You are on page 1of 14

PANIMULA O INTRODUKSIYON

Ang social networking service (SNS) ay tumutukoy sa alin mang plataporma na lumilikha

ng mga social network o mga ugnayan ng pakikisalamuha sa mga taong may magkatulad na

interes, gawain, karanasan, o mga ugnayan sa tunay na buhay. Ito ay binubuo ng isang

representasyon ng bawat gumagamit (na kadalasan ay isang profile), ang mga ugnayan nito sa

ibang mga tao, at iba pang mga serbisyo. Ang karamihan ng mga social networking service ay

nagbibigay ng paraan sa mga gumagamit nito na makisalamuha sa sa Internet gaya ng e-mail at

agarang pagpapadala ng mensahe. Ang mga site na ito ay pumapayag sa mga gumagamit na

magpaskil ng mga ideya, mga larawan, mga aktibidad, mga pangyayari at mga interest at iba pa

sa mga taong nasa kanilang network. Ang mga halimbawa ng mga serbisyong ito ay

kinabibilangan ng Facebook, Twitter, Instagram at iba pa.

Facebook, Twitter, at Instagram. Marahil ay mayroon kang account sa isa sa mga

nabanggit na social networking sites. Siguro ay hindi kumpleto ang iyong araw kapag hindi mo

na-check ang iyong mga notifications sa iyong Facebook account, makapag-tweet sa Twitter, at

makapag-post ng litrato sa Instagram. Ang mga social networking sites na ito ay bahagi na ng

ating pangaraw-araw na pamumuhay at naging parte na rin ng kultura nating mga Pilipino. Sa

paglipas ng panahon, ang mga ito na produkto ng teknolohiya ay tila lumukob na sa ating

pagkatao.

Ang mga social networking sites na ito ay may mga hindi magandang naidudulot sa mga

mag-aaral na dapat pagtuunan ng pansin. Ang pagbaba ng marka sa mga asignatura ay isa sa mga
masasamang dulot ng paggamit ng mga social networking sites na ito. Sa halip na mag-aral ang

ilang estudyante, inilalaan nila ang kanilang oras sa pakikipag-chat sa kanilang kaibigan. Bilang

epekto nito, sila ay nagka-cramming sapagkat ang mga araling hindi nila naaral ay kanilang

pinagtutuusan ng pansin sa mismong oras ng klase. Ang iba nga ay nagpupuyat pa dahil hindi

nila mapigilan ang palagiang pagbisita sa kanilang mga account. Ang resulta ay wala sila sa

pokus habang sila ay nasa loob ng silid-aralan. Physically present but mentally absent, ang sabi

nga nila. Ang kanilang mundo ay umiikot na lamang sa mga social networking sites na nagiging

sanhi upang hindi nila magampanan ang kanilang mga obligasyon bilang mga mag-aaral.

Maging ang kanilang aspetong pisikal ay lubos na naaapektuhan. Dati, ako ay namulat sa mga

larong pinoy: may lata at tsinelas ka lang sa tumbang preso at pang-guhit sa harang-taga ay

kumpleto na ang ang araw ko. Ang mga larong pinoy na ito ay tila nawawala na sa kasulukuyang

panahon sapagkat sila ay sinupil na ng mga produkto ng teknolohiya na patuloy na pumapatok sa

mga tao lalo na sa mga kabataan. Dahil dito, ang ilan sa mga kulturang Pilipino ay nabubura na

sa ating makulay na kasaysayan. Ang aspetong sosyal rin nila ay nawawala na sapagkat hindi na

nila mabigyan ng sapat na oras ang kanilang pamilya at kaibigan. Ang mga simpleng gawain

tulad ng pagkain ay tila nalilimutan na rin ng ilan sapagkat ang iba ay nasa alapaap,

pansamantalang kapiling ang kanilang mga “virtual” na kaibigan.

Sa kabilang dako, mayroon ding mga magagandang naidudulot ang mga social

networking sites. Ang iba ay gumagawa ng group chat sa facebook. Ginagamit nila ito upang

makapagtanong sa kanilang mga kaklase kung ano ang kanilang takdang-aralin kinabukasan.

