You are on page 1of 9

EPEKTO NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA SA MGA MAG-AARAL NG SENIOR

HIGH SCHOOL SA IKA-LABING ISANG ANTAS SA NOTRE DAME OF SALAMAN


COLLEGE INC.
Kabanata I

Introduksyon

Sa bawat henerasyon ng makabagong teknolohiya ay maraming kahalagahan ang naiaambag nito


sa ating pamumuhay sa pang – araw – araw. Hindi maipagkakaila na ang mga Social Networking
Sites ay isa sa maging produkto ng makabagong panahon. Napapabilis nito ang komunikasyon.
Ayon kay Espina at Borja (1996), ang komunikasyon ay isang makabuluhang kasangkapan
upang maangkin ng bawat nilikha ang kakayahang maipaliwanag nang buong linaw ang kanyang
iniisip at nadarama. Dito kusang umuusbong ang isang matatag na pagkakaunawaan at relasyon
ng mga tao sa isang lipunan. Nagiging bukas ang isipan sa mga pangyayari sa loob at labas ng
ating bansa at nagsisilbing libangan ng karamihan. Ngunit sa kabilang dako, nagiging bulag
tayong mga estudyante sa maaaring dulot o epekto nito sa ating pag – aaral at pati na rin sa pag –
uugali.

Dahil na rin sa nagaganap na modernisasyon sa ating mundo, marami ang nagbabago. Kabilang
na dito ang pagbabago sa pananaw ng mga estudyante sa mga bagay na produkto ng
makabagong teknolohiya, mga kinahihiligang mga larong online, maging ang paraan ng kanilang
pakikisalamuha sa kapwa. Masasabing mas mahabang oras ang inilalaan ng mga estudyante sa
ngayon. Ang pumuntang computer shop para buksan ang kanilang account, malaro ng online
games, kaysa sa pagbisita ng silid – aklatan at igugol ang bakanteng - oras para mabasa ng mga
aklat at mag – aral.

Kadalasan naman, nawawala na nang ganang makinig sa itinuturo ng mga guro dahil kahit sa
oras ng talakayan ay hawak – hawak pa rin ang cellphone at patuloy sa pagbisita ng
kanilang account sa iba’t ibang sites. Ang iba naman, dahil sa mga impormasyong kanilang
masasagap mula sa binibisitang sites, alam na nila ang tinuturo kaya at hindi makuha – kuha ang
atensyon ng mga estudyante.

Ayon sa pag – aaral nina Basilio at Bernacer (2007), ang guro ay may malaking papel na
ginagampanan sa paghubog ng kagandahang – asal ng mga estudyante. Subalit sa pamamagitan
ng social media na produkto ng makabagong teknolohiya, kay gulo ng takbo ng kanilang pag –
iisip sa larangan ng  kanilang pag – aaral. Nakakalungkot isipin na mas nangingibabaw na ang
negatibong epekto ng Social Media sa mga estudyante at tila baga unti – unti nang nahihigitan
ang kagandang asal at disiplina sa sarili.

Dahil dito, ang mga guro bilang pangalawang mga magulang ng mga estudyante ay nararapat na
gawing kawili – wili ang mga gawaing pang – akademiko, magkaroon ng kakaibang istratehiya
sa pagtuturo at maghanda ng mga motibasyong nakakatawag – pansin o interes sa kanilang mga
estudyante para mas mahikayat silang makinig at makilahok sa talakayan. Kaya’t nararapat ang
ibayong patnubay at gabay ng mga guro. Higit silang naaapektuhan sa pagpasok sa iba’t ibang
Social Networking Sites dahil sa walang sapat silang kaalaman hinggil sa tamang paggamit nito.

Kaya bilang paghahanda sa mga kagamitang pangturo sa hinaharap, layunin ng pag – aaral na
itong kumalap ng impormasyong kinakailangan para tuklasin ang epekto ng dulot ng Social
Media sa mga estudyante. Ito ay para maging gabay at daan kung paano maiwasan at
masolusyunan ang sobrang pagkahumaling ng mga estudyante dito.

