You are on page 1of 30

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Kaligiran ng Pag-aaral

Sa paglipas ng panahon, maraming bagay ang nagbabago. Umuunlad ang

teknolohiya na nagdulot ng iba’t ibang epekto. Kabilang na dito ang pagbago ng

pananaw ng mga kabaatan noon sa pananaw ng mga kabataan ngayon. Nag-iba na

rin ang kanilang mga hilig pati na ang paraan ng kanilang pamumuhay. Sa pag-

unlad ng teknolohiya nauso narin ang tinatawag nating “pagseselfie”. Ito ang

pagkuha ng larawan o litrato ng sarili gamit ang digital camera o phone camera na

labis na kinagigiliwan ng nakararami. Kasabay nito ang pagkauso rin ng iba’t ibang

social networking tulad ng Facebook, Instagram at Twitter. Nagdudulot daw ito ng

pagiging conscious ng isang indibidwal sa kung gaano karaming followers o

tagasunod meron sila at kung anu-ano ang mga dapat ipo-posts sa kanilang mga

account na makakapag pa -impress sa ibang tao. Sa pamamagitan nito,

nagpapatunay lang na malaki talaga ang impluwensya ng teknolohiya sa buhay ng

tao lalung lalo na sa mga kabataan ngayon.

Sa isyung global batay sa social media analysis ng suggestme.com, hinirang

na sentro ng pagseselfie sa buong mundo ang siyudad ng London sa bansang UK

na nilamangan ang Amerika, Barcelona, at Amsterdam. Ang mga kilalang landmark

na Big Ben, the London Eye at Buckingham Palace ay ang mga lokasyon kung saan

madalas nagseselfie ang mga tao doon. Batay din sa social media analysis, na

mahigit labing-apat na porsyento (14%) ng pagseselfie ang natatalaga sa nasabing

siyudad.
Sa isyung nasyonal naman ay kinilala rin na sentro ng pagseselfie ang Makati

City na kilala bilang sentro ng pinansyal ng buong bansa. Naitalaga ng TIME’s

analysis na may dalawangdaan at limampu’t walong (258) mahilig sa pagseselfie sa

nasabing siyudad na ibinatay sa mga litratong nai- post o nai- upload sa mga

networking sites katulad ng Facebook, Instagram at iba pa.

At para sa lokal na isyu naman partikyular sa lungsod ng Dabaw, kung saan

may natagpuan na isang babaeng nagpakamatay pagkatapos niyang

makapagselfie. Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis ay dahil ito sa paghiwalay nila

ng kanyang kasintahan na humantong sa ganitong pangyayari. Hindi lamang

kasiyahan ang dulot ng gawaing ito, ngunit maaari rin itong magdulot ng negatibong

epekto sa personalidad ng mga kabataan.

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ang bigyan ang mga kabataan ng naturang

impormasyon tulad ng epekto ng pagseselfie at ang mga negatibong epekto nito sa

kanilang pag-aaral. Nais din ng pangkat na maituro sa mga kabataang

nahuhumaling sa pagseselfie, ang tamang paraan upang makaiwas sa mga

masamang epekto nito sa kanilang buhay.

Masarap maging bata sa panahon ngayon sapagkat makabago na ang

teknolohiya. Maraming mga bagay ang maaaring paglibangan hindi tulad noon. Ito

ay nagbigay daan sa pagkakadiskubre ng iba’t ibang bagay na nagpabago rin sa

personalidad ng mga kabataan ngayon. Isang malaking suliranin sa mga tao ang

responsableng paggamit ng mga teknolohiya. Mahalagang madagdagan ang ating

kaalaman ukol sa mga produktong teknolohiya at ang tamang paggamit nito.


Layunin ng Pag- aaral

Ang pamanahong papel na ito ay may layong mabigyang pansin ang mga

opiniyon ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Mindanao, Matina Davao City at may

mga katangiang nais sikapin na bigyan ng kasagutan:

1. Alamin kung bakit at saan nagsisimula ang pagseselfie?

2. Alamin kung bakit kinahuhumalingan ng mga mag- aaral ang pagseselfie?

3. Alamin kung ano ang epekto ng pagseselfie sa mga mag-aaral ng Unibersidad ng

Mindanao?

4. Alamin kung anu-ano ang mga positibo at negatibong epekto ng pagseselfie sa

personalidad ng mga mag- aaral?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay inilahad ang kahalagahan ng pag-aaral sa mga

mababanggit na tao:

Sa mga mag-aaral na mahilig sa pagseselfie na malaman nila na ang pagseselfie ay

maaaring nakabubuti at maaari rin na nakasasama sa ibang aspeto o pamamaraan.

Sa mga hindi mahilig sa pagseselfie na malaman nila na ang pagseselfie ay

nakapagpapadagdag ng tiwala sa sarili ngunit tandaan na nakakaapekto rin ito sa

kanilang personalidad at paraan ng kanilang pamumuhay.


Sa mga taong walang ideya tungkol sa pagseselfie na habang maaga pa ay

maipahayag agad sa kanila kung ano ang talagang naibibigay ng kasanayang

pagseselfie at maging gabay sana ito sa responsableng paggamit ng social media.

Saklaw at Limitasyon ng Pag- aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon o nakabase sa mga opinion ng mga

respondente o mga mag-aaral sa Unibersidad ng Mindanao, Matina Davao City.