Maaari rin silang manghingi ng tulong sa isa’t isa sa paggawa ng mga takdaling-aralin na ito. Sa

pamamagitan din ng group chat, nagagawa nilang makahingi ng lektyur sa kanilang mga kaklase

at guro sa mas madaling paraan. Nalalaman din nila ang mga mahahalagang anunsyo na
kailangan nilang malaman. Ang mga “applications” na maaaaring matagpuan at gamitin sa mga

na nakapaloob sa mga ito ay malaki rin ang naitutulong upang madagdagan ang kanilang

kaalaman. Sa mabilis na paglipas ng araw, mayroong mga bata ang hindi na nakakapanood ng

balita sa telebisyon. Sa tulong ng mga social networking sites, maaari pa rin nilang malaman ang

mga mahahalagang balita na nangyayari sa loob at labas ng bansa.

Ang pagsulpot ng mga social networking sites sa buhay ng mga mag-aaral ay parte na ng

modernisasyon na siyang kailangan sa patuloy na pag-unlad ng bawat bansa. Ang maayos na

paggamit ng mga social networking sites ay mahalaga upang makatulong ang mga ito sa lubos na

pag-unlad ng ating mga mag-aaral. Maging responsable sa paggamit ng mga social networking

sites. Nawa ay gamitin natin ang mga ito sa tamang paraan na kung saan ay hindi nasasakripisyo

ang ating pag-aaral. Maaari nating gamitin ang mga ito upang mapataas ang ating mga marka sa

iba’t ibang asignatura. Nakakabuti rin ang paggamit ng social networking sites sa mga mag-aaral

ngunit kapag nasobrahan, ito ay labis na nakasasama sa kanilang pag-aaral. Sa pamamagitan ng

paggamit ng mga social networking sites na may tamang layunin at oras ay maiiwasan natin ang

mga masasamang epekto na dulot nito.


A. Layunin ng Pag-aaral

 Ano ang Social Networking Sites?

 Ano ang negatibo at positibong epekto ng Social Networking Sites ng mga mag-

aaral?

B. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahang ng pag-aaral na ito ay kung ano ang mga negatibo at

positibong epekto ng Social Networking Sites ng mga kabataan.

Layunin nitong makatulong sa mga sumusunod:

 Mga mag-aaral na inilaan ang oras sa pag gamit ng social networking sites imbes

na sa kanilang pag-aaral.

 Magabayan ang mga kabataan sa wastong paggamit ng Social Networking sites.

 Sa mga hinaharap na mananaliksik, makakatulong ito upang mabigyang

impormasyon hinggil sa pag-aaral na ito at naway maging kapakipakinabang ito

sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman.


a. Limitasyon Limitasyon ng Pag-aaral

Saklaw ng papel na pananaliksik na ito ang mga mag-aaral na gumagamit ng

Social Networking Sites at makamit nila ang wastong pamamahala ng oras sa paggamit

ng Social Networking sites.

b. Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang lubos na maunawaan at maintindihan ng mga mambabasa ang malalalim na salita

na nalathala ng isang mananaliksik, nagpasya ang mananaliksik na bigyan ng depinisyon

ang mga terminolohiya batay sa kung ano ang depinisyon nito:

 Facebook- isang social networking website na libre ang pagsali at ginagamit sa

pakikipag komunikasyon.

 Twitter- kung saan ang mga user ay nagpopost o nakikipag interak gamit ang mga

mensaheng tinatawag na “tweet”.

 Instagram- serbisyong photo-sharing, video-sharing at social networking na

nagbibigay-pahintulot sa mga gumagamit na kumuha ng mga larawan at

bidyo.
Epekto ng Social Networking Sites sa mga Mag-aaral

Isang pananaliksik ng Bachelor of Science in Pharmacy

Bilang Pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan sa Asinaturang Filipino: Pagbasa at

Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa kay:

Gng. Perla Malazarte

Ni:
Chloe Amethel C. Batuto

March,2020

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ayon kina Boyd at Ellison (2007), ang social networking sites ay mga serbisyong

pampublikong nag rerehistro na nakapaloob sa isang system, pinahihintulutan na makita ang mga

profile ng isang indibidwal na kasama niya sa system. Idinagdag pa ng manunulat na ang social

networking ay nagiging pasok sa publiko dahil pinapayagan nito ang isang indibidwal na nakita

ang ibang tao.

