You are on page 1of 8

MARGARETTE TOLEDO

INF145

Ma. Fe Gannaban, PhD


1.
Abstract

Isa sa kinahuhumalingan ng mga mag-aaral sa kasalukuyan ay ang social networking


sites (SNS). Madalas pinagkakamalang hindi maganda ang nagiging bunga nito sa kanilang pagaaral (talaga nga kaya?); partikular ang karamihan sa mga magulang sila ay may mga
negatibong persepsyon tungkol sa usaping ito. Mahirap igiit sa mga mag-aaral na wala itong
mabuting idudulot at lalong mahirap makipagtagisan sa kanila hinggil sa masamang epekto ng
social networking sites. Ang pananaliksik na ito ay isang eksploratoryong pag-aaral sa paggamit
ng social networking sites sa pagtuturo ng wikang Filipino. Pokus ng pag-aaral na ito na matukoy
ang papel na ginagampanan ng SNS sa proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral; gayundin ang
pagdalumat sa positibo at negatibong epekto nito sa larangan ng pagtuturo lalo na sa wikang
Filipino at aalamin din kung ang SNS ay nakakatulong sa pagtuturo ng Filipino. Layunin ng papel
na ito na malaman ang papel na ginagampanan ng SNS sa proseso ng pagkatuto ng mga magaaral; tukuyin ang mga positibo at negatibong epekto ng SNS bilang estratehiya sa larangan ng
pagtuturo; at dalumatin kung talagang nakakatulong ba ito sa pagtuturo. Penomenolohikal na
pamaraan ang gagamitin sa pag-aaral; batay ito sa obserbasyon, eksperimento at karanasan ng
mga guro at mag-aaral na gumagamit ng SNS. Nagsagawa ng pakikipanayam sa mga guro na
gumagamit ng SNS sa pagtuturo, gayundin sa mga estudyante.Pinakasikat sa mga SNS at
madalas gamitin ng mga mag-aaral ay ang Facebook. Ang mga takdang-aralin, babasahin at
dapat pag-usapan tulad ng ilang paglilinaw o katanungan tungkol sa paksang-aralin natalakay at
tatalakayin pa ay nabibigyang-linaw at tugon sa pamamagitan ng facebook dahil dito madalas
naka-OL (on line) ang mga estudyante. Malaking bagay din ito upang maging daan sa
pagpapasa ng mga takdang-aralin ng mga estudyante dahil ito ay paper less at malaking tulong
pa ito upang mabawasan ang global warming. Sa kabilang banda, ang e-group ay malaking
bentahe rin upang doon i-upload ang mga babasahin o iba pang panawagan o ilang paalala sa
mga estudyante halimbawa sa mga takdang araw o deadline ng pagpapasa ng proyekto,
takdang-aralin, at iba pa. Bagamat, maaari rin namang mag-upload sa facebook. Isinusulong ng
papel na ito ang paglalapat ng mga networking sites sa pagtuturo ng wikang Filipino sapagkat
may kabutihan din itong maidudulot sa pagkatuto sa halip na palagiang ipagbawal ito sa mga
mag-aaral na para bang isang malaking banta sa kanilang pag-aaral at maging sa kanilang
buhay. Datapwat, nararapat pa ring isaalang-alang ang hangganan o parameter ng mga SNS.
Ang papel na ito ay maihahanay sa isa sa mga kulturang popular na kadalasang pinagbubuhusan
ng pansin ng mga mag-aaral. Ang SNS ay isa sa mga dulog- teknolohikal na magagamit natin sa
pagtuturo. Maaaring magbigay ng oportunidad ito sa mga guro upang kumonekta sa mga magaaral ngunit ang koneksyon ay may parametro ang uganyang guro-mag-aaral. Ang SNS ay
ginaggamit sa pagkakaibigan na iba naman ang gamit sa larangan ng pagtuturo. Madalas din
itong gamitin ng mga mag-aaral sa pakikipagkaibigan. Kung gayon, kapag ito ba ay ginamit
bilang bahagi sa pagtuturo, mailalalagay din ba ng mga mag-aaral at guro na gumagamit ng
SNS ang hangganan o parametro ng ugnayan nila sa siat isa: guro-mag-aaral na ugnayan. May
pagkakataon na nagpopost ang mga estudyante ng personal na pananaw o komentaryo tungkol
sa kanilang guro ngunit hindi binabanggit ang pangalan datapwat alam nilang lahat na kabilang
sa grupo kung sino ang pinag-uusapan. Idagdag pa ang usapin ng cyberbullying. Salamat at

nagkaroon na ng bagong batas ngayon na anti-cyber crime tulad ng cyber bullying.


