You are on page 1of 11

DIVINE WORD HIGH SCHOOL DANA ILI

KAGAWARAN NG FILIPINO
Antas sekondarya- Panuruang ingles
Divine Word High School Dana Ili
Dana Ili Abulug Cagayan
“Hindi wastong pagsuot ng uniporme ng
mga mag aaral”
Sinaliksik para kay
Bb. Mary Joyce Agno
Guro sa Filipino

Sinaliksik nila:
Arnie Daquioag
Armando Telan
Babylyn Fronda
Kyla Agamata
Erick Manguba
DIVINE WORD HIGH SCHOOL DANA-ILI

PASASALAMAT
Ako ay taos pusong nagpapasalamat sa mga sumusunod na
mga indibidwal na siyang tumutulong at umudyok sa amin
upang matapos itong pamanahong papel na ito:
-Kay Bb. Mary Joyce Agno, ang aming kagalang galang na guro
sa assignaturang Filipino at ang aming butihing pangalawang ina
bilang tagapayo ng aming pangkat.
- Sa mga mag aaral at magigiliw na mga estudyante ng Divine
Word High School Dana-Ili, na siyang pinagmulan ng aming
datos, maraming salamat sa inyong kooperasyon.

PAGHAHANDOG
Aming inihahandog ang pag aaral na ito sa mga mag aaral ng
Divine Word High School Dana-Ili.
DIVINE WORD HIGH SCHOOL DANA-ILI

Talaan ng nilalaman
KABANATA I “ ANG SULIRANIN”
A. INTRODUKSYON
B.LAYUNIN NG PAG AARAL
C. KAHALAGAHAN NG PAG AARAL
D. SAKLAW AT LIMITASYON
E. DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

KABANATA II “MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL”


KABANATA III “DISENYO NG PANANALIKSIK”
DIVINE WORD HIGH SCHOOL DANA-ILI

Kabanata I
PANIMULA
Ang pagsuot ng uniporme ay isang malaking obligasyon bilang isang
estudyante, dahil sa ito ay isang alituntunin o batas na ipinapatupad ng
isang paaralan o unibersidad upang makilala ang isang institusyon. Ito
ay nagpapakita ng pagiging maayos at disiplinado sa pagsunod sa mga
alituntunin at patakaran ng paaralan. Mahalaga ang pagkakaroon ng
uniporme sapagkat ito ay sumisimbolo sa bawat paaralan na
kinakatawan ng mga mag-aaral. Maging ito ay isang tradisyonal na
kasuotan hindi lamang upang makilala ang paaralan kundi ito din ang
nag-uudyok upang maihanda ang sarili at isipan sa pag-aaral. Subalit sa
kahalagan ng uniporme ay mayroon paring mga estudyante hindi
pinapahalagahan ang pagsuot ng uniporme o malaking pagsuot ng
uniporme.
Sa panahon ngayon maraming mga paaralan hindi masyadong mahigpit
sa pagpapasuot ng uniporme sa kanilang mga estudyante, kaya marami
naring mga estudyanteng hindi isinusuot ng wasto ang kanilang
uniporme sa kadahilanan nilang walang sapat na uniporme, walang
pera paggawa ng uniporme, pambili o pambayad ng ID, sapatos at sa
kadahilanang sadyang hindi nila gusto ang pagsuot nito dahil sa ayaw
nila ang disinyo, nababaduyan at higit sa lahat ay ginagawang
pamporma ang uniporme.
Ang hindi wastong pagsuot ng uniporme ay posibleng mag-udyok sa
mga estudyante sa maling gawain tulad ng pagliliban sa klase,
paninigarilyo o madala pa sa ibang bisyo, pagiging bulakbol sa klase at
maging sa pagsali sa mga masasamang grupo na maghahatid sa kanila
sa piligro. Iilan lang ito sa mga salik sa hindi wastong pagsuot ng
uniporme. Ito ay nakakasama sa kanila lalo na’t ito ay maaring
mahantong sa pagpapatuloy sa suliraning ito ay maaaring magdulot ng
mas malaking problema sa paaralan maging sa mga estudyante.

