You are on page 1of 3

Banal na komedya(inferno)

Buod[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang tula ay nag-uumpisa noong Huwebes Santo sa taóng 1300. Ang tagapagsalaysay, na si Dante
mismo, ay tatlumpu't limang taóng gulang, at kung gayon ay "nangangalahati na sa landas ng
búhay" (Ingles: "halfway along our life's path", Italyano: "Nel mezzo del cammin di nostra vita") –
kalahati ng biblikal na haba ng búhay na pitumpu (Salmo 89:10, Vulgate; Salmo 90:10, KJV). Ang
manunula (na si Dante) ay kasalukuyang naliligaw sa isang madilim na kagubatan (selva oscura) sa
harap ng isang bundok, habang inaatake ng tatlong halimaw (isang leon, isang lonza [kadalasang
sinasalin bílang "leopard" o "leopon"],[3] at isang she-wolf) na hindi niya matakasan. Hindi niya
mahanap ang "diretsong daan" (diritta via, maaari ding isalin na "tamang daan") tungong kaligtasan,
may kamalayan siyang sinisira niya na ang sarili niya at nahuhulog sa isang "malalim na lugar"
(basso loco) kung saan ang araw ay tahimik (l sol tace).
Sa wakas ay nailigtas siya ng manunulang Romanong si Virgil, na nagsasabing isinugo siya
ni Beatrice, at ang dalawa ay tumuloy sa kanilang paglalakbay tungo sa Impiyerno (underworld). Sa
Inferno, ang mga kaparusahan para sa mga kasalanan ay contrapasso, mga may sinasagisag na
pagkakataon ng katarungang pantula; halimbawa, ang manghuhula ay kailangang maglakad nang
diretso habang ang ulo ni ay nakatingin sa kabaligtarang direksiyon, na hindi makita kung ano ang
nasa harapan, dahil sinubukan nilang makita ang hinaharap sa pamamagitan ng ipinagbabawal na
paraan, ang panghuhula. Ang contrapasso ay "hindi basta isang uri ng dibinong paghihiganti, kundi
katuparan ng kapalarang malayang pinili ng bawat kaluluwa noong siya ay nabubuhay pa."
Si Dante ay pumasok sa pasukán ng Impiyero, kung saan nakasulat ang "Lasciate ogne speranza,
voi ch'intrate", na sa Tagalog ay "Iwanan ang lahat ng pag-asa, ikaw na papások dito." (Ingles:
"Abandon all hope, ye who enter here.")
Bago sila tuluyang pumasok sa impiyerno, nakita ni Dante at ni Virgil and ang mga Uncommitted,
mga kaluluwa ng mga taóng walang ginawa sa búhay nila, kahit mabuti o masamâ, kabílang dito si
Papa Celestine V o si Ponsiyo Pilato (ang teksto ay malabo/hindi tiyak). Kasáma rin nila ang mga
pariya (outcast) na hindi namili ng panig noong Himagsikan ng mga Anghel. Ang mga kaluluwang ito
ay wala sa loob ng impiyerno o maging sa labas nitó, bagkus nasa mga baybayin ng Acheron, ang
kanilang walang-hanggang parusa habang kinakagat sila ng mga abispa (wasp) at mga abispon
(hornet) samantalang iniinom naman ng mga uod at iba pang mga insekto ang kanilang dugo at
luha. Kumakatawan ito sa kanilang sting of conscience at repugnance of sin. Maaari ding
repleksiyon ito ng spiritual stagnation ng pamumuhay nila. Tulad ng Purgatorio at Paradiso,
ang Inferno ay may estrukturang 9+1=10, na ang "vestibule" ay naiiba sa siyam na bilog ng
impiyerno, at nahihiwalay mula rito dahil sa Acheron.
Matapos makadaan sa "vestibule", naabutan nina Dante at Virgil ang bapor na magdadalá sa kanila
upang matawid ang ilog ng Acheron at makapunta sa mismong Impiyerno. Ayaw payagan ng piloto
ng bapor, na si Charon, na papasukin si Dante dahil isa siyang búhay na nilalang. Pinilit ni Virgil si
Charon na isama si Virgil sa pamamagitan ng isa na namang sikát na linya: Vuolsi così colà dove si
puote, na kapag sinalin ay, "So it is wanted there where the power lies," na tumutukoy sa katunayan
na si Dante ay naglalakbay sa divine ground. Ang pagtawid nila sa Acheron, gayunman, ay hindi
nailarawan, dahil nahimatay si Dante at hindi na siya nagising hanggang makaabot na sila sa
kabiláng dulo.
Ginabayan ni Virgil si Dante tungo sa siyam na bilog ng Impiyerno. Ang mga bilog ay konsentriko, na
kumakatawan sa unti-unting pagtaasng kabuktutan, na humahantong sa sentro ng Daigdig, kung
saan si Satanas ay nakakulong.
Ang Siyam na Bilog ng Impiyerno[baguhin | baguhin ang batayan]
Unang Bilog (Limbo)[baguhin | baguhin ang batayan]
Sa Limbo naninirahan ang mga di-nabinyagan at kahit mga birtuosong pagano, na bagama't hindi
makasalanan, ay hindi tumanggap kay Kristo. Marami itong pagkakatulad sa Asphodel Meadows; na
ang mga walang kasalanang sinumpa ay nasa isang depisyenteng porma ng Langit. Mayroong mga
luntiang bukid at isang kastilyo na may pitóng tarangkahan na sumasagisag sa pitóng bansay
(seven virtues). Ang kastilyo ang tinatahanan ng mga pinakamarunong na tao ng unang panahon,
kabílang din dito sa Virgil, gayundin ang Persiyang erudito na si Avicenna. Sa loob ng kastilyo,
nakita ni Dante ang mga makatang sina Homer, Horace, Ovid, at Lucan.
Nang itanong ni Dante kung mayroon na bang nakaalis mula sa Limbo, sinabi ni Virgil na minsan na
niyang nakitang dumalaw sa Hesus noong kinuha niya
sina Noe, Moises,Abraham, David at Rachel (tingnan ang Limbo ng mga Patriarka ) papunta sa
kaniyang mapagpatawad na mga kamay at hinatid ito papunta sa langit bílang parte ng
kaniyang Harrowing of Hell.

