You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

Department of Education

Region IV-A CALABARZON

City Schools Division of Bacoor

SHS IN SAN NICHOLAS III, BACOOR CITY

San Nicholas III, City of Bacoor, Cavite

Ipinasa ni: Jay Mark L. Camaña

Gas 12 – C

Piling Larang

Ipinasa kay: Ginoong Armando Guerrero Cacdac

Title:

“Mga Positibo at Negatibong Epekto ng Social


Media sa Mag aaral ng Gas 12 – C”
KABANATA 1

Introduksyon

Panimula

Sobrang daming sites sa internet ang madalas na nagagamit ng mga


kabataan lalo na ang mga mag aaral. Kabilang rito ang facebook, instagram,
twitter, tublr at mga tanyag na laro tulad ng PUBG, RoS, Clash of Clans, Mobile
Legends at marami pang ibang laro. Sa isang pindot lamang ay maari mo ng
malaro o maging isa sa mga lahat ng ito. Maraming kabataan na ginagawa ang
social media o ang mga social networking sites na ito bilang libangan. Pero ano
nga ba ang mga negatibo at positibong epekto ng mga social media o mga laro sa
mga kabataan sa panahon ngayon? Unang bagay na dito ay pagiging tamad ng
mga kabataan sa pag – aaral dahil sa mga sites na mayroon ay nahahati ang
kanilang atensyon. May pag kakataon pa na hindi sumisipot o pumupunta sa klase
ang mga mag aaral para lamang makapag laro ng mga online games na kanilang
kinabibilangan. Pangalawang bagay ay nagiging brutal ang pag iisip ng mga
kabataan dahil sa mga larong ito o ang mas masama ay ginagaya nila ang larong
kina-kaadikan nila at sa sobrang ganda at sobrang lakas ng teknolohiya ng social
media ay nag kakaroon tayo ng mga maling impormasyon na nakukuwa naten sa
mga social networking sites. Ang kagandahan naman ay nagagamit ito sa paaralan
at mas napapabilis ang pag gawa ng mga kabataan sa asignatura nila at mga
proyekto ng walang kahirap hirap, dahil isang pindot mo lamang sa isang link ay
marami ng kasagutan sa iyong katanungan.
Pangkalahatang Layunin

Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang epekto sa

pag-aaral ng pagsali sa mga social networking sites ng mga mag-aaral ng CBNHS

GAS 12 – C.

Tiyak na layunin ng pananaliksik na ito ang ang mga sumusunod:

1. Matukoy ang mga social networking sites na ginagamit ng mga mag-

aaral.

2. Maisa-isa ang mga epekto ng paggamit ng social networking sites sa

pag-aaral ng mga mag-aaral.

3. Makapagbigay ng mga dapat isaalang-alang sa paglahok/pagsali sa mga

social networking sites.

Balangkas na Teoretikal

Ang pag aaral na ito ay inihalintulad sa isang mananaliksik na nag


ngangalan ng Resident Patriot sa kanyang artikulo na aking nabasa ay ang Social
Media at ang Modernong Pilipino na nag sasaad ng mga naging epekto sakanya
ng social media at sa iba pang mga tao. Nakasaad dito ang social media ay isang
daan o tulay na maaring mag kabit o mag dugtong sa ating naka raan,
kasalukuyan at hinaharap na kaisipan o sitwasyon.

Ang pag aaral na ito ay masasabing mabigat o kritikal sapagkat malaki ang
sampal o impak sa kaisipan at pamumuhay ng isang istudyante sa social media.
Nais ng mananaliksik na mapag aralan kung pano nga ba ito nakakaapekto sa
pamumuhay at pag aaral CBNHS at kung ano ang kahalagahan nito.
Paradima ng Pag aaral

INPUT PROCESS
Mga uri ng social media. Pagsasarbey ukol sa nasabing input
1. Facebook Pag sasama sama ng mga tala ng
2. Instagram nakuhang sagot sa sarbey
3. Tumblr
4. Twitter Pag aanalisa ng mga kasagutan

OUTPUT

Pamumuhay ng mga mag aaral:

1. Pag aaral
2. Grado

Layunin ng Pag – aaral


Nais ng mananaliksik na matuklasan kung naapektuhan ng social media o
social network ang pamumuhay ng mga mag aaral ng Cavite of Bacoor National
High School of San Nicholas III. Isinasagawa ang pag aaral na ito upang malaman
kung malaki ang epekto ng social media sa pamumuhay ng mga mag aaral
CBNHS.

Paglalahad ng Suliranin

1. Ano ang maaring epekto sa pamumuhay ng mga mag aaral ang mga iba’t
ibang uri ng social media gaya ng mga sumusunod:
a. Instagram
b. Facebook
c. Twitter
d. Tumblr
2. Paano nakakaapekto ang pag gamit ng social media sa pag aaral ng mga
mag aaral?
3. Meron bang kahalagahan ang pagiging aktibo sa social media sa pang
araw araw na aktibidad ng isang istudyante?