Layunin ng Pag – aaral:

Layunin ng pananaliksik na ito na mabigyang kaalaman ang mga estudyante sa ngayon tungkol
sa social media na karaniwang popular sa lipunan. Bukod pa dito, layunin rin nito na ipabatid sa
mga estudyante ang mga epekto ng social media, positibo man o negatibo, lalong-lalo na sa
kanilang pag-aaral. Higit sa lahat, ninanais ng pananaliksik na ito na mabigyang solusyon ang
mga mambabasa upang maiwasan ang pagkahumaling ng mga estudyante sa social media.

1. May layunin na malaman kung ano anong makabagong teknolohiya na kadalasang


ginagamit ng mga mag aaral ng Senior High school ng Notre Dame of Salaman College
Inc.
2. Tuklasin kung anong mga negatibo at positibong epekto ng makabagong teknolohiya sa
mga mag-aaral.
3. Alamin kung gaano kahabang oras ang ginugugol ng mga mag-aaral sa pag gamit ng
makabagong teknolohiya.
4. Malaman kung ano ang magiging sulosyon upang maiwasan ang mga negatibong epekto
ng paggamit ng makabagong teknolohiya sa mga mag-aaral.
Kahalagahan ng Pag – aaral

Malaki ang epekto ng Social Media sa mga estudyante ngayon. Maaaring mabuti o masama ang
dulot nito depende sa taong gumagamit. Ang pag – aaral na ito ay inaasahang maging kapaki –
pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga Mag – aaral. Sa pamamagitan ng pag – aaral na ito, magsisilbing patnubay at


makatutulong para makakuha ng paraan kung paano mababago at mapapaunlad ang kanilang
pananaw tungkol sa Social Media. Makatutulong din ito upang maimulat ang isipan ng mga
estudyante sa tamang paggamit ng social media bilang instrumento sa pagpapaunlad ng kanilang
sarili.

Sa mga Guro. Upang bigyang – ideya ang mga guro tungkol sa Social Media na kadalasang
pinagtutuunang – pansin ng mga estudyante sa ngayon. Sa pamamagitan ng mga ideyang
napulot, maaaring gamitin at isagawa ang mga maging mungkahing paraan at solusyon para
malimitahan ng mga estudyante ang kanilang lubos na pagkahumaling sa Social Media.

Tagapangasiwa ng Paaralan. Ang resulta o ang kinalabasan ng pag – aaral na ito ay


makatutulong sa pagpapatupad ng mga programa, proyekto, mga gawain at iba pang mga
hakbang para makatulong sa mga mag – aaral na mapaunlad ang kanilang persepsyon o pananaw
tungkol sa dito.

Sa mga Mananaliksik sa Hinaharap. Ang aming pananaliksik ay magsisilbing gabay upang


kung sakaling ang kanilang paksa ay kauri nitong pag – aaral ay may mapagkukunan sila ng mga
kaugnay ng literatura at karagdagang kaalaman.

Sa mga kasalukuyang mag-aaral ng SENIOR HIGH SCHOOL .  Bilang isang mag-aaral at


guro, abogado, pulis, nurs sa hinaharap , ang pananaliksik na ito ay magsisilbing mapagkukunan
ng mga ideya at mga posibleng sitwasyong kanilang kalalagakan sa hinaharap.  Sa ganoong
paraan makapaghahanda sila upang gawin ang kanilang pagtuturo na mas epektibo.
Kabanata II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang teknolohiya aynakakabuti o


