You are on page 1of 9

Mga Dahilan sa Labis

at Madalas na
Pagsusuot ng
Di- tamang Uniporme
ng mga Mag-aaral sa
Ikalabing isang
Baitang ng Angeles
City Senior High
School at Epekto Nito
sa Kanilang Paaralan
I. Introduksiyon
Ang pagsusuot ng hindi tamang uniporme ng mga mag- aaral sa ikalabing isang
baitang ay isa sa mga suliranin ng paaralan ng Angeles City Senior High School. Noong
umpisa ng klase, makikita sa paaralan ng Angeles City Senior High School na ang mga
mag-aaral sa ikalabing isang baitang ay nakasuot ng tamang uniporme ngunit habang
tumatagal ang panahon ang mga mag-aaral ay unti-unti nang nagsusuot ng hindi tamang
uniporme. Makikita na ang mga mag-aaral ay nakasuot na ng mga damit na may
disenyo, leggings sa mga babae, masisikip na pantalon, maong na pantalon, sandals, at
iba't ibang kulay ng sapatos. Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi niya noong
magbubukas pa lang ang klase noong june na balak niya sanang alisin ang uniporme ng
mga mag-aaral sa pampublikong paaralan upang bawasan ang gastusin ng mga magulang
ng mga mag-aaral ngunit maraming tumutol dahil kapag naka-uniporme daw ang mga
mag-aaral makikita sa kanila ang kaayusan. Ito ay hindi rin naipatupad dahil nakasaad sa
ilalim ng DepEd Order No. 46, Series of 2008 ang gabay sa kagandahan nang may
tamang uniporme kaya nanaig pa rin ang pagsusuot ng uniporme ng mga mag-aaral sa
pampublikong paaralan. Dahil sa marami ng mag-aaral ng Angeles City Senior High
School ang nagsusuot ng hindi tamang uniporme, ang ibang mag-aaral ay gumagaya na
rin at halos araw-araw ay ito ang ginagawa nila, ang pagsusuot ng hindi tamang
uniporme. Isinusuot ng mga mag-aaral kung ano ang gusto nila, isinasantabi nila ang
kahalagahan ng pagsusuot ng tamang uniporme kahit na pinagbabawalan na sila ng mga
guro na huwag nang magsuot ng hindi tamang uniporme. Ayon kina Mary Jane Santander
at Terry Vic Asobe, ang tamang pagsusuot ng uniporme ay isang mahalagang obligasyon
bilang isang estudyante bilang bahagi ng isang paaralan. Ito ay isa sa mga alituntunin ng isang
paaralan upang makilala ang isang institusyon. Maganda ring tingnan ang isang taong
nagsusuot ng uniporme, nagpapakita ito kung anong posisyon at anong klaseng tao ang
nagsusuot nito.

Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na maisagawa ang pananaliksik


tungkol sa isa sa suliranin ng paaralan, ang pagsusuot ng hindi tamang uniporme ng mga
mag-aaral sa ikalabing isang baitang ng Angeles City Senior High School. Sa ikalilinaw
ng pag-aaral, sinagot ng mananaliksik ang mga sumusunod na tiyak na katanungan:

1. Bakit karamihan sa mga mag-aaral ay nagsusuot ng hindi tamang uniporme?

2. Ano ang epekto ng pagsusuot ng hindi tamang uniporme ng mga mag-aaral sa


kanilang paaralan?

3. Gaano kadalas nagsusuot ng hindi tamang uniporme ang mga mag-aaral sa isang
linggo?
II. Katawan

Ang uniporme ay isang nakatakdang kasuotan na may kaugnayan sa isang trabaho o


gawain ng isang tao. Tulad na lamang ng isang guro, estudyante, at iba pang mga klase ng
trabaho. Ayon sa isang pananaliksik na aking nakita sa internet, ang uniporme ay sumasalamin
sa imahe ng isang paaralan. Ito ay nag papakita ng pagkakakilanlan. Ito ay mahalaga dahil ito ay
nag papakita ng isang organisadong paaralan. Dahil ito ay may malaking epekto sa imahe ng
ating paaralan, dapat nating gawing maayos at organisado ang ating sarili, at ito ay sa
pamamagitan ng pagtatakda ng isang Uniporme.