Pinili sa paraang random upang sagutan ang sarbey kwestyoneyr na inihanda ng

mga mananaliksik tungkol sa mga dahilan kung bakit nakahihiligan ng mga mag-

aaral ang pagseselfie, ang kanilang sariling pananaw kung bakit sila nagseselfie at

ang mga positibo at negatibong epekto nito sa personalidad ng mismong taong

nagseselfie.

Ang mga mananaliksik ay pumili ng isangdaang (100) respondente na

nakatakdang sumagot sa nasabing sarbey at ang mga respondenteng ito ay

magmumula sa iba’t ibang kurso sa Unibersidad ng Mindanao, Matina Campus, New

Matina, Davao City, taong pampanuruan 2015- 2016.


Depinisyon ng mga Terminolohiya

Para sa kapakanan, kaalaman at pag- unawa ng mga mambabasa, binigyang

depinisyon ang mga sumusunod na terminilohiya batay sa kung paano ito ginamit sa

pamanahong papel na ito:

Ang Pagseselfie ay ang pagkuha ng larawan o litrato ng sarili gamit ang

digital camera o phone camera.

Ang Social Media ay tumutukoy sa sistemang pakikipag-ugnayan sa mga tao

na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipag palitan ng impormasyon at

mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network.

Ang Social Networking Sites ay mga serbisyong web-based na

pinahihintulutan ang mga indibidwal na gumawa ng pribado o pampublikong profayl

sa loob ng sistema; pinahihintulutan ang mga gumagamit na makita ang listahan ng

kanilang mga koneksyon\ at makita ang mga ginagawa ng iba pang tagatangkilik ng

sistema.

Ang Upload ay isang paraan ng paglagay ng larawan sa isang networking

site o social media site.


KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG- AARAL AT LITERATURA

Ang kabanatang ito ay tumatalakay ukol sa kaugnay na pag-aaral at kaugnay

na literatura at ito ay iniugnay sa mga teorya upang mapagtibay ang mga resulta at

upang mas maging batayan ng mananaliksik sa pagbuo ng pananaliksik.

Sa MASLOW’S HIERARCHY OF NEEDS, kinakailangan ng isang tao ang

sosyal na pangangailangan (social needs), kailangan ng isang tao ang pagmamahal,

at matanggap sila ng kanilang pamilya, kaibigan at mga katrabaho kung ano at sino

sila sapagkat sila ay nasa isang mundong kinagagalawan lamang (McLeod, 2007),

sa tulong ng Selfie o Pagseselfie, nagkakaroon ng sosyal na koneksyon ang isang

indibidwal sa mga ito sa tulong ng mga litrato. May relasyong nabubuo malayo man

o malapit ang mga taong nakakakita nito. Kaugnay rin dito, maliban sa

pangangailangang sosyal, ayon sa SELF-VERIFICATION THEORY, isang teorya na

nakapokus sa kagustuhan ng tao na makilala at at maintindihan ng mga tao.

Karamihan ng mga indibidwal ay gustong maging in o laging sunod sa uso, dahil sa

pakiramdam nila at pag-aakala ay sila ay matatanggap at makikila kung gagawin at

sasabay sila sa kung ano ang patok at sikat (Swann, 1983). Kakabit din ng teoryang

ito ang kakayahang maiba ang personalidad ng isang tao sa pamamagitan ng

interaksyon sa isang indibidwal. Nagiging isang malaking impluwensiya ito para

mahubog ang mga ugali at kagustuhan. Sa subjek ng mananaliksik na selfie,

nakikita rito na ang mga tao ay sumusunod sa kung ano ang uso at ginagawa nila

kung ano ang ginagawa ng kanilang mga kasama sa pang-araw-araw dahil isang
impluwensiya ang mga ito sa paghubog ng personalidad. Maipapakita ito sa sarvey

na isinagawa ng mananaliksik.

Sa pagpapatuloy, ang lahat ng bagay ay may mga positibo at negatibong

epekto, sa SELF-WORTH THEORY OF ACHIEVEMENT MOTIVATION, ito ay

teorya kung saan sinasabi na ang pinakamataas na prayoridad ng isang tao ay ang

self-acceptance , kung saan naaakit mag-ayos ang isang inidibidwal upang

matanggap lamang siya ng kanyang mga kasama (Covington,1998, p. 78) , kalakip

nito ang magandang epekto ng pagseselfie sa tao, gamit ng Selfie naakit sila mag-

ayos upang makakuha ng magagandang komento at sa paghahanap nito ay

nagiging resulta ng pagdepende ng isang tao sa kanyang sarili. Wala na siyang

pakialam sa kanyang paligid kaugnay nito ang ADOLESCENT EGOCENTRISM sa

mga kabataan kung saan lagi na silang nakatuon sa kanilang panlabas na anyo at

ugali (Elkind, PhD, 1967). Naniniwala sila na ang lahat ng mata ay sa kanila

nakatuon o “imaginary audience”. Ipinapakita lamang nito ang isa sa mga

negatibong epekto ng pagseselfie sa kadahilanang nagiging sarado ang isipan ng

isang tao sa kanyang paligid bagkus nakatuon lamang siya sa kung ano siya at kung

anong meron siya.