nakakasama. Marami ang naniniwala naang teknolohiya ay mayepekto sa ating
lipunan , pero marami rin ang pabor sa pag-unlad ng teknolohiyadahil ito ay
nagbibigay ng magandang dulot sa pamumuhay ng mga Pilipino . Ang mga pananaw na ito
ay tama. Subalit, kailangan nating pag-aralan ng mabuti kungang teknolohiya nga ba ay
nakakatulong o nagdudulot ng masamang epekto. Ito ay nakasalalay sa atin mga Pilipino
kungt paano natin ito gagamitin. Ayon kay Miel Torres ng Tanauan Institute Inc. Na may
kursong Business Administration ,Sa kasalukuyang panahon, sino pa ba ang hindi nakaka-alam
ng isa pa sa mgasikat na imbensyon, ang Computer. Bagay na nagpadali ng buhay ng mga mag-
aral nakatulad ko. Ayon nga sa mga nakatatanda, kung dati raw ay aabutin ka ng mag-haponsa
library ng paaralan upang hanapin ang kahulugan ng mga leksyon, ngayon
aynariyan sa bawat kanto ng Metro Manila hindi lang sa lugar ng mga urban maging sarural ang
mga ‘Internet Café’. Sa isang pindot lang, nasa harap mo na agad anghinahanap
mo. Maliban pa sa sobrang bilis na proseso na paghahanap ng leksyon,nariyan pa ang printer
upang solusyonan ang problema sa matagal na pagsusulat ngmga takdang aralin. Click lang
ng click ay makukuha mo na ang isang mabilis naproseso ng paggawa. Kung isang
matalinong indibidwal nga naman ang gagamit ngteknolohiya, siguradong malayo ang
mararating ng ating bansa. Malaki ang maitutulongnito upang umunlad at patuloy na mapadali
ang proseso ng modernisasyon na siyangmagdadala sa bawat tao sa tiyak na tagumpay.Ayon kay
DepEd Asst. Secretary Teresita Inciong, kina kailangan na pagsabihanlang ng mga guro ang
kanilang mga estudyante na patayin o itago ang cellphones ngmga ito habang nasa klase
para makaiwas sa anumang reklamo mula sa mgamagulang laban sa kanila.

Sa umiiral na DepEd Order number 83-2003; order number 26-2000 at order number 70-1999,
mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng cellularphones sa mga estudyante habang nasa loob
ng klase. Pinakiusapan din ni Inciong ang mga estudyante na maging responsable sa paggamit
ng cellphone. Hinikayat rin niInciong ang mga guro na gabayan ang mga estudyante sa tamang
paraan sa paggamitng naturang teknolohiya sa impormasyon upang hindi malaglag ang mga ito
sa malinggawain tulad ng pakikipag-text sa mga estranghero na may masasamang
intensyon,bagkus ay gamitin ito lalo na sa paghingi ng saklolo.

Ayon kay Bertilo (2011) sa kasasaysayan ng education ay malaki ang naiambag ng teknolohiya.
Sa katunayan, ito ang pangnahing paraan kung bakit ang pag-aaral ay nagging madali at mabisa
kung kaya naman marami  sa mga mag-aaral ngayon ang sumasangguni sa teknolohiya sa
kanilang pag aaral.

            Ang teknolohiya ay nagbibigay hindi lamang ng kaalaman at libangan sa mga mag-aaral.


Bukod sa personal computer, cellphone at dala nitong internet.
            Masasabi natin na napakaraming maitutulong ng teknoohiya sa ating buhay, lahat ng
sector sa ating komunidad ay madama natin ang kahalagahan ng makabagong teknolohiya sa
pang araw araw nating pamumuhay. Tunay nga’t nabago na ng teknolohiya ang paraan ng mga
mag aaral. Ang dating imposibleng gawin ay nagagawa na dahil sa tulong ng makabagong
teknolohiya.