LAYUNIN NG PAG-AARAL
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay para maipaalam sa mga junior high
school at senior high school na ang hindi pagsuot ng uniporme ay hindi
maikakabuti sakanila lalo na sa paaralan na kanilang dinadala. Sakop
din nito ang pagtukoy sa mga iba’t ibang dahilan ng mga estudyante
kung bakit hindi sila nagsusuot ng wastong uniporme.
MGA LAYUNIN
 Maipapaalam sa mga estudyante na ang pagsusuot ng uniporme
ay mahalaga bilang isang mag-aaral.
 Maipabatid sa mga estudyante na ang hindi wastong pagsuot ng
uniporme ay may hindi magandang ikakadulot ng paaralang
kanilang dinadala
 Maiparating sa mga estudyante na mas pormal at maayos
magsuot ang isang mag-aaral ng uniporme.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pananaliksik na ito ay para sa mga junior high school at senior high
school ng DWHS-D upang malaman ang mga dahilan sa kinakaharap na
problema at mabigyang pansin kung ano ano ang dahilan ng mga
estudyante kung bakit hindi sila nagsusuot ng wastong uniporme, kung
saan isa itong sa mga pinoproblema ng mga guro. Ano-ano ang
pwedeng maapektuhan sa isang estudyante kung sakaling hindi
masulusyunan ang problemang ito:
1. Panlabas na kaanyuan
2. Dangal ng paaralan
3. Pagkakakilanlan bilang isang estudyante
4. Pag-aaral
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
 Sa mga kabataan ng junior high school
- Ang pag-aaral na ito ay nagsisilibing gabay sa mga mag-aaral
kung ano ang negatibong epekto sa hindi pagsuot ng wasto
sa uniporme. Ang negatibong pananaw ng pamayanan ay
nakakaapekto sa kanilang pag-aaral
 Sa mga magulang
- Para maipamulat sa mga magulang ang kahalagan ng
wastong pagsuot ng uniporme at mga paraan para mabigyan
ng wastong kakailanganin kasuotan sa pag-aaral.
 Sa mga researcher
- Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, makakalat ng
impormasyon ang mga researcher kung paano at anu-ano
ang mga dapat gawin para mabigyan ng solusyon ang
problema.
 Sa mga guro
- Gabay para maipaalam sa mga guro ang importansiya at
positibong epekto sa pagsusuot ng uniporme kabilang na
ang pagiging responsabli sa sarili at wastong pagkunsinti sa
mga kabataan sa pagsusuot ng uniporme.

Saklaw at limitasyon
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa pag alam kung bakit
mayroong mga estudyanteng hindi nagsusuot sa kanilang
wastong uniporme sa loob ng paaralang Divine Word High
School Dana-Ili. Samakatuwid pinagtutuunan rito ng pansin ang
buong estudyante ng DWHS-D sa pagtuklas ng mga salik sa
hindi wastong pagsunod ng uniporme nila tuwing pasukan sa
paaralan. Bilang kadalasang gawin ng mga mag aaral ng hindi
pagsuot ng uniporme, naging isang problema ito sa isang
paaralan. Kung saan may iilang mga estudyante sa DWHS-D
mapalalake man o babae ay may lumalabag sa pampaaralan
batas at nagdudulot ito ng masamang pananaw sa naturang
paaralan. Nakakapagpabago ito sa presentasyon ng paaralan sa
dahilan ng walang wastong disiplina sa estudyante at hindi
nagawang sumunod sa patakaran sa paaralan , ang wastong
pagsuot ng uniporme.
Sinasaklaw dito kung anu ano ang mga dahilan ng mga
estudyanteng nagsusuot ng kanilang uniporme sa panahon ng
pasukan. Nakapaloob sa pananaliksik ng pagkuha ng impormasyon o
datos sa pamamagitan ng pag interview sa mga mag aaral bilang isang
participante sa naturang problema. Sa pananaliksik na ito,
pinaghahanapan ng sagot kung anung kadahilanan ang hindi pagsunod
sa patakaran ng paaralan.

