You are on page 1of 3

KABANATA 2

Social media

Ang social media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay
lumilikha, nagbabahagi, at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na
komunidad at mga network. Bukod dito ang social media ay may interactive platfosentional-social-media-
facts-figures-and-statistics-6-infograpicsrm na kung saan ang isang indibidwal at mga komunidad ay
maaring magbahagi, lumikha, tumalakay at baguhin ang nilalamang binuo ng gumagamit. Ito ang
nagbibigay daan sa isang matibay at malaganap na pagbabago sa komunikasyon sa pagitan ng mga
organisasyon, mga komunidad at mga indibidwal.

Mahalagang isaalang-alang na marami sa mga gumagamit ng internet ang patuloy na gumugugol ng oras
para bisitahin ang maraming mga site ng social media kaysa sa anumang iba pang uri ng site. Sa
panahon ngayon, hindi na bago ang katotohanang malaki ang naiaambag ng social media sa ikauunlad
ng anumang aspeto ng buhay ng isang tao.

Facebook

Ang facebook ang pinakapopular na social networking site sa Pilipinas ngayon. Ang mga mag-aaral na
kabilang sa unibersidad na sakop ng Ivy league at Standford university sa Amerika ang unang naging mga
miyembro nito. Ito ay unang dinesenyo para sa kabataan nina Mark Zuckerberg na isang mag-aaral sa
Harvard University kasama ang kanyang kaibigan noong 2004. At nang lumaon ay ginamit rin ito hindi
lamang sa pakikipag-ugnayan sa kapwa kundi para sa mga pangangailangan ng makakapitalistang
mundo ng ekonomiya, kaya’t lalong tumataas ang popularidad nito sa madla.

Sa modernong panahon at sa mataas na teknoloiya ng bansa, maraming sumusulpot na applications tulad


ng facebook, instagram, twitter, yahoo at iba pa,

1. https://www.academia.edu/37500740/EPEKTO_NG_PAGGAMIT_NG_FACEBOO
K_SA_MGA_MAG-AARAL
2. https://feelssimary.wordpress.com/2016/11/13/ano-ang-internet-at-social-media/.
3. . https://umtcshsabm1.wordpress.com/2016/09/28/aralin-2-ang-facebook-bilang-social-media-sa-
pagkatuto/.
KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

INTRODUKSYON

Ang facebook ay isa sa mga kilalang social networking sites


sa kasalukuyang henerasyon na malawakang ginagamit ng mga tao sa
buong mundo. Kahit na saan man pumunta, lahat ng taong
nakakasalumuha at nakikilala ay may kanya-kanyang account sa mga
social networking sites na ito. Kung kaya’t pati na ang mag-aaral mula
elementarya, hayskul, at kolehiyo ay naimpluwensyahang magkaroon ng
sariling account at makibagay sa uso. Ngunit nakaaapekto ba ang mga
social networking sites sa edukasyon o pag-aaral ng mga mag-aaral? May
positibo at negatibo bang epekto sa pag-aaral ang paggamit ng
Facebook? May mabuting epekto ang paggamit ng facebook para sa mga
mag-aaral, dahil dito natututo sila kung paano gumamit ng
facebook,makisalamuha sa ibang tao sa iba’t-ibang bansa, makakuha ng
mga karagdagang impormasyon para sa kanilang mga gawain sa
paaralan. Maaari rin silang makipagkomunikasyon sa kanilang mga mahal
sa buhay kahit ito ay nasa malayong lugar, madali din silang nakakasagap
ng impormasyon kung ano ang mga kalagayan ng isang bansa.
Nakakatulong ito sa pakikipagkomunikasyon sa ibang tao at dito rin
pwede tayong makakuha ng impormasyon dito din pwede natin ibahagi
ang ating nararamdaman sa pamamagitan ng pagpopost at dito rin pwede
tayong magbahagi ng kaalaman kung ano man ang nangyayari sa ating
paligid.
EPEKTO NG FACEBOOK SA PAG-AARAL NG MGA MAG-AARAL NG HUMSS 3

TAONG PANURUAN 2019 – 2020

You might also like