Ayon kay Jay S. Duenas ang edukasyon ay napakahalaga sapagkat ito ang magiging sandigan ng
mga kabataan tungo sa kaunlaran. Ang mga kabataang ito ang magsisilbing susi upang umunlad
ang ating lupang sinilangan. Mga kabataang makapagbibigay liwanag sa mga mamamayan mula
sa madilim na nakaraan. Na magiging daan patungo sa ating pinakaaasam-asam na pagbabago at
kaunlaran. Sa panahon kung saan ang agham at teknolohiya ay patuloy na sumisibol, iba’t ibang
mga gadgets ang mga naiimbento’t natutuklasan. Kaliwa’t kanan na ang mga makabagong bagay
na nalilikha ng tao. Ilan sa mga ito ay  ang cell phone, computer pati na rin ang pagtuklas sa
internet.  Ito ang mga makabagong bagay na makagpapadali ng ating pamumuhay at ating mga
gawain. Sa kasalukuyang panahon, ito ay kinahuhumalingan ng mga kabataan. Ang computer ay
may napakalaking tulong sa ating mga mag- aaral lalong lalo na sa aspeto ng pananaliksik. Hindi
mo na kailangang maghalukay pa ng maraming aklat para kumuha ng mga kaunting na
impormasyon sa bawat libro. Hindi mo na kailangang maghalungkat sa mga silid-aklatan upang
maghanap ng mga datos na kinakailangan sa iyong takdang aralin. Puntahan mo lang ang google,
isulat mo lang ang paksa na hinahanap mo, mag-antay ka lang ng ilang sandali, at makikita mo
na ang iyong hinahanap. Isa pa sa makapagpapadali ng kanilang gawain ay ang cellphone, na
nagsisilbing isa sa pinakamahalaga at pinakaimportanteng imbensyon ng tao sapagkat ito ay
nagpapadali sa ugnayan ng tao. Ito ay maaaring gamitin sa mga panahon ng kagipitan. Hindi mo
na kailangan pang maghintay ng ilang buwan maipadala lamang o matanggap ang isang sulat. Sa
makabagong panahon, isang text mo lamang, segundo lang ang aantayin mo at maaari mo nang
maipadala ang mensaheng nais mong maiparating. Ngunit ang dalawang mukha: ang mabuti at
masama. Ang mga teknolohiyang makabago ay may dulot ding negatibo sa mga kabataan. Sa
halip na sa pagpapaunlad ng karunungan, ito ay ginagamit nila sa hindi tamang gawain. Sa halip
na magsaliksik para sa takdang aralin, ang inaasikaso ay counterstrike, instagram at facebook. Ito
ang ilan sa mga paraan ng paggamit ng mga kabataan sa mga makabagong teknolohiya.

http://dinalupihan.gov.ph/index.php/services/219-teknolohiya-sa-kabataan-at-edukasyon

Ang simpleng pakikipag-usap sa ating pamilya ay hindi na rin natin maisagawa sanhi ng mga
gadgets na mas pinagtutuunan natin ng atensyon at oras. Normal na senaryo sa ating paaralan
ang pagkopya ng mga aralin na itunuturo sa atin ng ating mga propesor o guro. Ngunit sa halip
na ballpen at papel ang ating ilalabas, camera o cellphone ang ating hahawakan sapagkat mas
madali ang pagkuha ng litrato kaysa sa pagsusulat nito. Nakadepende palagi sa moderno at
makamundong teknolohiya. Hindi naman masama ang paggamit nito ngunit may mga bagay na
dapat nating itinatrabaho at hindi kailangang iasa sa teknolohiya.
Ang simpleng paggawa ng gawaing bahay upang makatulong sa mga magulang ay hirap na ding
gampanan ng mga kabataan ngayon. Masyadong minahal ang aliw na ibinibigay ng
modernisasyong teknolohiya.

Hindi ito upang gawing masama ang epekto ng teknolohiya at modernisasyon sa mga kabataan.
Hindi maikakailang napakalaki ng tulong ng teknolohiya sa modernong henerasyon. Malayo na
ang narating nito sa patuloy na pagyabong at paglaganap nito. Lagi lamang natin isa-isip na ang
pag-unlad ay base rin sa magandang ugali ng mamamayan nito partikular na ang mga kabataan.
Ang disiplina sa sarili ang susi upang hindi maabuso ang paggamit nito. Ang kabataan na
masipag at may magandang pag uugali sa modernong henerasyon at ang patuloy na pagyabong
ng teknolohiya ang susi sa pag-unlad ng bawat isa.

https://medium.com/@deverocarlacamille/teknolohiya-kaibigan-o-kaaway-ng-modernong-henerasyon-
5b08117afb9a

 Ang computer ay nakatulong ng malaki sa ating mga mag-aaral lalung-lalo na sa aspeto ng


pananaliksik at pagtuklas. Hindi mo na kailangang maghalukay pa ng sandamukal na mga aklat
para kumuha ng mga kakarampot na impormasyon sa bawat libro. Hindi mo na kailangang
maghalungkat sa maalikabok na mga silid-aklatan upang maghanap ng mga datos na
kinakailangan sa iyong takdang aralin. Puntahan mo lang ang google, iencode mo lang ang topik
na hinahanap mo, mag-antay ka lang ng ilang sandali, at makikita mo na ang iyong hinahanap.

