You are on page 1of 3

Marso 11, 2020

LAKBAY SA ORIENTAL MINDORO


Lakbay Sanaysay ni Jeric N. Layson

May halong kaba at excitement ang aking nararamdaman habang


nagmamadaling gumising ng maaga para sa aming gagawing shoot sa Oriental
Mindoro na isasagawa upang magkaroon ng entry ang aming paaralan para sa isang
kompetisyong gaganapin sa pagdating ng Mindoro Day. Hindi ko talaga alam ng
husto kung ano ang eksaktong gagawin namin para dito, kaya nga humingi ako ng
patnubay at gabay sa Poong Maykapal na maisagawa at matapos ito ng maayos.
Inihatid ako ng aking ama gamit ang aming sasakyan patungo sa Paaralan kung
saan magkikita-kita kami ng mga kasamahan kong mag-aaral at ng mga gurong
papatnubay sa amin sa gagawing shoot. Lubos na napaaga ako ng dating kaya nga
tinanong ako ni Kuya Manny ang nagbabantay ng Paaralan kung bakit ako naroon,
kaya ipinakita ko kay Kuya Manny ang dala kong Waiver at sinabi ang aming
gagawin kasama ang mga guro, dahil doon pinapasok niya ako at hinintay ko nalang
ang mga kasama ko sa Canteen ng Paaralan. Isa-isa ng dumating ang aking mga
kasama at ilang mga guro. Sumapit na ang ilang oras nakikita ko na ang mga batang
pumapasok dahil yung araw na yun ay may pasok ang mga Junior High School at
kaming mga Senior High School ay wala. Maya-maya pa ay dumating ang aming
Punongguro para kausapin si Sir. Eddy A. Dalisay tungkol sa aming paglabas ng
Paaralan at pagkatapos noon ay naghanda na kaming umalis kasabay ng pagdating
ng aming sasakyan na provided ng Paaralan para sa amin.

Nagsimula ng tumakbo ang aming sasakyan kasabay ng pagkabog ng aking


dibdib. Pansamantala itong bumagal dahil sabi ng aming guro ay kailanagan naming
magdasal, kaya mataimtim kaming nagdasal upang maging matagumpay ang aming
gagawin na kasama ang gabay ng Diyos. Unang munisipalidad na aming pinuntahan
ay ang Pinamalayan, kung saan nakita namin ang mga kabataang naglalaro.
Isinagawa namin ang unang shoot na magiging bahagi ng video, maraming sinabi sa
amin ang aming guro kung paano mapapaganda ang isasagawang shoot. Lubos
akong napahanga sa ganda ng Parke na aming pinuntahan, malinis ito at malawak,
marami ring mga pulis na nagbabantay para sa seguridad ng lahat. Napagod na ako
__________________________________________________________________________________
DOROTEO S. MENDOZA SR. MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Office Address: Pagkakaisa, Naujan, Oriental Mindoro
Email Address: doroteo_mnhs1991@yahoo.com
sa una palang pero tuloy parin kahit pinagpapawisan na ako dahil sa sobrang init na
dala ng panahon. Napagdesisyunan ng mga kasama naming mga guro na bumili ng
banana chips at suman sa lihiya na aming meryenda. Noon lang ako nakakita ng
suman sa lihiya kaya yun ang unang kong tinikman, hindi ko alam na mayroon pa
palang inilalagay na coco jam sa ibabaw ng suman bago kainin kaya hindi ko agad
nalasahan ang sarap ng pagkain.

Sunod na pinuntahan namin ay ang Bansud, dumeritso kami sa Plaza de


Bansud at ginawa ang pangalawa naming shoot, nakita ko ang malaking rebulto na
tila ba nag-iisip. Napakagandang pagmasdan nun, dahil sa dami rin ng mga
pasyalang pwede mong puntahan. Bumalik kami sa Pinamalayan upang kumain,
habang pabalik ay nakakita kami ng isang kariton, kaya tumigil ang aming sasakyan
at pinuntahan ng aming mga guro ang may-ari upang pakiusapan, kung pwede
kaming sumakay roon. Mabait naman ang may-ari kaya kami pinayagan, masarap
ang pakiramdam lalo na aking mga kasama dahil unang sakay lang nila iyon,
samantalang ako ay sanay na. Nagtake-out na lang kami ng pagkain sa Jollibee
dahil sa dami ng mga kostumer na kumakain, habang ang aming mga guro naman
ay kumain sa isang restaurant.

