You are on page 1of 19

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon IV-MIMAROPA

Dibisyon ng Puerto Princesa

SAN JOSE NATIONAL HIGH SCHOOL

Lomboy St., Brgy. San Jose, Lugsod ng Puerto Princesa, Palawan

“MGA RASON SA HINDI PAGSUNOD SA TAMANG GUPIT NG BUHOK NG MGA


ESTUDYANTENG LALAKI NG GRADE 11 HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES
BLOCK A NG SAN JOSE NATIONAL HIGH SCHOOL TAONG PANURUAN 2018-2019”

Bahagi ng Katuparan ng Proyekto sa

PAGBASA AT PAGSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Maxine P. Villano

11-HUMSS-A

Gng. Esther C. Puno

Guro

Marso 2019
Pamagatang Pahina

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na makapagbigay ng bagong impormasyon at

kaalaman sa mga estudyanteng lalaki na pinamagatang “MGA RASON SA HINDI PASUNOD

SA TAMANG GUPIT NG BUHOK NG MGA ESTUDYANTENG LALAKI NG GRADE 11

HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES BLOCK A NG SAN JOSE NATIONAL HIGH

SCHOOL TAONG PANURUAN 2018-2019”.

DAHON NG PAGPAPATIBAY
Ang pananaliksik na ito na pinamagatang

“Mga rason sa hindi pagsunod sa tamang gupit ng buhok ng mga estudyanteng lalaki ng Grade

11 Humanities and Social Scences block A ng San Jose National High School taong panuruan

2018-2019”

Ay inihanda ng mananaliksik mula sa partisipante ng ika-11 na baitang ng seksiyon Humaniies

and Social Sciences block A sa proyektong asignaturang Pagbasa at Pagsusuri.

Ang pananaliksik na ito ay tinanggap bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng

asignaturang Pagbasa at Pagsuri.

Pinagtibay ni:

Gng. Esther C. Puno


Guro sa Pananaliksik

PASASALAMAT
Sa pananaliksik na ito nais ng mananaliksik na magpasalamat unang-una sa ating Diyos na

siyang naggabay at nagbigay kaalaman sa bawat isa upang makakalap ng mga impormasyon

tungkol sa paksang napili at maayos na datos na nakalap. Pangalawa, sa aming guro na si Ma’am

Esther C. Puno na siyang nagturo at nagbigay ng proyektong ito upang sa ganun ay matuto kami

at masanay sa ganitong mga Gawain at para na rin maging handa sa aming darating na

pagkokolehiyo, at siya rin ang gumabay sa aming lahat sa pagsasagawa ng maayos na

pananaliksik at sa aking magulang na siyang gumabay at sumuporta sa akin sa pagbibigay

pinansiyal sa pagsasagawa ng aking pananaliksik at pang-apat sa mga partisipante na si Mokhtar

Titting at Rolando Mulato na naging daan upang matapos ang aking pananaliksik at para na rin

maging maayos ito at nagpapasalamat ako sa kanilang oras at kooperasyon na nilaan nila para sa

aking mga katanungan na nais masagot.

TALAAN NG NILALAMAN
PAMAGATANG PAHINA 1

DAHON NG PAGPAPATIBAY 2

PASASALAMAT O PAGPAPAKILALA 3

TALAAN NG NILALAMAN 4-5

KABANATA I

a. PANIMULA O INTRODUKSIYON 6
b. LAYUNIN SA PAG-AARAL 7
c. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL 8
d. SAKLAW AT LIMITASYON 8-9
e. DEPINISYON AT TERMINOLOHIYA 9

KABANATA II

a. KAUGNAY NA LITERATURA 10-11

KABANATA III

a. METODOLOHIYA 12

KABANATA IV

a. PARTISIPANTE NG SARVEY 12
b. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK 12

KABANATA V

a. LAGOM/BUOD 13
b. KONKLUSIYON 15
c. REKOMENDASYON 16

MGA PAHULING PAHINA

a. LISTAHAN NG SANGGUNIAN/BIBLIYOGRAPIYA 17
b. APENDIKS/DAHONG DAGDAG 18

KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

A. PANIMULA AT INTRODUKSYON
"Mga rason sa hindi pagsunod sa tamang gupit ng mga estudyanteng lalaki ng Grade-

11 Humanities and Social Sciences block- A ng San Jose National Highschool taong panuruan

2018-2019."

