You are on page 1of 22

EPEKTO NG TEKNOLOHIYA SA PATULOY NA PAGHUBOG

SA UGALI/
PERSONALIDAD NG MGA KABATAAN MULA SA SENIOR
HAYSKUL NG
IMMACULATE CONCEPTION ACEDEMY, DASMARIÑAS
Isang Sulating Pananaliksik na Ihaharap kay Gng. Mary Ann C. Escoto ng Kagawaran ng Filipino
at Panitikan Dalubhasaan ng Malalayang Sining at Komunikasiyon Pamantasang
De La Salle – Dasmariñas Lungsod ng Dasmariñas, Cavite
Bilang Bahagi ng Pagtupad sa mga Pangangailangan para sa FILI 102 Pananaliksik Tungo sa
Pagkatutong Pangkaalaman
Jewel Briones
Jonna Gervacio
Isabel Maca
Erica Rabacal
Mayo 29, 2017

TABLE OF CONTENTS
II Introduksyon 4 10
III Depenisyon ng mga Salita 11
IV Paglalahad ng Layunin 12
V Kaugnay na Literatura 13 15
VI Konseptuwal na Balangkas 16
VII Metodolohiya 17 23
V11I Sarbey 24 27
1X Konklusyon 28
X Rekomendasyon 29 30

INTRODUKSYON
Kaligiran ng Pag-aaral
Sa kasaysayan ng edukasyon, malaki ang nagiging ambag ng teknolohiya. Ito’y isa sa mga
pangunahing dahilan kung bakit ang pag-aaral ay nagiging madali at mabisa kaya naman ay
napakaraming mag-aaral ang sumasangguni sa teknolohiya para sa kanilang pag-aaral. (Bertillo,
2011). Ang madalas lamang na bigyan ng pansin na paksa kaugnay ng teknolohiya ay ang social
media at ang epekto nito sa mga edad 18 taong gulang at pataas. Sa pag-aaral na ito, pinili ng
mga mag-aaral na maiba, at bigyan naman ng pansin ang epekto ng teknolohiya sa mga kabataan
na may edad 15 hanggang 17 na taong gulang.
Ang teknolohiya ay tumutukoy sa mga makabago at progresibong gamit ngayong panahon. Ang
teknolohiya din ay ang mga gadyet at iba’t-ibang ‘platforms’ na nagbibigay ng tulong sa iba’t-ibang
klase ng gawain sa panahon ngayon. (Tuzon, 2014). Ang teknolohiya ay lawas ng mga
kasangkapan, makina, materyales, pamamaraan at prosesong ginagamit upang magbunga ng
gamit at serbisyo para matugunan ang pangangailangan ng tao. Ito ay may kakayahang gawing
mas produktibo, mabilis at palagiang tama ang ibinibigay na resulta ng anumang pinaggagamitan
nito ay sapat nang katibayang malaki ang kontribusyon nito sa pag-unlad ng bansa.
Hindi maitatanggi na madaming klase ng tao ang gumagamit ng iba’t-ibang maka-teknolohiyang
aplikasyon. Ayon kay Havas Media Ortega, ang mga tao ngayon ay may dalawang pamumuhay;
ang totoong buhay at ang virtual na pamumuhay. Sa virtual na pamumuhay, ang isang tao ay
umuubos ng kanyang oras sa paglalaro, paggamit at pagkonsumo ng napili niyang aplikasyon. Sa
kabilang banda, ang totoong buhay naman ay sumasaad sa mga normal na gawain ng isang tao
araw-araw.
Bakit nga ba nahuhumaling ang mga kabataan sa social media at ang iba’t-ibang aplikasyon na
maaaring magamit dito? Facebook, Yahoo, Twitter: ilan lamang ang mga iyan sa mga
pinakausong tambayan ngayon ng mga kabataan, pagdating sa pag gamit ng internet; tambayan
na sa simpleng salita ay tigilan o pampalipas ng oras na maaaring naghahatid ng saya, o maaari
namang instrumento upang patayin ang oras mula sa labis na kayamutan.
Ang internet ay isang uri ng tsanel kung saan ang maraming impormasyon ay madaling
matatagpuan sa pamamagitan ng ibat-ibang makabagong teknolohiya at gadyet. Sa pamamagitan
rin ng internet, ay mabilisan mong naipapadala ang mensahe, saloobin, nararamdaman o kuro-
kuro at mabilisan ka din namang makatutugon. Gamit din ang aplikasyon sa internet ay maaaring
makipag-ugnayan sa mga taong malayo, malapit, kakilala at kahit sa hindi kakilala, na nagbibigay
daan upang makatulong sa mas mabisang pangangalap ng impormasyon galing sa iba’t-ibang
lugar at tao. Ang pinakabago at pinakasikat na kinahuhumalingan ng mga kabataan ay ang
paglalaro ng mga online games gaya ng Dota, Clash of Clans, League of Legends, at iba pa na
pawang kaiga-igaya, may makukulay na disenyo ngunit mayroong kalimitang mababagsik na
tema.
Ayon sa social learning theory ni Bandura, madaming proseso ng pagkatuto ang maaring magamit
ng isang tao. Ang dalawa sa mga ito ay ang Vicarious Conditioning o ang pagkatuto mula sa
kinalabasan ng gawain ng iba o ng observational learning o pakatuto batay sa panunuod lamang
sa iba. Masasabi na pinaliit ng social media ang mundo, inuulan tayo ng maraming impormasyon,
mas malawak na kaalaman at mas mabuting oportunidad upang magamit ang mga ito, gamit
lamang ang mga gadyet na mayroon tayo.
Napag-alaman sa pag-aaral na ang karamihan sa mga tao sa mundo ay may pattern na
sinusunod at ito ay ang paggamit ng iba’t-ibang uri ng social media. Sa mga uri ng social
media, ang sinasabing pinakakilala ay ang Facebook at ang iba pang mga ginagamit ay ang
Twitter at Instagram na may iisang layunin, ang makipag-ugnayan at makipagtalastasan sa mga
tao sa iba’t-ibang parte ng mundo.
Hindi lang ang buhay natin ang kayang hubugin ng internet at ng teknolohiya, maaari din nitong
hubugin ang pamamaraan ng pagiisip natin (Carr, 2010). Isang kadahilanan kung bakit maaaring
magbago o maapektuhan ang personalidad ng isang tao na gumagamit o nahuhumaling sa
teknolohiya ay ang kakayahan nitong padaliin ang buhay ng bawat tao. Maaaring mawalan ng
gana kumilos ang isang tao dahil maaari naman gawin para sa kanya ng teknolohiya ang
kinailangan niyang gawin magisa. Isa pang maaaring kadahilanan kung bakit nagbabago ang pag-
uugali ng isang tao sa paggamit ng teknolohiya, ay ang kapabilidad nito na magbigay ng
madaming impormasyon sa taong naghahanap gamit ang internet. Dahil sa kadahilanan na ito,
maaaring ang isang tao ay mas maging palabasa kaysa sa maging palalabas at maliksi.
Ano nga ba ang tunay na epekto ng teknolohiya? Madaming aplikasyon at mga ‘social media
platforms’ ang ginawa upang mapadali ang paraan ng pangungusap, pagbibigay-kaalaman,
kasiyahan at pagbibigay-serbisyo sa iba’t-ibang klase ng tao. Ngunit hindi napapansin ng
karamihan na kapalit ng madaming gamit ng teknolohiya ay ang direktang epekto nito sa nagiging
o magiging personalidad ng bawat tao, lalong-lalo na sa mga kabataan.
Dahil sa kinamulatan o nakasanayan na uri ng pamumuhay ng mga kabataan, normal lamang na
maepektuhan ang kanilang personalidad. Maaari din na mahubog ang personalidad nila batay sa
kung anong aplikasyon ang ginagamit nila. Madaming maaaring maging direktang epekto ng
teknolohiya, at ang iba’t-ibang aspeto nito, tulad ng mga aplikasyon sa mga kabataan ngayon;