Nawa’y matutunan ng mga kabataang gamitin ang mga makabagong teknolohiya tungo sa
kaunlaran. Nawa’y gamitin ng mga kabataan ang mga teknolohiyang ito sa edukasyon. Hindi
ba’t edukasyon ang natatanging kayamanan na hindi mananakaw ninuman? Ito ang natatanging
pananggalang sa lahat ng pagsubok ng buhay. Ang isang taong edukado ay isang taong maalam
sa buhay.

Masasabi natin na malaking tulong ang teknolohiya sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto ng
kaalaman at ng edukasyon. Subalit kailangan nating tandaan na nararapat nating gamitin ito ng
wasto. Huwag natin hayaan ang ating mga sarili na abusuhin ang teknolohiya. Maaaring
makapagdulot ito ng mga masasamang epekto sa atin kapag ito ay nagamit sa hindi tamang
paraan.

Kabanata III

Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang mga maniniliksik ay matiyagang na ngalap ng impormasyon sapamamagitan ng


matiyagang pamimigay ng mga talatanungan sa mga mag-aaral ng Notre Dame of Salaman
College Inc, sa Departamento ng Senior high School at pangangalap ng mga datos sa aklatan at
mga thesis.
Sa kabanatang ito ang desinyo at paraan ng mga mananaliksik, desinyo, respondente,
instrumento ng pananaliksik, at pagtatrato sa mga datos.

Disenyo

Ang pag-aaral na ito gumamit ang mga mananaliksik ng descriptive survey o


paglalarawan panunuri dahil inilalarawan rito ang kinalalabasan ng pag-aaral
sapamamagitan ng talatanungan.Upang maisakatuparan ang pananaliksik na ito ang mga
mananaliksik ay gumawa muna ng talatanungan o “questionnaire” na siyang ipinasasagot sa mga
mag-aaral ng Senior High School. Na nagiging saklaw ng pag-aaral na ito. Pagkatapos malikom
ang mga talatanungan, ito ay iwinasto at matiyagang sinuri ng mananaliksik sa pamamagitan
ng talahanayan. Upang lalong maging malinaw ang kinalabasan ng pag-aaral ay
gumamit ang mga mananliksik ng pormulang makakatulong sa lubos na ikakaunawa ng
bawat talahanayan. Percentage technique ang ginamit ng mga mananaliksik na pormula.

RESPONDENTE

Ang respondente o saklaw ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa Notre Dame of Salaman
College Inc. Binubuo ng tatlumpung mag-aaral.

Matiyagang nakikipag-ugnayan ang mga mananaliksik sa Prinsipal at Gurong


nangangasiwa sa respondent na mag-aaral na saklaw ng pag aaral upang
maipamahagi ang mga talatanungan o questionnaire na inihanda ng mga mananaliksik upang
matugunan ang hinahanapan ng kasagutan.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ginamit ng mga mananaliksik ang tseklist sa mga mag-aaral upang malaman ang mga salik na
nakakaapekto sa paraan ng pagamit ng teknolohiya ng mga mag-aaral.Gumamit din ng aklat ang
mga mananaliksik sa pagkalap ng datos.

PAGTATRATO SA MGA DATOS

Sa pamamagitan ng paggawa ng mga teybol matapos mai-tally ang mga kasagutan sa


kwestyuneyr ng mga respondente ay naipakita ang porsyento o bahagdan ayon sa daming sinang-
ayunang kasagutan ng mga respondente sa tanong na nakapaloob sa kwestyuneyr o talatanungan.

You might also like