Kahulugan ng Katawagan

Facebook. Ayon kay Josie Myers (www.wisegeek.com, 2011), ang Facebook ay

isang social networking site na ang pangunahing layunin ay ang pag-ugnayin ang

mga magkakaibigan at magkakapamilya. Ito ang pinakamalaking social networking

site sa kasalukuyan.

Social Networking Sites. Ayon kina Boyd at Ellison (www.gartner.com,

2007), ang social networking sites ay mga serbisyong pampubliko na nagrerehistro

ng nakapaloob sa isang system at kung saan makikita ang profile ng mga indibidwal

na kasama rin sa kaparehong system.

Tumblr. Ayon kay Jonathan Jarc (www.trendingeducation.com ,2011), ang tumblr

ay isang “microblogging platform” na pinapahintulutan ang mga gumagamit na


magpahayag ng kanilang teksto, imahe, bidyo, link, kasabihan at mga audio sa

kanilang “tumblelog”, na isang short-form blog. Ang mga gumagamit ay puwedeng

“i-follow” ang iba pang mga gumagamit o gawing pribado ang kanilang

“tumblelog.” Madali itong gamitin at puwede ditong pagsamahin ang iyong

Facebook at Twitter

Twitter. Ayon sa www.tweeternet.com, ang Twitter ay isang social networking at

microblogging service site na pinapayagan kang sagutin ang tanong ng “Ano ang

iyong ginagawa?” (“What are you doing?”) gamit lamang ang maiikling mensahe

na 140 karakter ang haba, o “tweets” sa iyong mga kaibigan, o “followers.”

Haypotesis

Merong natutulong at positibo ang social media sa buhay ng mga mag aaral ng
CBNHS City of Bacoor National High School

Saklaw at Limitasyon

Ang pag aaral na ito ay mahalaga dahil sa pamamagitan nito, malalaman


nating laki o impak ng naidudulot ng social media sa mga mag aaral ng CBNHS
Cavite of Bacoor National High School.

May bilang na limampung (50) mag aaral ng CBNHS City of Bacoor


National High School ang mga naging tagatugon sa pananaliksik o pag aaral na
ito.

Aalamin ng mga mananaliksik kung gano kadalas ang pag gamit ng mga
mag aaral ng social media, kung meron nga bang kahalagahan o importansya ba
sa kanila ang mga ito, at kung ano ang mga epekto nito sa pamumuhay ng mga
mag aaral, negatibo man o positibo.

KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG AARAL AT LITERATURA


Kaugnay na Literatura

Mula sa Wikipedia, ang social media ay isang strakturang sosyal na gawa


sa mga nodes o sa madaling salita ay mga indibidwal na konektado ng isa o
maraming tema tulad ng kaugalian, ideya, pagkakaibigan, hilig at sekswal na
relasyon.

Hindi natin maitatangi na patuloy na lumalawak ang mundo ng social


media, lahat tayo ay kailangan ito hindi lamang bilang pakikipag kapwa kundi
pati na rin sa ating pag aaral. Sa totoo lamang, patuloy amg pagdami ng mga
estudyanteng mayroong social media accounts.

Rebyu ng mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang kabanatang ito ng pananaliksik ay pagsasaad ng mga literatura at pag-


aaral na maykinalaman sa kasalukuyang isinasakatuparang saliksik.

Ang mga importanteng konsepto


ayinilalahad sa sistematikong pamamaraan at ang mga synopsis ng mga nabasa
ng mananaliksik angbatayan.

Positibo at Negatibong Epekto ng Social Media sa Lipunan

Sinulat ni Ali Kingston Mwila (2013) na ang social media sa estudyante at ekspe
rto ay nakababahagi at nakakapagunay sa kapareho nilang hilig atmaka
pag lagay ng sa loobin in at opinyon sa mga isyu, isa pang positibong epekto
ng social media sites ay mapagisaang mga tao at makamit ang kanyang nais.
Ang pagkahumaling sa social media ay isa sa negatibong epekto nito. Pag kawala
sa atensyon at pokus sa isang partikular na gawain ay ang pag paggugol ng labis
na oras at sa pag gamit nito. Nakabase ang mga estudyante sa teknolokiya at
internet imbis na sa normal napag katuto tulad ng pagsisiyasat sa mga libro at iba
pang reprensiya.

Epekto ng Social Media sa Buhay ng Estudyante


Batay kay Abishkek Karadkar manunulat ng technician online (2015) na
mayroong mga rason ang mga mag aaral sa kung bakit sila nag gugugol ng oras sa
mga social media. Nakakasalamuha sila ng mga bagong tao sa iba’t ibang lugar sa
buong panig ng mundo at maari silang gumamit ng (fake accounts) o sa madaling
sabi ay hindi totoong mga impormasyon ng totoong pag ka tao nila.

