You are on page 1of 9

Epekto ng Paggamit ng Tiktok sa Pagpapaunlad ng Self-Esteem

ng mga Kababaihang Estudyanteng nasa ika-10 Baitang ng

Gat Andres Bonifacio High School: Taong-Aralan

2021-2022

Tesis na Iniharap sa

Kagawaran ng Senior High School klaster

Klaster ng Wika at Komunikasyon Asia Pacific College

Bilang Pagtugon sa Kahingian Pagtatamo

Ng Digring Senior High School

Ni:

Barua, Mac Lawrence B

20
32

Kabanata V
AGOM AT NATUKLASAN, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
Sa kabanatang ito nakalahad ang naging lagom ng mananaliksik mula sa mga kasagutan o

mga datos na nakalap niya. Maging ang kongklusyon at rekomendasyon na makatutulong sa

pagpapayabong ng pananaliksik ay inihayag ng mananaliksik sa bahaging ito.

Lagom at Natuklasan

Ang pananaliksik ay nagsimula sa layuning makakalap ng datos at masaliksik ang epekto

ng paggamit ng tiktok ng mga babaeng mag-aaral ika-10 baitang ng Gat Andres Bonifacio High

School. Higit pa rito, layunin ng pag-aaral na ito mailahad ang mga epekto ng paggamit mga

babaeng mag-aaral mula sa ika-10 na baitang ng Gat Andres Bonifacio High School upang

malaman kung may mabuting epekto ba ito sa Self Esteem ng mga mag aaral at sa paanong

paraan nakakaapekto sa kanilang Self Esteem sap ag gamit ng Tiktok

Sinuri ng mga mananaliksik ang mga sagot ng respondente at pinag-aralang mabusisi ang

pag-aaral, gamit ang dalawang teorya na Self-esteem Theory at Self-determination Theory na

naging gabay at batayan ito ng mananaliksik sa pag-aaral na ito.

Ang pananaliksik ay kumalap ng datos sa pamamagitan ng pag-iimbita sa sampung

babaeng mag-aaral ng mula sa ika-10 baitang ng Gat Andres Bonifacio High School na

makiisa sa indibidwal na panayam na may tatlong primaryang tanong na nakaayon sa mga

suliranin ng pag-aaral. Sumangguni ang mananaliksik sa kasalukuyang guro na si Bb. Nerwin

Joy Sunico upang makakakalap ng impormasyon ukol sa mga maaaring kapanayam at makipag-

ugnayan sa mga ito. Ang mga respondente ay mayroong kwalipikasyon upang mapabiliang sa 10

kababaihan na kailangan makapanayam, ang unang kwalipikasyon ay kasalukuyang nag aaral sa

gat Andres Bonifacio High School na nasa ika-10 baitang na babae at gumagamit ng mobile

application na Tiktok
33

Sa ganitong paraan, sinikap ng mananaliksik na sagutin ang mga sumusunod na

katanungan :

1. Ano-ano ang nagging mabuting epekto ng Tiktok sa iyong Self-Esteem?

2. Nakakatulong ba ang pagamit nito o hindi ? at bakit

3. Sa paanong paraan nakakaapekto sayo ang paggamit ng tiktok sa paraan ng


panonood at sa paanong paraan nakakaapekto sayo ang paggamit ng tiktok sa
paraan ng pag gawa ng video?

Naging batayan ng pananaliksik na ito ang Early Self Esteem Theory ni Willam james at ang

Self-determination Theory nina Edward Deci and Richard Ryan Ang pananaliksik ay kumalap ng

datos sa pamamagitan ng pag-iimbita sa sampung babaeng mag-aaral namula sa ika-10 baitang

ng Gat Andres Bonifacio High School na makiisa sa indibidwal na panayam na mayroong tatlong

primaryang tanong na nakaayon sa mga suliranin ng pag-aaral. Sumangguni ang mananaliksik sa

isang Guro ng Gat Andres Bonifacio High School na kung saan sya ay nagtuturo sa ika-10 baitang

ng paaralan upang makakakalap ng impormasyon ukol sa mga maaaring kapanayam at makipag-

ugnayan sa mga ito.

