You are on page 1of 10

PAG- AARAL UKOL SA PANANAW NG MGA ESTUDYANTE UKOL SA PDA

INTRODUKSYON

Ang Public Display of Affection o PDA ay ang paghahayag ng pagmamahal ng dalawang


tao gamit ang kanilang mga kilos sa mga pampublikong lugar. Ito ay laganap sa ibang mga bansa
lalo na sa kanluran. Ito ay kasama na sa kanilang kultura at karaniwan na itong nasasaksihan sa
pang-araw-araw na pamumuhay.
Ito ay hindi parte ng kultura ng Pilipino. Subalit, unti-unti na itong nakikita sa mga kabataan
sa henerasyon ngayon. Maaring dahil ito sa impluwensya ng mga dayuhan na lalo pang
napapalala ng media.
Sa kabilang banda, ang mga Katolikong unibersidad ay di sumasang-ayon dito at
ipinagbabawal ito sa kanilang paaralan. Isa na rito ang Unibersidad ng Santo Tomas.

Ang layunin ng pananaliksik-papel na ito ay ang pagtuklas sa opinyon ng mga mag-aaral ng


nasabing paaralan ukol sa PDA at mga kaukulang parusa dito.

Mga Layunin
Ang pamanahong-papel na ito ay naglalayon na masagot ang mga sumusunod na
tanong:
1. Ano ang pakahulugan ng mga tao sa Public Display of Attention (PDA)?
2. Ano ang pagkakaiba ng PDA sa Pilipinas at sa ibang bansa?
3. Ano ang mga opinyon ng mga kabataang Pilipino ukol sa mga taong
nagpapakita ng Public Display of Affection?
4. Sa henerasyon ngayon, nagbago na ba ang kultura ng ng mga Pilipino ukol sa
pagtanggap sa PDA?
5. Ano ang parusang gustong ipataw ng mga taong hindi sang-ayon sa PDA sa
mga gumagawa nito?
6. Anu-ano ang mga epekto ng PDA sa mga taong gumagawa at nakakasaksi
nito?

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura


Ibang-iba na ang panahon ngayon sa nakaraan. Ibang-iba na ang mga ugali ng tao.
Ibang-iba na ang mga gawi at Kultura ng ibat-ibang lugar. Ang pag-aaral na ito ay isang pag-aaral
na umiikot sa isang paksa, iyon ay ang Public Display of Affection, o PDA. Isa lang sa libo-libong
pagbabago ng mundo ang PDA. Nakakagulat na kahit saan magpunta ay mayroong nakikitang
mga tao na gumagawa ng mga bagay na kumukuha sa atensyon ng taong-bayan.

Ang PDA, ayon kay Wu (2008), “ay ang namamagitan sa dalawang tao na kumukuha ng
atensyon ng publiko dahil sa kanilang ginagawa. Ito ay maaaring isang bulong lang, paghawak
ng kamay o ang paghawak sa iba pang bahagi ng katawan.”

Sa maikling salita, ang PDA ay isang gawain ng kahit sino mang tao (babae sa lalake,
lalake sa babae, babae sa babae atbp.) na kumukuha ng atensyon ng publiko. Ito ay walang
pinipiling lugar at oras. Sa katunayan, ang PDA ay isang talamak na sitwasyon sa Pilipinas. Ang
ibang mga tao ay nagugulat dahil kahit ang mga kabataan ay nakikitang gumagawa ng mga
bagay na hindi naman dapat makita sa pampublikong lugar.

Maraming halimbawa ang PDA, ito ay maaaring paghawak lang ng kamay,


pakikipaghalikan o kung ano pa man. Ayon kay Jameson (n.d.), “Ang Public Display of Affection
ay mailalarawan bilang isang pagpapakita ng paglalambing sa mga lugar na pampubliko ng
dalawang taong may pagkalinga at pagmamahal sa isa't isa. Ang mga paglalambing na ito'y
maaring ang simpleng pagyakap ng isang ina sa kanyang anak o hindi kaya'y ang paghawak-
kamay ng dalawang magkaibigan. Subalit, kadalasan nakikita ng nakararami ang
PDA sasexual na konteksto. Ang paghahawak-kamay, pagyayakapan, petting at paghahalikan
ay mga uri ng paglalambing na nakikita bilang PDA.”