Komprehensibong papel-pananaliksik ang inaasahang kalalabasan ng pag-aaral na ito.

2.
Ayon sa mga pag-aaral, ang networking websites ay isang daan tungo sa mabuti at
maayos na pamumuno ng isang organisasyon at gayun din sa negosyo. Hindi lamang ito
pangsosyal na pakikipaghalubilo gamit ang internet kundi isang magandang paraan din ng
maayos na pakikipag-transaksyon sa ibat ibang sangay ng kalakal o negosyo. Itong networking
sites din ay ginagamit sa ibat ibang lugar sa mundo kaya di malayong mangyari na magkaroon
ng ibat ibang kasunduan sa mga bansang nagkakaroon ng transaksyon gamit ito.
Mula sa pag-aaral noong 2007, maganda ang naidulot ng networking websites na ito sa
mga bansang umaangat pagdating sa larangan ng negosyo. At sa pag-aaral ding ito, na may
resulta sa loob ng tatlumpung araw, makikita na higit sa sampung porsyento ang naidagdag sa
pagsulong na pakikipagnegosyo.
Nasabi rin na ang ito ay may magandang epekto sa larangan ng pakikipagkalakal. Ayon sa
pananaliksik, nasabi na kapag ang mga kasapi ng organisasyong ito ay nakakuha ng maraming
bagong patalang kaanib, mas kakaunti ang magagastos ng kompanya/organisasyon sa website
na ito sa negosyo. Iba pa rito ang mga gumagamit o nakikinabang sa dulot nito kaysa sa mga
kasapi lamang na sumali. Dumarating nga lamang sa punto na hindi na kayang suportahan ng
website ang dami ng mga kasapi nito na nagdudulot ng kritikal na paghihigpit lalo na pagdating
sa pangangalakal at pangangailangan ng mga kumukonsumo ng produktong iniaangkat ng
negosyo sa pamamagitan nito. Ngunit, napapanatili nitong panatag ang daloy ng komunikasyon
sa mga miyembro na nagiging resulta ng pagbabalik nito sa tamang daloy ng pakikipagtransaksyon.
Ang networking website ding ito ay kayang maitago ang pagkatao ng gumagamit sa
kadahilanang wala itong sapat na impormasyon tungkol sa gumagamit kayat ang taong kasapi
rito ay may layang ilagay ang impormasyong nais habang naitatago ang pagkatao. Dito rin ay
maraming taong maaaring makilala mula sa ibat ibang bahagi ng mundo. Maraming ibat ibang
dulot at limitasyon ang isang networking website na ninanais na magamit. Mayroong may
hangad na makahanap ng kaibigan o sosyal na pakikibagay. Mayroon din na ang pinakahangad
ay ang makahanap ng kapareha o makakasama, atbp.
Sa panahong ngayon, lalo na ang walang pigil na pag-usbong ng teknolohiya, hindi na
mapipigilan ang pagdami ng mga taong nagiging kasapi ng mga networking website. Gayun din
ang hindi pag-alam ng kung anong masamang maidudulot nito sa mga gumagamit depende sa
site na sinalihan.
Masasabi na isang magandang daan ito para makausap ang mga malalayong kamag-anak
at kaibigan nang wala masyadong nagagastos at sa mabilis na transaksyon, ngunit pagdating ng
mga epekto nito sa isang estudyante, magbabago ang daloy ng pakikisama nila. Ang networking
websites ding ito ay nagbibigay sa mga estudyante ng mga akala o masasabi nating sa
pamamagitan ng networking websites na ito ay nagkakaroon sila ng malalayong relasyon o long
distance relationship. Hindi ito maiiwasan ngayong marami ng magandang naidudulot ang
teknolohiya sa buhay ng bawat tao.
Isa pa sa masamang epekto nito ay nakagagawa ito ng isa pang katauhan at maling tala
ng isang tao sa isa. Nakatala din sa pag-aaral na ang mga taong walang masyadong social life ay
dinaraan ang pananahimik sa networking. Dahil nga sa nasabi natin na isa itong daan sa
komunikasyon sa mga taong malalayo sayo, kilala mo man o hindi. Mahirap ding makahanap ng
privacy dito lalo na sa ibang website na nakikita ang bawat update mo. (Halimbawa: facebook)

