You are on page 1of 5

Kaugnay na Pag-aaral

Sinabi ni Susan Greenfield (n.d.), isang propesor sa kursong pharmacology sa

Oxford University at direktor ng Royal Institution of Great Britain sa isang pahaygan na

ang social networking ay parang “sanggol na kailangan bantayan ang bawat kilos at

asikasuhin oras-oras”. May isang pagsusuri mula sa isang pag-aaral ng isang Dutch

noong 2006 na ang networking websites ay nakadadagdag ng self esteem ng mga

kabataan ngayon. Sa pag-aaral na ito, sa 881 na kabataan ay 5.6% ang nakitaan ng

mga negatibong epekto , 4.9% ang positibo, 35% ang nakaroon ng magandang

relasyon sa pakikipagkaibigan at 8.4% ang nagkaroon ng magandang buhay-pag-ibig.

Ayon sa tesis na ginawa ni Suarz Asper tungkol sa Social Networking Sites, sinabi niya

na lubos na nakakaapekto sa ating pakikipagkapwa ang mga social networking sites dahil ito ay

nagbukas ng makabagong paraan sa pakikipagkomunikasyon. Ayon sa pananaliksik niya ,

lubos na nakatulong ang mga networking sites upang pagbuklurin ang iba’t-ibang klaseng tao

na may iab’t –ibang pananaw dahil sa: una, ginawang posible nito ang pakikipag-usap nito sa

iba sa tamang oras gaano man ito kalayo. Pangalawa, ito ay nagbukas ng pagkakataong

makonektaang isang tao sa libo-libong tao sa buong mundo na gumagamit din nito na nagging

mabuting daan upang makipagpalitan ng interaksyong sosyal ang isang lahi sa ibang lahi.

Pangatlo, ito ay nagbukas ng pagkakataong maihayag ng isang tao ang kanyang sarili ng may

kalayaan sa pamamagitan ng pagshare, paglike at pagcomment sa mga litratong nakalagayo

inilagay dito.

Ayon kay Wasta Fari (2010), ang facebook ay isa sa pinaka sikat na Website dahil sa

patuloy na gumagamit nito. Hindi matatawaran ang kabutihang naidudulot nito upang

pagbukludin ang ibat ibang uri ng indibidwal , kasama sa ibat-ibang nakakaengganyong abilidad

na maaring gawin ditto ay ang katotohanang maari kang gumawa g isang birtwal na pagkatao

upang makakilala ng bagong mga kaibigan . subalit kug pagbabasehan ang katotohanan na

ang isang tao ay maaaring gumawa ng pekeng account upang manira ng ibang tao, ito ay
lubhang nakakapagkuha ng atensyon ng lahat para sa seguridad. Sa mga inobserbahang

estudyante , nalaman ni Fari na ang mga mag-aaral na lubus na nahuhumaling sa facebook ay

nawawalan ng ganang gumawa ng takdang aralin dahil sa malaking oras na nagugugol nila sa

pag fefacebook. Ayon pa sa kanya ang oras na ginagamit ng mag-aaral sa facebook ay sapat

na upang maubus ang dapat nang nakalaan sa mga extra-curricular na aktibidad sa paaralan.

Gayon pa man ang perspectiv ng paglalahad ng mga epektong ito ay upang maging

responsible ang isang mag-aaral sa tamang paggamit ng kanyang oras sa pakikipagkaibigan ,

paglahok sa mga extra-curricular activities , pagfefacebook at paggawa ng takdang aralin.

Ayon sa pag-aaral na “EPEKTO NG PAGSALI SA MGA SOCIAL NETWORKING

WEBSITES SA MGA PILING 1ST YEAR NA MAG AARAL MULA SA KOLEHIYO NG

KOMERSIYO SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS”, ang mga networking websites ay isa sa

mga dahilan kung bakit ang mga kabataan at ang ilang numero ng mga nakakatanda ay

nagiging hooked sa pagkuha ng litrato, pagba-blog at kung anu-ano pa. Ano nga ba ang mga

mabuti at masamang epekto nito?