Ang PDA ay nag-iiwan ng iba’t-ibang impresyon sa mga tao. Mayroong mga


tao na natutuwa at kinikilig kapag nakakakita ng ganoon. Mayroon namang mga tao na naiinis at
nagugulat dahil ang tingin nila ay bastos ang ginagawa ng mga nakikita nila. Hindi
lamang sa publiko makikita ang pagkakaiba ng pananaw tungo sa PDA. Maging sa iba’t-ibang
bansa ay mayroong pagkakaiba ng pananaw.

Isang halimbawa ang bansa ng Iran, ayon kay Cohen (2007), “Ang mga pulis sa Iran ay
manghuhuli ng mga tao na gumagawa ng hindi magandang kilos sa publiko. Ayon sa batas
sa Iran, bawal makita ang mga kababaihan na may kasamang lalake na hindi kapamilya sa
publiko. Ngunit hindi lahat ng mamamayan sa Iran ay sumusunod sa batas na ito. Ang
karamihan sa kanila ay nakikipagkita sa kanilang mga nobyo/nobya sa pampublikong pasyalan.
Dahil dito, napagdesisyonan ng mga pulis na pagbawalan na ang paghahawak kamay ng mga
magkasintahan sa publiko. Kahit na ang mga mag-asawa ay hindi dapat makitang
naghahawakan ng kamay. Hindi na rin maaari makita ang mga magkasintahan na gumagawa ng
kahit anong bagay na kukuha ng atensyon ng publiko. Mayroong kaso na nabalita na ang isang
babae ay nagpakamatay dahil nahuli ng mga pulis na may kasamang kasintahan. Siya ay
kinasuhan ng “moral offense”. Ayon sa balita, siya ay nagpakamatay apatnapung walong oras
matapos ang pag-aresto sakanya.”

Ang isa pang halimbawa ay ang New York City (NYC), (n.a. 2007) “Sa NYC, ang PDA ay
ginagawa kahit saan. Mayroon sa likod ng sasakyan, sa kalye, sa bar o sa kahit anong lugar na
kaunti lang ang dumadaang tao. Ayon sa libro, ang pakikipagtalik sa pampublikong lugar ay isang
“normal” na gawain ng mga tao na naninirahan duon. Ayon sa sarbey na ginawa ng Elle-
MSNBC.com noong nakaraang taon, dalawampu’t-dalawang porsiyento ng mga Amerikano ay
nakipagtalik na sa harap ng publiko. Mayroong magkasintahan na umamin na nagawa na nila
ang pakikipagtalik sa itaas ng gusali, sa likod ng pampublikong sasakyan, sa kainan, sa pasyalan,
sa opisina, atbp. Ginagawa daw nila ang mga ito sa kung saan man sila abutin ng kanilang
“mood”. Ang NYC ay isang lugar na mayroong maraming liberal na tao. Ito marahil ang bunga ng
walang kamatayang kasiyahan na nagaganap sa lugar na iyon araw-araw.”

Ang isa pang halimbawa ay ang lugar na Ghana (n.a. 2006), “hindi kadalasang makikita
ang Public Display of Affection sa mga taga-roon. Hindi sila humahalik o yumayakap ng kapwa
nila taga Ghana sa pampublikong lugar. Ngunit, ang paglalabas ng galit ay kadalasang makikita
sa mga tao sa Ghana, lalong lalo na sa mga magkakaibigan. Ang mga tao sa Ghana ay
kadalasang ginagamit ang pagsasalita o paberbal na komunikasyon para maayos nila ang
kanilang mga problema o ang kanilang di mapagkasunduan.”