May isang pagsusuri mula sa isang pag-aaral ng isang Dutch noong 2006 na ang
networking websites ay nakadadagdag ng self esteem ng mga kabataan ngayon. Sa pag-aaral na
ito, sa 881 na kabataan ay 5.6% ang nakitaan ng mga negatibong epekto , 4.9% ang positibo,
35% ang nakaroon ng magandang relasyon sa pakikipagkaibigan at 8.4% ang nagkaroon ng
magandang buhay-pag-ibig. Marami na ring naihahayag na masasamang epekto dito lalo na ang
tinatawag na cyber bullying. Isa itong aspeto ng pagkababa ng self esteem ng bata na nadadala
sa pagtanda. Ang teknolohiya nga naman, kahit na maraming nagagawang mabuti ay marami
ring masamang dulot. Sa ngayon, ang mga magulang ng mga kabataang nagiging hook sa
networking website ay walang kamalayan sa kondisyon ng kanilang anak sa pamamagitan ng
internet. At, ang mga magulang na kasapi sa online networking ay hindi nababahala sa ano
mang maaaring mangyayari sa kanila na katulad ng nangyayari sa kanilang mga anak.
3.
Ayon kay Dr Bernadette Arcena ng St Lukes Hospital, bukod sa nawawala ang quality time ng mga bata,
lumalawak din umano communication gap sa kanila at nawawala ang tutok nila sa pag-aaral.
Dahil may maganda rin naman daw naidudulot ang Internet sa kaalaman ng mga kabataan, sinabi ni Arcena na
kailangan lamang gabayan ng husto ang mga bata.
Sa panayam ni Arcangel sa batang itinago sa pangalang Nick, 12-anyos, inamin ng bata na nahumaling siya noon
sa Internet partikular sa Facebook kaya bumagsak ang kanyang marka ng hanggang 65.
Pero kung dati ay nagbababad si Nick sa mga internet shop ng mula hapon hanggang hatinggabi araw-araw,
ngayon ay dalawang oras na lang umano para makabawi sa kanyang pag-aaral. - FRJ, GMA News
- See more at: http://www.gmanetwork.com/news/story/228933/news/ulatfilipino/labis-na-oras-sa-facebook-maymasamang-epekto-raw-sa-pag-aaral#sthash.GXx1UMdd.dpuf

4.

Masama bang mag-Facebook?

photo credit: google.com


ni Alyssa Faye A. Santamaria

Naranasan mo na bang mainis sa sarili mo dahil hindi mo na nagagawang tapusin ang iyong mga takdang-aralin at mag-aral
para sa mga pagsusulit, sapagkat hindi mo maiwasan ang mga tukso na bisitahin ang iyong Facebook account at tingnan ang
mga pinakahuling notifications? May mga pagkakataon ba kung saan sinisisi mo ang Facebook sa iyong mga mababang
marka sa paaralan dahil ito'y nagiging sagabal na sa iyong pag-aaral tuwing gabi? Ang mga ito ay iilang katanungang
makatutulong sa mga estudyante na matanto ang mga masasamang epekto ng Facebook sa kanilang pag-aaral.

Ang Facebook ay isa sa mga kilalang Social Networking Sites sa kasalukuyang henerasyon na malawakang ginagamit ng mga
tao sa buong mundo. Kahit saan man tayo pumunta, lahat ng taong nakakasalamuha at nakikilala natin ay may kanyakanyang account sa mga Social Networking Sitesna ito. Kung kayat pati na ang mga mag-aaral mula sa elementarya,
hayskul, at kolehiyo ay naiimpluwensiyang magkaroon ng sariling account at makibagay sa uso. Ngunit nakaaapekto ba ang

mga Social Networking Sites sa edukasyon o pag-aaral ng mga estudyante? May mga naidudulot ba itong masasamang
epekto sa kanila?