positibo man o negatibo.
Upang maipaliwanag at maintindihan ang iba’t-ibang personalidad at epekto ng teknolohiya, ay
kina-kailangan ng masinsinang pananaliksik. Ito ay tutugon sa mga klase ng katangian ng
kabataan at kung anong nagdulot nito. Ito ang mga dahilan kung bakit napili ng mga mananaliksik
ang paksang ito. Interesado ang mga mananaliksik na matukoy kung anu-ano ang mga maaring
positibo at negatibong epekto nito sa buhay ng mga kabataan at kung bakit ganon na lamang sila
mahumaling sa teknolohiya kaysa noon. Nais din matuklasan kung bakit mas gusto ng mga
kabataan na mag laro na lamang sa loob ng bahay gamit ang kanilang mga gadyet kaysa sa
lumabas upang makipag laro at makipag salamuha. Panghuli, nais malaman ng mga mananaliksik
kung paano naapektuhan ang mga bata na hindi gumagamit ng teknolohiya at gadyet sa maka-
teknolohiyang panahon ngayon at kung ano ang mga rason at opinyon nila.
Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga mananaliksik upang makakuha ng sapat na
resulta at makamit ang layunin at kahalagahan ng pananaliksik na ito. Ang pananaliksik na ito ay
makakatulong sa mga mag-aaral kung saan malalaman ng mga estudyante ang kahalagahan at
epekto ng pag gamit nila ng teknolohiya, dito mauunawahaan natin kung bakit ganon na lamang
ang personalidad at pag uugali nila, upang matulungan namin sila maintindihan at mapaliwanag
ang mga posibleng epekto nito. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga magulang ng
mga mag-aaral na matukoy at maintindihan kung bakit ganoon ang personalidad at pag uugali ng
kanilang mga anak.
Gamit ang pananaliksik na ito, maaari ding magkaroon ng kamalayan ang mga mambabasa o
mga taong nag-aalala sa mga positibo at negatibong epekto ng paggamit ng teknolohiya sa
kabataan. Mula dito, maaaring maigrupo ang mga kabataan batay sa pagkapare-parehas ng
kanilang mga ugali, kung ano ang edad nila, kung anong mga aplikasyon at gadyet ang kadalasan
nilang ginagamit at kung ano ano ang pagkakaparehas sa kanilang mga interes.
Importante na malaman ng mga tao kung ano ang mga naidudulot ng paggamit ng mga maka-
teknolohiyang bagay sa kanila. Hindi man kapansin-pansin ngunit natural lamang na may
pagbabago sa mga ikinikilos ng mga tao lalong-lalo na dahil ang ibang tao ay gumagamit ng
teknolohiya upang mapadali ang pang araw-araw nilang mga gawain.
Ang mga kaugalian ng mga piling tao na edad 20 pataas ay napag-aralan at dahil diyan,
napatunayan na ang mga ugali nila ay nagbabago paunti-unti dahil sa paggamit ng teknolohiya.
Hindi man malaki ang pagbabago, unti-unti naman naiiba ang mga paniniwala at mga karanasan
ng mga ito dahil sa paggamit ng iba’t-ibang kagamitang pang-teknolohiya. (Currie, 2015). Dahil sa
kaalaman na ito, maaring masabi na malaki ang nagiging epekto ng iba’t-ibang aspeto ng
teknolohiya sa mga ugali, paniniwala at mga nakasanayan na ng mga tao, lalong-lalo na sa mga
kabataan na madaling maimpluwensiyahan at matuto.
Marahil sa panahon ngayon ay normal na makita ang mga kabataan na may hawak na mga
‘tablet’, iPad at kung anu-ano pang mga gadyet. Pero noong bago pa maging uso ang mga maka-
teknolohiyang mga kagamitan na ito, ang mga bata ay madalas makikita sa labas ng kanilang
mga bahay, naglalaro at nakikipag-usap sa kanilang mga kalaro. Bakit nga ba mas pinipili na nila
manatili sa loob ng kanilang mga bahay upang maglaro gamit ang isang bagay? Maraming
dahilan kung bakit mas pinipili ng mga kabataan ngayon ang kanilang mga ‘tablet’ o ‘iPad’. Ito ay
dahil nakakalaro, nakakapagusap at nakakapagsaya sila gamit ang mga ito ng hindi kinakailangan
lumabas sa kanilang mga tahanan. Nakakapangmangha nga naman kung anu-ano ang mga
naibibigay ng mga bagay na ito sa kasiyahan at kaaliwan ng mga kabataan ngayon. Ngunit lahat
nga ba talaga ng naidudulot nito ay maganda o nakakatulong sa kanila?
Ang mga batang gumagamit ng iba’t-ibang gadyet habang bata pa sila ay sinasabing mas
nailalantad sa mga kapahamakan sa kanilang kalusugan at kanilang ugali, (Teng, 2013). Ang mga
magulang ay di masyadong naiintindihan ng lubusan kung ano ang mga tunay na negatibong
epekto ng paggamit ng kanilang mga batang anak ng teknolohiya. May tama nga bang edad at
lugar para sa paggamit ng maka-teknolohiyang mga kagamitan? Dapat nga ba hayaan ng mga
magulang ang kanilang mga anak? O dapat nilang gabayan ang mga anak nila habang
gumagamit ng mga gadyet na ito?
Ayon sa artikulong nahanap ng mga mananaliksik na kahawig ng kanilang pinag-aaralan, ang
positibo at negatibong epekto ng social networking websites sa mga piling mag-aaral ng Ginoog
Christian College ay isa sa mga mahahalagang usapin ngayon sa ating lipunan. Nag iiba ang
panahon dahil sa mga makabagong teknolohiya, gadyet at apliksyon na nakaka apekto sa mga
tao lalo na sa mga kabataan ngayon. Ang kahalagan ng pag-aaral na ito ay nakatuon sa
pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga mabuti at hindi mabuting naidudulot ng social
networking sites sa mga estudyante nasa kursong edukasyon ng Ginoog College. Ang pag-aaral
ay gumagit ng disenyong diskrptib – analitik para makakalap ng mga datos, nag disensyo ang
mga mananaliksik na sarbey – kwestyuneyr para sa dalawampung (20) respondente.
Sa pag-aaral na nabanggit sa itaas ay gumagamit din ng deskriptibong pananaliksik ang
mananaliksik na si Lovely Rose Jemenia na tulad rin ng ginamit ng mga mananaliksik sa aral na
ito. Ang pagkakaiba nga lang ay gumamit rin ang mananaliksik ng pag aaral na ito ng fgd o
focused group discussion kung saan mas may nakuhang malinaw na detalye at impormasyon sa
mga respondente. Ang madalas lamang na bigyan ng pansin na paksa kaugnay ng teknolohiya ay
ang social media at ang epekto nito sa mga edad 18 taong gulang at pataas. Sa pag-aaral na ito,
pinili ng mga mag-aaral na maiba, at bigyan naman ng pansin ang epekto ng teknolohiya sa mga
kabataan na may edad 15 hanggang 17 na taong gulang. Ngunit sa pag-aaral na ginawa sa
Ginoog College ay gumagamit lamang ng dalawampung respondente kung saan hindi gumamit ng
formula para sa pagkuha ng respondente nangangahulugan hindi balido ang mga nakuhang
resulta. Mas tiyak ang makukuhang resulta sa pag-aaral na ito kung saan gumamit ng formul para
sa malawak, tiyak at detalyadong resulta at impormasyon.