Kaugnay na Pag-aaral

Ayon sa pag-aaral ni Dr. Panpimol, isang Doktor ng sikolohiya sa Bangkok,

Thailand. Mula sa pag-aaral niya nakita niya ang epekto ng selfie sa kaisipan ng

isang tao, nagbibigay ito ng isang punto ng emosyonal kung saan sumasama ang

loob ng isang tao dahil sa paglagay niya ng litrato sa mga social media site at kaunti

lang ang like na nakukuha nito kaysa sa inaasahan nito. Naaapektuhan nito ang self-

confidence ng isang tao dahil maaaring sumagi sa isipan nito na hindi siya

katanggap-tanggap ng mga taong ginagalawan niya nang dahil lamang sa isang

selfie photo na walang pumansin. Nagmula ito sa isang news site ng Thailand dahil

na-alarma sila sa pag seselfie ng mga kabataan.

Ang pag seselfie ay isang gawain na makadadagdag sa gawaing sosyal ng

isang tao. Isa itong malayang gawain na kinakailangan ng camera at maaari kanang

magselfie ngunit kailangan nito ng disiplina at limitasyon upang magamit ng tama.

Walang masama sa pagseselfie, lahat tayo ay mayroong kanya-kanyang dahilan ng

pagkuha ng litrato at mag ingat din dahil sa pagseselfie pwede kang mapahamak.

Tulad na lmang sa isang bata sa pasig na nahulog sa hagdan at namatay habang

nagse-selfie diumano, at isang dalaga na ninakawan ng sexy niyang selfie sa

internet na inilagay sa tarpaulin para mang-engganyo ng customer ang isang

beerhouse. SELFIE, AT YOUR OWN RISK.

Ayon pa sa isang pagsusuri, dapat malaman ng bawat isang Pilipino na

nagseselfie na panalo parin siya sa laban na ito kontra sa mga kapitalista. Hindi man

halata ngunit mas nalamangan niya ang mga social networking sites na ito dahil

binigyan siya ng oportunidad upang makakuha ng afirmasyon tungkol sa emosyon at


pananaw na kanyang ipinunla sa bawat litratong kanyang nakuha. Ginagawa ang

selfie dahil hindi na kayang makipagtunggalian pa ng emosyon sa oras na hihintayin

para dumating ang kukuha ng litrato. Kapag naisipan ng isang tao na dapat lang

makuhanan ng litrato ang isang sandal o pangyayari, hindi na minsan maaatim pa

na tumawagng tao kaya siya na mismo ang kukuha ng litrato. At dahil sa Twitter,

Instagram, Facebook atbp., mas nabibigyan pa ng kahulugan ang aksyong ito. Mas

maraming makakakita at maaaring humanga o pumukol sa nasabing larawan.

Ayon sa isang pag-aaral, iisipin na pagkabanidoso lamang ng isang tao ang

umiiral sa tuwing siya ay nagseselfie. Sige, ibigay na natin ito sa mga taong mabilis

manghusga. Hindi naman natin sila masisisi dahil totoo naming mas madalas kaysa

minsan, nagseselfie ang mga Pilipino kapag nararamdaman nilang sila ay

magaganda at nagsisigwapuhan kung saan ipinopost nila ito sa mga networking

sites. Ang mga site na ito ang madalas na nagsisilbing himpilan ng mga nasabing

selfies at dahil na rin sa espasyong binibigay ng facebook, twitter o di kaya’y

Instagram para nga sa pag-uupload ng marami pang litrato, mas marami ang

napapaibig na gumawa ng account sa mga nabanggit na social networking sites.

Samakatuwid, nagtagumpay ang mga big bosses’ ng mga site na ito na kunin ang

interes at gawing regular na konsyumers nila ang mga Pilipino.

Ayon kay Joseph-Nicephore Niepce (1816) isang Pranses na pisiko, ang una

niyang totoong tagumpay ay naganap noong nag-eeksperimento siya sa litograpiya

at natuklasan niya na maaari palang gamitin ang substansiyang sensitibo sa liwanag

na tinatawag na bitumen ng Judea. Noong 1825, pinahiran niya ng bitumen ang

platong gawa sa lata at tingga at ikinabit ito sa isang camera obscura na nakatapat

mismo sa bintana ng tinitirhan niya, at inihantad ito sa liwanag sa loob ng walong

oras. Hindi masisiyahan maging ang mga litratistang amatyur sa nabuong malabong
larawan ng isang gusali, puno, at kamalig, pero may dahilan si Niepce na

masiyahan. Ang nabuo niyang larawan ang malamang na kauna-unahang

permanenteng litrato.

Upang mapasulong pa ang kaniyang pamamaraan, nakisosyo si Niepce

noong 1829 sa mapagsapalarang negosyante na nagngangalang Louis Daguerre.

Nang sumunod na mga taon pagkamatay ni Niepce noong 1833, may

mahahalagang natuklasan si Daguerre. Nilagyan niya ng silver iodide ang mga

platong tanso. Napatunayang mas sensitibo ito sa liwanag kaysa sa bitumen. Di-

sinasadya, natuklasan niya na kapag pinasingawan ng asoge ang plato matapos

itong mahantad sa liwanag, makikita nang malinaw ang larawang hindi pa

nadedebelop. Hindi na pala kailangang ihantad nang matagal sa liwanag ang plato.