Ang mga Social Networking Sites na ito ay nagiging libangan na ng mga mag-aaral at minsan ay nagiging parte na ng
kanilang pamumuhay. Hindi nila nakakalimutang buksan ang kanilang account bago pumunta sa paaralan, pagdating sa
bahay galing eskwelahan, habang kumakain, habang nag-aaral, habang gumagawa ng takdang-aralin, at bago matulog.
Paulit-ulit nila itong ginagawa at hindi pa rin sila nagsasawa. Habang tumatagal, mas madalas na ang pagbukas nila ng
kanilang account. Sa gawaing ito, hindi maiiwasan ang mga epekto ng Social Networking Sites sa kanilang pag-aaral. Ngunit
hindi naman lahat ng mga epekto nito ay masasama. Parehong may magaganda at masasamang dulot ang mga Social
Networking Sites sa pag-aaral ng mga estudyante. Nagagawa nilang magtanong sa kanilang kaklase tungkol sa mga
takdang-aralin. Maaari silang humingi ng tulong sa isat isa sa paggawa ng takdang-aralin sa pamamagitan ng tinatawag
na chat. Nakakakuha rin sila ng kopya ng mga lektyur ng kanilang mga kaklase at guro. Nasasabihan din sila ng mga
mahahalagang anunsyo mula sa kanilang guro at kaklase na hindi nasasabi sa loob ng klase. Ito ang mga mabubuting dulot
ng Social Networking Sites sa pag-aaral ng mga estudyante. Sa kabila ng mga ito, mayroon ding masasamang epekto
ang Social Networking Sites. Hindi sila makatuon ng mabuti habang sila ay nag-aaral at gumagawa ng takdang-aralin dahil
sa antala na dulot ng Social Networking Sites. Sa halip na gumagawa ng takdang-aralin at nag-aaral, mas inaatupag nila ang
paglalaro sa mga tinatawag na applications at iba't ibang mga laro sa mga Social Networking Sites, pag-chat, at pagdaan
sa tinatawag na mga profile ng kanilang mga kaibigan. Kapag hindi nila mapigilan ang kanilang sarili sa kakabisita sa
mga Social Networking Sites, at tumatagal na sa harap ng kompyuter, nawawalan na sila ng oras para mag-aral at gumawa
ng takdang-aralin. Bilang epekto nito, sila ay umaakit sa tinatawag na cramming na makakasama para sa kanilang
pagganap sa paaralan dahil sa halip na makinig sa guro, ginagawa nila ang kanilang takdang-aralin sa loob ng klase, at nagaaral para sa ibang asignatura. Kung kaya't maaari silang makatanggap ng mga mababang marka sa mga pagsusulit at
gawain sa eskwela.

Mula sa aking mga nabanggit na mabubuting dulot ng tinatawag nating Social Networking Sites, mabuti naman ito para sa
pag-aaral ng mga estudyante ngunit kapag nasobrahan na ang paglipas nila ng kanilang oras sa mga Social Networking
Sites, pumapasok na ang mga masasamang epekto ng mga ito. Sabi nga nila, Take everything moderately. Sa
pamamagitan nito at ng paggamit nga mga Social Networking Sites sa tamang layunin, paraan, at oras ay maiiwasan ang
masasamang epekto ng mga ito sa pag-aaral ng mga estudyante.

5.
Masamang Epekto ng Social Networking Site
Naparami sa panahon ngayon ang may account sa mga social networking site.Mga pinaka-sikat na
libangan ng pinoy ngayon ngunit hindi lang maganda ang naidudulot nito sa atin dahil sa pag-unlad ng
teknolohiya sa panahon natin ay rumarami rin ang paraan ng tao na manira ng kanilang kapwa tao. Sa
katunayan napakaraming highschool student o teenager ang may mga ganito dahil sinasabi na " IN " ka pag
mag ganito ka kaya napakaraming bata ang nahuhumaling na gumawa nito dahil napapadali nga naman ang
komunikasyon ng mga tao at easy access nga naman at wala kang babayaran, ngunit dahil rin dito marami
ang nasisira, halimbawa na lang nito ay ang pagpopost ng kung anu-anong kasiraan ng tao o kaya mga
malalswang panuorin at minsan ay dito pa nagbabangayan ang mga estudyanteng may alitan.Sa mga
estudyante ang nagiging epekto nito ay malaki dahil hindi na lang sa school ginagawa ang BULLY pati na rin
sa social networking site katulad ng pangblablackmail ginagawa na rin dito upang makasira lang ng bata at
nandiyan rin ang panghihingi ng ibang bata ng pera sa binubully nila at meron rin na ang iba ay sinisiraan ang
isang bata na may tendencing mabasa ng iba ang mga mapanirang pahayag na dahilan na maapektuhan ito
dahil nga bilang teenager madalas magtago ng sikreto ito sa mga magulang at minsan naaapektuhan rin ang
emosyon at kilos ng teenager na nabubully sa social networking
site.