DEPINISYON NG MGA SALITA


Ang mga terminolohiya ay binigyang kahulugan batay sa pag-aaral na isinagawa ng mga
tagasaliksik.
· 1. Teknolohiya-ay isang napakabagong makina o gadyet na kung tawagin ng iba ay Awtomatik na proseso o hindi
manu-mano.
· 2. Gadyet- isang maliit na gamit pang teknolohiya.
· 3. Tablet/ipad-ito ay isang kompyuter sa anyo ng isang pad/board na madalas nasa 7-10 inch pahilis ang laki. Ito ay
ginagamit sa pamamagitan ng iba-ibang klase ng pag-press o swipe sa screen.
· 4. Kompyuter-ay isang uri ng teknolohiya na nagbibigay ng mga impormasyon sa pamamagitan ng internet.
· 5. Telebisyon-ay isang sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag at pagtanggap ng mga gumagalaw na
mga larawan at tunog sa kalayuan.
· 6. Aplikasyon-ito ay ang iba’t-ibang mga programa na ginagamit sa iba’t-ibang mga maka-teknolohiyang kagamitan.
· 7. Personalidad-ito ang iba’t-ibang katangian na humuhubog sa buong karakter ng isang tao.
· 8. Introvert – tao na may pagka-mahiyain at naiilang makipagsalamuha.
· 9. Extrovert – isang tao na walang problema makipagsalamuha sa iba at papalabas ang personalidad.
· 10. Ambivert – isang tao na may halong introvert at extrovert ang pag-uugali o ang personalidad.
PAGLALAHAD NG LAYUNIN
Ang pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito ay para malaman ang epekto ng teknolohiya
sa patuloy na paghubog sa ugali/personalidad ng mga kabataan mula sa senior hayskul ng
National College of Science and Technology, Dasmariñas.
Nilalayon din ng mga mananaliksik na:
· 1. Malaman kung ano ang tatlong maka-teknolohiyang gadyet ang pinaka-ginagamit at kinahihiligan ng mga mag-
aaral ng senior hayskul ng NCST.;
· 2. Malaman kung ano ang tatlong pinaka-kinahuhumalingang aplikasyon ng mga mag-aaral sa mga gadyet nila; at
· 3. Malaman kung ano ang epekto ng teknolohiya sa personalidad ng mga mag-aaral.
Teoretical na Balangkas
Ang mga mag-aaral ay madalas na gumagamit ng teknolohiya sa kanilang pang araw-araw na
gawain. Ang pag-aaral na ito ay naglalarawan tungkol sa epekto ng teknolohiya sa pag-aaral ng
mga kabataan. Sa palagiang paggamit ng teknolohiya kagaya ng computer, tablet/ipad, cellphone,
at telebisyon ay may dalang naidudulot at ito ay ang masama at mabuting epekto sa pag-aaral.
KAUGNAY NG LITERATURA (Foreign)
Ang mga kabataan ay higit na gumagastos ng maraming oras sa paggamit at pagkuha ng
impormasyon gamit ang teknolohiya (Jackson 2012). "Ang Internet, cell phone, instant messaging
at mga larong pambidyo ay humahawak ng malaking porsyento sa araw-araw na buhay at gawain
ng mga bata. Ngunit napakaliit ang kaalama tungkol sa kung ano ang tunay na epekto nito sa
kanilang personalidad.
Nakapagpapabago talaga ng buhay ang teknolohiya na mayroon tayo ngayon. Mahalaga ang
ganap ng teknolohiya sa bawat buhay ng tao sa pamamaraan na pinapadali niya ito. Ang mga
komplekado at kritikal na mga proseso ay napapadali ng teknolohiya at ng mga aplikasyon na
kasama nito. Madami ding epekto ang teknolohiya sa pang araw-araw na buhay: 1) Madaling
makakuha ng impormasyon, 2) Maaaring tumaas ang interes ng kabataan, 3) Mas madaming
maaaring maalala gamit ang teknolohiya, 4) Mas napapadali ang pagpepresenta ng impomasyon
at ang huli 5) Mas nagiging interaktib ang pangangalap ng impormasyon at ang paggamit ng
social media.
Kinayang baguhin ng makabagong teknolohiya natin ang pamamaraan ng pagturo ng ating mga
guro sa paaralan. Ngunti sa pangsariling kagamitan, ano nga ba ang epekto nito sa mga
personalidad at ugali ng mga kabataan?
KAUGNAY NA LITERATURA (Lokal)
Maraming tao ang nagdedebate kung ang teknolohiya ay nakakabuti ba talaga o nakakasama.
Marami ang naniniwala na ang teknolohiya ay may masamang epekto sa ating lipunan, pero
marami rin ang pabor sa pag-unlad ng teknolohiya dahil ito ay nagbibigay ng magandang dulot sa
pamumuhay ng mga Pilipino. Ang mga pananaw na ito ay tama, subalit, kailangan pag-aralan ng
mabuti kung ano talaga ang epekto ng teknolohiya.
Ang mga maaaring Positibong Epekto: 1) Pag-unlad ng antas ng libangan, 2) Mas mapapadali
ang pagresponde sa mga kaganapan, 3) Mas mapapabilis at madami ang gawaing maaaring
magawa, 4) Mas mapapalapit sa iba gamit ng komunikasyon at ng teknolohiya, 5) Mas
makakamura sa ibang paraan.
Ang Mga Negatibong Epekto: 1) Nakakadulot ng pagiging tamad ng mga tao, 2) Maaaring gamitin
sa karahasan, 3) Nakakasira ng kalikasan, 4) Ang pagkakaroon ng sobrang kaalaman ay
maaaring humantong sa mali-maling sitwasyon at 5) Ang makabagong teknolohiya sa larangan ng
gaming at internet access ay maaaring makasira o maka-apekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral.
Ayon sa blog nila Gergimar John Alinsangao, Ryan Nawal, Renan Sansait at Clark Lachica. Sa
panahon ngayon, maraming gadyet na ang maaaring makita at mabili. Iba't ibang brand at model
ng cellphone, laptop at iba pa ang patuloy na humuhuli sa interes ng mga tao lalong-lalo na ng
mga kabataan. Hindi lang saya ang nadudulot nito kundi mas napapadali ng ang paguusap at mas
naging organisado ang mga personal na gawain. Ang ibig sabihin lamang ito ay nakakasabay na
sa modernisasyon ang mga Pilipino.
Di mapagkakaila na madami ang naitutulong ng makabagong teknolohiya sa pang araw-araw na
buhay ng bawat tao. Ngunit dapat ding isaalang-alang ang maaaring maging epekto nito sa
panahong inilalaan sa mas mahalagang bagay o gawain. Kabalikat ng pagkakaroon ng
makabagong kagamitan o gadyet ang maayos na pamamahala dito. Hindi lamang teknolohiya ang
nagpapatakbo sa buhay. Ang pagbibigay ng atensiyon sa mas mahalagang bagay ay isang
kagalakan at responsableng pamamahala sa buhay at sa mga bagay na nagpapagaan at
nagpapabilis sa gawain.
Marami sa mga kabataan ngayon ang may mga mabababang marka, ayon sa uro.net. Hindi ito
dahil sa hindi nila maintindihan ang mga itinuturo sa kanila sa klase. Ito marahil ay sa dahilang
marami na silang ibang pinagkakaabalahan bukod sa kanilang pag-aaral. Ang mga makabagong
gadyet ay ang mga kinalolokohan na ngayon ng maraming mag-aaral sa ating bansa.
Mahalaga na malaman ang epekto ng makabagong teknolohiya at mga gadyet sa personalidad ng
mga kabataan, sapagkat marami sa kanila ngayon ay may mga mabababang marka at paiba-iba
ng gawain at ugali. Isa sa mga kapansin-pansin na dahilan ay nababaling ang kanilang atensyon
at oras sa paglalaro o paggamit ng makabagong kagamitan imbes sa mga gawaing bahay o pag-
aaral.

KONSEPTUWAL NA BALANGKAS
INPUT
· • EDAD NG RESPONDANTE
· • SAAN GAGANAPIN ANG
PANANALIKSIK
· • SINOSINO ANG MGA
RESPONDANTE
Ang mga mag-aaral ng NCST na gumagamit at di gumamit ng teknolohiya sa kanilang pag-aaral
at pang-araw-araw na gawain

Epekto ng Teknolohiya sa kanilang pag-uugali o personalidad


· • Nagiging mahiyain sila
·  Nagiging palalabas ang ugali nila.
· • Nagkakarooon ng diistraksyon sa pag-aaral.
·  May positibo o negatibong epekto.
OUTPUT
· • Wag ituon lahat ng oras sa paggamit ng teknolohiya sa pag-aaral.
·  Patnubayan ang mga kabataan upang di maimpluwensiyahan ng masama.
·  Orasan ang paggamit ng mga
Ang mga respondante ng pananaliksik na ito ay ang mga senior hayskul na mag-aaral ng NCST
na gumagamit at di gumagamit ng teknolohiya sa kanilang pag-aaral at pang araw-araw na
gawain. Ang sobrang paggamit ay nagkakaroon ng iba’t-ibang epekto sa personalidad ng mga
mag-aaral (maganda man o masama). Kaya dapat orasan at patnubayan ang mga kabataan sa
paggamit ng teknolohiya upang di maka-epekto ng masama sa kanilang pag-uugali o
personalidad, lalong-lalo na dahil sila ay nag-aaral pa.

