You are on page 1of 2

Pagsuot ng Uniporme, nararapat nga ba?

Uminit ang usapan sa isyu na hindi na kinakailangang


magsuot ng uniporme sa paaralan ang mga mag – aaral. “Hindi
na magiging “strict requirement ang pagsusuot ng mga
estudyante sa public schools ng kanilang school uniform ngayong
school year 2022 – 2023, ito ang pahayag ni Vice President at
Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte noong
ika – 18 ng Hulyo sa taong 2022.
Ayon sa DepEd Order No. 65 noong ika – 19 ng Mayo sa
taong 2010, isinasaad dito na, “Ang pagsusuot ng uniporme ng
paaralan ay hindi kinakailangan sa mga pampublikong paaralan.
Ang mga mag – aaral na may umiiral ng uniporme ay maaaring
magpatuloy sa paggamit ng mga uniporme na ito, kung gusto nila,
upang maiwasan ang pagkakaroon ng karagdagang gastos para
sa mga bagong kasuotan”.
Malaking obligasyon ng isang estudyante ang pagsuot ng
Uniporme dahil isa ito sa mg alituntunin o batas na ipinatupad ng
isang paaralan o unibersidad upang makilala kung saang
institusyon ka nabibilang. Nagpapakita din ito ng pagiging maayos
at desente sa pagsunod sa mga patakaran ng paaralan.
Hindi bat mas magandang tignan kung naka proper school
attire ang mga estudyante? Mas kaaya – ayang tignan at
maaliwalas sa matang tignan kung ang mga estudyante ay
nakauniporme, sa paraang din ito ay binibigyang galang mo ang
paaralang kinabibilangan mo at dito rin nagsisimula ang
karunungan.
Karamihan ay mas sumasang ayon sila sa pagsuot ng
uniporme,sapagkat hindi ito magastos, may dalawang pares ka
na nang uniporme ay magagamit mo na yun sa limang araw na
pagpasok sa eskuwelahan.
Marami din naman ang tumututol dito, dahil nga sa dagdag
gastos nga naman ito sa gastusin ng mga magulang. Ngunit hindi
ba mas magastos ito? Kung plain clothes o aesthetic na mga
damit yung mga nauuso na pananamit kailangang pang
problemahin o magproduce nang limang plain clothes o mga
aesthetic na mga damit para sa pagpasok sa paaralan. Kabataan
nga naman,sinasabi na yun daw ang nauuso, tama naman!
Kailangan pa din nating makisabay sa mga uso – uso na yan,
ngunit importante paba yun kaysa sa patakaran ng inyong
paaralan?
Ugaliin pa din ang pagiging presentable at pagiging maayos
sa sarili, upang maiwasan ang pangungutya at pang aapi ng dahil
lang sa kasuotan.

You might also like