Ang pag ka adik sa social media ay hindi magandang pag uugali o


katauhan. Ang mga estudyante na nag lalaan ng sobrang oras dito ay
napapabayaan ang kanilang pag aaral at ang mas malala pa dito ay nag liliban na
sila ng klase para lang makipag usap sa kanilang mga kaibigan sa internet at
kumalap ng impormasyon na di naman totoo (hindi nilalahat ang impormasyon ay
hindi totoo). Hindi nila ginagamit ang internet para sa mga bagong katuklasan at
dag dag kaalaman.

Ang Social Media sa mga Bata

Nakasaad sa Philippines Star News Paper (2017) ang teknolohiya ay may


malaking ambag sa mundo at may malaking epekto sa pag iisip ang social media
sa mga kabataan. Ang social media sa mga bata ay madalas nakakasama dahil
nasasanay sila na ganto ang kanilang ginagawa sa pang araw araw, kahit sabihin
pang sila ay pinanganak sa taon kung kailan umusbong ang internet at social
media ay hindi parin maganda na maging kasanayan ito at ugalin ng mga
kabataan.

Ang pag subok sa mga estudyanteng kolehiyo ng pag iidolo sa social media
facebook etc.

Ang madalas na gamiting social media ng mga estudyante ay facebook. Ito


ay ginagamit nila upang mag tatag ng komonikasyon sa kanilang mga kaibigan at
sa personal na buhay. Maiilabas nila ang kanilang tunay na pag ka tao at pag
uugali.

Epekto ng Social Networking Sites


Nakasaad sa impormasyong nakalap ni Mark Bamba (2013) sa kanyamg
pag aaral ng epekto ng social networking sites ng mga mag aaral. Madami sa mga
mag aaral ang nag sasabing nakakatulong ito upang mailathala at mapahayag nila
ang sarili nilang saloobin o opinyon at pakikihalubilo sa kanilang mga kaibigan o
kamag anak. Nakasaad rin dito ang pag kahumaling sa mga social networking
sites ay nakakatulong upang tumaas ang antas ng kaalaman sa pag aaral dahil sa
mga impormasyong nakukuha sa mga sites. Mas binibigyan ng oras ng mga mag
aaral ang pag aaral kaysa sa pag gamit ng social media networking sites.
Samakatuwid ang pag gamit ng mga social networking sites ay may mabuting
naidudulot.

Kaugnay na Pag-aaral

Ayon kay Young(1996), ang dependent ay gumugugol ng 39 oras sa

Internet para sa sosyal na pakikipag-usap at pakikihalubilo. Samantala,

ang independent naman ay kumokonsumo ng 5 oras para sa netsurfing o e-

mail lamang. Kadalasan ay ang mga malungkot, binubukod, o walang kakahayan

sa larangang sosyal ang apektado ng adiksyong ito. Marahil ito ang nagbibigay ng

kung anong wala sila sa totoong buhay. Sa mga nasabi ni Young, makikita pa rin

na mas mahina itong adiksyon na ito kung ikukumpara sa mga lasenggo o durugista.

Ayon kay Kraut at kanyang mga kasamahan (1998), sa isang longitudinal

na pag-aaral sa 73 pamilya, nalaman nila na ang paggamit ng Internet ay may

kinalaman sa pagtaas ng depresyon at pagdalang sa ugnayan sa mga kaibigan at

pamilya.

Isang sarbey ang ginawa ni Keith J. Anderson, Ph.D. sa 13,000 mag-aaral

sa kolehiyo sa walong akademikong institusyon. Ito ay tungkol sa paggamit

ng Internet upang makilala kung paano nito naaapektuhan ang pakikihalubilo at

ang akademikong pamumuhay. Lumabas na ang tipikal na gumagamit


ng Internet ay kumokonsumo ng 100 minuto bawat araw at ang maliit na grupong

ito ang nagsasabing ang Internet ay humahadlang sa ilang aspeto ng kanilang

buhay. “America, kilalanin natin ang mundo ng MySpace ”.(Frauenhelm, 2007) Ito

ang sinabi ni Ed Frauenhelm sa kanyang artikulong Social Revolution. Sinabi niya

na ang SN ay unti-unting sinasakop ang iba’t ibang aspeto ng ating pamumuhay at

isa na dito ang sa kalakaran .Ito ay sa ikabubuti at para sa ikasasama nito. Sa

karagdagan, ang pagkakaroon ng di pagkakakilanlan sa Internet ay nagbibigay sa

mga mag-aaral ng seguridad at hindi mapanganib na oportunidad sa pagkakaroon

ng relasyon sa Internet (Anderson).