Ang paaralan ay may iba't ibang alituntunin, Patakaran, tungkulin at batas na dapat sundin ng

mga guro at estudyante na nagpapakita ng kanilang paggalang, pagiging responsable at

nagpapakita ng kagandahan ng isang paaralan. Isa na dito ay ang pagsunod sa tamang gupit ng

mga kalalakihan.

Ang pagsunod sa tamang gupit ng mga estudyanteng lalaki ay nagpapakita ng mabuting mag-

aaral, pagiging responsable at nagmumukang disenteng estudyante na nagpapakita ng pagiging

maginoo. Ngunit kaakibat nito ay marami pa ring mga estudyante ang iresponsable at hindi

sumusunod sa mga patakaran na pinapatupad ng paaralan at maraming estyudanteng lalaki ang

ayaw ang estelo ng gupit dahil mapangit tignan at dahil dito hindi sila pinapapasok ng mga blue

sa paaralan sapagkat sila ang inutusan ng nakakataas upang sawayin ang mga estyudanteng hindi

sumusunod.

B. LAYUNIN SA PAG-AARAL

Layuning malaman ng mananaliksik kung bakit hindi sumusunod sa tamang gupit ang

mga lalaki ng Grade-11 Humanities and Social Sciences block-A ng San Jose National
Highschool taong panuruan 2018-2019 at nais malaman ng mananaliksik ang kanilang mga iba't

ibang rason at kung ang papagupit ba ng buhok ng may epekto ba sa kanilang pag-aaral.

* Anung masasabi mo sa patakaran ng haircut policy?

* Sangaayon ka ba sa patakaran na ito? at bakit?

* Bakit minsan hindi nyo sinusunod ang patakaran na ito?

* Ang batas ba ng paaralan sa pagpapagupit ng bahok ay nakakatulong ba sa inyong

pag-aaral?

* Anu ano ang masasabi mo sa patakaran na ito?

C. KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL

Ang resulta ng pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga sumusunod:


》 Sa mga estudyanteng lalaki

- Dahil sa pagsunod sa tamang gupit ng buhok ay nagpapakita ito ng pagiging

responsable ng isang estudyante at makakatulong ito upang hindi sila pagalitan ng kanilang mga

guro.

》 Sa mga guro

- Dahil dito hindi na sila mahirapan pang pilitin ang mga estudyanteng lalaki na

magpagupit ng kanilang buhok at isa na rin itong magiging gabay upang makatulong.

D. SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pinakapunto ng pananaliksik na ito ay ang mga estudyanteng lalaki ng Grade-11

Humanities and Social Sciences block- A taong panuruan 2018-2019 sa hindi pagsunod sa

tamang gupit ng buhok na pinapatupad ng paaralan. Ito ang aking napiling gagawing pag-aaral .

May mga katanungan sa aking isipan na hindi pa nasasagot na tanging mga lalaking estudyante

laman ang maaaraing makasagot. kung anu ba ang masasabi nila sa patakaran na ito? sangayon

8
ba sila sa patakaran na ito? bakit minsan hindi nila sinusunod ang mga patakaran ng paaralan at

kung ang batas ba ng paaralan sa pagpapagupit ng buhok ay nakakatulong ba sa kanilang pag-

aaral at anu ano ang masasabi nila sa patakaran na ito?.


D. DEPINISYON AT TERMINOLOHIYA

Sa pananaliksik na ito mga salitang madalas gamitin upang mas maunawaan ang

paglalahad ng mga impormasyon.

Mag-aaral o estudyante - Ay siyang taong nag-aaral at maaring bihasa sa talino at tinuturuan ng

mga guro na mag-aral at makadiskubre ng mga bagay.

Patakaran - ay ang mga alituntunin na dapat sundin. Ito ay set ng batas na may karaniwang may

karampatang parusa kapag nilabag. Ang patakaran ay ipinapatupad ng nakatataas na grupo ng tao

tulad ng pamahalaan, administrasyon ng isang kumpanya o kahit ang mga magulang sa kani-

kanilang mga tahanan.

Responsable - ay ang pagkakaroon ng obligasyon na gawin ang isang bagay o pagkakaroon ng

kontrol o pangangalaga sa isang tao, bilang bahagi ng trabaho o tungkulin ng bawat tao.