Mula sa isang malawak na perspektibo, pinag-aralan din ang PDA sa loob ng Unibersidad
ng Santo Tomas. Ang Unibersidad ng Santo Tomas ay isang paaralan na pinapapamalakad ng
mga Dominikanong Pare, kaya naman maaasahan na ang mga patakaran sa loob ng unibersidad
ay mga patakaran na ikabubuti ng mga mag-aaral. Kilala rin ang unibersidad na ito sa
pagkakaroon ng mga pinakmahigpit na patakaran ukol sa PDA, at sila rin ang may
pinakamatinding parusa o sanction sa mga mag-aaral na mahuhuli na gumagawa ng kahit anong
labag sa batas ng unibersidad. Ayon sa Student’s Handbook ng Unibersidad, mayroong limang
uri ng PDA at bawat isa ay may katumbas na parusa. Ang una ay ang paghahawakan ng kamay
ng isang babae at lalake. Ang mga parusa nito ay isang babala, ang pakikipagusap ng mga guro
sa mga magulang ng estudyante at ang mga estudyante ay ipapadala sa Guidance Office. Ang
pangalawa ay ang pagyapos ng kahit anong uri. Ang mga parusa ay ang pakikipagusap sa mga
magulang, isang araw ng suspension, pitumput-apat na porsiyento sa pagsunod sa batas,
pagtanggal ng sampung puntos sa Courtesy and Integrity grades, at ang pagpapadala sa
estudiyante sa Guidance Office. Ang ikatlo ay ang pag-upo sa mga hita o sa gitna ng dalawang
hita ng lalake o babae. Ang mga parusa ay ang pakikipagusap sa mga magulang, dalawang araw
ng suspension, pitumpong porsiyento sa pagsunod sa batas, pitumput-apat na porsiyento
sa Integrity and Courtesy at ang pagpapadala sa estudiyante sa Guidance Office. Ang ika-apat
ay ang paghalik ng kahit anong uri na namamagitan sa isang lalake at babae. Ang mga parusa
ay ang pakikipagusap sa mga magulang, tatlong araw ng suspension, pitumpong porsiyento sa
pagsunod sa batas, pitumpong porsiyento saIntegrity and Courtesy at ang pagpapadala sa
estudiyante sa Guidance Office. Ang ika-lima at pinakahuli ay ang “necking and petting.” Ang mga
parusa ay ang pakikipag-usap ng mga guro sa mga magulang, pitumpong porsiyento sa Conduct
average at dismissal o exclusion.

Ang pag-aaral na ito ay pagsasama-samahin ang mga pangunahing detalye sa mga


nabanggit na literatura at i-uugnay ito sa pag-aaral na ito. Tititgnan ng mga mananaliksik kungng
ano ang Public Display of Affection para sa mga estudyante at kung kailan nagiging sobra ang
nakikita nilang “paglalambingan” ng mga magkasintahan. Aalamin din naming kung ang Public
Display of Affection ay katanggap-tanggap sa unibersidad tulad sa New York o nanatiling
konserbatibo ang mga mag-aaral dito tulad ng Ghana o Iran.

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Metodolohiya

Ang deskriptib na pagaaral na ito ay naglalayong alamin ang opinyon ng mga


kabataan sa modernong panahong ito ukol sa Public Display of Affection (PDA). Nais ng
grupona maintindihan kung paano nila binibigyang kahulugan ang konseptong ito at ang
kanilang karagdagan reaksyon sa mga panahon sila ay mismong nakakasaksi ng mga
halimbawa ng PDA
Upang makakakalap ng sapat ng datos, pinili ng grupo ang paraan
pagsasarbay kung saan nagpamigay sila ng mga kwestyoneyr ng naglalaman ng limang
katanungan. Ang mga respondente ay naatasang magbigay ng personal na depinisyon
ng PDA, reaksyon sa mga maaaring makitang halimbawa ng PDA sa mga akademiko at
di-akademikong lugar, damdamin ukol sa mga nasabing halimbawa ng PDA, mungkahing
kaparusahan para sa bawat halimbawa, at karagdagang opinyon ukol sa PDA.
Ang mga napiling respondent eng grupo ay nagmula sa unang taon ng College of
Nursing mula edad 16-19 ng Unibersidad ng Santo Tomas ito ay sa kadahilanang mas
magiging madali para sa grupo na makakalap ng datos sapagkat alam ng bawat miyembro
ang schedule ng bawat seksyon sa pamamagitan ng kanilang mga kaibigang
napapabilang sa bawat klase. Sa labing dalawang seksyon, 15 na kwestyoneyr ang
naipamigay. Inasahan ng grupo na magkaroon ng 180 na respondente. Ang
bumalik na bilang ng kwestyoneyr ay 109. Kung masasabing 600 ang kabuuang bilang ng
mga mag-aaral sa unang taon sa Kolehiyo ng Narsing sa unibersidad, 18% ng populsyong
ito ang sumagot sa sarbey ng grupo.

Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos

Unang tanong: Para sa iyo, ano ang PDA?

Public Display of Affection 37


Paglalampungan sa Publiko 19
Paglalandian sa Di-tamang Lugar 6
Pagpapakita sa Publiko ng sobra-sobrang 11
apeksyon sa isa’t – isa
Hindi Karapat-dapat 5
Lambing 7
Walang Sagot 7
Iba pang sagot (“Physical Attachment” , 10
Kissing, Marami sa Amerika, Epal na
nakakaasar, Payabangan, Personal digital
Assistant, Philippine Dental Association,
Walang paki)

Makikita sa mga datos na ang karamihan ng sagot sa unang tanong ng mga respondente ay
Public Display of Affection na nagpapakita na ang intindi nila lang sa PDA ay payak na kahulugan
ng tatlong titik na ito. Mahihinuha na hindi gaano kalawak ang kaalaman ng mga respondente (o
mag-aaral) ukol sa PDA. Ang sumunod na pinakamataas na sagot ng mga respondente ay
“Paglalampungan sa Publiko” na nagsasabing negatibo ang paningin nila sa PDA.

Ikalawang tanong: Ano ang iyong pananaw sa mga mag-aaral na sangkot sa Public Display of
Affection sa iba’t-ibang parte ng Unibersidad?

5- Lubos na tinatanggap
4- Tinatanggap
3- Walang pakialam
2- Hindi tinatanggap
1- Lubos na di-tinatanggap
Akademikong Lugar Parke
Pinakamataas Pinakakaunti Pinakamataas Pinakakaunti
A. Paghahawakan
ng kamay 3 1 4 1
(61 out of 204) (12 out of (309 out of 640) (18 out of 640)
29.9% 204) 48.3% 2.8%
5.9%
B. Pagyayakapan
ng magsing-irog 2 5 3 5
(66 out of 208) (4 out of 208) (193 out of 627) (57 out of 627)
31.7% 30.8% 9.1%
1.9%
C. Pag-akbay ng
lalake sa babae 4 5 4 1
(61 out of 208) (25 out of (224 out of 621) (63 out of 621)
29.3% 208) 36.1% 10.1%
12.0%
D. Paghalik sa
pisngi 3 5 3 5
(61 out of 211) (12 out of (200 out of 621) (49 out of 621)
28.9% 211) 32.2% 7.9%
5.7%
E. Paghalik sa Labi
1 5 1 5
(130 out of 208) (3 out of 208) (260 out of 625) (13 out of 625)
62.5% 41.6% 2.1%
1.4%
F. Petting
1 5 1 5
(130 out of 196) (4 out of 196) (336 out of 551) (14 out of 551)
66.3% 61% 2.5%
2.0%
G. Necking
1 5 1 5
(163 out of 208) (4 out of 208) (445 out of 626) (6 out of 626)
78.4% 71.1%
1.9% 1%

INTERPRETASYON

Makikita natin sa mga datos na ang paghahawakan ng kamay, pagyayakapan ng


magsing-irog, pag-aakbay ng lalaki sa babae, at ang paghalik sa pisngi ay katanggap-tanggap
na pagpapakita ng apeksyon sa publiko ng mga respondente sa loob at labas ng Akademikong
lugar. Ang paghahalik sa labi, petting at necking ay makikita sa datos na hindi katanggap-tanggap
o hindi talaga tinatanggap ng mga respondente na makita ang mga ito sa loob o labas man ng
mga Akademikong lugar. Mahihinuha natin sa mga datos na nakalap na hindi lahat pagpapakita
ng apeksyon sa harap ng madla ay katanggap-tanggap sa mata ng mga estudyante.