Naniniwala ang kasalukuyang mananaliksik na magiging kapaki-pakinabang sa mga


sumusunod na babanggitin:

 Sa mga mag- aaral


 Sa paaralan
 Sa mananaliksik

Mahalaga sa mananaliksik ang napiling paksa dahil makakatulong ang pag-aaral para narin sa
kapwa mga estudyante ng mga mananaliksik. Ito ay maaaring maging daan upang malaman ng
karamihan ang saloobin ng mga estudyante ukol sa pagususuot ng uniporme. Makakatulong ito
sa pagdagdag impormasyon sa kahalagahan ng pagsusuot ng isang uniporme sa unibersidad. Dito
makikita ang kabutihan at di kagandahang naidudulot ng pagsusuot ng uniporme. Mailalahad
dito ang mga epekto nito sa mga estudyante at pati narin sa katayuan ng paaralan na
nagpapatupad ng mga batas ukol sa pagsusuot ng uniporme.

Isinagawa ang pag-aaral sa mga mag-aaral sa Panuruang Taong 2017. Ang mga mag-
aaral ay nasa ikalabing isang baitang ng Angeles City Senior High School. Pumili lamang ako ng
mga mag-aaral sa aming paaralan kung sino ang hindi nakasuot ng hindi tamang uniporme at
sakanila naka-pokus ang aking pag-aaral. Ang pag-aaral ay nais sana na gawing saklaw ang
buong populasyon ng paaralan ng Angeles City Senior High School, ngunit dahil sa kakulangan
ng oras at sa kalakihan ng populasyon, hindi na maaaring gawin ng mga mananaliksik ang
kanilang ninanais.

Ang mga naging respondiyente sa pag- aaral na ito ay dalawapu't lima (25). Labing apat
(14) sa mga mag- aaral na ito ay mga kalalakihan at ang natitirang bilang na labing isa (11) ay
mga kababaihan. Ang edad ng mga mag-aaral na ito ay nasa labing lima (15) hanggang labing
walo (18). Isang (1) mag-aaral lamang ang may edad na labing lima (15), lima (5) sa labing anim
(16) at labing walo (18), at ang karamihan (14) sa mga mag- aaral ay may edad na labing pito
(17).

Ang pag- aaral na ito ay gumamit ng sarbey na naglalaman ng sampung katanungan


patungkol sa hindi pagsusuot ng tamang uniporme ng mga mag- aaral. Ipinamahagi ko ang mga
sarbey sa mga kapwa ko mag- aaral noong ika- dalwampu't tatlo (23) ng pebrero taong 2017 at
ginawa ko ito sa aming bakanteng oras upang hindi masayang ang pagkakataon. Kasama ko ang
aking mga kaibigan sa pamamahagi ng sarbey. Kung saan sila nagsa- sarbey ay doon din ako
nagsa- sarbey dahil ang aking cellphone ang ginagamit nilang pang- litrato. Upang hindi din
kami magkahiyaan habang nagsa- sarbey. Nagtulungan kami sa pakikipag- usap sa mga mag-
aaral kung pwede ba silang masarbey. Dahil sabay- sabay kaming nagsarbey ay sabay sabay din
kaming natapos. Pagkatapos naming mag- sarbey ay itinally na namin ang naging resulta ng
sarbey.