METODOLOHIYA
Sa bahagi ng panananaliksik na ito ay ipaliliwanag ang mga detalye at mga pamamaraang
gagawin sa pagsasagawa ng pag-aaral ng mga mananaliksik. Binubuo ito ng limang bahagi na
kinakailangang sundin upang maisakatuparan ang mga layunin ng pananaliksik na ito. Tatalakayin
ng mananaliksik sa unang bahagi ang uri at disenyong gagamitin sa pag-aaral na ito. Ang mga
kalahok ng pag-aaral at ang paraan ng pagpili sa kanila ay ilalahad sa ikalawang bahagi.
Ipaliliwanag din sa bahaging ito ang dahilan kung bakit sila ang napiling maging kalahok ng
pagaaral na ito. Kasunod, sa ikatlong bahagi naman ay tatalakayin ang uri ng instrumento na
gagamitin. Sa ikaapat na bahagi ay ilalarawan ang paraan ng pangangalap ng datos at sa ikalima
at huling bahagi ay ang paraan ng pagsusuri ng datos
Disenyo ng Pananaliksik
Sa pananaliksik na ito deskriptibong metodolohiya na pananaliksik ang disenyong gagamitin. Ang
deskriptibong pananaliksik ay kinakapalooban ng pagtatala, pag lalarawan, pagpapakahalugan,
pag susuri at pag hahambing. (Maggay, 2014). Ang nasabing uri din ay ginagamitan at binubuo ng
obserbasiyon, panayam, standardized tests, case studies at pag sasagawa ng sarbey na pupunan
ng mga respondents at siyang panggalingan ng datos. Layon ng isang deskriptibong pananaliksik
na tugunin ang mga katanungang sino, ano, kailan, saan, at paano ng isang partikular ng paksain.
Ayon kay Sanchez sa aklat ni Alipio Garcia, ang deskriptibong pananaliksik ay kinabibilangan ng
lahat ng mga pag-aaral na mag papakahulugan sa sa kasalukuyang katotohanan na may
kinalaman sa kaligiran at kalagayan ng ano mang paksa.
Ang deskriptibong pananaliksik ay isang imbestigasyon na nag lalarawan at nag bibigay-
kahulugan tungkol sa isang bagay o paksa. Ito ay may kinalaman sa mga ugnayang nagaganap,
mga gagawing umiiral, mga paniniwala, at prosesong nagaganap, mga epektong nararamdaman
o mga kalakarang nilinang. Marami uri ang deskriptibong pananalisik, ngunit ang napili ng mga
mananaliksik na gamitin ay ang deskriptibong serbey na pananaliksik na gumagamit ng
talatanungan para makalikom ng mga datos.
Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat
mas mapapdali ang pangangalap ng mga datos mula sa mga respondent. Limitado lamang ang
mga bilang tagasagot sa talatanungan, ngunit ang uri ng disenyong ito ay hindi lamang
nakadepende sa dami ng mga sumagot sa talatanungan. Kung kaya lubos na nauunawaan ng
nga mananaliksik na nababagay ito sa pag-aaral kungsaan maari ring magsagawa ng
pakikipagpanayam at obserbasyon upang makadagdag sa pagkalap ng mga datos at
impormasyon. Ang disensyong pag lalarawan o deskriptibo ay nakita ng mga mananaliksik na
magiging mabisa sa pag-aaral na ito upang mas makakalap ng impormasyon na magiging
epektibo sa pananaliksik.
Naniniwala ang mga mananaliksik na sa pamamagitan ng deskriptibong pananaliksik ay mas
mailalahad ng mga mananaliksik ang mas maayos na paraan ang mga datos na na aming
makakalap gamit ang sarbey kung saan mag hahanda ang mga mananaliksik ng talatanungan na
sasagutan ng mga respondent at maari din kami gumagamit ng panayam upang mas makatulong
at makakalap ng maraming inpormasiyon sa pananaliksik. Naniniwala din ang mga mananaliksik
na ang deskriptibong pananaliksik ay mas makapagbibigay ng akmang at angkop na resulta
sa isasagawang pananaliksik, mas mapapadali ang gagawing pangangalap ng mga datos at mas
maipapakita sa malinaw na pamamaraan ang mga makakalap na datos.
Ang papanalisik na ito ay qualitative kung saan paglalarawan sa mga sagot mula sa mga kalahok
ng pagaaral, sa pamamagitan ng panayam, ang isasagawa. Napili ng mga mananalisik ang uring
ito ng pananalisik sapagkat nilalayon nito maka kuha ng mga makabuluhong resulta sa madaling
paraan na makaka tulong sa mga mananaliksik. Nilalayon din nito malaman at maintindihan ang
epekto ng teknolohiya sa patuloy na paghubog sa ugali at personalidad ng mga kabataan mula sa
senior hayskul sa pamamagitan ng pag sasagawa ng serbey, pakikipag panayam at
obserbasiyon.
Mga Kalahok ng Pag-aaral
Ang mga kalahok sa pag-aaral ay binubuo ng dalawang daan at tatlumpu’t walong (238) mag-
aaral na nasa senior hayskul ng National College of Science and Technology, Dasmariñas. Ang
bilang ng kalahok ay nakuha sa pamamagitan ng Slovin’s Formula kung saan ang bilang ng
populasyon ng senior hayskul ay nasa limangdaan at walumpu’t apat ito ay ginamitan ng 95%
antas ng kumpyansa katumbas ng 0.05 margin of error. Ang kanilang mga edad ay mula kinse
hanggang labing pitong taong gulang, nakikitang angkop na malaman ang mga epekto dulot ng
pag gamit ng teknolohiya sa makabagong panahon ngayon.
Naglatag ng pamantayan ang mga mananaliksik para sa pagpili ng eskwelahan na angkop sa
ginagawang pag-aaral. Nagpunta sa iba’t ibang kalapit eskwela upang makapanayam ang mga
punong-guro at malaman ang kanilang mga programa, pasilidad at mga palatuntunan. Ang
NCST ay isa sa mga pinaka malapit na paaralan sa aming unibersidad. Base sa aming mga
nakalap na impormasyon sa mga eskwelahan, NCST ang pinaka angkop na eskwelahan na napili
ng mga mananaliksik upang magawan ng pagaaral.
Sa kadahilanang makatwiran ang kanilang matrikula, nangangahulugang diversed ang mga
estudyanteng nag-aaral dito. Malaki ang oportunidad na makahanap ng malaking porsyento ng
mga kabataan na may kakayahang gumamit ng iba’t-ibang aplikasyon gamit ang maka-
teknolohiyang gadyet at maaari din naming makakuha ng magandang porsyento ng mga
estudyante na walang kakayahang magkaroon at hindi sanay sa paggamit ng teknolohiya.
Madaming ibinahaging kadahilanan ang aming nakapanayam na si Sir. Bernie Manalo,
coordinator ng senior hayskul, kung bakit dapat naming piliin ang NCST, isa sa mga ito ay hindi
lamang nakatuon ang kanilang mga programa sa pang akademikong pag-unlad kundi pati ang
emosyonal kusyente at holistic development ng mga mag-aaral. Ang NCST ay isa sa mga
nangungunang eskwelahan na nakapagbibigay ng isang malikhain, makabago, makabayan,
dagasa at globally kompetitib na mga nakakapagtapos na estudyante. Ang NCST din ay kilala sa
pagbibigay ng kalidad na edukasyon na hindi maikukumpara sa ibang mga eskwelahan sa Cavite.
Ang pagpili ng eskwelahan na NCST ay importante para maayos na makapagsaliksik ang mga
estudyante mula sa De La Salle University - Dasmarinas. Kung bakit kabataan ang napili ng mga
mananaliksik upang gawan ng pagaaral ay dahil sa ang kabataan ay madaling
maimpluwensiyahan at sila ay madaling matuto.
Magkahalong babae at lalaki ang bubuo sa mga kalahok na ito. Ang mga napiling kalahok sa pag-
aaral ay ang mga estudyanteng kabataan na gumagamit at mga hindi gumagamit ng teknolohiya,
gadyet, internet, apliksyon, at kompyuter.
Gagamit ng convenient sampling technique ang mga tagasaliksik kung saan gagamitin nila ang
google forms upang makapag-sarbey na limitado lamang sa mga senior hayskul na estudyante ng
NCST. Humiling ng listahan ng mga pangalan na nag-aaral sa senior hayskul ng NCST ang mga
tagapagpananaliksik upang malayang mapili kung sino ang mga estudyanteng magiging parte ng
mga kalahok ng pag-aaral. Hihingiin ng mga tagasaliksik ang konting oras ng mga estudyante
upang isagawa ang sarbey, panayam, at obserbasyon. Gagamitin ang convenient sampling
technique dahil kasalukuyang nasa bakasyon ang mga estudyante at mas mapapadali ang
pangongolekta ng datos gamit ito.
Instrumento ng Pananaliksik
Ang talatanungan ay binubuo ng dalawampu’t apat (24) na mga katanungan at ipapasagot sa mga
kalahok. Sa papamagitan ng talatanungang ipapamigay sa pamamagitan ng internet ay aalamin
ng mga mananaliksik ang mga nagiging epekto ng paggamit ng teknolohiya sa patuloy na
pahubog ng personalidad o pag uugali ng mga kabataan. Mag hahanda ang mga mananaliksik ng
mga tanong na makaka sagot at makakapag bigay resulta sa aming isasagawang pananaliksik.
Ang sarbey na talatanungan ay mahahati sa dalawang pangkat: ang profile at ang mga tanong na
ukol sa paksang pinag aaralan. Ang sarbey ay magbibigay ng iba’t-ibang persepsyon sa mga
tagasaliksik at sa mga mambabasa kung ano nga ba ang nagiging epekto sa kabataan ng
paggamit nila ng teknolohiya.
Maari rin gumamit ang mga mananailsik ng panayam at obserbasiyon sa mga kabataan dahil mas
makakakalap ng mga mas maraming impormasiyon ang mga mananaliksik at lalo pang mas
mailahad ng mga kalahok kung ano nga ba talaga ang mga maganda at hindi magandang epekto
nito sakanila.
Paraan ng Pangangalap ng Datos
Ang mga mananalisik ay mangangalap ng mga datos sa pamamagitan ng pag sasagawa ng isang
sarbey na talatanungan upang makakalap ng mga impormasiyon na makakatulong sa pag-aaral
na ito. Ang mga kalahok na respondent ay bibigyan ng mga talatanungan na kanilang sasagutan.
Ang mga tanong sa sarbey na ito ay manggagaling sa mga mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay
isasagawa online upang hindi makagimbal sa oras ng klase. Sa gagawing pananaliksik, ang mga
mag-aaral ay random na mapipili upang hingan ng opiniyon at persepsyon ukol sa paksa ng mga
tagasaliksik.
Ang mga mananaliksik ay mangangalap ng datos mula sa internet. Gagamit ang mga
mananaliksik ng Google Forms, isang website na gawa ng Google, Inc. sa pangangasiwa ng
sarbey. Ang talatanungang tinukoy sa instrumentansiyon ay ang pagbabatayan ng mga
talatanungang iuupload sa Google Forms. Ito ay papasagutan sa pamamagitan ng pag bibigay ng
link sa iba’t ibang mag-aaral mula sa senior hayskul ng NCST. Ang mga impormasiyong
makakalap ay kusang ilalagay sa isang spreadsheet o talahanayan. Ang mga ito ay ilalahad sa
pamamaraang tekstwal, tabular, at grapikal upang mabigyan ng linaw ang pagsusuri
pagpapakahulugan ng mga datos.
Pagsusuri ng Datos
Ang mga resulta ng gagawing sarbey ay maingat na itatala at bibigyan ng interpretasyon sa
papamagitan ng paghingi ng tulong sa isang statistician. Ilalahad ng mga mananaliksik at
ipepresenta ang mga datos kung saan gagamit ng mga talaan upang suriin ang mga datos. Ito ay
makakatulong sa mga mananaliksik na mas mapadaling maintindihan ang mga datos. Sa mga
pagbuo ng interpretasyon at resulta, pinakamaigi at mabilis na maiintindihan ng mga
mananaliksik, mambabasa at iba pa ang datos gamit ang talahanayan at graphs kung gayon ay
magiging epektibo ang isasagawang pag-aaral na ito.
Sa makukuhang mga resulta mula sa sarbey ng mga estudyanteng, aalamin ang pagkakaiba sa
mga personalidad ng mga kabataan, aalamin kung sinu-sino ang magkakaparehas ng ugali,
ginagamit na aplikasyon atbp. (Categorization). Pagkatapos maigrupo ang mga kabataan batay sa
kanilang mga pagkakatulad at pagkakaiba, maisasakatuparan ang mga layunin ng pananaliksik na
mailahad ang epekto ng teknolohiya sa mga kabataan sa patuloy na paghubog ng kanilang ugali
at personalidad.
Istatistikal Tritment
Ginamit sa pananaliksik na ito ang Frequency at Percentage upang mailarawan ang mga nakalap
na datos. Ang frequency ay ang simpleng pagbilang sa mga sagot sa bawat tanong. Ang
percentage ay may pormula na: f/N x 10
RESULTAAT DISKUSYON
Ilalahad sa bahagi ng pananaliksik na ito ang mga resulta ng isinagawang pag-aaral mula sa
nagging kabuuang proseso ng pagkalap ng datos at impormasyon. Sa unang bahagi, ilalahad ang
propayl ng mga respondent ayon sa edad at kasarian. Ikalawa naman, tutukuyin kung ano ang
tatlong maka-teknolohiyang gadyet ang pinaka-ginagami, ikatlo tutukuyin kung ano ang tatlong
pinaka-kinahuhumalingang aplikasyon sa gadyet ng mag-aaral, at ang huli ay tukuyin kung ano
ang epekto ng teknolohiya sa mga mag-aaral ng senior hayskul ng NCST.
Ang mga datos na nakalap ay mula sa mga talatanungang pinasagutan ng mga mananaliksik
gamit ang google survey forms. Mula ditto, gumamit ng mga estadistikal na pormula ang mga
mananaliksik upang bigyang paliwanag ang mga nakuhang datos.
Pigura 1 Propayl ng mag-aaral ayon sa kasarian