Mga Uri ng Social Networking Sites

i. Facebook

Isang social networking website na libre ang pagsali at pinapatakbo at pag-aari

ng Facebook, Inc. na isang pampublikong kompanya. Maaaring sumali ang mga

tagagamit dito nakaayos ayon sa lungsod, pinagtratrabahuan, paaralan at rehiyon

upang makakonekta at makihalubilo sa ibang mga tao. Maaaring magdagdag rin ng

mga kaibigan at magpadala ng mensahe sa kanila, at baguhin ang kanilang sariling


sanaysay upang ipagbigay-alam sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang

sarili. Itinatag ni Mark Zuckerberg ang Facebook kasama ang kaklase niya sa agham

pangkompyuter at kasama sa kuwartong sina Dustin Moskovitz at Chris Hughes habang

mag-aaral pa siya ng Pamantasan ng Harvard. Noong una, limitado ang pagsapi sa

website na ito sa mga mag-aaral ng Harvard, ngunit lumawak ito sa ibang mga kolehiyo

sa Boston, ang Ligang Ivy at Pamantasan ng Standford. Nang kalaunan, lumawak pa ito

at napabilang ang kahit sinong mag-aaral ng isang pamantasan, pagkatapos mataas na

paaralan at, nang tumagal pa, kahit sinong nasa gulang na 13 pataas. Sa kasalukuyan,

mayroon na ang Facebook ng mahigit sa 200 milyong aktibong tagagamit sa buong

mundo.

ii. Twitter

Isang online news at social networking service kung saan ang mga user ay

nagpopost at nag-iinterak gamit ang mga mensaheng tinatawag na "tweet", na

hanggang 140 karakter lamang mula 2006 hanggang 2017, nang ito'y lumawig

hanggang 280 karater. Ang mga nakarehistrong user ay maaaring magpost ng mga

tweet ngunit ang mga di-nakarehistro ay maaari lámang magbasá ng mga ito. Naaakses

ng mga user ang twitter sa pamamagitan ng websayt interfeys nito, SMS, o isang app sa
isang mobile device. Ang Twitter Inc. ay matatagpuan sa San

Franciso, California, Estados Unidos, at mayroong higit sa 25 opisina sa buong mundo.

iii. Instagram

 Isang online mobile na serbisyong photo-sharing, video-sharing at social

networking na nagbibigay-pahintulot sa mga gumagamit na kumuha ng mga larawan at

bidyo, at ibahagi ang mga ito sa iba't ibang plataporma ng social networking, gaya

ng Facebook, Twitter, Tumblr at Flickr.

Mga Kagamitan Upang Magkaroon ng Social Networking Sites

1. Kompyuter

Ayon sa wikipedia, ang kompyuter o computer ay isang mekanismong ang

ginagawa ay mangasiwa ng mga datos ayon sa panuto. Ang kompyuter network na

nabuo ay tinatawag na internet. Sa pamamahitan ng koneksiyon sa internet, maaaring

makapasok o makapagbigay daan sa mga website na may kinalaman sa social

networking.

2. Internet
Ang Internet ay ang mga magkakabit na mga computer network na maaaring

gamitin ng mga tao sa buong mundo. Naipapadala ang mga datos sa pamamagitan

ng packet switching na gamit ang inayunang pamantayan na Internet Protocol (IP).

Binubuo ito ng milyon-milyong pampribado, pampubliko, pampaaralan at

pampamahalaan ng mga network na may lokal hanggang malawakang saklaw at

pinagkakaugnay sa pamamagitan ng mga kawad na tanso, kawad na fiber-optic,

wireless na koneksiyon at iba pang teknolohiya.