Makikita rin sa mga datos na ang paghahawakan ng kamay, pagyayakapan ng magsing-


irog, pag-aakbay ng lalaki sa babae, at ang paghalik sa pisngi ay katanggap –tanggap na
pagpapakita ng apeksyo sa publiko ng mga respondente sa iba’t ibang lugar sa loob ng
Unibersidad. Subalit, ang paghahalik sa labi, petting at necking ay hindi parin tinatanggap ng mga
mag-aaral na makita sa iba pang mga lugar sa loob ng unibersidad. Mahihinuha dito na hindi
lamang sa mga akademikong lugar ang hindi pag-tanggap sa paghahalik sa labi, petting at
necking. Masasabi na hindi talaga ito katanggap-tanggap kahit saan mang pampublikong lugar
ito makita.

Ikatlong tanong: Ano ang karaniwang nararamdaman mo kung nakikita ang mga sumusunod sa
mga magsing-irog?

DAMDAMIN
OK lang Wala Natutuwa Kinikilig Naiinis Nagugulat Nandidiri Namamangha
lang
Naghahawakan ng 20 23 19 14 1 2 1 2
kamay
Pagyayakapan 17 20 15 7 5 10 2 4
Pag-akbay 21 24 15 11 4 7 1 3
Pag-halik sa pisngi 14 12 11 12 9 12 5 6
Pag-halik sa labi 3 4 3 3 9 37 23 3
Petting 2 5 5 3 8 15 44 1
Necking 1 5 1 2 5 15 50 3

Makikitang mas nabibigyang-pansin ng mga respondente ang mga halimbawa ng Public


Display of Affection (PDA) kung saan mas nagiging lantaran ang paglalambingan ng magsing-
irog. Ito’y mahihinuha mula sa nangungunang uri ng damdaming kanilang ibinigay sa bawat
halimbawang isinama sa kwestyoneyr.
Mapapansin sa datos na walang pakialam ang karamihan sa mga sumagot sa unang
tatlong halimbawa ng PDA, na siyang iba ang antas ng pag-lalambing kung ikukumpara sa huling
tatlo, kung saan, pandidiri ang lumulutang na damdamin.
Maillit lamang na bahagi ng mga respondente ang may agarang negatibong damdamin
sa mga binigay na halimbawa ng PDA.
Mapapatunayan ng mga datos na ito na hindi lubos na nakakaapekto ng damdamin ang
PDA hanggang hindi ito umabot sa punto kung saan ang paraan ng pagpapakita ng apeksyon ay
lubos na hindi na kaaya-ayang masaksi sa mga pampublikong lugar, lalo na kung nagmumula sa
mga kabataan.

Ikaapat na tanong: Ano ang mga iminumungkahi mong kaparusahan sa mga mag-aaral ng
Unibersidad na mahuhuling sangkot sa mga sumusunod na gawain ng PDA?

Sa bilang ng mga inaasahang respondente, halos kalahati lang ang mga sumagot. Ang
mga mag-aaral na sumagot ng sarbey ay nagrerekumenda na walang kaparusahan ang ipataw
sa Paghahawakan ng kamay at ang pag-akbay sa pagitan ng babae at lalake. Sa kabilang banda,
karamihan din naman sa kanila ang sumagot na sa pagyayakapan, paghalik sa pisngi at labi,
necking at petting, dapat ay may kaparusahang ipapataw. Karamihan sa mga parusang
nirekumenda nila ay ang pakikipag-usap sa mga magulang at ang pagpapadala sa mga guro na
kakausap sa kanila at magpapataw ng sapat na kaparusahan.

TABULATION: Question 5: Karagdagang opinyon ukol sa PDA

Ayos lang magpakita ng pagmamahalan 12


basta sa tamang lugar
Hindi kagandahan kung ginagawa ito sa 9
pampublikong lugar
Alamin ang limitasyon ng PDA sa 10
pampublikong lugar
Bahala sila kung ano ang gagawin nila, 8
hayaan nalang
Hindi maganda ang PDA sa Unibersidad 4
ng Santo Tomas
Nakakadiri ang PDA 1
Ipagbawal dapat ang PDA sa bawat oras 3
at lugar
Hindi ito katanggap-tanggap dahil sa 1
tradisyon at kultura ng mga Pilipino
Magpataw ng tamang batas ukol sa PDA 1
Walang masama sa PDA 1
Sana ay matanggap ito sa Pilipinas 1
TOTAL: 52

