You are on page 1of 1

Dapat bang ibalik ang ROTC?

Ang Reserve Officers’ Training Corps o ROTC sa Pilipinas ay isa sa tatlong


kinakailangan sa National Service Training Program (NSTP), isang sibil na edukasyon at
paghahandang depensa na programa para sa mga mag-aaral na kolehiyong Pilipino. Ang
ROTC ay naglalayong magbigay ng edukasyong pang-militarya at pagsasanay sa mga
mag-aaral para sa preparasyong kilusan para sa National Defense Preparedness (NDP).

Ayon sa Pinoy Weekly, iminungkahi ni Cebu Rep. Eduardo Gullas sa Kamara na


ibalik ang mandatoryang ROTC at luwasin ang NSTP para sa mga mag-aaral ng mga
kolehiyo at unibersidad. Bahagi raw ng programang ito na pinamumunuan ng Armed
Forces of the Philippines (AFP) ang pagtuturo ng pagkamakabayan sa mga kabataan.
Sinusugan ni Sek. Voltair Gazmin ng Department of National Defense ang panukala sa
Kamara dahil maibabalik ang disiplina at pagmamahal sa bayan ng mga kabataang
Pilipino kung ibabalik ang ROTC.

Hindi na dapat pang ibalik ang ROTC. Magdaragdag lamang ito ng paghihirap,
hindi lamang sa pag-aaral kundi pati na rin sa pamumuhay.

Bilang isang mag-aaral na may sampung asignatura na aatupagin kada araw at


saka mga proyekto at pananaliksik na pagkakaabalahan na nagdudulot ng matinding
pagod, hindi lamang sa pisikal kundi pati na rin sa emosyonal ay mental na aspekto,
kung ibabalik muli ang ROTC, mas madadagdagan ang mga gawain at maaring
magdargdag lamang ito ng pagod sa kanila. Karagdagan pa, mas magmamahal ang
gastusin ng mga mag-aaral dahil sa bibilhin na uniporme para sa ROTC.

Isa rin ang ROTC na naglalayong magkaroon ng digmaan. Nagbibigay ito ng ideya
sa mga mag-aaral tungkol sa pakikipaglaban at digmaan. Ayon kay Anton Dulce,
pangalawang tagapangulo ng Anakbayan, sa pagbabalik ng mga protesta sa kampus
laban sa pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin, kasama pa ang di-makatarungang
polisiya ng administrasyon ng mga paaralan, nakakatakot na sa pagpapatupad ng
mandatoryang ROTC ay gagamitin ito bilang kasangkapan laban sa mga mga-aaral na
lumalaban apara sa kanilang mga karapatan. Nawala sa kurikulum ang ROTC noong 2001
bunsod ng malawakang protesta ng mga kabataan at mga biktima ng panggigipit at
napaulat na pangingikil sa mga paaralan. Ang pagkamatay ni ROTC cadet at mag-aaral
ng Unibersidad ng Santo Tomas na si Mark Chua bunsod sa “ROTC hazing” ang lalo
pang nagpatingkad sa nasabing isyu.

Hindi na dapat pang ipatupad muli ang ROTC. Kung ang pagpapatupad nito ay
para maibalik ang nasyonalismo at patriotism, bakit hindi na lang Kasaysayan (History)
ang ituro sa mga mag-aaral?

You might also like