You are on page 1of 5

Introduksiyon

Panimula

Ang sosyal medya ay isa sa may malaking papel na ginagampanan sa


edukasyon. Sa kasalukuyan, may dalawang libong tao ang gumagamit ng sosyal
medya na sadyang nakakaapekto sa buhay at edukasyon. Ayon kay Santos
(2016), ang karamihan sa mga tao sa mundo ay may pattern na sinusunod sa
paggamit ng sosyal medya tulad ng facebook, twitter, instagram, youtube, at iba
pa. Ang paggamit ng sosyal medya ay may malaking impluwensya sa
akademikong pag-aaral ng mga estudyante. Ang facebook ay isang uri ng sosyal
medya na kadalasang ginagamit ng mga estudyante. Ito ay isang site na ginawa
ni Mark Zurkenberg na isang estudyante sa Harvard University.

Bahagi na ng buhay ng tao ang paggamit ng sosyal medya. Ayon kay


Soriano (2016), ang sosyal medya ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-
ugnayan na kung saan lumilikha, nagbabahagi, at nakikipagpalit ng
impormasyon. Ang paggamit ng sosyal medya ay may impluwensya sa buhay ng
tao, lalong-lalo na sa mga estudyante. Maaaring ito ay makakatulong upang
mapadali ang kanilang pag-aaaral ngunit maaari rin itong makakasama sa pang-
akademikong pag-aaral ng mga estudyante.

Ayon kay Pascual (2016), karamihan sa mga gumagamit ng sosyal medya


ay nasa gulang na 14-29. Bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ng tao na
gawaing libangan ang paggamit ng sosyal medya at maging daan upang mas
magiging madali ang kanilang pag-aaral.
Mga Suliranin

1. Paano nakakaapekto ang sosyal medya sa pang-akademikong pag-aaral


ng mga estudyante?

Saklaw at Limitasyon

Ang layunin ng pag-aaral at pananaliksik na ito ay upang malaman ang


impluwensya ng sosyal medya sa pang-akademikong pag-aaral ng mga
estudyante ng Sultan Kudarat State University (SKSU)-Kalamansig campus.

Ang mananaliksik ay nagsagawa nito upang malaman ang pananaw ng


ilan sa mga mag-aaral sa kursong Bachelor of Secondary Education major in
English ng una at pangalawang taon sa SKSU-Kalamansig sa buwan ng Agosto
hanggang Disyembre, panuruan 2019-2020, patungkol sa impluwensya ng
sosyal medya sa pang-akademikong pag-aaral ng mga estudyante ng SKSU-
Kalamansig. Ang bilang ng mga mag-aaral na bahagi ng sarbey sa pananaliksik
na ito ay dalawampung porsyento ng populasyon. Ang pagtitipon ng mga
impormasyon at iba pang mga kinakailangan na impormasyon ay ginawa sa
SKSU-Kalamansig.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sadyang napakahalaga ng sosyal medya sa mga estudyante kung kaya’t


mahalaga ring malaman ang impluwensya nito sa kanilang pang-akademikong
pag-aaral. Kaya ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga
sumusunod.

Sa mga mag-aaral, ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa kanila upang


maipakita ang papel ng sosyal medya sa paghubog ng kanilang kaalaman kung
paano gamitin ng wasto ang sosyal medya at malaman kung ito ba ay
nakakatulong o nakakasama sa kanilang pang-akademikong pag-aaral.
Sa mga guro, ang pag-aaral na ito ay nakakatulong sa kanila upang mas
mapadali ang kanilang pagtuturo at mas madagdagan pa ang ideya sa pagtuturo
sa pamamagitan ng sosyal medya.

Sa mga susunod na mananaliksik, ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa


kanila upang malaman at maintindihan kung paano makakaapekto ang sosyal
medya sa pang-akademikong pag-aaral ng mga estudyante.

Mga Sanggunian

Pascual, L (2016). Ang Epekto ng Social Media sa Mag-aaral at Edukasyon.


http://www./bataan.com/ang-epekto-ng-social-media-sa-mag-aaral-at-edukasyon

Mariano, D. R. (2017). Ano ang Mabuting Naidudulot ng Social Media sa mga


Kabataan? http://usapangmakinaatbp.wordpress.com/page/&/

Soriano, L (2016). Kahalagahan ng Social Media sa Edukasyon


http://anoemarionsoriano.wordpress.com/2016/11/11/kahalagahan-ng-social-
media-sa-edukasyon/

Notre Dame University (2014).Senior High school


http://wwww.nducotabato.org/index/php/academics/senior-high-school

Philstar.com (2017). Ano ang Advantage ng Social Media?


www.philstar.com/para.../10///.../ano-ang-advantage-ng-social-media

Aves, R. (2016). Epekto ng Social Media sa Pag-aral ng mga Estudyante ng


esep ng mataas ng paaralang pambansa ng Sto. Domingo Kabanata/ang
Suliranin http://www.academia.edu/311466687/
TALATANUNGAN

Pangalan: Taon/Pangkat:
Edad: Kasarian:
Panuto:Sa pamamagitan na pagpipilian, lagyan ng tsek ang kolumn ng iyong
kasagutan sa bawat aytem.
Oo - Sumasang-ayon
Hindi Sigurado – Nag-aalangan
Hindi – Hindi Sumasang-ayon

Talatanungan Oo Hindi Sigurado Hindi

1. Malaki ba ang naitutulong ng sosyal


medya sa iyong pag-aaral?

2. Nagagamit mo ba ang sosyal medya sa


pakikipag-ugnayan sa iyong mga guro
patungkol sa mga Gawain sa paaralan?

3. Sa iyong palagay, sapat ba an gang


impormasyong iyong nakukuha sa
paggamit ng sosyal medya para sa iyong
pag-aaral?
4. Nagagamit mo ba ang sosyal sa
pakikipag-ugnayan sa iyong mga kamag-
aral?
5. Nagagamit mo ba ang sosyal medya para
sa iyong pang-akademikong pag-aaral?

6. Sa pamamagitan ng paggamit ng sosyal


medya, mas magiging madali ba ang
iyong p[ag-aaral?
7. Nakokontrol mo ba ang iyong oras sa
pagamit ng sosyal medya habang nag-
aaral?
8. naging dahilan ba ang sosyal medya
upang magkaroon ng mababang marka
sa iyong pag-aaral?

You might also like