Sa aking sarbey, ang unang katanungan doon ay kung ano ang epekto ng pagsusuot ng
hindi tamang uniporme ng mga mag- aaral at karamihan (18) sa mga ito ay sumagot na
napapagalitan at nasisita sila ng mga guro, ito ang nag- rank 1 na sagot sa aking konklusyon. Sa
ikalawang katanungan, nakasaad doon kung gaano kadalas ang hindi pagsusuot ng mga mag-
aaral ng hindi tamang uniporme sa tuwing sila ay pumapasok sa paaralan at ang pinakamaraming
sagot (12) ay madalang lang silang nagsusuot ng hindi tamang uniporme, kapag kinakailangan
lamang. Ang tanong naman sa ikatlong numero ay bakit nagsusuot ng hindi tamang uniporme
ang mga mag- aaral, karamihan (16) sa kanilang mga dahilan ay marumi ang kanilang mga
uniporme at ito ang nag- rank 3 na sagot sa aking konklusiyon. Ano ang ginagawa ng iyong guro
sa tuwing ikaw ay nakikitang nakasuot ng hindi tamang uniporme, ito naman ang tanong sa
ikaapat na numero at ang sagot na pinakamarami (15) naman ay sinisita at pinapagalitan daw
sila, ang sagot na ito ay tumutugma sa sagot sa unang numero. Dumako naman tayo sa ikalimang
katanungan, dito itinanong ko kung ano sa kanilang palagay ang maaaring maging epekto ng
hindi nila pagsusuot ng tamang uniporme sa kanilang paaralan at ang sagot ng karamihan (14) ay
hindi napahahalagahan ang patakaran sa paaralan. Ang mga mag- aaral ay tama sa kanilang sagot
dahil ayon sa TeacherPH, ang pagsusuot ng uniporme ay naaayon sa polisiya ng Kagawaran ng
Edukasyon na sa katanggap-tanggap sa pagpasok sa paaralan. Subalit upang masiguro ang
pagkakakilanlan at ang kaligtasan ng mga ito laban sa mga tagalabas na maaring makapasok at
makahalubilo nila sa loob ng paaralan na maaring maglagay sa kanila sa alanganin, ineenganyo
ang pareparehas na pagsusuot ng uniporme ang mga mag-aaral kada araw na may pasok. Maaari
naman nilang gamitin ang kanilang pang P.E. sa araw na sila ay may iskedyul para dito sa buong
maghapong ilalagi nila sa paaralan para sa kanilang pang-akademikong klase. Sa kabilang banda,
ang ika-anim na katanungan ay kung ano ang maaaring maimungkahi ng mga mag- aaral ukol sa
uniporme ng paaralan, karamihan (20) sa mga sagot ay palitan ito ng bagong uniporme. Sa
ikapitong katanungan naman ay nakasaad kung bakit mas komportable ang mga mag- aaral na
nagsusuot ng hindi tamang uniporme, ang dahilan ng karamihan (14) ay hindi nila agad
nalalabhan ang kanilang mga uniporme. Ang tanong naman sa ikawalong numero ay ano ang
ginagawa ng mga mag- aaral kapag sila ay nasisita dahil sa suot nilang hindi tamang uniporme,
ang pinakamaraming sagot (18) ay binabalewala lang nila na siyang nag- rank 2 na sagot sa
aking konklusiyon. Ang pangsiyam na katanungan ay ano ang maaaring gawin ng mga mag-
aaral upang maiwasan nilang magsuot ng hindi tamang uniporme at ang sagot ng karamihan (14)
ay lalabhan nila ang kanilang uniporme pagkauwi nila sa kanilang bahay nang sa ganoon ay may
maisuot sila kinabukasan. Ang kukumpleto sa sarbey na isinagawa ko ay ang ikasampung
katanungan na may tanong na ilan ang uniiporme ng mga mag- aaral, at karamihan sa kanila (15)
ay mayroong tatlo o higit pang uniporme. Dito nagtatapos ang aking sarbey.
III. KONKLUSYON

Ayon sa mga mananaliksik na sina Castillo M., Cote G., Cruz J., Malabanan N.,
Sagun K., at Salayo J., batay sa kanilang papel na pananaliksik nakasaad sa kanilang
konklusyon na mas gusto ng mga estudyante sa isa sa unibersidad ng Pilipinas na UST,
kolehiyo ng komersiyo na magsuot ng kahit na anong gusto nila kaysa mag-uniporme hindi
lamang sa dahilan na sila’y makakagala pagkatapos ng klase. Kundi, may mga estudyante
na nakakapag-aral at nakakapag-isip ng maayos kapag sila ay nakasuot ng hindi tamang
uniporme. Nagiging mas komportable at nakakagalaw ng maayos ang mga estudyante
kapag sila’y nakasuot ng hindi tamang uniporme kaysa nakauniporme sa dahilan na ang
uniporme nila ay napakainit sa pakiramdam at ang paggalaw nila ay limitado lamang lalo
na sa mga babaeng komersiyo. Ngunit sa kabila ng mga kadahilanang iyan ang pagsuot
ng hindi tamang uniporme ay nakakadagdag ng gastusin sa pangaraw-araw ng isang
estudyante pati na rin sa kanilang mga magulang. Sapagkat mao-obliga kang bumili ng
damit upang hindi paulit-ulit ang damit na iyong isinusuot. At dagdag pa dito mas
nakakaramdam sila na isa silang mag-aaral ng UST kapag sila ay nakauniporme.

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, ang mga sumusunod na konklusyon ay nabuo:

1) Ang epekto ng hindi pagsusuot ng tamang uniporme sa karamihan sa mga mag-


aaral ay napapagalitan at nasisita sila sa mga guro.
2) Karamihan sa mga mag-aaral ay binabalewala kapag sila ay sinisita dahil sa
kanilang suot na hindi tamang uniporme.
3) Karamihan sa mga dahilan ng mga mag-aaral kung bakit sila nagsusuot ng hindi
tamang uniporme ay marumi ang kanilang mga uniporme.

