You are on page 1of 9

Social Media : Epekto ng Pagseselfie sa Tiwala sa Sarili ng Mag-aaral ng OLFU

I. INTRODUKSIYON MAIKLING MALAY AT DANAS SA PAKSA

Ang salitang “selfie” ay isang katagang hinango sa salitang Ingles na “self” at

dinagdagan ng “ie” na tumutukoy sa isang retrato na kung saan ang kumuha nito ay ang

nasa mismong larawan. Kadalasan, smartphones na may front-facing camera ang gamit

sa pagkuha ng "selfie" at inaplowd sa isang social media. Simula taong 2012 hanggang

ngayong 2013, tanyag na tanyag ang salitang "selfie" Ayon sa Oxford Dictionaries,

lumobo sa 17,000-porsyento ang paggamit ng salitang "selfie" mula noong 2012. Malimit

natin makikita ang mga litratong ito na kasama ang “hashtag” (#selfie) sa mga social

networking sites websites tulad ng facebook , instagram at twitter. Ayon kina Ferrer at

Reyes ang salitang ito ay unang nabanggit noong 2002 sa isang inuman at naipost sa

isang Australian internet forum, ang ABC Online, noong Set. 13, 2002.

Selfie sa Pilipinas. Itinanghal ang “selfie” bilang salita ng taon matapos makakuha

ng pinakamataas na boto mula sa mga kalahok ng “Pambansang Kumperensiya sa

Pagpapayaman ng Wikang Filipino at Sawikaan 2014: Pagpili ng Salita ng Taon.”. Ayon

kina Ferrer at Reyes na nag lahok ng salitang selfie sa nasabing talakayan , ang kultura ng

selfie sa Pilipinas ay “maituturing na konsepto ng gitnang-uri o ng nakaririwasa pa nga:”

ito ang mga taong may kakayahang bumili ng mga cellphone na may kamera at

magbayad ng koneksiyon para sa internet. Noong March 14, 2014 , itinanghal na ng

TIME Magazine ang Makati City bilang “The Selfie Capital of the World. Batay sa pag-

aaral ng TIME, mayroong 258 selfie-takers sa bawat 100,000 mamamayan. Kasama rin

ng Makati City ang kapitbahay nitong Pasig City, at pang-siyam rin sa listahan ang Cebu
City na may 99 selfie-takers sa bawat 100,000 mamamayan. Tila ba seremonyas na sa

ilang Pilipino kumuha ng kanilang “selfie,” dahilan upang magkaroon na ito ng

natatanging tatak-Pinoy.

Hindi na bago sa ating pandinig ang salitang "selfie". Ito ay ang terminolohiya ng

henerasyon sa makabagong panahom sa pagkuha ng sariling larawan gamit ang mga

cellphone at mga camera. Ayon sa ginawang pag-aaral ng Pew Research Center, nasa

kalahati ng makabagong henerasyon ang nakapagpost na ng kani-kanilang mga selfie.

Ang pagseselfie ay isang instrumento rin sa pagpapahayag ng tunay na damdamin ng

kumukuha nito. Bahagi na nga ng ating buhay ito lalong lalo na para sa mga kabataan

ngayon, ang pagpost ng mga selfie sa mga social media sites ang isang halimbawa nito.

Sa kabilang banda, hindi rin natin maisasantabi ang naibubunga ng gawaing ito. May

ilang kabataang sobra sobra na kung magpost ng mga selfie ngayon. Mapapaisip tayo

kung nakabubuti pa nga ba ang dulot ng makabagong teknolohiya partikular ng paseselfie

sa panahon natin ngayon.

1.1 PAG-LALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay magtataglay ng mga impormasyon at mga

mungkahi na maglalayong maipabatid sa mga mambabasa, partikular sa mga

kabataan ang mga epekto ng pagseselfie sa kanilang tiwala sa sarili at

matugunan ang mga sumusunod na katanungan para sa mga mag-aaral ng

OLFU. Ito ay ang mga sumusunod:


1. Anu-ano ang mga epekto ng Pagseselfie sa Tiwala sa Sarili ng Mag-aaral ng

OLFU

2. Anu-ano ang mga dahilan kung bakit naaakit mag-selfie ang isang kabataang

mag-aaral ng OLFU?