Ibinunga ng Social Networking Sites

1. Epekto sa Mag-aaral

Simula ng  naimbento ang teknolohiya, partikular na ang  kompyuter at internet,

nagkaroon  tayo ng tinatawag na Social Media. Ang Social Media ay website at application

ginagamit ng karamihan upang makipag-ugnayann  o makipagusap sa  pamamagitan ng Social

Network. Ang pagamit ng Social Media ay nakakaapekto sa pag-aaral. Maaring ito ang magdulot

sa iyo ng baagong kaalaman, maraming kabataan ang ginagamit ang Social Media upang

makapaghanap ng mga impormasyon na kanilang kinakailangan para sa pag-aaral lalo’t higit ang

proyekto tungkol sa ibang baga, halimbawa na dito ay ang pananaliksik o ang tinatawag
na Thesis.   Sa kabila ng lahat ng kabutihang naidudulot ng Social Media, may ilang epekto na

hindi ikagaganda ng ilan. Isa na dito ay ang iyong pag-aaral, ilan sa mga mag-aaral ay

nahihirapang mag-aral kapag nalulong sa Social Media, wala sa focus ang mag-aaral sa pag-aaral

kaya ito ang nagiging dahilan sa pagbaba ng kanyang mga grado. May mga ilan na masyado

silang bukas  sa Social Media at minsan ay nasasabi nila ang mga bagay na hindi dapat nababasa

ng publiko. kung kaya’t nagdudulot ito ng gulo o kaya naman ay ang tinatawag  na pagkawala ng

privacy o personal space.

Kagaya ng magagandang benepisyo ng Social Media, iilan lamang ang naihalimbawa ko

sa masasamang epekto, ngunit marami pang iba. Pero sa huli, para sa akin sa pagbalanse ng

paggamit nito at kasama ng Self-control mapapabuti ang epekto nito para sa mga tao lalo’t higit

sa mga kabataan.

REPERENSIYA

https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Social_networking_service

https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Facebook

https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Internet

https://brainly.ph/question/1801827
https://seguidores.online/tl/ano-ang-ibig-sabihin-ng-instagram-

kung-ano-ang-utility-ng-instagram/

http://srnhsfilipino.blogspot.com/2016/11/epekto-ng-social-

networking-sites-sa.html?m=1
KONKLUSYON

Sa pagwawakas ng pag-aaral na ito tungkol sa epekto ng Social Networking Sites sa mga

mag-aaral, nais ilahad muli ng mananaliksik ang mga pag-aaral mula sa mga nakalap na mga

datos. Isang simpleng dahilan ng pagkakaroon ng bawat kabataan ng Social Networking Sites ay

upang makipaghalubilo sa ibang tao sa internet. Sa mga uri ng Social Networking Sites, may

kanya kanya ring presensya ang mga tao, higit na ginagamit ng mag-aaral ang Facebook, Twitter

at Instagram ngayon kumpara sa ibang Social Networking Sites.

Matalino pa ang mga kabataan tungkol sa kung gaano kalaki ang oras na kanilang ilalaan

para sa mga Social Networking Sites pero minsan masyado talagang nasasayang ang oras nila

dito. Pero nabibigyan pa din nila ng oras ang mga mas mahahalagang bagay na dapat nilang

unahin gaya na lamang ng pag-aaral at pakikipaghalubilo sa pamilya at kaibigan. Nagiging

maingat din ang higit sa mga mag-aaral sapagkat nililimita lamang nila ang mga impormasyon

na kanilang inilathala sa internet.

Sa kabuuan, ang Social Networking Sites ay may higit na mabuting idinulot sa mga mag-

aaral. Napapalawak ng mga sites ang kaalaman ng mga mag-aaral, nagpapatibay ng relasyon ng

mga kaibigan, nakakahanap ng mga bagong mga kaibigan, napahbubuti ang buhay-sosyal,

nagtatagpo ulit ang mga dating kaibigan na wala nang komunikasyon sa isa't-isa at higit sa lahat,

naipapahayag sa boung mundo ang sariling ideya at pananaw sa buhay.

You might also like