin. Ano ang dapat gawin?
2. Mga kagamitan. Nakatala ito ayon sa pagkasunod-sunod ng
gamit nito sa proseso
3. Metodo. Ito ang mga pamamaraan o serye ng mga hakbang.
4. Ebalwasyon. Paano masusukat ang tagumpay ng isang
pamamaraan o paraan?

You might also like