Inilahad sa pigura I ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa kasarian. Ang bilang ng babae ay may
isang daan at limampu’t dalawa (152) na may bahagdan na (63.87%) at ang bilang naman ng
lalaki ay walumpu’t anim (86) na may bahagdan na (36.13%) batay sa ipinapakita ay may di-
pantay na dami ng bahagdan ang mga respondente. Ayon sa nalikom na datos mas
nakakalamang ang bilang ng mga babae kaysa sa mga lalaki. Ang mga tagasagot ay may
kabuuang bilang na (238) na may kabuuang isang daang porsyento (100%).
Batay sa website ng Philippine Statistics Authority ng ating bansa ang pinakahuling datos noong
June 2016, ang kabuohang populasyon ng Cavite ay 3,680,000. Ang bilang ng mga kababaihan
ay 2,156,592 samantalang ang mga kalalakihan naman ay may kabuohang bilang na 1,523,408.
Ayon sa pag-aaral ni Linn(1980) mas maraming babae ang nakapag-aral kaysa sa lalaki.
Pigura 2 Propayl ng mag-aaral ayon sa edad
Inilahad sa pigura II ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa edad. Ang edad na (17) ang may
pinakamataas na bilang na may isang daan at labing lima (115) na may bahagdan na (48.32%),
kasunod nito ay ang Edad na (15) na may bilang na walumpu’t apat (84) at ang may
pinakamababang bilang ay ang edad na (16) na may bilang na tatlumpu’t siyam (39) na may
bahagdan na (16.39%).
Layunin 1: Malaman kung ano ang tatlong maka-teknolohiyang gadyet ang pinaka-
ginagamit at kinahihiligan ng mga mag-aaral ng senior hayskul ng NCST.
Sa pamamagitan ng Sarbey kwestyuner, nakuha ng mga mananaliksik ang bilang at porsyento ng
mga mag-aaral ng NCST na gumagamit at di-gumagamit ng teknolohiya at kung ano ang tatlong
pinaka ginagamit na teknolohiya.
Pigura 3 Propayl ng mag-aaral ayon sa katayuan sa paggamit ng teknolohiya
Katayuan sa paggamit ng teknolohiya