Sakalaunan, nang matuklasan ni Daguerre na maiiwasan ang pangingitim ng

litrato habang tumatagal kapag hinugasan ito sa tubig na may asin, malapit nang

pagkaguluhan ng daigdig ang potograpiya. Nang iharap sa publiko noong 1839 ang

imbensiyon ni Daguerre, na tinatawag na daguerreotype, nakagugulat ang reaksiyon

ng mga tao. Ganito ang isinulat ng iskolar na si Helmut Gernsheim sa kaniyang aklat

na The History of Photography: “Marahil bukod sa daguerreotype, wala nang iba

pang imbensiyon ang bumihag sa imahinasyon ng mga tao nang gayon na lamang

katindi at hinangaan ng daigdig nang gayon na lamang kabilis.” Ganito ang isinulat

ng isang nakasaksi nang iharap sa publiko ang imbensiyong ito: “Makalipas ang

isang oras, dinumog ang lahat ng klinika ng mga optiko, pero hindi makapagtipon

ang mga ito ng sapat na instrumento para sa nagkukumahog na pulutong ng mga

taong gustong sumubok sa daguerreotype; makalipas ang ilang araw, makikita mo

sa lahat ng liwasan sa Paris ang maiitim na kahong may tatlong paa sa harapan ng

mga simbahan at palasyo. Ang lahat ng pisiko, kimiko, at matatalinong lalaki sa


kabisera ay makikitang nagpapakintab ng mga platong may silver iodide, at maging

ang nakaririwasang mga may-ari ng groseri ay hindi nakapagpigil gumastos para sa

iodine at singaw ng asoge alang-alang sa bagong tuklas na ito.”

Ang pagkukumahog na ito ay binansagang daguerréotypomanie ng mga

tagapagbalita sa Paris. Dahil sa napakagandang kalidad ng mga daguerreotype,

ganito ang isinulat ng siyentipikong taga-Britanya na si John Herschel: “Hindi

kalabisang sabihin na makahimala ang mga ito.” Inisip pa nga ng ilan na may

mahikong kapangyarihan ang imbensiyong ito. Subalit hindi pinapurihan ng lahat

ang bagong imbensiyong ito. Noong 1856, ipinagbawal ng hari ng Naples ang

potograpiya, marahil dahil ipinapalagay noon na nauugnay ito sa mapaminsalang

mahika. Nang makita ng pintor na si Paul Delaroche ng Pransiya ang daguerreotype,

napabulalas siya: “Mula ngayon, patay na ang pagpipinta!” Ang imbensiyong ito ay

nagdulot din ng malaking kabalisahan sa mga pintor na nag-akalang banta ito sa

kanilang kabuhayan. Ipinahayag ng isang komentarista ang takot na nadarama ng

ilan nang sabihin niya: “Baka makaapekto sa ideya ng mga tao sa kagandahan ang

buháy na buháy na larawang nalilikha ng potograpiya.” Bukod diyan, pinintasan pa

nga ang mga litrato dahil sinisira ng realidad na makikita rito ang ilusyon ng

kagandahan at kabataan.

Ayon naman kay William Henry Fox Talbot, isang pisikong Ingles, ipinalagay

nito na siya ang nakaimbento ng potograpiya, kaya nagulat siya nang mapabalita

ang imbensiyon ni Daguerre. Mga pilyego ng papel na nilagyan ng silver chloride

ang inilalagay ni Talbot sa camera obscura. Pinapahiran niya ng pagkit ang nabuong

negatibo para luminaw ito, ipinapatong sa isa pang papel na may silver chloride, at

saka inihahantad sa sikat ng araw upang mabuo ang larawan. Bagaman hindi

popular noong una at mas mababa ang kalidad ng prosesong ginamit ni Talbot,
napatunayang mas malaki ang potensiyal nito. Sa prosesong ito, makagagawa ng

maraming kopya ng larawan mula sa iisang negatibo, at ang mga papel na kopya ay

mas mura at mas madaling bitbitin kaysa sadaguerreotype.

Ang makabagong potograpiya ay batay pa rin sa proseso ni Talbot,

samantalang ang daguerreotype, sa kabila ng popularidad nito noong una, ay hindi

na sumulong pa. Gayunman, hindi lamang sina Niepce, Daguerre, at Talbot ang

nag-agawan sa titulong Ama ng Potograpiya. Matapos ipatalastas ni Daguerre ang

kaniyang imbensiyon noong 1839, di-kukulangin sa 24 na kalalakihan—mula sa

Norway sa hilaga hanggang sa Brazil sa timog—ang nag-angking sila ang

umimbento ng potograpiya.

Ayon naman kay Jacob August Riis, isang repormador, magandang

pagkakataon ito upang itawag-pansin sa publiko ang karalitaan at pagdurusa. Noong

1880, sinimulan niyang litratuhan ang mga barung-barong sa New York City

pagkagat ng dilim gamit ang nagliliyab na pulbos ng magnesyo sa kawali bilang flash

—napakapanganib na pamamaraan ito. Dalawang beses niyang nasilaban ang

bahay na pinagtatrabahuhan niya, at nasunog pa nga minsan ang suot niyang damit.

Ang mga litratong kuha niya ang sinasabing isa sa mga dahilan kung bakit gumawa

ng ilang reporma sa lipunan si Theodore Roosevelt nang maging presidente siya.