Self Determinaton Theory by Edward Deci and Richard Ryan na kung saan inilahad dito na

ang Ang mga tao ay maaaring maging determinado sa sarili, ayon sa ideyang ito, kapag

natagpuan ang kanilang mga kahilingan para sa kakayahan, koneksyon, at awtonomiya. Kung

saan upang makuha mo ang isang Upang makuha ang tatlong bagay na ito, masasabing upang

magkaroon ng awtonomiya, dapat madama ng mga tao ang kontrol sa kanilang pag-uugali at

layunin. Ang pakiramdam ng direktang pagkilos na ito na hahantong sa tunay na pagbabago ay

susi sa pagtulong sa mga tao na tukuyin ang kanilang sarili. At kung tungkol sa koneksyon,
34

kailangang madama ng mga tao ang pakiramdam ng pag-aari at koneksyon sa ibang tao, at ang

panghuli ay ang kakayahan kung saan kailangan ng mga tao na makakuha ng mga kasanayan

sa mga gawain at matuto ng iba pang mga kasanayan mula sa iba. Kapag naramdaman ng mga

tao na mayroon silang mga kasanayan na kailangan nila upang maging matagumpay, mas

malamang na gumawa sila ng mga aksyon na makakatulong sa kanila na maabot ang kanilang

mga layunin.

Mga Natuklasan

Batay sa isinagawang pananaliksik at sa mga suliranin ng pag-aaral, natuklasan ng

mananaliksik ang sumusunod:

1.Ano-ano ang nagging mabuting epekto ng Tiktok sa iyong Self-Esteem?

Ang natuklasan ng mananaliksik batay sa unang tanong ay mahahati sa tatlong pagsasaad.

Una, nakakatulong ang paggamit ng Tiktok sa batay sa kung saan mo ito ginagamit,

halimbawa kapag ang iyong paggamit ng tiktok ay para lamang sa entertainment maari lamang

itong makasira sa iyong oras dahil magkakaroon ka ng focus sa paggamit nito at makakalimutan

mo na ang dapat mong gawin. Kung ang pagamit mo ng tiktok ay para makakuha ng payo sa

mga experto na kung saan sila ay certified maaring makakatulong ito upang makadagdag sa

iyong nalalaman.

Pangalawa, batay sa Early Self Esteem theory nakakatulong ang paggamit ng tiktok kapag

ang inyong expectasyon ay iyong nalagpasan. Halimbawa na lang , ikaw ay nagamit ng tiktok

upang makig sa mga experto kung paano mawala ang pimples at inaply mo ito maaring

makatulong sa pagpapaunlad ng Self-esteem ang paggamit ng tiktok dahil nalaman mo ang

ganitong bagay gamit ang platform na ito.

Maari ding tumaas ang iyong Self-Esteem kapag ang iyong paggamit ng tiktok ay ang

paggawa ng video o blog, na kung saan maihahalintulad ito sa Early Self Esteem Theory na
35

kapag nalagpasan mo ang iyong expectasyon sa paggawa ng video, maaring tumaas ang iyong

Self-Esteem sa kadahilanang Nakita mong matagumpay ang iyong pag kakagawa

Pangatlo, nagkakaroon ito ng epekto sa iyong Self-Esteem ay maihahalintulad sa

SelfDetermination Theory nina Edward Deci and Richard Ryan na kung saan upang makamit

mo ito kailangan ng tatlong bagay na kakailanganin ito ang Autonomy, competence and

connection.

Kapag ikaw ay Nakagawa ng video at sang-ayon ang iyong sarili dito, nagagampanan agad
nito ang iyong autonomy, na kung saan iyong mararamdaman na ikaw ang may hawak sa iyong
desition

Sunod dito kapag ikaw ay Nakagawa ng video at sa tingin mo ay maganda ang iyong

pagkakagawa , nagagampanan nito ang ikalawang pangagailangan na tinatawag na competence.

Na kung saan iyong mararamdaman na mayroon kang natuklasan na panibagong talent na

makakatulong upang makamit ang iyong ninanais.

At ang huling pangagailngan ay ang pagkaramadam ng connection sa iba, matapos

mong gawin ang iyong video at pinuri ka ng ibang tao, nagagampanan agad nito ang pangatlog

pangangailangan. Hindi lang nagagampanan ang pangatlong pangangailangan pati na rin ang

pagtaas at pagbaba ng iyong Self-Confidence batay sa mga nakapaligid sayo.