Marami ang mga negatibong dulot ng pag-unlad ng teknolohiya sa ating bansa katulad nga ng
pangbubully sa social networking site na nararanasan ng ibang bata sa ating bansa na napakahirap talaga
sugpuin dahil hindi naman natin kapit ang isipan ng ibang bata pero alam naman nating lahat na isang
probleman ay may sulosyon kaya sa mga magulang ay dapat gabayan natin ang ating mga anak sa paggamit
ng SOCIAL NETWORKING SITE
-

http://disadvantge.blogspot.com/

6.
Sa Mundo Ng Facebook
Kawalan Ng Privacy Ni: Dustin John Danguilan
Madami sa atin ang my account sa facebook. Mapabata, matanda, babae man o lalake, pati
ang mga lolot lola natin ay meron na din dahil sa uso nga ito sa panahon ngayon. O kaya
naman, Sila Ate o Kuya na matagal kana ina-add sa facebook na hindi mo makonfirm konfirm kc
baka may makita at isumbong kapa sa mga magulang mo. Paminsan nga wala ka ng ma-itagong
lakad o mga litrato niyo ng mga kaibigan mo nung huling gimik niyo dahil ultimo Nanay o Tatay
mo nagfafacebook na din. At take note, mas madalas pa silang online kesa sayo.

Pero madami sa atin na hindi alam na ang facebook ay delikado at bukas ang impormasyon
mo sa lahat ng tao. Dahil halos lahat ng impormasyon natin ay nakalagay dito. kabilang na dito
ang ating Address, edad, kaarawan, picture at maging ang ating contact number. Pwede ding
makita dito ang mga comment mo sa mga kaybigan mo lalo na kung maselan ito. Ang hirap mag
lagay o mag bahagi ng sariling opinon.

Kung may taong galit o gustong magtrip sau, maaring gamitin ang facebook mo para
gumawa ng hindi magandang bagay laban sau. Pwedeng kopyahin ang picture mo at i-edit ito na
may kasama kang isang lalake kung babae ka man o may kasama kang babae kung lalake ka.
Maaari ding i-edit ang picture mo at i-paste ito sa ibang katawan at i-post ito sa mga malaswang
sites. May ilan din naman na nag papanggap sa facebook upang magkaroon ng direktong access
sa mga nangyayari o impormasyon mo. Ilan lamang ito sa mga hindi controlado ng privacy sa
facebook.

Sa nakaraang halalan naman, mula sa pag ka presidente hanggang sa kandidato sa pinaka


mababang posisyon, ay ginagamit na din itong facebook. Ito ay nagkaroon ng malaking papel
upang makilala natin ang mga kandidato. May ilang naginamit ito upang tumaas ang kanilang
popularidad at may ilan din naman na ginamit ito para maka sira ng ibang tao.

Para sa iba, ang pag gamit ng facebook ay katuwaan, libangan, isang form na nauusong
paraan ng chat o communication. Dito din nasasalamin ang mga pang araw araw na ginagawa
mo o mahahalagang bagay na gusto mo ibahagi sa mga tao. Ngunit hindi rin naman lahat ay
pwedeng itago ng "costumized privacy" sa facebook, at kahit ilang beses pa e-revised ng
facebook ang privacy option nila at kahit ilang survey at mga katanungan pa ang itanong nila sa
tuwing mag de-deactivate ka ng account. hindi mag kakaroon ng sapat na solusyon ang privacy
sa facebook. kailangan may responsableng paggamit nito.