Terminolohiya
Alituntunin- ang mga batas ipinapatupad sa isang institusyon na
nararapat sundin ng mga taong kabilang ditto.
Institusyon- isang organisasyon grupo na naglalayong makabuo ng
magagandang produkto. Ito ay maaring isang kompanya o paaralan

Interbyu – isang pormal na pakikipag-usap para malaman ang


pananaw ng isang tao.
Junior at Senior High School – ito ay mga estudyante na kabilang sa
grade 7-12 na kabilang sa pananaliksik na ito.
Researcher – isang grupo ng tao na naghahanap ng mga impormasyon
upang masolusyonan ang isang problema.
Tradisyonal – isang bagay na nakasanayan ng gawin ng karamihan.
Uniporme – isang damit na sinusout upang malaman ang
pagkakakilanlan ng isang institusyon at kung saan nabibilang ang isang
tao. Ito ay karaniwang sinusuot ng mga tarbahante o estudyante.
DIVINE WORD HIGH SCHOOL DANA-ILI

Kabanata II
Kaugnay na literatura
Ang hindi pagsuot ng uniporme ng wastong ay hindi nab ago sa ating
kaisipan. Ang paglabag ng mga mag aaral sa mga patakaran ng paaralan
ay hindi na mapipigilan dahil sa patuloy na pagiging pabaya sa kanilang
sarili. Sa patuloy na hindi maayos na pagsuot ng uniporme ng mga mag
aaral nagdudulot ito ng negatibong tanaw mula sa kanilang kapaligiran.
Ang paglabag sa patakaraan ng paaralan ay hindi nakakatulong para sa
iyong pagiging professional.
Ang pag suot ng uniporme ng paaralan ay hindi lamang basta pagsuot,
sinisimbolo nito ng iyong paaralan at ang iyong katayuan. Mainam
lamang na isuot ng wasto ang iyong uniporme para ng sag anon,
masiyahan ang mga guro pati nadin ang mga taong nakapalibot sainyo.
Mga karaniwang dahilan ng paglabag sa patakaran:
Barkada- dahil sa mga taong nakapaligid sayo nainfluwensyahan kang
labagin ang mga bagay na hindi naman dapat ginagawa
Disenyo- ang hindi pagsuot ng uniporme ng ibang estudyante ay
maaring hindi nila nais ang disenyo ng kanilang uniporme.
DIVINE WORD HIGH SCHOOL DANA-ILI

Kabanata III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
a. Disenyo ng pananaliksik
Ang isaisagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong
metodolohiya ng pananaliksik, napili ng mga mananaliksik na
gamitin ang Descriptive Survey Research Design, na gumagamit ng
talatanugan para makalikom ng mga datos.
b.Metodolohiya
Pagkuha ng mga kasangkot sa pag-aaral
Ang mga respondente sa pananaliksik na ito ay ang lahat ng mga
mag-aaral na lumalabag sa batas ng paaralan Divine Word High School
of Dana-ili.
Walang pinipiling kasarian ang pagtuklas ng mga sagot o
impormasyon sa pag-aaral na ito. Lalaki o babae man nakabilang sa
hindi pag-supt ng wastong uniporme ay sangkot sa nabuong
pananaliksik.
DIVINE WORD HIGH SCHOOL DANA-ILI
Mga mahal naming respondente, kami ay mag aaral ng grade 11 na kasalukuyang
nagsusulat at nangangalap ng impormasyon tungkol sa hindi wastong pagsuot ng
mga mag aaral ng uniporme. Inihanda naming ang talatanungan na ito para sa
aming pananaliksik.
-mananaliksik
Panuto: Punan ng wastong kasagutan ang mga katanungan. Lagyan ng [/] ang
inyong sagot.
PANGALAN: ___________________________
BAITANG:___________________

1.Ang pagsuot ba ng uniporme sa paaralan ay nagpapakita ngpagiging maayos at


disiplinado sa pagsunod sa mga alituntunin at patakaran ng paaralan?
[ ] tama [ ] mali
2. Ang unipormeng pampaaralan ba ay kailangang ipatupad sa lahat ng mga mag-
aaral?
[ ]tama [ ] mali
3. May karapatan ba ang mga estudyante na magsuot ng kahit anong damit sa
loob ng paaralan?
[ ] tama [ ] mali
4.Nararapat bang parusahan ang mga estudyante na hindi nagsusuot ng tamang
uniporme?
[ ] tama [ ] mali
5.Dapat bang hayaan ang mga mag aaral na hindi sumusunod sa patakaran?
[ ] tama [ ] mali

You might also like