Ang nakaaakit at magagandang litratong kuha ni William Henry Jackson ay nag-

udyok din sa Kongreso ng Estados Unidos na gawing kauna-unahang pambansang

parke sa daigdig ang Yellowstone noong 1872.

Noong huling mga taon ng dekada ng 1880, maraming potensiyal na litratista

ang hindi pa rin makapag-aral ng potograpiya dahil magastos at masalimuot ito.

Subalit noong 1888, nang maimbento ni George Eastman ang Kodak, isang
kamerang hugis-kahon, nabibitbit, madaling gamitin, at may rolyo ng malambot na

film, puwede nang maging litratista kahit sino. Pagkatapos maglitrato gamit ang rolyo

ng film, dadalhin ng kostumer ang buong kamera sa pabrika. Ipoproseso roon ang

film, lalagyan ng bagong rolyo ang kamera, at saka ito ibabalik sa may-ari, kasama

ng nadebelop nang mga litrato—ang lahat ng ito sa mas murang halaga. Talagang

totoo ang islogan na “Pindutin mo lang ang buton, kami na ang bahala.” Para sa

masa na ang potograpiya, at ang bilyun-bilyong kuha ng kamera taun-taon ay

patunay na hindi pa rin kumukupas ang interes ng mga tao rito hanggang sa

kasalukuyan. At ngayon, nakadagdag pa sa popularidad nito ang mga digital camera

na nakabubuo ng larawan sa pamamagitan ng mga megapixel. May maliit na

memory stick ang mga ito na makapaglalaman

ng daan-daang larawan. Maaari pa ngang makapag-imprenta ng litratong mataas

ang kalidad gamit ang sariling computer at printer. Walang-dudang malaki na ang

isinulong ng potograpiya.
Kaugnay na Literatura

Ayon sa natuklasan noong 1839 sinimulan ni Robert Cornelius ang selfie,

isang amerikanong photographer, kung saan nag eksperimento siya at kinuhaan ng

litrato ang sarili niya, ito ang kauna-unahang selfie na naitala.

Ayon kay Jim Krause (2005), nagsimula ito sa isang site na MySpace kung

saan ang mga kabataan ay kinukuhaan ng litrato ang mga sarili nila sa harap ng

salamin ngunit mas nauso ito nang lumabas na ang Facebook na halos lahat nang

sumasali rito ay nagseselfie marahil sa bawat profile ng tao rito ay kailangan lagyan

ng sarili nilang litrato.

Ayon sa kasalukuyang henerasyong Pilipino napatunayan na hindi palaging

kailangan humingi ng tulong sa iba, kunting pag-aayos lamang sa sarili, sandaling

pag taas ng kamay at makikita mo na ang sariling litrato na si noypi mismo ang

kumuha. Mapa-lalaki man o mapa-babae ay hindi papalagpasinang oportunidad na

makuhanan ng litrato ang sarili kahit pa normal na araw lamang ito para sa kanya.

Sikat na sikat na nga ang nasabing paraan ng pagkuha ng litrato. Kung iisipin, iwas

nga rin naman ito sa mga snatchers na madalas magpanggap na puwede silang

magbigay ng kanilang “helping hand” lalo na’t kung gusto mo ng litrato sa mga

malawak at magagandang tanawing mayroon ditto sa bansa. Imbis na pagpawisan

ka sa kahahabol sa bago mong biling kamera, mas mainam na mahirapan na lang

ng kaunti sa pag-anggulo ng sarili at pagpilit na mapindot ang “captured button” ng

iyong slr, digi-cam o camera phone.

Ayon sa aming nakalap na impormasyon, kasabay sa paggawa ng pangalan

ng mga social networkingsites tulad ng Facebook, Twitter, at lalong lalo na sa


instagram ay ang simula rin ng paggamit ng salitang “selfie”. Sa ngayon, hindi

maitatanggi na tuluyan na ring niyakap ng mga Pilipino ang salitang ito. Sa halos

apat na beses sa isang linggona paggamit ng instagram ng mga Pilipino, 67.7% ng

ina-uuploadd nila ay litrato ng kanilang sariling mukha (“A Snapshot of Instagram”).

Ayon pa sa ilang impormasyong aming nakalap, mahirap na din hamunin ang

mga nasabing datos na ito dahil makikita naman sa paligid ang aktwal na

pagseselfie ng mga tao. Hinding hindi ko malilimutan nang kamakailan, sinubukan

naming ng mga kaibigan ko na pumunta sa pagbubukas ng isang mall. Totoong

napakaraming tao pero bukod ditto, ang nkakuha ng atensyon namin ay ang

grupong mga kabataan na di alintana ang tulakan at pagsisiksikan ng mga tao

makuhanan lamang ng litrato ang kanilang mga sarili sa gitna ng bagong mall na

iyon. Ito na rin siguro ang rason kung bakit di na ako nabibigla pa na kahit sa DLSU-

Manila ay malimit kang makakikita ng mga estudyanteng nagkukuhanan ng mga

litrato ng kanilang mga sarili sa may koridor o di kaya’y sa may hagdanan. Isama pa

natin dito ang mga taong di nakakaalam ng ibig sabihin ng salitang “selfie” ngunit

mga regular na kumuha ng litrato ng kanilang mga sarili (may kasama man o wala).