Ikalawang Bilog (Kahalayan)[baguhin | baguhin ang batayan]


Sa ikalawang bilog naman ng Impiyerno naroon ang mga nagumon ng kahalayan.

Ikatlong Bilog (Katakawan)[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang "great worm" na si Cerberus ang nagbabantay sa mga matatakaw, na sa pilitang ipinahihiga sa
nakapandidiring lusak na nagmumula sa walang-katapusan, mabaho, at nagyeyelong ulan (Si Virgil
ay nakakadaan nang ligtas mula sa halimaw sa pamamagitan ng pagpupunô sa bibig nitó gámit ang
lusak).

Ikaapat na Bilog (Kasakiman)[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang mga nagmamahal nang sobra sa mga materyal na bagay nang higit sa naaangkop na tindi ay
pinarurusahan sa ikaapat na bilog.

Ikalimang Bilog (Poot)[baguhin | baguhin ang batayan]


Sa mga latiang katubigan ng Ilog Styx, ang mga mapoot ay naglalaban sa ibabaw, at ang mga
nalulungkot ay lumalaguklok sa ilalim ng tubig, "sa isang itim na kabalingusngosan kung saan
walang kaligayahan sa Diyos o sa tao o sa sansinukob. (Ingles: into a black sulkiness which can find
no joy in God or man or the universe.)".

Ikaanim na Bilog (Erehiya)[baguhin | baguhin ang batayan]


Sa ikaanim na bilog, ang mga erehe, tulad ng mga Epikureyo (na nagsasabing "ang kaluluwa ay
namamatay kasáma ang katawan")[23] ay nakakulong sa mga nagniningas na puntod.

Ikapitong Bilog (Karahasan)[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang ikapitong bilog ang nananahan sa mga marahas. Ang pasukán nito ay binabantayan
ng Minotaur at ito ay kumikilala sa pagdating ni Dante at Virgil sa pamamagitan ng pagkagat sa
sarili.