Batay sa mga naturang konklusyon iminumungkahi ng mananaliksik ang mga


sumusunod na gawain.

1) Dapat isuot ng mga mag-aaral ang nararapat na uniporme sa kanilang paaralan


upang hindi na sila muling mapagalitan at masita ng mga guro.
2) Nararapat na humingi ng paumanhin at mangakong hindi na muling magsusuot ng
hindi tamang uniporme ang mga mag-aaral upang hindi sila masita.
3) Kailangan labhan ng mga mag-aaral ang kanilang mga uniporme pagkauwi nila sa
kanilang bahay upang mayroon silang maisuot kinabukasan sa kanilang pagpasok
sa paaralan.
Bibliyograpiya

Asobe, T. & Santander M. (2008, October 13).

Ang Tamang Pagsuot ng Uniporme. galing sa

http://blockiiastudz.blogspot.com/2008/10/ang-tamang-pagsuot-ng-uniporme-

nina.html?m=1

Castillo, M. (2010, March 23).

Papel Pananaliksik. galing sa http://1emidcommerce.blogspot.com/2010/03/b-

kongklusyon.html?m=0

Estacio D. (2016, May 24) Uniporme ng mga bata sa public school, huwag alisin. Pilipino Star

Ngayon, p. 10

Garcia, D. (2008, March 17).

Uniporme sa Isang Unibersidad. galing sa

http://www.google.com/m?hl=en&source=android-browser-

type&q=uniporme+sa+isang+unibersidad

Llego, M. (2015, May 04).

School Rules and Regulation Agreement with the Parents. galing sa

https://www.teacherph.com/school-rules-regulation-agreement-parents/
Pangalan(Opsiyonal): Baitang/ Seksiyon:
Edad: Kasarian: Babae Lalaki
Mga Katanungan Tungkol sa Labis at Madalas na Pagsusuot ng Di- tamang Uniporme ng mga
Mag-aaral sa Ikalabing isang Baitang ng Angeles City Senior High School at Epekto Nito sa
Kanilang Paaralan
Panuto: Lagyan ng tsek(√) ang napiling pinakamalapit na sagot sa bawat tanong.
1. Ano ang epekto ng hindi mo pagsusuot ng tamang uniporme?
Napapagalitan at nasisita Hindi ako pinapapasok sa paaralan
Sinusulat ang aking pangalan sa logbook ng guard
2. Gaano kadalas ang hindi mo pagsusuot ng tamang uniporme sa paaralan?
Isang beses sa isang linggo Araw- araw
Madalang lang, kapag kinakailangan
3. Bakit ka nagsusuot ng hindi tamang uniporme?
Marumi ang aking uniporme Nakikiuso lang Hindi ko gusto ang uniporme ng paaralan
4. Ano ang ginagawa ng iyong guro sa tuwing ikaw ay nakikitang nakasuot ng hindi tamang uniporme?
Sinisita at pinapagalitan Kinukuha ang aking I. D. Wala, hinahayaan lang ako
5. Sa iyong palagay, ano ang epekto ng hindi mo pagsusuot ng tamang uniporme sa iyong paaralan?
Kawalan ng respeto sa paaralan Hindi nakikilala ang paaralan
Hindi napahahalagahan ang patakaran sa paaralan
6. Ano ang maaari mong maimungkahi ukol sa uniporme ng iyong paaralan?
Palitan ito ng bagong uniporme
Hayaan na lang ang mga mag- aaral na isuot ang gusto nila
Huwag nang palitan ang kasalukuyang uniporme
7. Bakit mas komportable kang nagsusuot ng hindi tamang uniporme?
Dahil karamihan sa mga mag- aaral ay nagsusuot nito
Dahil hindi bagay sa akin ang uniporme ng paaralan
Dahil hindi ko agad nalalabhan ang aking uniporme
8. Ano ang iyong ginagawa kapag ikaw ay nasisita dahil sa suot mong hindi tamang uniporme?
Humihingi ng paumanhin
Nangangako na magsusuot na sa susunod ng tamang uniporme
Binabalewala lang
9. Ano ang maaari mong gawin upang maiwasan mong magsuot ng hindi tamang uniporme?
Lalabahan ko ang aking uniporme pagkauwi sa bahay
Hindi gagayahin ang ibang mag- aaral na nagsusuot ng hindi tamang uniporme
Huwag intindihin kung hindi mo bagay ang iyong uniporme
10. Ilan ang iyong uniporme?
Isa lang Dalawa Tatlo o higit pa

You might also like