You are on page 1of 7

Kabanata I

Ang Suliranin at Sandigan ng Pag-aaral

I. Panimula

Sa panahon ngayon, ang mga tao, lalong lalo na ang mga kabataan, ay nakakasabay na sa

patuloy na pagbabago ng ating teknolohiya, kung saan halos lahat ay nasanay na gumamit

ng mga makabagong teknolohiya para mapadali ang pag-aaral, pagtatrabaho, at kahit

anumang maliit na gawain. At simula nang pumasok ang bagong henerasyon o ang

tinatawag na "Gen Z", naging mabilis ang pagpapalaganap sa mga makabagong

teknolohiyang ginagamit natin. Halimbawa na lamang ang mga cellphones o mobile

phones na ginagamit sa komunikasyon.

Malaki rin ang naging pagbabago sa paggamit ng internet. Mas dumarami ang

gumagamit nito, mas maituturing na ito na pangangailangan sa panahon ngayon at mas

dumarami ang iba’t ibang kagamitan nito. Isa sa halimbawa ay ang social media

platforms na ginagamit at nagagamit natin sa iba't ibang paraan, tulad na lang ng

komunikasyon na nakakatulong sa ating pag-aaral, trabaho at mga oportunidad para

kumita.

Isa sa pinakasikat at pinakamalaking social media application ay ang Facebook. Dahil sa

isang kalamangan ng Facebook, maaaring makita at makausap muli natin ang ating mga

kababata o mga kamag-anak na nasa malayong lugar, maaari rin tayong makakilala ng

bagong tao at magkaroon ng bagong kaibigan dahil sa Facebook.


Noong lumaganap ang pandemya, mas naging malawak ang mga ideya ng tao sa iba’t

ibang pag gamit ng Facebook. Natutunan nila ito gamitin para sa impormasyon,

edukasyon, negosyo, at iba pa. Nakasanayan na din ng mga tao na gamitin ang Facebook

sa pang araw-araw, halimbawa na lamang ng panonood sa Facebook kaysa sa telebisyon

dahil ito ay mas accessible at portable.

Ngunit hindi natin masasabi na lahat ng mga naka-post sa social media ay totoo. Hindi rin

lahat positibo ang nararanasan dito. Posible pa rin itong maging sanhi ng pagkalat ng mga

maling impormasyon, posible rin itong makasama sa ating kalusugan o pag-aaral, at

posible pa rin ito maging plataporma na kung saan pwede mang iskam. Kung gaano

karami ang benepisyo nito ay ganun rin kadami ang kawalan na maaaring mangyari sa

maling pag-gamit nito.

II. Kaligirang Kasaysayan

Ang Facebook ay isang social networking site na kung saan mapapadali ang iyong

pakikipag-usap sa mga mahal sa buhay online. Isa din ito sa pinaka sikat na site na

mayroong mahigit tatlong bilyon na gumagamit. Ang paggamit din ng Facebook ay libre,

at ang kumpanya ay kumikita sa pamamagitan ng mga patalastas na bayad. Madami ring

kagamitan ang Facebook, tulad ng pag-upload, pagsali at paggawa ng mga grupo, at pag

send ng messages.

Sinimulan ni Mark Zuckerberg ang pagsulat ng kodigo ng Facebook sa taong 2004. Ang

unang bersyon ng site na ito ay tinawag na “FaceSmash”. Ito ay gumagamit ng mga


larawan ng estudyante sa Harvard upang ipagkumpara at markahan ang mukha ng bawat

estudyante, ang bersyon na ito ay nakahakot agad ng 22,000 na tingin sa loob ng apat na

oras. Ngunit may nalabag itong tuntunin na kung saan hinack ni Zuckerberg ang Security

System ng Harvard sa pagkuha ng litrato at pagkopya ng mga impormasyon ng mga

estudyante. Ang FaceSmash ay natanggal din ng Harvard sa loob ng dalawang araw.

Dahil sa FaceSmash, doon na nagkaroon ng ideya si Zuckerberg. Nagsimula ito sa loob

lamang ng Harvard na kung saan pwede nila gamitin ang kanilang email address na

nanggaling sakanilang paaralan. Sa loob ng 24 na oras, 1,200 na estudyante ng Harvard

ang gumamit neto. Dumami nang dumami ang mga gumagamit nito hanggang sa maka

abot ito sa ibang unibersidad tulad ng Yale, Columbia, at Stanford. Pinangalanan itong

“The Facebook” at doon na ginawa nila Mark Zuckerberg, Dustin Moskovitz, Chris

Hughes, at Eduardo Saverin ang opisyal na site na “thefacebook.com”. Inilabas nila ito

noong Pebrero 2004.