Inilahad sa pigura III ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa katayuan sa paggamit ng
teknolohiya. Ang sumagot ng OO ay may bilang na dalawang daan at dalawampu’t apat (224) na
may bahagdan na (94.12%). Samantalang ang sumagot ng Hindi ay may bilang lamang na labing
apat (14) na may bahagdan na (5.88%).
Pigura 4 Propayl ng mga mag-aaral ayon sa teknolohiyang ginagamit
Teknolohiyang pinaka ginagamit
Inilahad sa pigura IV ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa teknolohiyang ginagamit ng mga
mag-aaral. Ang bilang ng gumagamit ng smartphone ay dalawang daan at dalawampu’t apat (224)
na may bahagdang (94.12%). Pangalawang pinakaginagamit ay ang laptop na may bilang na
isang daan at walumpu’t pito (187) na may bahagdan na (78.57%), Nasa ikatlong pinaka
ginagamit ang Tablet na may bilang na isang daan at pitumpu’t apat (174) na may bahagdan na
(73.11%), at ang may pinakamababang bilang ay ang sumagot ng Walang ginagamit na gadyet na
may bilang na labing apat (14) na may bahagdan na (5.88%). Ayon sa nalikom na datos, inilahad
lamang sa talahanayan na ito na mas maraming mag-aaral ang gumagamit ng cellphone
samantalang ang mga walang ginagamit na gadyet naman ang may pinakamababang bilang.
Ayon kay James(1953) ang cellphone ay maraming kahalagahan tulad ng magandang
komunikasyon sa bawat isa. Sa labas ng mga bagong modelo nito ay mas napapaigting pa nito
ang paggamit, hindi lamang ng mga kabataan kundi pati na rin ng mga matatanda sa kanilang
mga gawain. Bukod sa pakikipagkomunikasyon, ginagamit na rin nila ito bilang orasan, pangkuha
ng litrato, babasahin, pampanuod ng mga pelikula, pampakinig ng musika, at marami pang iba.
Bukod pa rito, nagagamit rin nila ito upang makapamili online upang makatipid sa oras. Madali
itong gamitin at magaan rin ito na maaaring dalhin kung saan man gusting pumunta. Maging ang
mga kagamitan tulad ng laptop at tablet na madalas nilang ginagamit sa kanilang pagaaral
partikular na sa paggawa ng kanilang mga alituntunin at sa paglalahad ng mga impormasyon at
mga saliksik sa kani-kanilang mga klase.
Layunin 2: Malaman kung ano ang tatlong pinaka-kinahuhumalingang aplikasyon ng
mga mag-aaral sa mga gadyet nila.
Sa pamamagitan ng sarbey kwestyuner, nakuha ng mga mananaliksik ang bilang at porsyento ng
mga mag-aaral ng NCST ayon sa antas ng kaalaman sa social networking, kahalagahan ng social
networking, at ang tatlong pinaka ginagamit na aplikasyon sa gadyet.
Pigura 5 Propayl ng mag-aaral ayon sa antas ng kaalaman sa Social Networking
Antas ng kaalaman sa Social Networking

Inilahad sa pigura V ang pansariling pagtatasa ng mga kabataan ayon sa antas ng kanilang
kaalaman tungkol sa social networking, pinaka marami ang sumagot na ang kanilang antas ng
kaalaman ay katamtaman lamang ang bilang ay isang daan at dalawampu’t siyam (129) na may
bahagdan na (54.2%), Sumunod ay ang sumagot ng malawak ang kanilang kaalaman o alam na
alam na may bilang na siyam na pu’t lima (95) na may bahagdan na (39.92%). Ang pinakamababa
naman ay ang sumagot na walang kaalaman sa social networking na may bilang na apat (4) at
wala namang sumagot ng walang pakialam.
Ayon sa nalikom na datos, inilahad lamang sa pigura na ito na maraming mag-aaral, na ang antas
ng kanilang kaalaman ay sapat lamang o katamataman lamang, hindi ganoon kalawak ang
kanilang kalaaman tungkol sa social networking, samantalangang may mag aaral naman na sapat
na o malawak na ang kanilang kalaaman. Kakaunti na lamang ang walang kaalaman sa social
networking.
Pigura 6 Kahalagahan ng Social Networking sites sa mga mag-aaral
Kahalagahan ng Social Networking sites

Inilahad sa pigura VI kung gaano kahalaga ang paggamit ng social networking sites sa pag-aaral
ng mga kabataan, ang pinakamataas na bilang ay isang daan at tatlumpu’t pitong (137)
respondente na nagsasabing mahalaga ang social networking sites sa pag-aaral, sumunod ay
pitumpu’t walong (78) respondente nag sasabeng napakahalaga at ang may pinaka mababang
bilang ay dalawampu’t tatlong (23) respondente na nagsasabing hindi mahalaga ang social
networking sites.
Pigura 7 Tatlong pinaka ginagamit na aplikasyon
Tatlong pinaka ginagamit na aplikasyon

Hinggil sa pinaka-ginagamit na aplikasyon ng mga kabataan ngayon sa mga gadyet ay


pinakamarami ang sumagot ng Facebook na may bilang na dalawng daan at dalawampu’t apat
(224) na may bahagdan na (94.12%), sunod ang Google na may bilang na isang daan at pitumpu’t
siyam (179) na may bahagdan na (75.21%), at ang ikatlong pinaka ginagamit na aplikasyon ay
ang mga Gaming app na may bilang na isang daan at dalawampu’t siyam (129) na may bahagdan
na (54.2%). Ang sumagot ng walang ginagamit na aplikasyon ay may bilang na (14).
Sa pagusbong ng mga makabagong aplikasyon sa post modernization, higit paring tinatangkilik ng
kabataan ngayon ang Facebook dahil sa patuloy nitong pagdagdag ng mga bagong features na
kawili-wili sa mga kabataan. Ngayon, maari na silang makipagusap habang binibidyuhan ang
kanilang sarili o video-call at ipost ang kanilang ginagawa sa kasalukuyan gamit ang Facebook
live, at facebook story upang umigting ang kanilang ugnayan sa kanilang mga kaibigan sa
nasabing aplikasyon. Pumapangalawa naman ang paggamit ng mga kabataan ng Google bilang
paraan ng pangangalap ng impormasyon ukol sa kanilang pag-aaral at pangaraw-araw na gawain.
Dahil karamihan na sa mga eskwelahan ay nasa Outcome Based Education System na, mas
madalas na ang paggamit ng mga estudyante ng mga aplikasyon tulad ng Google dahil sa
paglakip ng technolohiya sa mas mahusay na pag-aaral na may kasamang patnubay ng mga guro
sa pagberipika ng tama at maling impormasyon na makikita online. Samantala, pumapangatlo
naman ang paggamit ng mga gaming app bilang isang paraan ng libangan at pagpapahinga ng
mga magaaral sa kanilang mga Gawain sa eskwelahan at sa kani-kanilang mga tahanan. Bukod
pa rito, nakakatulong rin ito sakanilang eye-hand coordination at ang kakayahan nilang magisip ng
istratehiya upang malampasan ang mga pagsubok na nakahain sa kanila.
LAYUNIN 3: Malaman kung ano ang epekto ng teknolohiya sa personalidad ng mga mag-aaral.
Pigura 1 Sa bahay, madalas akong nakaupo lamang at gumagamit ng aking
cellphone/tablet/laptop
Sa bahay, madalas akong nakaupo lamang at gumagamit ng aking cellphone/tablet/laptop

Inilahad sa talahanayan I ang isa sa mga epekto ng teknolohiya sa kabataan at ito’y patungkol sa
kanilang kadalsan na paggamit ng cellphone/tablet/laptop. Ang pinakamataas na bilang ay isang
daang dalawampu’t anim (126) respondente na nagsasabing hindi minsan at hindi madalas ang
kanilang paggamit sapagkat may sapat na oras lang sila sa pagupo at paggamit ng gadyet sa
bahay, sumunod ay apat na pu (40) respondente sa matinding pag sang ayon at sang ayon na
nag sasabing madalas, sumunod ay at dalawampu (20) na respondante na nagsasabing minsan
at ang pinaka mababang bilang ay labing dalawa (12) respondente na nagsasabing sobrang
minsan lamang ang kanilang paggamit sa bahay.
Pigura 2 Mas gusto ko na tahimik kaysa sa maingay
Mas gusto ko na tahimik kaysa sa maingay

Inilahad sa talahanayan II kung saan maskomportable ang mga kabataan, kung sa tahimik ba o
samaingay. Ang pinakamataas na bilang ay siyam na pu (90) respondente na nagsasabing sila ay
komportable sa maingay at hindi maingay, sumunod ay anim na pu’t pito (67) respondante na
matindi ang pag sang ayon, apat na pu’t apat (44) na sang ayon, at ang mga bilang ng
respondante na gusto sa maingay ay dalawampu’t apat (24) na hindi sang ayon at labing tatlo (13)
na matindi ang hindi pag sang ayon.
Pigura 3 Pag mayroong bisita sa bahay ay nahihiya akong bumati o mag pakita
Pag mayroong bisita sa bahay ay nahihiya akong bumati o mag pakita