Disente - ito ay ang maayos o mahinhin manamit.

Blue guard - sila yung mga guwardiya na nakasuot na blue na nagbabantay sa idang paaralan at

sila ang inuutusan ng mga nakakataas para suwayin ang mga estudyante.

9
KABANATA II: MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

A. Lokal

Ang hair cut policy o pagsunod sa tamang gupit ng buhok ng mga estudyanteng lalaki ay

nagpapakita ng kagandahan ng isang paaralan at pagiging maayos tignan ng mga kalalakihan


ngunit kaakibat nito maraming estudyanteng lalaki ang iresponsable at ayaw sundin ang haircut

policy.

Ayon kay John Cristian Valeroso naniniwala sya na maari pa rin makapagtamo ng

karangalan ang isang estudyante anuman ang hitsura ng buhok nito at importante sa lahat na

masipag mag-aral, may takot sa Diyos at wastong prayoridad ng isang estudyante, hindi na

kailangan usisain pa ang gupit ng buhok.

Ngunit nakasaad sa school rules and regulation ng ating paaralan na nabibilang sa

Disciplinary Action na ang pagpapagupit ng bawat mag-aaral na lalaki kapag kinakailangan na

itong gupitan, kalakip nito ay ang parusang ipapataw. Halimbawa , pwede silang hindi papasukin

sa loob ng paaralan. Gayunpaman, 11alaki rin ang naitutulong nito sa kalinisan ng bawat mag-

aaral, at ayon kay SpEd Head na si Mrs. Doris B. Mancao, napakaganda ang kalalabasan nito,

magiging kaayaayang tignan ang bawat mag-aaral na lalaki. Isa pa, maganda rin ito bilang isang

magandang halimbawa sa napakarami na siyang basehan upang sundin ng bawat estudyante.

10

Ang mga guwardiya ang nadidiin sapagkat sila ang nagpapatupad sa hair cut policy, sila

ang napapagbuntongan ng sama ng loob ng mga estudyante at nasasabihan ng mga hindi

magagandang salita. At ayon naman kay Demente Dingayon, hepe ng Security office ng

unibersidad, bagamat maraming hindi sumusunod sa mga paalala ng guwardiya, sinisikap pa rin

ng mga ito na ipaunawa sa mga estudyante ang bawat patakaran ng isang paaralan.
B. Dayuhan

Ayon sa Wikipedia na sinulat ni Anthony Colangelo noong Marso 10, 2018ng Politics

Victoria Education, ang mga empleyadong guro, tulad ng maraming ibang paaralan ng

kalalakihan sa estado, palaging nagpapadala ng mga estudyanteng hindi sa tamang ayos ang mga

buhok para magupitan sa oras ng klase, kaya naman ang mga magulang ay dapat na bayaran ang

paaralan sa ginastos nilang pagpapagupit. Si Dr. Michael Davies, isang dating empleyado ng St.

Kevins college, kung saan siya ang representante ng mga magagaling. Si Dr. Davies ay

nagpadala ng mga mag-aaral para mapagupitan tuwing oras ng pasok, noong nagtatrabaho siya

sa paaralan ng Toorak.

Isang guro na galing sa Melbourne, isa sa nangungunang pribadong paaralan ng mga

lalaki, ang siyang nagsalita tungkol sa kondisyon ng hindi pagkilala ang nagsabi ng ang proseso

ng pagpapagupit ng mga estudyanteng lalaki ay dapat na ituro bilang "disiplina"

11
KABANATA III: METODOLOHIYA

Sa kabanatang ito makikita ang nga paraang ginamit sa pangangalap at datos upang

mabigyan patotoo ang pananaliksik .

A. DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang desinyo na isinagawa ng mananaliksik ay Datos kalidad dahil tanging mga

saloobin lamang ng mga estudyanteng lalaki ang nais makuha tungkol sa mga rason sa hindi

pagsunod ng mga estudyanteng lalaki sa tamang gupit ng isang paaralan. Upang makakuha ng

impormasyo at datos gumamit ang mananaliksik ng one on one interview.

