You are on page 1of 6

Plato:

        Si Plato ay isang paganong pilosopong Griyego na ipinanganak sa isang maharlika at may mataas na
pinag-aralan na pamilya sa Atenas. Malaki ang naging impluwensiya sa kaniya ng mga kilaláng pilosopo
na sina Socrates at Pythagoras. Naglakbay at sumali sa pulitika sa Siracusa sa lungsod ng Sicilia. Nagtayo
rin siya ng akademiya sa Atenas na siyang nagging pinaka unang unibersidad sa buong Europa na sentro
ng pananaliksik sa Matematika at Pilosopiya. Kapalit nito, si Plato ay nagkaroon ng malaking
impluwensya sa relihiyosong paniniwala sa malaking bahagi ng Kristiyano. Sang – ayon sa kanya, ang
kaluluwa ng tao ay imortal na mananatiling buhay kahit na mamatay ang katawan.

Mga Kontribusyon sa Paggawa ng Sanaysay:

Iminulat ni Plato ang tao sa pagsasabing ang mga ideya ng mga bagay ay nasa utak na natin noong tayo
ay ipinanganak.

Binuksan ni Plato ang pinto sa pagtahak sa mundo ng rasyunalismo o ang pagtingin lampas sa realidad
na ating nakikita.

Ipinakilala niya ang dalawang uri ng sanaysay: pormal at di – pormal.

Iminulat ni Plato ang tao sa pagsasabing ang mga ideya ng mga bagay ay nasa utak na natin noong tayo
ay ipinanganak. Ayon kay Plato, ang mga imahe ng mga bagay na ating nakikita sa mundo ay pawang
mga anino lamang ng katotohanan. Ang tunay na pag - iral ay nasa "mundo ng mga ideya." Ang mga
konsepto ng bagay ay naroroon na sa isipan na natin mula  kapanganakan. Kakailanganin lamang nating
gamitin ang ating pangangatwiran upang sila’y matuklasan.

Binuksan ni Plato ang pinto sa pagtahal sa mundo ng rasyunalismo o ang patingin lampas sa realidad na
ating nakikita. Kung pag - iisipang mabuti, ang aninong tinutukoy ni Plato ay hindi nangangahulugan na
hindi totoo ang ating mga nakikita kundi may katotohanang mas makapagpapalaya sa atin na hindi
makikita sa hugis. Halimbawa na lamang ay ang mga batong ating nakikita ay binubuo ng mga ‘atomos’
na tinutukoy ni Democritus. Samantalang ang materyal ay patuloy na mahiwaga sa atin. Palaisipan din
ang pinagmulan ng "gravity" at mga "particle" na mas maliit sa quark ay hindi pa rin natutuklasan. Kung
makukuntento tayo sa mga bagay na ating nakikita lamang, wala nang pag-unlad sa ating agham.

Ipinakilala ni Plato ang dalawang uri ng sanaysay: pormal at di - pormal. Ang sanaysay ni Plato na tungkol
sa mga katiwalian o korupsyong nagaganap sa Gresya noon ay isang halimbawa ng di - pormal na
sanaysay. Ito ay tinanggap ng mga mamamayan na bulag sa katotohanan na epekto ng kawalan ng
edukasyon.
Dalawang Uri ng Sanaysay:

pormal

di - pormal

Ang sulating pormal ay nagtataglay ng impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, hayop, pook o
pangyayari.

Ang sulating di-pormal naman ay naglalaman ng mga opinyon ng manunulat.

Talambuhay ni Plato
Posted on September 2, 2015 by sunada02

Plato- isinilang sa taong 428  BCE sa Athens, Greece. Siya ay isang pilosopong Griyego at
estudyante ni Socrates.Naging guro siya ni Aristotle at silang tatlo ni Socrates ay itinuturing na
pinakadakilang mga pilosopong Griyego na naglatag ng pundasyon ng pamimilosopiyang
Kanluranin. Natuklasan niya ang “Academy,” ang kauna-unahang pormal na institusyon ng mas
mataas na pagkatuto sa kanluran. Sumulat din siya ng mahigit 30 diyalogo, kilalang Socratic
dialogues dahil sa paggamit niya kay Socrates bilang pangunahing tauhan sa mga akda, na
naglalaman ng kaniyang mga kaisipan tungkol sa pilosopiya, lohika, etika, retorika, relihiyon, at
matematika. Ang ” Parabula ng Kuweba” ay isa sa mga laman ng Socratic dialogues na “The
Republic” kung saan, tinatalakay ni Plato, sa pamamagitan ng tauhan niyang sina
Glaucon(kanyang kapatid) at Socrates, ang bisa ng edukasyon at ang kawalan nito sa kapaligiran.
Sa tulong ni Aristotle at Socrates si Plato ay nakatulong sa paggawa ng pundasyon ng kanluranin
pilosopo at agham.
Ang pilosopo ay isang taong nangingilatis ng mga bagay-bagay at pinag-aaralan ang pinakamalalim na
katanungan na maaaring itanong ng sangkatauhan. Hindi natatapos ang kanyang pagninilay o
pagtatanong sa mga suliranin na mayroong malawak na saklaw at nagsisilbing ugat sa mas marami pang
mga tanong tungkol sa katotohanan, tunay na kahulugan ng ating buhay, saligan at nilalaman ng ating
kaalaman, mga bagay na binibigyang-halaga, at iba pang bagay na hinahanapan parin ng dahilan at
kahulugan.

You might also like