Sa talahanayan III, nakalahad ang resulta ng kaugalian ng mga kabataan kapag sila ay may bisita
sa kanilang bahay. Ang pinakamataas na bilang ay isang daan (100) respondente na nagsasabing
sila ay hindi gaano nahihiya at hindi rin walang hiya kapag may bisita sa kanilang bahay, sumunod
ay apat na pu’t walo (48) respondante na matindi ang pag sang ayon dahil sila ay sobrang
nahihiya kapag may bisita, sinundan ng labing tatlompu’t anim (36) na sang ayon, at sumunod ay
ang mga kabataang hindi nahihiya sa mga bisita na nasa tatlompu’t lima (35) at labing siyam (19)
naman sa mga matindi ang di pag sang ayon.
Pigura 4 Mas tahimik ako kaysa maingay sa bahay
Sa talahanayan IV, mapapansin ang resulta ng kaugalian ng mga kabataan kung sila ba ay
tahimik o maingay sa kanilang bahay. Ang pinakamataas na bilang ay isang daang tatlo (103)
respondente na nagsasabing sila ay hindi gaano tahimik at hindi din gaano maingay sa bahay,
sumunod ay limampu’t lima (55) respondante na sang ayong sila ay tahimik sa bahay na sinundan
ng tatlompu’t anim (36) na respondante na nagsasabing sila ay sobrang tahimik, at sumunod ay
ang maingay naman na nasa dalawampu’t walo (28) na respondante at sa mga sobrang maingay
ay nasa labing anim (16) na respondante.
Pigura 5 Mas tahimik ako kaysa maingay sa paaralan
Mas tahimik ako kaysa maingay sa paaralan

Sa talahanayan V, mapapansin ang resulta ng kaugalian ng mga kabataan kung sila ba ay tahimik
o maingay sa kanilang paaralan. Ang pinakamataas na bilang ay isang daan at labing dalawa
(112) respondente na nagsasabing sila ay hindi gaano tahimik at hindi din gaano maingay sa
paaralan, sumunod ayapat na pu’t walo (48) respondante na matindi ang pag sang ayong sila ay
tahimik sa paaralan na sinundan ng tatlompu’t dalawa (32) na respondante na sang ayon, at
sumunod ay maingay sa paaralan na nasa dalawampu’t walo (28) na respondante at sa mga
sobrang maingay ay nasa labing walo (18) na respondante.
Pigura 6 Nahihirapan akong makipag usap sa taong hindi ko pa kilala
Nahihirapan akong makipag usap sa taong hindi ko pa kilala
Sa talahanayan VI, nalalahad naman ang resulta tungkol sa kakayanan ng mga kabataan
makipagusap sa taong hindi pa kilala. Ang pinakamataas na bilang ay isang daan at dalawampu’t
anim (126) respondente na nagsasabing sila ay hindi gaano nahihirapan at hindi din gaano madali
sa kanila ang pakikipag-usap, sumunod ay apat na pu’t isa(41) respondante na matindi ang pag
sang ayong sila ay nahihirapan sa pakikipagusap na sinundan ngapat na pu (40) na respondante
na sang ayon,, at sumunod ay ang dalawampu (20) na respondante na hindi nahihirapan
makipagusap at labing dalawa (12) na respondante na matindi ang pag sang ayon na hindi sila
nahihirapan makipagusap sa hindi kilala.
Pigura 7 Pag lumalabas, naiisip ko minsan sana ay hindi na lamang ako sumama
Pag lumalabas, naiisip ko minsan sana ay hindi na lamang ako sumama

Inilalahad naman sa talahanayan VII ang resulta tungkol sa pagsama ng mga kabataan sa tuwing
sila ay lalabas o may lakad. Ang pinakamataas na bilang ay siyam na pu’t lima (95) respondente
na nagsasabing sila ay maarin hindi sumama at maari ding sumama kapag nalabas, sumunod ay
apat na pu’t lima (45) respondante na matindi ang pag sang ayong madalas ay gusto na lamang
magpaiwan sa bahay, sumunod ay sang ayon naman na hindi sumama na nasa tatlompu’t tatlo
(33) na respondante at ang pang huli ay ang mga hindi sang ayon madalas ay gusto sumama.
Mahilig akong makipagkaibigan
Pigura 8 Mahilig akong makipagkaibigan
Inilalahad naman sa talahanayan VIII ang resulta tungkol sa mga kabataan na mahilig at di mahilig
makipagkaibigan. Ang pinakamataas na bilang ay labindaan at dalawampu’t isa (121)
respondente na nagsasabing sila ay katamtaman lamang ang hilig sa pagkakaibigan, sumunod ay
apat na pu’t lima (45) respondante na sang ayong sila ay mahilig makipagkaibigan, sumunod ay
apat na pu (40) na sobrang mahilig makipagkaibigan, at ang mga sumunod ay dalawampu na
hindi mahilig (20) at labindalawa na sobrang hindi mahilig (12).
Pigura 9 Madalas gusto ko ng marami ang tao.
Madalas gusto ko ng marami ang tao.

Inilalahad naman sa talahanayan IX ang resulta tungkol sa mga kabataan na gusto at di gusto ang
maraming tao. Ang pinakamataas na bilang ay labindaan at dalawampu’t anim (126) na
respondente na nagsasabing sila ay hindi gaano ayaw at hindi gaano gusto ang maraming tao,
sumunod tatlomput siyam (39) na respondante na di sang ayon at gayundin sa matinding di
pag saayon na sila ay gusto sa maraming tao, sumunod ay dalawampu’t apat (24) na gusto sa
maraming tao at ang pinakahuli ay sampu (10) na sobrang madalas gusto sa maraming tao.
Pigura 10 Madalas gusto ko mapagisa
Madalas gusto ko mapagisa
Inilalahad naman sa talahanayan X ang resulta tungkol sa mga kabataan na gusto at di gusto
mapagisa. Ang pinakamataas na bilang ay labindaan at dalawampu’t anim (126) na respondente
na nagsasabing sila ay hindi gaano ayaw at hindi gaano gusto mapagisa ng madalas, sumunod ay
apat na pu (40) na respondante na sang ayong madalas gusto mapagisa at tatlompu sa matinding
pag sang ayon at sa di sang ayon, at ang panghuli ay labindalawa (12) na respondante
na matindi ang di pag sang ayon na sila ay madalas gusting mapagisa.