Ayon sa kuwento, nagitla ang mga panauhin ng italyanong pisiko na si

Giambattista Della Porta (1535-1615). Sa dingding na nasa harapan nila, may

larawan ng maliliit at pabaligtad na mga taong gumagalaw. Nagtakbuhan palabas ng

silid ang nahintakutang mga tagapagmasid. Nilitis si Della Porta sa kasong

panggagaway. Iyan ang napala niya sa pagtatangkang pahangain ang kaniyang

mga panauhin at itanghal sa kanila ang isang camera obscura—sa Latin ay literal na

nangangahulugang “madilim na silid.” Simple lamang ang prinsipyong nagpapagana

sa kamera, pero mamamangha ka sa nagagawa nito. Paano ito gumagana? Kapag

lumagos ang liwanag sa isang maliit na butas papasók sa isang madilim na kahon o
silid, lilitaw sa katapat na pader ang pabaligtad na larawan ng kapaligiran sa labas.

Ang talagang nakita ng mga panauhin ni Della Porta ay mga artistang nagsasadula

sa labas ng silid. Ang camera obscura ang ninuno ng makabagong kamera. Sa

ngayon, marahil isa ka sa milyun-milyon katao na may sariling kamera o nakagamit

na ng popular at abot-kayang disposable na kamera.

Ayon naman kay Della Porta hindi naman bagong imbensiyon ang camera

obscura ni Aristotle (384-322 B.C.E.) ang prinsipyong ginamit nang maglaon sa

kamera. Detalyado itong inilarawan ng Arabeng iskolar noong ika-10 siglo na si

Alhazen, at may isinulat tungkol dito ang ika-15-siglong pintor na si Leonardo da

Vinci sa kaniyang mga kuwaderno. Nang simulang gamitin ang mga lente noong ika-

16 na siglo, mas luminaw ang larawang nabubuo ng kamera at ginamit ito ng

maraming pintor upang makaguhit ng larawan na may tamang perspektiba at

proporsiyon. Pero sa kabila ng maraming pagsisikap na ito, hindi pa rin alam kung

paano gagawing permanente ang nabubuong mga larawan hanggang sa sumapit

ang ika-19 na siglo.


KABANATA III

DISENYO NG PARAAN NG PAG- AARAL

Sa kabanatang ito ipapakita ang mga kalahok sa pananaliksik. Mga

instrumentong ginamit at pamamaraan sa pangangalap ng datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang disenyong pag- aaral o pananaliksik ay deskriptib- sarbey dahil

naaangkop ito sa mga mag- aaral na mahilig magselfie, hindi mahilig magselfie, at

sa mga walang ideya tungkol sa pagseselfie. Marami itong epekto sa kanilang

personalidad, sarili at sa kanilang pakikipag- ugnayan sa ibang tao. Tinangkang

suriin ng pag- aaral na ito ang kasalukuyang kaalaman, damdamin, kaisipan,

pananaw, at opinyon ng mga- aaral kung bakit may nagseselfie at ang maaaring

maging positibo at negatibong epekto nito sa kanilang personalidad. Nais din ng

pananaliksik na masuportahan ang mga naunang pahayag ng mga nag- aaral

tungkol sa mga epekto ng nasabing usapin.

Respondente ng Pag- aaral

Ang mga kalahok sa pananaliksik na ito ay pinili sa paraang random na

nagmula sa iba’t ibang kurso sa Unibersidad ng Mindanao. Limitado sa isangdaan

(100) na mag- aaral ang inaasahang makapagsagot sa sarbey kwestyoneyr na

inihanda ng mga mananaliksik. May limampung (50) respondente na nagmula sa

departamentong CCE at limampu (50) din ang nagmula sa departamentong CTE. Sa

limampu (50) respondente mula sa CTE, lima (5) ang nagmula sa unang taon, may
tatlumpu’t tatlo (33) ang nagmula sa pangalawang taon, siyam (9) din ang nagmula

sa pangatlong taon at tatlo (3) ang nagmula sa pang-apat na taon. Sa limampu (50)

respondente naman na nagmula sa CEE, tatlo (3) ang nagmula sa unang taon,

apatnapu’t tatlo (43) naman ang nagmula sa pangalawang taon, habang tatlo (3) ang

mula sa pangatlong taon at isa (1) ang pang-aoat na taon.

Pansinin ang kasunod nag grap.

Talahalayan 1

Distribusyon ng mga resondente ayon sa departamento at taon.

DEPARTAMENTO TAON TOTAL

1 2 3 4

CTE 5 33 9 3 50

CEE 3 43 3 1 50

KABUUAN 8 76 12 4 100

Instrumento ng Pag- aaral

Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay kwestyoneyr o

talatanungan na binigay sa isangdaan (100) na mag- aaral ng Unibersidad ng

Mindanao. Ang talatanungan ay binuo ng sampung (10) katanungan at ipinasagot sa

mga respondente. Sinasagot ng mga kalahok ang bawat tanong sa pamamagitan ng

paglalagay ng tsek sa kanilang kasagutan.

Sa kabuuan, ang instrumentong ginamit ay siyang naging daan ng mga

mananaliksik para makakuha ng mga datos na susuporta sa aming pag- aaral.


