You are on page 1of 3

PANUKALA SA PAGKAKAROON NG EPEKTIBONG ISKEDYUL ANG BAWAT

MAG-AARAL SA PAGLILINIS AT PAGPAPANATILING MAAYOS AT KAAYA-


AYA NG HARDIN SA PAARALANG SANTA ROSA SCIENCE AND
TECHNOLOGY HIGHSCHOOL

Mula kay Ella Marie D. Morato

Santa Rosa Science and Technology Highschool

Ika-6 ng Enero, 2021

Haba ng Panahong Gugulin: Isang taon ng pag-aaral o 10 buwan

I. SULIRANIN
Ang Santa Rosa Science and Technology Highschool ay isang
pambulikong paaralan kung saan ang mga mag-aaral ay iskolar. Isa ito sa
pinaka kilalang eskwelahan sa lungsod ng Santa Rosa. Ang paaralan ay di
kalakihan ngunit mayroon naman ito ng mga pangunahing
pangangailangan na kinakailangan sa pagaaral. Ngunit sa kabila ng
kasikatan at ganda nito ay hindi mawawala ang mga problema.

Ang kalinisan ng isang tao ay hindi lamang makikita sap ag-aalaga sa


kanyang sarili kundi sa pangangalaga niya sa kaniyang Paligid. Ang
hardin ng paaralan ay isa sa mga importanteng lugar sa paaralan. Sa
paaralang Santa Rosa Science and Technology Highschool makikita na
hindi gaanong nabibigyang pansin ang kalinisan ng mga ito. Sapagkat
maaari itong pagsimulan ng iba’t ibang sakit tulad ng dengue kapag hindi
nalinis ng maayos. Ang ilan sa mga dahilan kung bakit ito hindi
nabibigyang pansin ay dahil sa kakulangan sa kaalaman ng mga tao sa
paaralan o estudyante sa maaring maging epekto nito, hindi pagkakaroon
ng disiplina ng mga estudyante at isang organisadong sistema. Sa
kadahilanang ito maaring magkaroon ng isang programa ang paaralan
para taasan ang kamalayan ng mga estudyante, guro at iba pang tao sa
ukol sa isyung ito. Maari rin na magkaroon ng isang pagtuturo sa isang
asignatura kung saan maari itong bigya ng pansin. Isa pa sa maaring
gawin ng paaralan ay magkaroon ng iskedyul o organisadong sistema
para sa paglilinis ng mga hardin sa paaralan. Ang lahat ng tao sa paaralan
lalo na ang mga estudyante ay bibigyan ng responsibilidad na maglinis sa
ng hardin sa isang araw. Halimbawa, sa isang seksyon ang maglilinis sa
araw na ito ay G1-G5 at sa lalaki naman ay B1-B5. Ang mga guro ay
hinihikayat din na gawin ito upang mas makita ng mga estudyante ang
importansya nito.

II. LAYUNIN
Mapanatiling malinis ang ang mga hardin sa paaralan upang maiwasan
ang pagkalat ng mga sakit tulad ng dengues at maging kaaya-aya ang
kapaligiran.
III. PLANO NG DAPAT GAWIN
1. Pagpapasa at Pagpapaapruba (7days)
2. Pagpupulong ng mga guro at iba pang importanteng tao para sa huling
desisyon (1 araw)
3. Pagpupulong ng mga guro kasama ang mga presidente at secretarya
ng bawat sekyon upang maipaalam at maipakalat ang
napagdesisyonang proyekto at badyet. (1 araw)
4. Pagbili ng mga gagamitin sa paglilinis ng hardin (1 araw)
5. Pagpapatupad ng programa (tuwing huling araw ng pasok sa isang
lingo, uwian)

Blueprint ng Hardin

IV. BADYET

Mga Gastusin Halaga


I. 3 pandilig (78 php/piraso) 3 walis tingting 546 php
(40 php/piraso) 3 pandakot (64
php/piraso)
II. Iba pang kagamitan sa panglinis ng 500 php (estimated
hardin (hal. hose, basurahan, pala, etc.) price)
Kabuuang Halaga 1046 php

V. BENEPISYO
Ang pagkakaroon ng malinis at maayos na hardin ay magkakaroon ng
magandang epekto sa kalusugan ng mga estudyante, mga guro, at iba
pang miyembro ng paaralan. Maiiwasan ang maaring pagkalat ng mga
sakit na nagmula sa mga insekto at basura. Maisasaayos ang
kalagayan ng kapaligiran. Maeensayo ang disiplina ng bawat isa at
magkakaroon ng kaaya-aya at komportableng kaaranasan ang lahat.

You might also like