3. Anu-ano ang mga positibong epekto ng pagseselfie sa tiwala sa sarili ng mag-

aaral ng OLFU ?

4. Anu-ano naman ang mga negatibong epekto sa tiwala sa sarili ang kaakibat ng

sobrang pagkahilig sa pagseselfie?

5. At kung ano ang mas nangingibabaw sa kanila, ang positibong epekto nito o ang

negatibong epekto nito sa tiwala sa sarili ng mag-aaral ng OLFU ?

1.2 LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang papel pananaliksik na ito ay may layong mabigyang pansin ang mga dahilan

kung bakit nahuhumaling ang mga kabataang mag-aaral na katulad nila sa pagseselfie.

Nais ring maipaalam ng mananaliksik ang mga positibo at negatibong epekto ng

pagseselfie sa kanilang tiwala sa sarili ng mga mag-aaral ng OLFU Cabanatuan.

1.3 KAHALAGAHAN NG PAG AARAL

Ang kabataan ay napakahalagang miyembro nang ating lipunan, sila ang

pinakanaapektuhan sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya. Hindi lingid sa atin na ang

pag-unlad na ito ay may positibo at negatibong epekto nito. Kaya ang pag-aaral na ito ay

magiging kapakipakinabang sa mga mga kabataan, magulang, sa mga susunod na

mananaliksik at sa mga susunod na henerasyon. Mahalagang malaman nila ang mga

epekto kung patuloy na sasanayin ang makabagong kaugaliang ito. Malalaman din nila
kung ano nga ba ang maganda at masamang maidudulot nito lalo na sa mental na pagiisip

partikular na sa kanilang tiwala sa sarili.

1.5 SAKOP AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay nakabase lamang sa mga pananaw ng mga indibidwal na napili

upang sumagot ng talatanungan na inihanda ng mananaliksik tungkol sa mga dahilan

kung bakit naaakit ang mga indibidwal sa pagseselfie, ang mga positibo at negatibong

epekto nito sa kanilang tiwala sa sarili . Ang mananaliksik ay pumili ng anim (6) na

respondente na nakatakdang lumahok sa panayam at ang mga respondenteng ito ay ang

mga napiling mag-aaral sa ika-unang taon sa kolehiyo ng Our Lady of Fatima University

, Cabanatuan Campus , Cabanatuan , Nueva Ecija, Taong Pampanuruan 2019.


II METODO NG PANANALIKSIK

2.1 DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang na pag-aaral na ito ay ginamitan ng kwalitatibong paraan. upang malaman

ang mga pananaw at opinyong ng mga respondente tungkol sa mga nabanggit na layunin,

suliranin at pokus ng pananaliksik na ito. Sa pag-aaral na ito, kaming mga mananaliksik

ay gumamit ng deskriptib na datos (descriptive data) upang ang pag-aaral ay makakuha

ng tiyak na detalye at iba’t ibang kaalaman mula sa mga respondente ng pag-aaral. Ang

disenyong ito ang napiling gamitin para sa epektibong pagsasagawa ng pananaliksik. Sa

pag-aaral ng mananaliksik, Naniniwala ang mga magsasagawa ng pag-aaral na ito na ang

pakikipanayam ay isang produktibo at mas magandang paraan upang makalap ang mga

impormasyon, saloobin at komento na kailangan mula sa mga respondente. May anim (6)

na kalahok ang siyang naging respondent para sa “in-depth interview” at sa pamamagitan

ng pakikipanayam , malalaman kung ang pagseselfie ay nakabubuti ba o nakasasama sa

mga kabataang mag-aaral mula sa kanilang mga komento, opinyon at saloobin ukol sa

paksa.

2.2 MGA RESPONDENTE NG PAG-AARAL

Ang napiling respondente sa pananaliksik na ito ay ang mga mag aaral mula sa

ika unang taon sa kolehiyo ng Our Lady Of Fatima University. Ang mga respondente ay

napili ng mga mananaliksik dahil sila ay may sapat nang kaalaman at karanasan sa

pagseselfie, dagdag pa rito ay abot- kamay na ng mananaliksik at ang mga respondente

ay nakapaloob at kasali sa grupo ng mga kabataan at mag-aaral na kinakailangan para


maisakatuparan ang layunin ng papel pananaliksik na ito at para makakuha ng sapat na

mga datos o impormasyon para sa mga magamit sa pag aaral.

