You are on page 1of 3

Magandang umaga/hapon sa ating lahat maging sa ating tagapangulo.

Ako ay naatasang ilahad ang mga negatibong pananaw patungkol sa paksang


“Social media:edukasyon o distraksyon sa akademiikong kagalingan ng kabataang
Pilipino”
Pero bago tayo dumako sa kaing mga puntos, alamin muna natin kung Ano nga ba
ang social media? Ang social media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-
ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at
nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at
mga network.
Gayunpaman, Kami ng aming grupo ay naniniwalang ang social media ay isang
distraksyon sa akademikong kagalingan ng kabataang Pilipino
Bilang unang tagapagsalita, ito ang mga puntos at datos kung bakit ang social
media ay isang uri ng distraksyon.
Unang puntos: Oras na nasasayang
Ang social media ay maaaring magdulot ng pag-aaksaya ng mahabang oras. Sa
halip na maglaan ng oras para sa pag-aaral, maaaring mapunta ang atensyon ng
mga mag-aaral sa pag-scroll ng news feed, panonood ng mga video, o pakikipag
usap gamit ang social media. Ayon sa pag aarral mula sa GlobalWedIndex noong
2019 na nagsasabing ang median na oras na ginugugol ng isang tao sa social media
ay halos 2 oras at 23 minnuto kada araw o higit pa lalong lalo na sa mga
kabataan.ito ay isang malaking halaga ng oras ng maaring nilaan para sa iba pang
bagay katulad ng pag aaral. maraming pag aaral ang nagpapakita na ang paggamit
ng social media ay maaring magdulot ng pagkabahala, kakulangan sa pagtulog, at
iba pang mga negatibong epekto.

Pangaalawang Puntos:

Multitasking: Ang paggamit ng social media habang nag-aaral ay maaaring


humantong sa multitasking, na maaaring maging hindi epektibo sa larangan ng
akademiko. Ang pagbabasa ng libro habang nagchachat o nagse-scroll sa social
media ay maaaring magbawas ng kahusayan sa pag-aaral Isang pananaliksik ng
common sense media ay nagpakita ang mga kabataan ay nagmumulti task sa
pamamagitan ng paggamit ng social media habang nag aaral.sa kanilang
pananaliksik,natuklasan na 51% ng mga kabataan ay nagpapahayag na sila ay
nagmumulti task ng paggamit ng social media habang nag aaral.

Pangatlong puntos: Pag-aaksaya ng Enerhiya: Ang mga emosyon na dulot ng


mga post at komento sa social media ay maaaring magdulot ng pag-aaksaya ng
enerhiya at pangangailangan ng utak. Ang pag-aaksaya ng enerhiya sa mga hindi
mahahalagang bagay online ay maaaring maging sagabal sa mas mabuting pag-
unawa at pagtatapos ng mga gawain sa paaralan. Ang isang pagaaral ng common
sense media noong 2015 ay nagpakita na ang mga estudyante ay naglalaan halos
siyam na oras kada araw sa social media,video games, at online activities. Ang
mahabang paggamit ng social media ay maaring magdulot ng pag aaksaya ng
enerhiya ng mga estudyante na dapat sana ginugugol sa pag aaral,pagsasanay at iba
pang produktiong gawain

pang apat na puntos:: Pag-aaksaya ng Atensyon: Ang mga notification mula sa


social media ay maaaring maging sagabal sa proseso ng pag-aaral. Ang kakaibang
tunog ng notification at ang pangangailangan ng mataas na antas ng atensyon para
sa mga post at mensahe ay maaaring makagambala sa masusing pag-iisip at pag-
aaral. ayon sa isang pag aaral ang mga estudyante ay nagtratrabaho ng higit pa sa
pitong oras kada araw sa kanilang mga social media, ito ay malinaw na
nagpapakitang malakking pag aaksaya ng atensyon sa social media.

Pang lima: Pagkukumpara: Ang social media ay maaaring magbigay-daan sa


pagkukumpara sa ibang mga mag-aaral, lalo na sa aspeto ng kanilang tagumpay,
hitsura, at lifestyle. Ang ganitong pagkukumpara ay maaaring magdulot ng stress
at kawalan ng kumpiyansa, na maaaring makaapekto sa pag-aaral. Madami sa mga
kabataan o estudyante ngayon ang mababa ang tingin nila sa kanilang sarili dahil
sa pagkukumpara ng iba na minsan ay nagiging dahilan ng pananakit nila sa
kanilang sarili.

At ang panghuli: Mababang grado


Dahil sa dami ng mga mag aaral na nahumaling sa paggamit ng social media,
marami ang bumabababa ang grado. Ayon sa pananaliksik na isinagawa sa
Kofirudua polytechnic kung saan isinailalim sa mga pagsusulit ang 1508 na
estudyante, ang ilan ay gumagamit ng social media habang nag-aaral at ang iba ay
hindi gumagamit. Lumalabas sa kanilang pananaliksik na ang mga gumagamit ng
social media habang nag-aaral ay mayroon lamang 3.0-3.5 grade point average at
3.5 to 4.0 naman sa mga hindi gumagamit na di hamak na mas mataas kumpara sa
mga gumagamit ng social media. Ito ay isang matibay na basehan upang masabing
ang social media ay isa lamang distraksyon.

Summary
Ang social media ay distraksyon sa pag aaral ng kabataan dahil ito ay nagbibigay
ng maraming impormasyon at divertibo na mga bagay na maaring magpabawas ng
pokus at oras ng isang estudyante. Sa pamamagitan ng social media, maai nilang
masayang ang oras sap ag browse ng mga larawan,chat sa mga kaibigan, o
panonood ng mga hindi kaaya aya sa halip na maglaan ng oras sa kanilanng pag
aaral. bukod dito, maaring makaapekto sa pagunlad at tagumpay ng iyong mga
klase at asignatura, ang social media ay maaring magdulot ng stress, pressure, at
anxiety sa mga mag aaral dahil sa pagkukumpara sa iba at sa kakaibang
expectations ng iba.
Kayat mahalaga na magkaroon ng tamang disiplina at pagtutok, sa paggamit ng
social media upang maiwasan ang pagiging distraksyon nito sa iyong pag aaral.
dapat itong gamitin nang maayos at may limitasyon upang mas mapagtuunan ng
pansin ang pangunahing mga responsibilidad at Gawain sa pag aaral.

You might also like