Pagkatapos naming kumain ay nagpatuloy kami sa pag-byahe kahit hapon na.


Habang nasa sasakyan na uli kami, nag-uusap ang aming mga kasamang guro para
sa balak na pagpunta sa isang Sun Flower Park at sa isang tribo ng mga Mangyan,
pero hindi iyon natuloy dahil sa sama ng panahon na biglang bumuhos ang malakas
na ulan. Habang binabagtas namin ang daan patungong Gloria ay mainit na uli, kaya
napakasama na ng aking pakiramdam. Medyo malayo na aming narating kaya
bumalik na kami habang patuloy parin ang pagbuhos ng ulan. Tumigil kami sa isang
tindahan ng prutas, kaya kahit umuulan ay tumigil kami para bumuli at maging
bahagi ng aming gagawing shoot. Sa pagdaan namin sa isang gasolinahan ay
medyo nahihilo na ang isa naming kasamahan na mag-aaral, gusto na niyang umuwi
pero sinabi namin na kakaunti na lang ang aming pupuntahan. Nagtungo kami
Simbahang Bato sa Naujan, isa sa balak talaga naming lugar na puntahan.
Pagkatapos naman niyon ay sa isang bibingkahan naman kami nagtungo sa
munisipalidad parin ng Naujan. Napakasarap ng bibingka at sinabayan pa ito ng
paghigop ng libreng salabat, pero hindi ko dinamihan ng pag-inom nito dahil medyo
__________________________________________________________________________________
DOROTEO S. MENDOZA SR. MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Office Address: Pagkakaisa, Naujan, Oriental Mindoro
Email Address: doroteo_mnhs1991@yahoo.com
mahalang. Hindi na talaga kinaya ng isa naming kasamahan kaya napagdesisyunan
ng aming kasamang guro na pauwiin nalang siya para sa kanyang ikabubuti.
Nagpatuloy kami patungo sa Silonay Mangrove Eco Park sa Calapan City. Lubos
akong napahanga sa kagandahan nito at sa kahalagahan nito sa kabuhayan ng mga
taong nakatira roon batay sa kwento ng isang Tourist Guide. Gabi na ng nakarating
kami sa Paaralan at sa oras ding yun ay patuloy parin ang pag-ulan na may
kasamang hangin. Inihatid kaming dalawa ng isa sa kasama naming guro pag-uwi,
para sa aming kaligtasan. Nagpasalamat ako sa gurong naghatid sa amin at
sinalubong naman ako ng aking mga magulang na hinihintay din ako kahit gabing-
gabi na. Ikinuwento ko ang lahat ng aking naging experience sa aking mga magulang
at natulog ako ng mahimbing dahil sa pagod na aking naramdaman.

Hindi birong maglakbay, pero hindi natin masasabi ang sarap ng pakiramdam ng
isang paglalakbay na tatak sa ating buhay at magiging parte ng masasayang bahagi
ng ating pananahan sa mundong ito. Wala sa layo ng nalakbay ng isang tao
masusukat ang kasiyahang mararamdaman, sapagkat ito ay nasa kahalagahan at
kung paano ito naging parte ng buhay. Ang paglalakbay ay isa sa mga pamamaraan
upang makita ng isang tao ang katotohanan sa kanyang paligid dahil ika nga,
makikita mo ang katotohanan kung makikita mo ang mundo.

__________________________________________________________________________________
DOROTEO S. MENDOZA SR. MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Office Address: Pagkakaisa, Naujan, Oriental Mindoro
Email Address: doroteo_mnhs1991@yahoo.com

You might also like