Sa ika-Setyembre ng 2005, doon na naging “Facebook” ang pangalan nito at hindi “The

Facebook”. Sa taon din na ito nabuo ang konsepto nang pag tag ng ibang tao sa iyong

mga sulatin o litrato. Sa taon naman na 2006, ang Facebook ay pwede na magamit nang

kahit sinuman na 13 taong gulang. Dito na rin dumami ang mga tao na ginamit ang

Facebook para sa kanilang negosyo. Mula dito, patuloy na nagprogreso ang kasikatan ng

Facebook, dumami na rin ang mga bagong features nito, at mas lumago na ang kanilang

kumpanya.
III. Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito na may paksang “Epekto ng paggamit ng Facebook App” sa mga

mag-aaral ng STEM Baitang 11 sa OLFU ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na

suliranin:

1. Ano ang disadbentahe at adbentahe ng paggamit ng Facebook App?

2. Ano ang posibleng epekto ng paggamit ng Facebook App sa mga mag-aaral ng

STEM Baitang 11 sa OLFU?

3. Paano nakakaapekto sa social life ng mga mag-aaral ng STEM Baitang 11 sa

OLFU ang paggamit ng facebook?

4. Paano nakakaapekto sa pang araw-araw ang paggamit ng Facebook App sa mga

mag-aaral ng STEM Baitang 11 sa OLFU?

5. Paano nakakaapekto sa kalusugang pangkaisipan ang paggamit ng Facebook

App sa mga mag-aaral ng STEM Baitang 11 sa OLFU?

IV. Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang malaman ang mga “Epekto ng paggamit ng

Facebook App sa mga mag-aaral ng STEM Baitang 11 sa OLFU”

Ang ilan pang mga layunin ay ang mga sumusunod:

1. Mabatid sa mga tao ang iba’t ibang pangyayari na maaaring mangyari

dahil sa facebook.

2. Matukoy ang iba’t ibang epekto ng paggamit ng facebook.


3. Malaman kung sa anong paraan ginagamit ng mga estudyante ang

facebook.

4. Maipakita ang iba’t ibang isyu sa facebook.

V. Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang pagsasaliksik na ito ay naglalayon na malinawan at maunawaan ng mga mag aaral sa

OLFU ang epekto ng facebook.

Iba pang tiyak na kahalagahan ng pag aaral na ito ay ang mga sumusunod:

1. Sa pag aaral na ito ay magkakaroon ng kalinawan ang mga mag aaral ng OLFU sa

tama at responsableng paggamit ng facebook.

2. Maibahagi ang pananaw at damdamin ng mga estudyante sa mga ganoong

pangyayari.

3. Maipahayag ang importansya ng pagkontrol ng paggamit ng facebook.

4. Mapalawak ang kaalaman at matulungan ang mga susunod na mananaliksik na

magtatalakay ng paksa na ito.

VI. Batayang Konseptwal o Paradigma (paradigm)


Figura 1: Paradigma ng Pag-aaral

VII. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay ang mga estudyante sa Our Lady of Fatima University

sa Antipolo, Rizal na siyang tutugon sa sarbey at kwestyuner na naisagawa. Pumili kami

ng 36 na respondente na manggagaling sa ika- 11 na baitang na nakapaloob sa strand na

STEM. Mahahati ito base sakanilang seksyon. 18 na estudyante mula sa STEM Regular

at 18 din na estudyante naman sa STEM Plus.

VIII. Depinisyon o Kahulugan ng mga Terminolohiyang Ginamit

Ang mga sumusunod ay mga terminolohiyang ginamit ng mga mananaliksik sa pagaaral

● Senior High School - Ang huling dalawang taon sa sekondarya.


● Respondente - mga mag sasagot ng sarbey at kwestyuner na nagawa.

● STEM - Science, Technology, Engineering and Mathematics

● Strand - Napiling kurso para sa dalawang taon sa sekondarya

● Facebook- isang libreng social network na nagbibigay-daan sa mga gumagamit

na magkaugnay na makipag-ugnay at magbahagi ng nilalaman sa internet.

● Online - elektronikong aparato na nakakonekta sa iba pang mga aparato

● Social Media - teknolohiya na nagpapadali sa pagbabahagi ng mga ideya,

kaisipan, at impormasyon.

● Social Networking Site / Social Media Platforms - isang plataporma online na

kung saan ang mga gumagamit ay pwedeng gumawa ng sariling akawnt at

makihalubilo sa iba pang gumagamit.

● Cellphone - Telepono na walang kurdon na gumagamit ng mga selular na

serbisyo.

You might also like