2.3 INSTRUMENTO NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng interbyu o pakikipanayam bilang

instrumento. Ang mananaliksik ay gumawa rin ng mga gabay na tanong upang magamit

sa pakikipanayan.

PAMAMARAAN NG PAGKUHA NG MGA DATOS AT KONSIDERASYONG

ETNIKAL

Ang Mananaliksik ay lumikha ng gabay na tanong upang magamit sa

pakikipagpanayam sa mga napiling respondente. Ang susunod na hakbang ay kinilala ang

mga magiging impormante sa pamamagitan ng purposive sampling na teknik. Bawat

respondente ay kusang pinuntahan ng mga mananaliksik upang aktwal na mangalap ng

mga impormasyon na kailangan para sa nasabing pag-aaral. Pangatlo, binigyan ng

oryentasyon ang mga respondente tungkol sa gagawing pag-aral at inanyayahan namin

silang makilahok sa in-depth na panayam. Ang proseso ay nagsimula sa pagbungad ng

pagbati sa kanila. Ipinaunawa at ipinaliwanag sa kanila nang mabuti ang aming tungkulin

bilang mananaliksik maging ang kanilang gampanin sa pag-aaral. Ginamit ng mga

mananaliksik ang mga talatanungan upang maging gabay sa pakikinayam sa mga

partisipante. Inaasahan na sa pagtatapos ng pag-aaral na ito, ay maipapakita ang positibo

at negatibong epekto ng pagseselfie sa tiwala sa sarili ng mga kabataan, partikular na sa

mga mag-aaral sa OLFU Cabanatuan Campus.


PAG AANALISA NG MGA DATOS

Pagkatapos makuha ang kinakailangang datos mula sa panayam, itinala ng mga

mananaliksik ang mga nakuhang impormasyon sa organisadong paraan para malinaw na

malaman ang mga kasagutan. Ang mga mananaliksik ay nagkaroon ng pag-analisa at

pag-imbestiga sa mga sagot ng mga impormante sa pamamagitan ng pagpapangkat-

pangkat ng kanilang sagot. Karagdagan,sinuri ng mga mananaliksik ang pagkakatulad at

ang pagkakaiba ng mga sagot ng mga impormante.

Panghuli, binigyan ng masusing pag-aanalisa ng mga mananaliksik ang mga

imposmasyong nakalap mula sa mga impormante. Nagbigay din ng sariling saloobin ang

mga mananaliksik sa naturang pag-aaral. Ang nagawang pag-aanalisa ay ginawan naman

ng buod, konklusyon at rekomendasyon.

.
Social Media : Epekto ng Pagseselfie sa Tiwala sa Sarili ng Mag-aaral ng OLFU

GABAY NA TANONG PARA SA PAKIKIPANAYAM :

1. Ano ang iyong dahilan sa pagseselfie ?

2. Gaano ka kadalas magselfie ?

3. Nakakaapekto ba sa iyong tiwala sa sarili ang mga negatibong komento

sa iyong selfie ?

4. Kinukumpara mo ba ang bilang ng likes at comments na iyong

natatanggap sa ibang tao?

5. Ano ang iyong pakiramdam kapag ikaw ay nakakakuha lamang ng

kaunting reactions at likes sa iyong selfie ?

6. Ano naman ang iyong pakiramdam kapag marami ang likes at reactions

sa iyong selfie ?

7. Nakakadagdag ba ng tiwala sa sarili kapag sa iyong palagay maganda ang

iyong selfie ?

8. Nakakaapekto bas a tiwala sa sarili ang mga positibong komento sa iyong

selfie ?

9. Sa iyong palagay may mabuti o positibong epekto ba sa tiwala sa sarili

ang pagseselfie ? negatibo ?

10. Sa tingin mo nadagdag ba sa tiwala sa sarili ang pagseselfie ?

You might also like