Posted by Sa Mundo Ng Facebook 0 comments


7.
Facebook Bilang Komunikasyon Ni: Kathrine Aliwalas
Usong-uso na talaga ang Facebook sa panahon natin ngayon. Kaya hindi natin maikukubli na
maraming tumatangkilik at nahuhumaling dito. Marami kang pwedeng gawin sa facebook.
Maglibang sa mga laro dito, mag post ng mga litrato at kung anu-ano pa. At ang isa sa pinaka
magandang benipisyo na meron dito ay ang komunikasyon.Sa facebook ay mayroon tayong
tinatawag na "live chat", na kung saan makakausap mo through chat yung mga naka online
mong kaibigan o kamag-anak. Maaari ka ding mag padala ng mga personal mong mensahe sa
send a message. At ang isa sa pinaka uso sa fb ay ang post status na kung saan maihahayag mo
sa lahat ng subscribers ang nais mong ipabatid gamit ang shout out.Ang laki talaga ng
naitutulong ng Facebook sa larangan ng komunikasyon.Sa katunayan ay isa ako sa nakikinabang
dito.Dahil sa fb nalalaman ko ang lagay ng mga pinsan ko na nasa Indonesia.Nakikita ko ang
mga itsura nila sa mga photos. Kahit minsan kasi ay hindi ko pa sila nakita ng personal.
Nagkakaka mustahan kami ng Tita ko, nagkakakwentuhan at kung anu-ano pa.Sa fb din namin
nakokontak ang kapatid ng asawa ko na nagtratrabaho sa Saudi. Mahal kasi ang international
Calls, kaya sa fb kahit papanu ay makakamenos ka sa gastos.Kaya masasabi ko sa lahat na,
malaking tulong talaga ang nagagawa ng facebook sa larangan ng komunikasyon.
Posted by Sa Mundo Ng Facebook 0 comments

8.
Panganib ng social networking sites sa mga bata
PA-TWEET-TWEET na lang, pa-like-like na lang. Lahat ay crazy na over social networking sites. Facebook, Twitter,
My Space at pati na ang YouTube, tuwang-tuwa tayo kapag nag-a-update tayo ng status o naglalagay ng bagong
photos and videos. Masaya naman talaga eh, pero dapat lang na mag-ingat.
Ayon sa survey mas maraming kabataan ang may account sa mga social networking site kaya huwag ng magulat
ang mga magulang kung pati ang kanilang teenager na anak na may account na sa Facebook o sa Twitter.
Sa una, oo nakakatuwa ngunit dapat na mag-ingat.
Masasabi mo pa kaya na: wow ang gaganda ng photos na in-upload niya, O kay naman ay ang cute mo anak sa
pics mo sa Facebook, kung magdudulot ito ng panganib?
Mga nanay at tatay, okey lang mag-Facebook ang mga anak ngunit ang katotohanan ay maaaring ma-expose ang
inyong mga anak sa panganib. At ang masaklap pa nito, hindi nila alam na may panganib dahil maaari silang
maloko o ma-deceive.
Yung fact pa lang na pwede kang mag-upload ng photo na hindi mo naman talaga photo ay deceiving na hindi ba?
So, maaaring may makilala sa Facebook na hindi talaga nila photo ang nasa profile picture ng kanilang account.

Ilang beses na bang na-expose sa telebisyon ang maraming modus sa social networking sites ng mga taong
walang magawang mabuti. Kung hindi pa ninyo alam, ay mabuting mag-research kayo tungkol dito.
Isa sa mga modus ng mga taong halang ang kaluluwa ay ang manloko sa Facebook. Halimbawa, may isang lalaki,
liligawan ang anak ninyo sa Facebook, susuyuin ng bonggang-bongga hanggang sa mahulog ang loob ng inyong
anak sa estranghero. Tapos magse-set ng EB (eye ball), ayun na, walang kaalam-alam ang anak mo na manyak
pala ang ka-chat/suitor niya sa FB. Pwede siyang magahasa. Isa pang worse ay, kapag nag-EB wala ring idea ang
anak mo ng kidnapper pala ang friend niya sa FB.
Nakatatakot di ba? Pero bilang magulang ay dapat na maprotektahan ninyo ang inyong mag anak.
Hindi naman kailangan na pagbawalan silang mag-FB at tiyak na giyera ang mangyayari sa pagitan ninyo at ng mga
anak. Alam naman ninyo na kapag nasa adolescence stage ang mga bata ay iba ang tingin nila sa pagpo-protekta
ng kanilang magulang, pero hindi naman sa lahat. Depende pa rin ito sa kung paano sila napalaki o sa lugar kung
saan sila lumaki.
Mabuting gawin ay pag-aralan din ng mga magulang ang mga security measure o setting ng Facebook upang
mapangalagaan ang account at maiwasan ang panganib na dulot ng mga taong may masasamang balak sa inyong
anak.
Ituro sa kanila kung paano mapoprotektahan ang sarili laban sa mga panganib na maaaring dulot ng social
networking.
Sabihin sa kanila na nangyayari talaga ang mga nakatatakot na panganib sa Facebook upnag sa ganun ay sila
mismo ay matutong kumilatis ng taong ia-approve nila bilang friend sa FB.
Igiit sa inyong mga anak na kung ang isang tao ay hindi nila kilala ay huwag silang i-approve sa FB at huwag ring
pansinin ang kanilang mga ipadadalang mensahe.
Hind ba ngat may kasabihan na dont talk to strangers, at huwag silang i-entertain.
Mabuti pang gawing kapaki-pakinabang ang Facebook. Gumawa kayo ng fanpage kung saan ang pinaka tema nito
ay isang adbokasiya. Halimbawa, nagpo-promote ng mga magagandang tourist spots sa Pilipinas. I-upload ninyo
ang mga photos ng buong pamilya habang kayo ay naga-outing o kaya ay nasa bakasyon. Sa tuwing magti-tripping
kayo ay ilagay ninyo ang mga photos ninyo sa mga beautiful spots sa Pinas. O di ba makatutulong pa kayo?
Upang mai-involve ang buong pamilya ay magkaroon ng corner para sa anak na siya ang sasagot sa mga queries
ng mga readers ninyo.
O kaya naman ay gamitin ang Facebook sa negosyo at isali ang mga bagets. Aba uso na rin ngayon ang online
direct selling o kung anu-ano pa na may kinalaman sa business.