Basi sa isang pag-aaral na pinamagatang “EFFECTS OF SOCIAL NETWORK ON

STUDENTS’ PERFORMANCE: A WEB-BASED FORUM STUDY IN TAIWAN”, at ayon sa pag-

aaral nina Heng-Li Yang isang propesor at si Jih-Hsin Tang na Phd Candidate sa ilalim ng

departamento ng Management Information Systems ng National Cheng-Chi University. Sinasabi

na ang pananaliksik na ito ay nagsisiyasat ng kung ano ang magiging epekto ng social

networking sa mga estuyante na gumaganit ng Online Education. Nangalap kami ng datos sa

apatnapung (40) estudyante na may kursong Advance Management Information System

(AMIS). Nais patunayan ng mananaliksik kung gaano ang social networking site nakatutulong

sa mga estudyante at nakaka-apekto ito.Basi sa isang pag-aaral na pinamagatang “EFFECTS

OF SOCIAL NETWORK ON STUDENTS’ PERFORMANCE: A WEB-BASED FORUM STUDY

IN TAIWAN”, at ayon sa pag-aaral nina Heng-Li Yang isang propesor at si Jih-Hsin Tang na

Phd Candidate sa ilalim ng departamento ng Management Information Systems ng National

Cheng-Chi University. Sinasabi na ang pananaliksik na ito ay nagsisiyasat ng kung ano ang

magiging epekto ng social networking sa mga estuyante na gumaganit ng Online Education.

Nangalap kami ng datos sa apatnapung (40) estudyante na may kursong Advance


Management Information System (AMIS). Nais patunayan ng mananaliksik kung gaano ang

social networking site nakatutulong sa mga estudyante at nakaka-apekto ito.

Ang pag-aaral na “Effects of Social Network on Students’ Performance: a Web-Based

Forum Study in Taiwan” ay kaugnay ng pag-aaral ng mga mananaliksik dahil parehas na pinag-

uusapan ang tungkol sa epekto ng social networking sites sa mga estudyante. Nagnanais ding

itong patunayan ng mananaliksik kung gaano ang social networking site nakatutulong sa mga

estudyante at nakaka-apekto sa mga ito.

Ayon sa mga eksperto, nakaka-apekto ang madalas na internet access sa kalusugan n

gating utak. Nagdudulot ito ng ‘sleep deprivation’ o dahilan upang hindi tayo makatulog sa gabi.

Sa kabilang banda, nagiging dahilan ito sa pagkakaroon natin ng maikling pasyensa o pokus sa

pag-aaral o isang bagay.

Ipinahayag nina Simmons at hawkins et al.2009 na dahil rin sa maga social networksite,

ang pagkakaibigan,kolaburasyon at komersiyo ay na gagawa sa internasyunal na setting,

pwede gamitin ng mga negosyante ang social networking site sa kalakal. Ganito din ang

pananaw ni Don Oele9 isang instructor ng siciology sa pamantasan ng creatice procastination,

ipinapabukas pa ang mga gagawing mas dapat bigyan ng pansin ngayon. Ito ay laganap sa

buhay estudyante. Nawawala kase ang pokus sa computer related na gawaing akademiko.

Nagkakaro din ng adlersaryal na relasyon halimbawa nito ay ang hindi pag sang ayon ng mga

nakababata na makialam ang kanilang magulang sa kanilang komunidad sa facebook.

Ayon naman kay Resident Patriot ang paggamit ng social media ay dapat na maging

balance at may patnubay ng magulang, pinalawak, pinadali, pinatipid ng social media ang

paraan ng komunikasyon at pagbabahagi ng impormasyon. Isang mabuting bagay ito para sa

ating mga gumagamit, subalit gaya ng kasabihan. “Ang lahat ng sobra ay masama”. At ang

paggamit nito ay may kaakibat na responsibilidad para hindi mapinsala at huwag makapinsala.

Ipinahayag nina Simmons at Hawkins et al. 2009 na dahil rin sa mga social media

networking site, ang pag kakaibigan, kolaburasyon, at komersiyo ay nagagawa sa internasyunal

na setting, pwede gamitin ng mga negosyante ang social networking site sa kalakal. Ganito din

ang pananaw ni Don oele, isang instructor ng Socialogy sa pamantasan ng creatice

procrastination.
Kaugnay na Literatura

Sa pakikipagkapwa ayon sa artikulong “Human Relation” lahat ng tao at ang buhay nila

ay magkakaugnay. Tayo ay naaapektuhan ng iba at natural na naaapektuhan din natin ang iba.