Makikita sa mga nakalap na datos na ang may pinakamaraming sagot para sa karagdagang
opinyon ukol sa PDA ay “Ayos lang magpakita ng pagmamahalan basta sa tamang lugar”.
Mahihinuha dito na walang pakialam ang mga respondente sa pagpapakita ng apeksyon, huwag
lamang ito gawin sa mga hindi tamang lugar. Ang pangalawang pinakamaraming sagot ay ang
“Alamin ang limitasyon ng PDA sa pampublikong lugar.” Mahihinuha dito na may mga aksyon o
ginagawa ng mga magsing-irog na katanggap-tanggap sa mata ng publiko, ngunit, mayroon parin
dapat na limitasyon para hindi ito maging malaswa sa kanilang panginin.

Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang pananaw ng mga mag-aaral ng
unang taon ng UST-Kolehiyo ng Nursing ukol sa Public Display of Affection. Sa pag-aaral na ito,
kumuha ng mga datos ang mga mananaliksik, gumawa sila at nagpasagot ng mga sarbey at
gumawa pa ng maraming hakbang para sa Public Display of Affection.
Mula sa mga datos na nakalap, mapapatunayan na ang mga mag-aaral ng unang taon
sa UST-Kolehiyo ng Nursing ay hindi tinatanggap ang Public Display of Affection sa loob ng
unibersidad (akademikong lugar o parke), ngunit wala din naman silang mairerekumendang
parusa na ipapataw sa mga kapwa mag-aaral na sangkot sa Public Display of Affection.
Maraming naging problema ang mga mananaliksik sa buong proseso ng pangangalap ng
impormasyon, kaya naman masasabi na marami pang mga bagay na sana ay naisagawa para
sa ikagaganda ng pananaliksik na papel na ito. Una, sana ay inalam ng mga mananaliksik kung
ilan sa mga sumagot ng sarbey ang gumagawa din ng Public Display of Affection. Pangalawa,
sana ay naging mas maikli ang listahan ng mga tanong upang nakakuha ng mas makahulugang
mga sagot galing sa mga mag-aaral. Ikatlo, sana ay nakagawa ng paraan para ang buong
Kolehiyo ng Narsing ang nakasagot ng mga sarbey. Huli, sana ay kahit pitumpo’t-limang
porsyento ng inaasahang mga respondente ang nakasagot ng mga sarbey, upang masabi na ang
mga resultang nakuha ay may kredibilidad.
Bibliografiya

Caminsky, J. (n.d). The rise of the hug police. Nakuha noong Pebrero 10,
2008 sa http://ezinearticles.com/?The-Rise-of-the-Hug-Police&id=838136
Ethiopian Correspondent. (2005). Public display of male-to-male affection not to be

confused with acceptance of homosexuality. Nakuha noong Pebrero 10,


2008 sahttp://www.mask.org.za/article.php?cat=ethiopia&id=223

Gonzales, M.F. (2002). Rights for everyone: Media, religion and sexual orientation in

the Dominican republic. Nakuha noong Pebrero 10,

2008 sa:http://www.indiana.edu/~overseas/lesbigay/vol9_2/92domrep.html

Jameson, M. (n.d.).Public display of affection:How much is too much. Retrieved February

10,2008 from

http:http://www.cariboo.bc.ca/news/Past02Oct7/DigestsOCT7/PublicDisplayAffection/Display.ht

Nicholson, Z. (2007). South Africa: Angry SA teens plan mass kissing protest. Nakuha

noong Pebrero 10, 2008 sa http://allafrica.com/stories/200712280591.htmlRosenbloom, S. (5

Okturbre 2006). A simple show of hands. The new york times. Nakuha noong Pebrero 10,

2008 sa http://www.nytimes.com/2006/10/05/fashion/05hands.html?ei=5090&en=bea56a39274

593e9&ex=1317700800&adxnnl=1&partner=rssuserland&emc=rss&adxnnlx=1202645546-

M3mBYpkWJAC0bMpx95zBZg

You might also like