You are on page 1of 4

Rasyonale

Parating ginagamit ang Social media sa anomang oras at pagkakataon bilang

isang instrumento ng pakikipag-ugnayan. Ginagamit natin ang ating cellp hone para

tingnan ang ating social media accounts habang naghihintay sa isang kaibigan, sa

pagpila at sa mga pagkakataong wala tayong ginagawa. Naging habbit na natin ang

pagtingin ng update sa ating FB accounts, ng bagong mensaheng natanggap sa

messenger, kung may trending na pangyayari at marami pang iba. Dahil nasa panahon

na tayo ng Digital age kung saan ang bawat kabataang makakasalubong mo ay may

hawak na cell phone hindi maitatanggi na na halos lahat ng kabataan ay may social media

accounts. Bitbit ang cell phone kung saan man magpunta lalo na sa mga paaralan.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang matuklasan kung ginagamit ba ng mga

mag-aaral ang kanilang mga cell phone upang tingnan ang social media accounts habang

nasa loob ng klase at nagtuturo ang guro kung saan ito ang nagiging dahilan ng

distraction. Layunin din nitong malaman kung papaano ito nakaaapekto sa mga nasabing

mag-aaral. Ayon sa isang pag-aaral na may pamagat na How Socal Media Is Affecting

Attention Span (2019), tinatarget ng social media ang ating short term memory habang

kalat-kalat ang mga impornmasyong pumapasok sa ating isipan, ibigsabihin hindi

nagiging organisado ang mga impormasyon sa ating utak at mabilis natin itong

makalimutan (dahil nga short term memory lang) (Johnson, w.t). Ayon naman kay Zhang

(2019), nagiging sanhi ng distraction ang teknolohiya, isang halimbawa nito ay ang

pagtunog ng iyong cellphone, sa oras na makarinig ka ng Facebook notification, o ng

messenger notification, tila ba isang pangangailangan na bigyang pansin agad ito at

tingnan. Kahit wala na rin sa ating tabi ang mga kagamitang panteknolohiya, halos dito
pa rin nakatuon ang ating isipan. Mula sa pahayag na ito, maaari nating masabi na ang

mga mag-aaral ay naaabala at hind maiwasang tingnan ang kanilang social media

accounts habang nasa loob ng klase o habang gumagawa ng mga takdang aralin kung

saan dapat nakatuon ang kanilang pansin.

Suliranin sa Pag-aaral

1. Ilan sa mga mag-aaral ang gumagamit ng social media accounts habang nasa loob ng

klase? / Gaano kadalas gumamit ng social media ang mga mag-aaral habang

nagkaklase?

2. Distracted ba ang mga mag-aaral sa kanilang social media accounts habang

nagkaklase?

3. Bakit minsanang tinitingnan ng mga mag-aaral ang kanilang social media accounts

habang nagkaklase?

4. Paano mama-manage ng mga mag-aaral ang paggamit ng social media accounts ng

hindi nakaaapekto sa kanilang academic performance?

5. Ano ang mga postibo at negatibong epekto ng mga paggamit ng social media habang

nasa loob ng klase?

6. Ano ang epekto ng paggamit sa social media sa academic performance ng mga mag-

aaral?
Kahalagahan ng Pag-aaral

Mahalaga ang pag-aaral sa mga sumusunod:

Mag-aaral

Sa oras na malaman ng mga mag-aaral ang negatibo o postibong dulot ng paggamit sa

social media habang nasa klase, makatutulong ito upang bawasan ang paggamit at hindi

na magkaroon pa ng negatibong epekto. Makatutulong din ito upang makabuo ng

estratehiya sa time management ang mga mag-aaral. Sa pamamagitan din ng

pananaliksik na ito, maaaring makatuklas ang mga mag-aaral ng paraan upang

mapahaba ang attention span.

Mga Guro

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maaaring makabuo ang mga guro ng mga

estratehiya upang makatulong sa mga mag-aaral na hindi na magtangkang gumamit ng

social media habang nagkaklase o ang gamitin mismo ang social media upang maging

behikulo ng mga aralin at makapagturo sa mas mahusay na paraan. Sa ganitong paraan,

hindi magiging suliranin ang distraction na dulot ng social media.

Mga Mananaliksik

Maaari itong magsilbing batayan sa pagbuo ng mga estratehiya sa pagtuturo at pagkatuto

gamit ang social media accounts ng mga mag-aaral. Maaari din itong maging batayan
upang lumikha ng mga pagsasanay at estratehiya upang mapahaba pa ang attention

span ng isang indibidwal.

Administrasyon ng Paaralan

Matapos ang pag-aaral na ito, maaaring makapagpatupad ang administrasyon ng

paaralan ng mga bagong polisiya na magbibigay limitasyon sa paggamit ng cell phone o

mga polisiyang paggamit sa cell phone para sa mahusay na pagtuturo at pagkatuto

upang mas mapahusay ang performance ng mga mag-aaral sa klase.

You might also like