Paraan ng Pagkalap ng Datos

Ang paraan ng pangangalap ng datos ay nagsisimula sa pag- gawa ng

talatanungan at sinundan ng page- edit ng instrumento para maiwasto ang kaayusan

ng mga tanong at upang matiyak ang kaangkupan ng mga tanong sa problemang

nais lutasin ng mga mananaliksik.

Ang paghingi ng pahintulot sa bawat kalahok ang sumunod. Personal na

pinamamahalaan ng mga mananaliksik ang pagbibigay ng mga talatanungan sa

bawat kalahok at ibinigay ang tamang panuto sa pagsagot upang makuha ang

nararapat na tugon. Kinalap ang instrument at inihambing ang mga sagot ng bawat

kalahok at binigyan ng kabuuan.

Tritment ng mga Datos

Ang istatistikal na tritment na ginamit sa pag- aaral na ito ay ang pagkuha ng

porsyento o bahagdan upang makuha ang resulta. Bilang o dami lamang ng mga

pumili sa bawat pagpipilian ng bawat aytem sa kwestyoneyr ang inalam ng mga

mananaliksik. Dahil isangdaan (100) lamang ang mga respondente, naging madali

para sa mga mananaliksik ang pagkuha ng porsyento, dahil sa bawat dami ng bilang

ay awtomatikong katumbas sa porsyento.


Kabanata IV

Presentasyon at Interpretasyon ng mgaDatos

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at

impormasyon.

Ipinapakita sa grapikal na presentasyon sa Grap 1 ang distribusyon ng mga

respondent ayon sa kanilang kasarian.

Sa isangdaang (100) respondente, limampu’t isa (51) sa kanila ay babae at

apatnapu’t siyam (49) naman sa kanila ay lalaki.

Pansinin ang kasunod na grap.


GRAPGRAP
1 2
DISTRIBUSYON
DISTRIBUSYON NG MGA
NG MGA RESPONDENTE
RESPONDENTE AYONAYON SA EDAD
SA KASARIAN
50%
44%
45%
40%
35% 33%
30%
25% 51% 49%

20%
15%
15%
10% 8%
5%
0%
15-17 18-19 20-21 22 pataas

Lalaki Babae

Sa may isangdaang (100) respondente, apatnapu’t apat (44) ang nasa edad

15-17, tatlumpu’t tatlo (33) naman ang may edad 18-19, labing-lima (15) ang 20-21

at labing- walo (8) naman na respondent ang may edad na 22 pataas.

Pansinin ang kasunod na grap.


Sa isangdaang (100) respondente, pito (7) ang nag sasabi na ang pag-

seselfie ay dahilan ng pagiging insecure sa sarili, tatlumpu’t anim (36) naman ang

nagsasabing pampalipas lamang ito, habang dalawampu’t isa (21) ang nagsabing

para sa papuri ng iba at tatlumpu’t anim (36) naman ang sumagot na paraan nila ito

ng pagpapalabas ng kanilang emosyon o damdamin.

Pansinin ang kasunod na grap.


GRAP 3
SA TINGIN NG MGA RESPONDENTE KUNG ANO ANG
DAHILAN KUNG BAKIT MAY NAGSESELFIE

40% 36% 36%

35%

30%

25% 21%

20%

15%
7%
10%

5%

0% A B C D
A

A. Insecure sa sarili

B. Pampalipas

C. Para sa papuri ng iba

D. Paraan ng pagpapalabas ng aking emosyon/ damdamin

Sa isangdaang (100) respondante, tatlumpu’t lima (35) ang naniniwalang ang

paraan ng pagpapakita ng damdamin ang simula ng pagseselfie. Sa katunayan,

tatlumpu’t apat (33) naman ang naniniwalang ang paraan ng pagpapahayag ng sarili

ang simula ng pagseselfie, habang labing-tatlo (13) ang naniniwalang hindi sa

emosyon ng isang tao nagsimula ang pagseselfie. Dalawampu’tapat (19) naman ang

nagsasabing wala silang pakialam kung saan nagsimula ang naturang isyu.
GRAP 4
BILANG NG MAG-AARAL NA NANINIWALA NA ANG PAGSESELFIE AY
NAGSISIMULA BATAY SA KASALUKUYANG EMOSYON NG ISANG TAO
19%
35%

13%

33%

A B C D

Pansinin ang kasunod na grap.

A. Oo, dahil ito ang paraan ng pagpapakita ng aking nararamdaman.

B. Oo, dahil ito ang paraan upang maipahayag ang aking sarili.

C. Hindi, dahil hindi ito nakakatulong aking emosyon.

D. Hindi, dahil wala akong pakialam sa isyung ito

Sa isangdaang (100) respondente, may dalampu’t anim (26) sumasangayon

na mahilig sila sa pag-seselfie at may tatlumpu’t pito (37) ang nagsasabing mahilig

sila subalit hindi gaano. Sakabilang dako, may dalampu’t tatlo (23) naman ang

nagsasabing hindi sila mahilig mag-selfie, habang ang natitirang labing-apat (14) ay

walang pakialam sa naturang isyu.


GRAP 5
BILANG NG MAG-AARAL MAHILIG AT DI MAHILIG MAG SELFIE

26%

37%

23%

14%

0% 5% 10% 15% 20% 25% 30% 35% 40%

D C B A

Pansinin ang kasunod nag grap.