2. Nakakatulong ba ang pagamit nito o hindi ? at bakit

Batay sa pagsusuri sa mga sagot ng respondente ng mga mananaliksik, sinaad na

nakadepende sa paggamit ng Social Media app nito kung paano makakatulong ito sa iyong self

Esteem. Maaring nakakatulong ito kapag ang paggamit mo ay para sa ikakaunlad mo at hindi

naman kung gagamitin mo lang ito para ilibang ang iyong sarili

Ayon sa datos na nakalap ng mananaliksik karamihan sa mga sagot ng mga respondente

ay nakakatulong raw ang paggamit ng Tiktok sa kanilang sarili, tulad na lang ng kapag may

napapanood silang mga video na kung saan pinapakita dito kung paano nila itaas ang kanilang
36

Self-Confidence nakakatulong ito sa kanila dahil nalalalaman nilang kung papaano din nila

papataasin ang kanikanilang Self-confidence, nakakatulong din ang paggamit nito kapag ang mga

taong nakapaligid sayo ay mayroon lamang na positibong komento, pagamat di maiiwasang

magaroon ng negatibong komento.

Ayon naman sa ibang isinaad ng mga respondente, hindi nakakatulong ang pagamit ng

tiktok dahil sa istilo ng paggamit nito, kapag ang paggamit ng tiktok ay panlibang ng iyong sarili ,

pagpapakita ng negatibong video, malalaswang imahe at ang pakikinig sa mga fake news. Ayon

sa kanila hindi ito nakakatulong dahil naiimpluwensyahan lang ang ibang tao na gumawa ng

masasamang bagay tulad ng mga nabangint.

3. Sa paanong paraan nakakaapekto sayo ang paggamit ng tiktok sa paraan ng panonood


at sa paanong paraan nakakaapekto sayo ang paggamit ng tiktok sa paraan ng pag gawa
ng video?

Ayon sa natuklasan ng mananalik sa paraan ng paggamit ng tiktok sa paraan ng panonood,

nakakatulong ito sa gumagamit o nakakaapekto ito depende kung ano ang kanilang pinapanood,

kapag ang ipinapanood ng nagamit ng app ay isang motivational na palabas naiinspire ang

manonood na gawin ito na kung saan napipilit nila ang kanilang sarili na gawin ang gantong

bagay. Kapag ang pinapanood naman ng mga manonood o nagamit ng app na ito ay ang mga

educational na palabas, nakakatulong ito upang makapag dagdag kaalaman sa manonood na

kung saan maari nilang magamit ito sa kanilang pamumuhay.

Nakakaapekto din sa Self-esteem ng nagamit ng app na ito kapag ang kanilang pinapanood

ay nagpapakita ng kung anong kahinaan or insecurity ng manonood, halimbaha kapag ang isang

tao ay na iinsecure sa kanyang katawan at hindi nya matangaap kung anong meron sa kanyang

katawan, karamihan sa mga manonood ay naiinspire na mahalin ang kanilang sarili dahil sa

motibasyon at tapang na pinakita ng gumawa ng video na iyon.


37

Nakakaapekto naman ito sa paraan na paggamit ng tiktok sa paraan ng pag-video na kung

saan sila naman ang nagpapakita ng kanilang lakas ng loob na ipakita ang kanilang mga

insecurity sa paraan na ito naka depende sa mga nakapaligid dito ang magiging epekto sa

gumawa ng video, kung ito ba ay tatangapin at uunawain ng manonood o di kaya mag bibigay ng

negatibong komento patungo sa gumawa ng video.

Kongklusyon

Matapos ilahad ang mga natuklasan ng mananaliksik, nabuo nito ang mga sumusunod na

kongklusyon

1. Ano-ano ang nagging mabuting epekto ng Tiktok sa iyong Self-Esteem?

Mayroon mabubuting epektoo ang paggamit ng tiktok sa self-esteem ng isang mag-aaral, isa

na dito ang pagkakaroon ng mas mataas na self-confidence na nanggagaling sa gumawa ng isang

video sa tiktok, na kung saan tinatawag itong chain-effect. nagkakaroon ito ng Chain effect dahil

kadalasang napapasa ang confidence ng isang tao kapag ang manonood nito ay na inspire at

nagkaroon ng dahilan upang magkaroon ng mas mataas na Self-confidence na ipinakita ng mga

creator. Mayroon ding epekto ang sa Self-esteem ng isang tao kapag ang kanilang insecurities na

mayroon din ang ibang tao na gumawa ng video sa tiktok ay malayang naipapakita ang kanyang

insecurities dahil dito , mas napupush ang manonood na maging katulad ng gumawa ng vid na

kung saan hindi nya pinapansin ang kanyang insecurities at Malaya nyang nagagawa ang kanyang

gusto sa kahit anong maaring magiging epekto nito sa gumagawa.