B. URI NG DESINYO O PAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang desinyo ng pag-aaral o pananaliksik ay panayam o interview dahil naaangkop ito sa

mga estudyanteng lalaki na hindi sumusunod sa tamang gupit na pinapatupad ng paaralan. Sa

pananaliksik na ito nais malaman ng mananaliksik ang mga rason ng mga estudyanteng lalaki at

ang mga kanilang saloobin.

Ang paraan ng pagkuha ng.mga datos o impormasyon para sa pananaliksik ukol sa mga

rason sa hindi pagsunod sa tamang gupit ng mga estudyanteng lalaki ng Grade-11 Humanities

and Social Sciences block-A ng San Jose National Highschool taong panuruan 2018-2019. Ayon

sa paraan ng katanungan upang malaman at matuklasan ang mga kasagutan at opinion para sa

gagawing pananaliksik.

12

KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

A. PARTISIPANTE NG SARVEY
Ang bilang ng aking ininerview a tatlo ito ay sila Mokthar Titing at Rolando Mulato, sila ay

kabilang sa mga estudyanteng lalaki na hindi sumusunod sa tamang gupit ng buhok na

ipinatupad ng paaralan. Sila ang nais kung tanungin sa kanilang mga rason at saloobin.

B. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Sa pamamagitan ng one on one interview isinagawa ng mananaliksik ang pananaliksik na

ito, at nangalap ng impormasyon sa internet at kinuha ang mga reperens nito at ang author sa

kinuhaang cite upang hindi makasuhan ng plagirisms at para maging makatotohan ang ang

ginawang pananaliksik at gumamit ang mananaliksik ng camera at audio record sa

pagpapanayam.

13

KABANATA V: BOUD, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

A. LAGOM/ BOUD
Ang pananaliksik na ito ay tanging datos kalidad lamang an ginamit dahil hindi gumamit

ang manaanaliksik ng bilang o numero sa pagkalap ng mga impormasyon, tanging mga saloobin

lamang ang nais kung malaman at makuha, patungkol sa kanilang mga rason sa hindi pagsunod

sa tamang gupit ng buhok ng mga estudyanteng lalaki .Sa dalawang napili na partisipante ng

mananaliksik halus magkapareho lamang ang kanilang mga naging sagot at mga nabigay na

impormasyon. Base sa nakuhang impomasyon ng mananaliksik, sangayon naman sila sa

patakaran ng haircut policy dahil ito naman talaga ang dapat at kailangan sundin at nagpapakita

ito ng pagiging responsible at para na rin sa kanilang ikakabuti ngunit sa impormasyon na kanila

pang naibigay ay minsan hindi nila sinusunod ang patakaran ng haircut policy dahil sabi nila

hindi magandang tignan sa kanila ang gupit ng buhok na pinatupad at kapag sinusunod nila ito ay

may problema silang nararanasan tulad ng pambubully dahil pangit daw tignan .

KONKLUSYON

Ang pagpapagupit ng buhok ay nakadepende sa kagustuhan ng isang tao, lalo sa mga laaki

pero marami ang mga napipilitang sumunod sa patakaran lalo na sa mga estudyanteng lalaki,

dahil ditto ay mahigpit na ipinapatupad sa mga paaralan.

Ayon sa aking panayam sa piling mag-aaral ang pagpapagupit ng buhok ay nagpapakita ng

Disiplina sa sarili at tanda ng paggalang o pagsunod sa patakaran ng paaralan. Marami ang

napipilitang sumunod sa patakarang ng paaralan dahil ang gusto nilang sundin ay ang gupit na

“uso” o naayon sa panahon . Kaya naman ang mga estudyante na sumusunod sa patakaran ng

paaralan sa tamang paggupit ng buhok ay dapat na tularan.

REKOMENDASYON
Bilang isang estudyante, mas magandang tignan sa isang lalaki ay may maayos at

tamang gupit ng buhok. Nakakatulong ito upang maging presentable silang tignan at

nakakadagdag ito sa kanilang kompyansa sa sarili kaya naman dapat panatilihin ng mga

estudyante ang pagkakaroon ng maayos na gupit ng buhok.

MGA PAHULING PAHINA

LISTAHAN NG SANGGUNIAN/ BIBLIYOGRAPIYA

APENDIKS/ DAHONG DAGDAG

APENDIKS A
16

APENDIKS B
17

APENDIKS C
18

APENDIKS D

You might also like