“No Man Is an Island” ika nga. Ang hangarin natin sa buhay ay maging masaya.

Pananiniwalaan na tayo ay magiging masaya lamang kung tayo ay marunong makisama sa iba.

Ang pakikipagkapwa ay nagbibigay kahulugan sa ating buhay. Bagamat dedepende ito sa ating

mga natutunan at kaisipan. Ang pamumuhay ng may kahulugan ay ang pagkakaroon ng

kakayahang maipahayag na may mabuting naidulot ang iba sayo at ikaw naman sa iba.1 Sa

psychosocial stages of life ni Erikson, Ang isang taong magreretiro na ay nararapat na may

masabing siya ay may nagawa para sa ikabubuti ng buhay ng iba. Ang katangiang personal na

ito ay bunga ng pakikipagkapwa niya na malalaman niya lamang kapag naabot na niya ang

maturity.2 Isa ring paniniwala na ang pag-uugali ng isang taong naaapektohan ay nakalaagak

sa teoryang attribution. Ang attribution ay tumutukoy sa mga kadahilanan ng pag uugali ng

isang indibidwal.

.Ayon kay Heider, tayo ay makakakuha ng mabuting pakikipagkapw kapag tiniyak natin

ang bawat kilos at salitang bibitawan natin.3 Kung nakakaapekto ang panlabas na daigdig sa

ating pakikipagkapwa mas nararapat na pagtuunan natin ng pansin an gating intrapersonal na

kakayanan. Gardnes theory of multiple intelligence upang maayos nating maipahayag ang ating

saloobin. Sa kaugaliang Pilipino ang mga Pilipino ay tinitingala sa kanilang kakayanan sa

pakikipagkapwa. Ang salitang “kapwa” ay nagbibigay sa kanila ng mapagkukunan ng kaalaman

at kasayahang pansarili. Ito ay mapapatunayan sa pakikisama, pakikipagbayanihan at ang

minsan pang pagtatago ng kaisipan na hindi maganda o paglilihim upang hindi makasakit sa

damdamin ng iba.4 Sa komunikasyon, paano tayo nakikilala ng ibang tao? Ito ay sa

pamamagitan ng komunikasyon. Ang komunikasyon ay proseso na kung saan ang isang tao o

grupo ay naglalahad ng mensahe sa isang receiver na nagiinterpreta at nagaayos ng datus

upang makalahad ng fidbak. Ang pagbabalik ng fidbak ay inilalahad lamang kung hindi maayos

ang paghahatid ng mensahe ng receiver .5 Sa madaling salita, tayo ay makakakuha ng


maraming kakilala kung makakakuha ng maraming kakilala kung tama ang paglalahad natin ng

mensahe.

Ayon kay Crow at Croco ang mga kabataan ay may mga katangian kaiba sa iba. Ngunit

kung meron man silang pagkakapareha, ito ay ang pagnanais na matanggap ng iba sa

pakikipag kaibigan. Ninanais nyang maging ganap na malaya, maging aprobado man o hindi ng

kanyang guro o magulang ang ugaling ipinapakita nya.Ginagaya nila ang mga makabagong

pananalita. Ginagaya nila ang mga nakikita nilang ginamit ng mga personalidad sa television o

ng media na lubos na nakakaapekto sa kanilang o pakikisalamuha sa iba at pati na rin sa

kanilang saloobin ukol sa pagaaral. Ang ibang kabataan ay pumupunta sa pangkat-pangkat ng

kaibigan dahil nais nilang matanggap ngunit ang iba naman ay tila yaong mapag-isa na mas

nangangailangn ng attensyon lalo na sa pagkatutu. Dahil ditto ang guro ay nararapat na may

kakayahang matulungan ang ganitong individwal upang mapagisa ang pakikipagkapwa at

pagaaral tungo sa mas mabuting pagkatutu sa paaralan.

You might also like