2. Nakakatulong ba ang pagamit nito o hindi ? at bakit

Ayon sa natuklasan ng mananaliksik nakadepende ang paggamit ng tiktok sa magiging epkto

nito sa sarili ng nagamit. Naka depende ang epekto nito sa pinapanood nito, kung ang ninanais

ng manonood ay gamitin ito upang maging education purposes, makakatulong ito upang

magkaroon ng karagdagang nalalaman patungo sa gumagamit. At makakatulong din ito kapag

ang gumagamit ay ninanais magkaroon ng mas mataas na self-esteem sa pamamagitang ng


38

panonood nang inspirational na video na kung saan mas naitutulak ang manonood na na gawin

ang ikinababahala nila.

Ayon sa nasaliksik ng mananaliksik, mayroon ding nagsasabi na hindi nakakatulong ang social

media site na ito at ito raw ay mas mayroong potential na maging kuta ng masasamang Gawain

na kung saan , nahihikayat ang iba o napapaniwala ang ibang manonood sa mga fake news o

nahihikayat ang manonood na manood ng malalaswang larawan na kung saan humahantong sa

lust bagama’t naka depende parin sa nagamit ang magiging epekto ng social media site na ito .

3. Sa paanong paraan nakakaapekto sayo ang paggamit ng tiktok sa paraan ng panonood at sa


paanong paraan nakakaapekto sayo ang paggamit ng tiktok sa paraan ng pag gawa ng video?

Parehas na nakadepende sa nagamit ng tiktok ang magiging epekto sa parehong paraan ng

panonood at paggawa ng video, nagkakaroon ng mabuting epekto ang paggamit kapag ang

ninanais ng manonood ay mapunta sa mabuting bagay at magiging walang mabuting epekto

kapag ang ninanais ng nagamit nito ay wala sa ayos.

Sa paraan naman ng paggawa ng video , nakadepende sa paligid ang magiging epekto ng

gimawa ng video sa kadahilanang , hindi puro positibong komento lamang ang matatamo ng

isang creator sa vidyong na ginawa nito , maari itong magkaroon ng negatibong epekto sa

gumawa ng video kapag ang mga nagging komento ay mga negatibong komento, pero maaring

maiwasan ang mga negatibong komento sa paraan na hindi pag pansin sa mga ganitong bagay

na nakakasira lamang sa pananaw ng isang creator.

Rekomendasyon

Matapos mailahad ng mananaliksik ang kanilang kongklusyon at natuklasan sa pag-aaral,

narito naman ang nagging rekomindasyon ng mananaliksik:


39

Para sa mga mag-aaral

1. Maging maingat sa pagpili ng papanoodin upang maiwasan ang mga magiging


negatibo o masamang paggamit sa social media app na ito
2. Pumili lamang ng mga content creator makakatulong sa iyong pag-unlad ng iyong
self-esteem pati narin ang pansariling nalalaman.
3. Umiwas sa mga taong gumagawa ng mga Fake news sa kadahilanang talamak ang
mga content creator na gumawa ng mga fake news.
4. Laging isipin sa paggawa ng video ay ang iyong kaligtasan , pagamat mayroon
nauuusong mga bagay na maaring ikakasakit ng iyong sarili.

Para sa mga Guro at sa ahensya ng Dep-ed

1. Pag-isipan ang maaring posibleng mangyari na iyong ipapagawa sa estudyante na


kung saan may potensyal na aksidente ang maaring mangyari .
2. Huwag pilitin sa paggamit ng app na ito ang isang estudyante, pagamat iba iba tayo
ng pananaw kung paano makakatulong o paano magagamit ang app na ito.
3. Gawing pribado o sumang-ayon sa estudyante kung mayroon balak kayong ipakita sa
mga mag-aaral ang ginawa nilang bidyo.

You might also like