Ikawalong Bilog (Pandaraya/Panlilinlang)[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang ikawalong bilog ng ipiyerno ang nagpaparusa sa mga nagkasala ng sinadyang pandaraya o
panlilinlang. Ang mga bilog na ito ay mararating lámang sa pamamagitan ng pagbabâ mula sa isang
napakalaking talamapas. Nagawa ito nila Dante sa pamamagitan ng pagsakay sa likod ng Geryon,
isang may pakpak na halimaw at tradisyunal na inilalarawang may tatlong ulo o tatlong pinag-isang
katawan; ngunit inilalarawan ni Dante and Geryon na may tatlong sáma-sámang likás na uri: tao,
halimaw, at reptilya.[37] Ang Geryon ni Dante ay isang simbolo ng pandaraya o panlilinlang, dahil may
mukha ito ng isang tapat na tao sa katawan ng isang makulay na wyvern, na may mabalahibong paa
ng leon at matulis na nakalalasong buntot na malaalakdan. [38] (Canto XVII).
Ang mga mapanlinlang – ang mga may salà ng sinadya at nakaaalam na kasamaan – ay
matatagpuan sa isang bilog na tinatawag na Malebolge (Ingles: Evil Pockets). Ang bilog na ito ay
nahahati sa sampung Bolgie, o mga bambang ng bato na may mga tulay:

 Unang Bolgia - manunulsol (panderer) at seduktor (seducer)


 Ikalawang Bolgia - manghihibo (flatterer)
 Ikatlong Bolgia - simonya (simony)
 Ikaapat na Bolgia - mga mangkukulam, manghuhula, astrologo, at bulaang propeta
 Ikalimang Bolgia - mga tiwaling politiko/trapo (barrator)
 Ikaanim na Bolgia - mga hipokrito
 Ikapitong Bolgia - mga magnanakaw
 Ikawalong Bolgia - Muhammad, Gaius Scribonius Curio, Bertran de Born, atbp.
 Ikasiyam na Bolgia - mga mapanlinlang na tagapayo at masasámang konsehero
 Ikasampung Bolgia - iba't ibang palsaryo (falsifier)
Ikasiyam na Bilog (Kataksilan)[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang ikasiyam at hulíng bilog ay pinalilibutan ng mga klasikal at Biblikal na higante, na maaaring
kumakatawan sa kahambugan at iba pang kapintasang espiritwal na may ugnayan sa mga
gawaing pantataksil.
Ang mga taksil ay hinihiwalay sa mga mapanlinlang sa dahilang ang mga nagawa nila ay patungkol
sa pantataksil sa isang mahalagang relasyon na ano mang uri. Mayroong apat na konsentrikong
sona (o ikot) ang mga taksil. Ang mga ikot ay ayon sa bigat ng pantataksil, mula sa pantataksil sa
mga kapamilya, pantataksil sa komunidad, pantataksil sa mga bisita, at pantataksil sa mga liege
lord. Taliwas ito sa kadalasang imahen ng impiyerno bílang nag-aapoy, ang mga taksil ay
nakakulong sa isang lawang nagyelo na tinatawag na Cocytus, na ang bawat pangkat ay naka-
encase sa yelo nang iba-ibang lalim.

 Unang Ikot - Ang unang ikot ay tinatawag na "Caïna", mula kay Cain, ang nagtaksil at
pumatay sa sarili niyang kapatid.
 Ikalawang Ikot - Ang ikalawang ikot ay tinatawag na "Antenora", mula kay Antenor ng Troy,
na ayon sa kaugaliang medyebal, ang nagtaksil sa kaniyang lungsod para sa mga Griyego.
 Ikatlong Ikot - Ang ikatlong ikot ay tinatawag na "Ptolomaea", marahil mula kay Ptolemy,
anak ni Abubus, ang nagimbita kay Simon Maccabaeus at sa kaniyang mga anak sa isang
saluslo at pinatay ang mga ito.
 Ikaapat na Ikot - Ang hulíng ikot ay tinatawag na "Judecca", mula kay Hudas Iskariote, na
ayon sa Bibliya, ang nagtaksil kay Hesukristo. Nandito ang mga nagtaksil sa kanilang mga
panginoon at benepaktor. Lahat ng mga nagkasalà ay naka-encapsulate sa yelo, at naka-distort
sa lahat ng puwedeng maisip na posisyon.

You might also like