Sa kabila ng mga suliranin sa paglaganap ng social networking, may mga

mabubuting epekto ito. Sa artikulo, sinabi na ang mga ito ay nakakatulong sa mga

kumpanya na pagbutihin ang “organisasyong impormal” na tumutukoy sa mga

hindi opisyal na channels ng komunikasyon at kolaborasyon na may malaking

kontribusyon sa bisa ng isang kumpanya. Sa karagdagan, ito ay ginagamit upang

makakuha ng mga magagaling na aplikante sa isang trabaho. Ito rin ay

nakakapabuti ng pagtuturo at pagpupursige sa mga empleyado at pagkakaroon ng

magandang relasyon sa pagitan ng kumpanya at mga dating empleyado nito.

Ayon sa artikulo ni David Holmes sa librong Virtual Politics: Identity and

Community in Cyberspace(1997), sinasabi na may malaking kahalagahan ang mga

kapalit o katumbas ng paglalabas ng ating kakilanlan sa mga teknolohiya. “Ang

mga uri ng teknolohiyang ito ay nagbibigay ng malaking posibilidad na hindi tayo

‘mawawala’”(Holmes, 1997). Sa karagdagan, sinasabi na lubos nating

kinokonsumo ang ating oras makabalik sa ating pinagmulan at hinahanap kung

gaano natin kilala ang ating sarili . Dahil dito, nawawalan tayo ng kontrol sa pisikal,
mental, at emosyunal na mundo. Ito ay nababago sa paggamit ng mga kagamitang

komunikasyon.

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Ginamit sa pag aaral na ito ay palarawang pamamaraan o deskriptibong


pamamaraan. Ang pamamaraan na ito ay mabisa sa pag lalarawan sa kasalukyang
sitwasyon ng mga bagay (Williman 2002). Karaniwan itong ginagamit sa
pananaliksik ukol sa linggwistika.

1. Populasyon ng mga Tagatugon ng pananaliksik

Ang mga ginamit na tagatugon ay mga mag aaral mula sa CBNHS na


humigit kumulang limampung mag aaral ang sumagot sa sarvey at tumugon.
Dahilan na ang binuong glosaryong ito ay naka tuon sa mga epektong social
media sa pamumuhay ng mga maaral kaya ang mga napiling tagatugon ay mga
mag aaral na nag mula sa ibat ibang Senior High sa CBNHS.

2. Instrumento ng Pananaliksik

Isinagawa ng mananaliksik ang nga sumusunod na hakbang upang


maisakatuparan ang kasalukuyang pag aaral.

3. Disenyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay ginawa ayon sa pamaraang deskriptib na

pananaliksik. Ilalarawan ng pag-aaral na ito ang Epekto ng Paggamit ng Social

Networking Sites sa Pag-aaral ng mga mag-aaral sa Paaralan ng CBNHS Taong

Panuruan 2019-2020.
4. Pag kalap at pagbasa ng mga aklat at pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay naglikom at nagbasa ng mga aklat tungkol


sa mga riserts o pananaliksik sa wikang ingles at tagalog upang manalam ang
mga karaniwang terminong ginamit sa pananaliksik at mapalawak pa ang
porpus na maaring pag kunan ng glosaryo ng mga terminolohiya.

5. Pagbuo ng Talatanungan

Bumuo ng talatanungan ang mananaliksik batay sa limang uri ng


social media (facebook, instagram, twitter, snapchat at tumblr) na maaring
mayroong epekto sa pamumuhay ng mag aaral ng CBNHS. Ang talatanungan
ay isang talahanayan ng limang uri ng social media kasama ang opsiyon sa
pag lalarawan ng kasagutan. Bahagi ng pag sagot ang pag lagay ng tsek sa
bawat katanungan sa limang uri ng social media at maaring epekto nito sa pag
aaral.

6. Pagnuo ng Talatanungan Batay sa Limang Uri ng Social Media

Gumawa ng talatanungan ang mananaliksik sa kina papalooban ng


dalawampung katanungan na nakaugnat sa mga baryabol (facebook,
instagram, twitter, snapchat, tumblr).

Pumili ang mga tagatugon ng kanilang kasagutan sa panukatang


ibinigay ng mananliksik batay sa limang uri ng social media sa mga mag aaral
ng CBNHS.

7. Mga Hakbang sa Pag Aaral

Inilarawan ng pananaliksik na ito ang mabuti o masamang Epekto ng

Paggamit ng Social Networking Sites sa Pag-aaral ng mga mag-aaral sa Paaralan

ng CBNHS Taong Panuruan 2019-2020 mga kopya sa bawat seksyon sa

ikalawang taon. Binigyan sila ng pagkalkula ng datos, ginamit ang pormulang ito:
Gumamit ng mga talaan ang mga mananaliksik upang maging

organisado ang mga datos na nakalap

You might also like