REKOMENDASYON AT KONKLUSYON
Ang kabanatang ito ay naglalarawan ng konklusyon at interpretasyon tungkol sa epekto ng
teknolohiya sa patuloy na paghubog sa ugali / personalidad ng mga kabataan mula sa senior
hayskul.
KONKLUSYON
Ayon sa mga datos na nakalap ng mga mananaliksik, mas higit na madami ang mga kabataang
gumagamit ng teknolohiya kaysa sa mga hindi o minsan lang gumamit ng maka-teknolohiyang
mga gadyet. Kadalasan ay smartphones ang ginagamit ng mga kalahok sa pag-aaral dahil madali
lang dalhin kahit saan ang mga smartphone. Ang bawat kabataan ay mayroon nang kanya-kanya
nilang mga social media account. Importante at nakakatulong ang teknolohiya dahil sa napapadali
nito ang buhay, gaya ng pakikipag-usap sa iba at madali na makakuha ng impormasyon gamit ang
teknolohiya ngayon.
Lubos na madami nga ang maaaring magandang epekto ng teknolohiya sa mga kabataan, ngunit
kapag hindi napatnubayan ng maayos ng mga magulang, maaaring mayroong masasamang
impluwensiya ang teknolohiya at ang iba’t-ibang aplikasyon nito. Madaming nagkakaron ng
adiksyon sa teknolohiya at nawawalan na ng pokus sa pagaaral. Ito ang isa sa mga pangunahing
rason kung bakit naniniwala ang ibang mga kalahok na nakakasama ang paggamit ng teknolohiya
sa pag-aaral.
Maaaring masabi ng mga mananaliksik na mayroong direktang epekto ang teknolohiya sa
paguugali o personalidad ng mga kabataan. Mula sa datos na nakalap, marami sa mga
gumagamit ng kanilang mga gadyet at aplikasyon ay mahiyain at mahilig mapagisa. Ang mga
madalang naman gumamit ng mga maka-teknolohiyang kagamitan ay kapansin-pansin na mas
mahilig makipagsalimuha sa ibang tao. Kaunti lamang ang mga kalahok na, kahit gumagamit ng
gadyet ay di naman nahihirapan o naiilang makipagsalimuha sa iba. Higit na madami ang mga
introvert kaysa sa extrovert dahil sa teknolohiya ngunit lamang pa din ang may normal na
personalidad na tinatawag nating ambivert.
REKOMENDASYON
Base sa mga naging resulta, higit na madami ang mga kabataang gumagamit ng teknolohiya. May
mga iba’t-ibang epekto ang teknolohiya sa mga kaugalian ng kabataan. Higit na mas lamang ang
mabuting epekto kaysa sa masamang epekto ngunit kailangan padin ito pagtuonan ng pansin. Isa
sa magandang ideya upang mapigilan pa ang pag-angat ng masasamang epekto ng teknolohiya
sa kabataan kagaya ng pagkakawala ng pokus sa kanilang pag-aaral at maging sa kanilang
kaugalian ay ang pamamaraan na pagdidisiplina sa mga kabataan tungkol sa tamang oras na
paggamit ng teknolohiya pagdating sa libangan. Kailangan silang maturuan ng bawat magulang o
guro na may limitasyon ang paggamit nito. Importante pa din ang pakikisalamuha ng personal sa
kapwa. Nakakatulong ang pagdidisiplina sakanila hindi lamang sa kanilang pag-aaral maging sa
kaugalian. Maaari rin na maging pamamaraan ang pagkakaroon ng pagsasalo o “event” sa
kanilang eskwelahan upang mas maging aktibo sila sa kanilang sosyal na buhay.
Para sa mga magulang na may mga anak na gumagamit ng mga maka-teknolohiyang kagamitan,
maaaring maiwasan ang pagkailang ng mga bata sa pakikipagsalamuha sa iba at sa iba pang
sosyal na aktibidad kung maayos silang mapapatnubayan habang sila ay gumagamit ng kanilang
mga telepono, tablet atbp. Mas maganda na patnubayan ang iyong mga anak upang masigurado
na hindi sila mapapariwara o maiimpluwensiyahan ng negatibo ng teknolohiya at mga aplikasyon
na mayroon ito.
Sa mga nais manaliksik ukol sa parehas na paksa na ito, para lalong maipaliwanag kung anu-ano
ang direktang epekto ng teknolohiya sa personalidad ng mga kabataan, obserbahan ng malapitan
ang mga kalahok ng pag-aaral. Subaybayan ang pang araw araw nilang mga galaw at
pamumuhay upang maikompara ng mas maayos ang datos at mga resulta ukol dito. Gawing
gabay ang pag-aaral ng mga mananaliksik tungkol sa epekto ng teknolohiya sa personalidad ng
mga kabataan upang lalong matuklasan ang iba’t-iba pang mga kaugalian ng mga kabataan.
Maaari din mag pokus sa isa hanggang tatlong gadyet lamang upang makumpara kung mayroon
din na epekto ang mga kagamitan at di lamang ang teknolohiya at mga aplikasyon sa
pangkalahatang pangangalap ng datos.

REFERENCE
LIHAM SA PAGHINGI NG PAHINTULOT SA PAG-INTERBYU
Mayo 23, 2017
Student of Filipino – 102
De La Salle University Dasmariñas
Mahal naming Ginoo/Binibi
Maalab na Pagbati!
Kaugnay ng ginagawa naming pamanahong-papel sa Filipino -102 tungkol sa Epekto ng
Teknolohiya sa pagtuloy na pag hubog sa ugali/personalidad ng mga kabataan mula sa senior
hayskul ng paraalan ninyo Immaculate Conception Academy, Dasmariñas, ay nais po naming
humingi sainyo ng pahintulot upang kayo ay aming makapanyam sa petsa, oras at lugar na inyong
itatakada.
Lubos po aming paniniwala na ang inyong karanasan sa nasabing paksa ay makakatulong sa
amin ng lubos tungo sa matagumpay na pagsulat ng aming pamanahong papel.
Dalangin po naming ang inyong pahintulot sa aming pakiusap.
Lubos na gumagalang,
-MGA MANANALIKSIK

SARBEY KWESTYUNER
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
(SENIOR HIGHSCHOOL DEPARTMENT)
Direksyon: Punan ng angkop na impormasyon o datos ang mga kasunod na patlang. Kung may
pagpipilian, lagyan na lamang ng tsek ang patlang na tumutugma sa iyong sagot.
Pangalan: (Optional)_____________
Edad: o 15 o 16 o 17
Kasarian: o Babae o Lalake
· 1. Gumagamit ka ban g teknolohiya sa pag-aaral?
___OO
· ___Hindi
· · 2. Lagyan ng tsek ang tatlong (3) pinaka-ginagamit mong gadget
o Smartphone
· o Laptop
· o Tablet
· o Gaming console (Playstation, Xbox atbp.)
· o Desktop computer
· o Iba pa:____________________
· 3. Sa iyong pansariling assessment, ano ang antas ng iyong kaalaman tungkol sa social networking?
___alam na alam
___walang kaalaman
___katamtamang kaalaman
· ___walang pakialam
· 4. Sapat ba ang iyong kakayahan sa paggamit ng social networking?
· ___Sapat na sapat
· ___kakaunti
· ___Sapat/ katamtaman
· ___Walang kakayahan
· 5. Sa iyong palagay, gaano kahalaga ang paggamit ng social networking sites sa iyong pag-aaral?
· ___Napakahalaga
· ___Hindi mahalaga
· ___Mahalaga
· ___Medyo mahalaga
· 6. Lagyan ng tsek ang tatlong (3) pinaka-ginagamit mong aplikasyon sa iyong gadget.
· o Facebook
· o Twitter
· o Instagram
· o Tumblr
· o Gaming application:__________________
· o Console game:_____________________
· o Iba pa:___________________
· 7. Gaano kadalas kang magbukas ng napili mong aplikasyon?
· ___Isang beses sa isang linggo
· ___Dalawang beses sa isang lingo
· ___Tatlo o higit pang beses sa isang lingo
· 8. Ano ang pangunahing dahilan sa paggamit ng napiling aplikasyon
· __Makipag-ugnay sa mga kaibigan at kapamilya
· __Upang humanap ng bagong kaibigan
· __Upang maglaro ng mga kaugnay na online games
· __Upang makakalap ng impormasyon na makatutulong sa pag-aaral
· 9. Sa iyong palagay, nakabubuti ba o nakasasama ang paggamit ng teknolohiya sa pag-aaral?
· ___Nakabubuti
· ___Nakakasama
· 10. Ano ang mabuting naidudulot sa iyo ng social networking sites
· __Mabilis na komunikasyon at impormasyon tungkol sa mga kaibigan at kamag-anak
· __Madaling nakapag babahagi ng mga litrato, musika at video
· __Kapaki-pakinabang na tool sa edukasyon sa pamamagitan ng onlayn na grupo at forum
· 11. Ano ang di-mabuting naidudulot sa iyo ng social networking sites
· __labi na oras ang nagugugol sa pagbisita sa site na ito
· __kawalan ng focus sa pag-aaral
· __adiksyon sa mga larong kaugnay ng social networking sites
· 12. Basahin ang mga sumusunod na mga sitwasyon at lagyan ng tsek ang numero batay sa
pagkakaakma sa iyong sagot.
· 5 -Matindi ang pagsangayon
· 4 -Sangayon 3-Neutral
· 2 -Di sangayon
· 1 -Matindi ang di pagsangayon
SITWASYON 5 4 3 2 1

1. Sa bahay, madalas akong nakaupo lamang at gumagamit ng aking


cellphone/tablet/laptop.

2. Mas gusto ko na tahimik kaysa sa maingay.

3. Pag mayroong bisita sa bahay ay nahihiya akong bumati o magpakita.

4. Mas tahimik ako kaysa maingay sa bahay.

5. Mas tahimik ako kaysa maingay sa eskwelahan.

6. Nahihirapan akong makipagusap sa taong hindi ko pa kilala.

7. Pag lumalabas, naiisip ko minsan na sana ay di na lamang ako sumama.

8. Mahilig akong makipagkaibigan.

9. Madalas gusto ko mapagisa.

10. Madalas gusto ko ng marami ang tao.

You might also like