http://www.remate.ph/2011/10/panganib-ng-social-networking-sites-sa-mga-bata/

9.
Social Networking Sites: Ano nga ba ag epekto nito sa ugali ng kabataan?
J. Rivera

Facebook, Yahoo, Tumbler, Twitter ilan lamang ang mga iyan sa mga pinakausong tambayan
ngayon ng mga kabataan ngayon, pagdating sa pag-gamit ng Internet. Ang Internet ay isang uri
ng tsanel kung saan mabilisang naipapadala ang mensahe at mabilisan ka din namang
makatutugon. At isa nga sa gamit ng internet ay ang pakikipag uganayan sa mga taong malayo
o hindi mo kakilala. Pero kahit magkagayon nakakatulong itong mas makapangalap pa ang isang
kabataan ng mga kaibigan mula sa ibat ibang lugar sa Pilpinas o maging sa buong mundo. Sikat
at laganap na ito pero, ano nga ba ng epeko nito sa ugali ng kabataan?
Isa sa mga mabuting epekto ng social networking sites ay ang mas pagiging bukas isip ng mga
kabataan sa pakikipagkaibigan at pakikipagkapwa. Na kahit hindi kakilala dumami lang ang
kaibigan go lang ng go. Pero alam mo ba na sa pag-inog ng mundo ngayon minsan nagiging
sanhi naman ng kagalitan ang mga ito. Una sa pakikipagpadamihan ng kaibigan hindi naman
natin maiiwasan ang pagiging hambog hanggang sa magkainitan na ng ulo at mahantong ito sa
karahasan. Marahil parte na rin ito ng masamang epekto , dahil siguro malamang ay
nakakaimpluwensya na rin yung mga kaibigan mo sa social etworking sites sa mga ikinikilos mo.
Na marahil ay ang kultura ng ka chat mo ay hindi kaangkop ng lipunang iyong ginagalawan.
Nagiging kuripot na rin ngayon ang kabataan sa kanilang sarili makapag internet lang, na kung
tutuusin ay dapat ikain o mas gastusin na lamang sa mas mahalagang bagay ang pera kesa mag
internet.Minsan pa ang kabataan ngayoy nagiging mas mapang husga, marahil ay dahi na rin sa
kanilang mga nakikita sa social networking sites na kalayaan sa pagpapahayag kahit minsay
nakakasakit na o minsay lumalampas na tayo sa hangganan ng pagpapahayag ng ating sarili
kung saan nakasasakit na tayo.
Maraming epekto sa ating pag uugali ang paggamit ng social networking sites kayat kung maaari
ay iwasan na natin ito, pero kung talagang hindi kayang iwasan, mas makabubuti sigurong
atleast man lamang mapaglabanan mo ang pagkakasakop na ng modernisasyon sa ugali ng
kabataan ngayon. Pero kahit na magkagayon na may mga epekto eto, kailangan pa rin naman
nating isa-alang alang na malaki rin naman ang naitutulong ng pag gamit nito. Maging
pansariling kaligayahan man o pangkomunikasyon. Ikaw, apektado ka na rin ba ng social
networking sites?

10.

You might also like