A. Oo, mahilig ako sa pagse-selfie.

B. Oo, ngunit hindi gaanong mahilig.

C. Hindi ako mahilig mag-selfie.

D. Wala akong pakialam sa isyung ito.

Sa isang daang (100) respondante, dalawampu’t anim (26) ang nag sabi na

gusto nilang magpahayag ng damdamin kaya sila nag-seselfie at tatlumpu’t dalawa

(32) naman ang nagsabing nararamdaman nilang maganda’t gwapo sila sa mga

litrato kaya sila napapa-selfie. Bagkus, talumpu’t lima (35) naman ang may dahilan
GRAP 6
DAHILAN KUNG BAKIT NAGSESELFIE ANG MAG-AARAL
35
30 35
26
25
20
20
15
10 19
5
0
A
B
C
D

na para may pang-display o mai-post lang sa networking sites katulad facebook,

instagram at iba pa habang labing-siyam (19) naman ang nakikiuso lang.

Pansinin ang kasunod na grap.

A. Gusto ko lang magpahayag ng damdamin.

B. Nararamdaman ko na maganda/gwapo ako sa litrato.

C. Para lang may ma-post sa social Networking sites katulad ng “Facebook”,

“Twitter”, “Instagram”, at iba pa.

D. Nakikiuso lang ako.

Sa isangdaang (100) respondante, dalawampu’t isa (21) ang nagsabing

masaya at nakakawala ng problema ang pag-seselfie at tatlumpu’t dalawa (32)

naman nag nagsasabing nakapagbibigay ito ng tiwala at kompyansa sa sarili.

Koneksyon dito, may tatlumpo (30) ang nagsabing walang epekto ito sa kanila
GRAP 7
NARARAMDAMAN NG MAG-AARAL MATAPOS NILANG MAGSELFIE

17%
21%

30%

32%

A B C D

habang ang natitirang labing-pitong (17) respondante ay nagsabing wala kasi di nila

hilig ang mag-selfie.

Pansinin ang kasunod na grap.

A. Masaya at nakakawala ng problema.

B. Nakakapagbigay ng tiwala at kompyansa sa sarili.

C. Parang wala lang nangyari.

D. Wala, kasi hindi ako mahilig mag-selfie

Mula sa isangdaang (100) respondante, apatnapu’t walo (48) ang nagsabing

okay lang kapag hindi sila nakapag-selfie, apatnapu (40) ang nagsabing marami pa
GRAP 8
NARARAMDAMAN NG MAG-AARAL KAPAG HINDI NAKAPAG-SELFIE

48%
50%

45% 40%

40%

35%

30%

25%

20%

15%
8%
10% 4%
5%

0% A B C D
A

silang makabuluhang bagay na magagawa, walo (8) naman ang nagsabing hindi

buo ang kanilang araw, habang apat (4) ang nagsabing malungkot, dahil wala silang

maipost sa social networking sites.

Pansinin ang kasunod na grap.

A. Okay lang kapag hindi nakapag-selfie.

B. Wala, marami pang makabukuhang bagay ang magagawa ko.

C. Hindi buo ang aking araw.

D. Malungkot, dahil wala akong mai-post na social networking sites.


GRAP 9
POSITIBONG EPEKTO NG PAGSESELFIE SA MGA MAG-AARAL
40%

35%
36%
30%

25%
24%
19%
20%

15% 21%
10%

5%

0%
A
B
C
D

Mula sa isangdaang (100) respondante, labing-siyam (19) ang nagsabing

naaakit silang mag-ayos ng sarili, dalawampu’t apat (24) naman ang nagsabing

napupuri sila ng ibang tao saparaan ng pagkokomento sa kanilang selfies, tatlumpu’t

anim (36) naman ang nagsabing tumaas ang kanilang tiwala sa sarili dahil dito

habang dalampu’t isa (21) naman ang nagsabing nababahagi nila nag kanilang

kasalukuyang nararamdaman sa paraang iyon.

Pansinin ang kasunod na grap.

A. Naaakit na mag-ayos ng sarili.

B. Napupuri ng ibang tao saparaan ng pagkokomento sa iyong selfie.

C. Nakapagpapataas ng tiwala at kompyansa sa sarili.

D. Naibabahagi ang kasalukuyang nararamdaman.


GRAP 10
NEGATIBONG EPEKTO NG PAGSESELFIE SA MGA MAG-AARAL
40%

36%
35%

30%

25% 25%
24%

20%

15% 15%

10%

5%

0%
A B C D

Sa isangdaang (100) respondante, apatnapu’t apat (24) ang nagsabing

nagiging self-centered o nakatuon lamang sila sa kanilang sarili at labing-lima (15)

din ang nagsabing maaaring hindi maipasa ang asignatura dahil mas pinagtuonan

ng pansin ang pagse-selfie. Sa kabilang dako, tatlumpu’t anim (36) naman ang

nawawalan ng privacy ang buhay dahil ditto habang dalawampu’t lima (25) ang

nagsabing maari itong magdulot ng kasamaan o kapahamakan sa sarili.

Pansinin ang kasunod na grap.

A. Nagiging self – centered o nakatuon lamang sa sarili.

B. Maaaring hindi maipasa ang asignatura dahil mas pinagtuonan ng pansin

ang pagse-selfie.

C. Nawawalan ng privacy ang buhay.

D. Maaaring magdulot ng kasamaan o kapahamakan sa sarili .

You might also like