You are on page 1of 3

Ang Pagbabalik ng Mandatrory ROTC

ROTC, kailangan ba talaga ito o hindi? Ngunit para masagot ang tanong na ito,

kailangan muna natin talakayin ang rason sa likod ng paksa na umani ng samu’t saring

reaksyon sa ating mga Pilipino.

Noong nakaraang Hulyo 22, naganap ang ikaapat na State of the Nation Address

ni Pangulong Rodrigo Duterte. Isa sa mga tinalakay niya ay ang kagustuhan niya na

patuparin ng Kongreso ang Mandatory Reserve Officers Training Corps o ROTC. Ang

Mandatory ROTC ay kasalukuyang pinagbobotohan sa Kongreso kung saan tinatawag

ito na House Bill 8961 na ayon kay Mara Cepeda, ito ay ang panukalang naglalayon na

magtaguyod ng military training sa mga estudyante ng Baitang 11 at 12 sa lahat ng senior

high schools pampubliko man o pribadong institusyon. Ayon sa isang editoryal mula sa

Rappler na binanggit ni Presidente Duterete na nameke siya ng kanyang medical record

para makaeskapo sa ROTC noong siya ay nasa kolehiyo pa. Nakakatawa itong isipin

sapagkat siya mismo na may gustong ipatupad ang mandatory ROTC ang siyang

tumakas sa kanyang military training noon.

Tulad ng lahat ng bagay ang pagpapatupad ng mandatory ROTC ay may positibo

at negatibong aspeto. Isa na rito ay ang pagiging daan ng ROTC upang malinang ang

pagiging makabayan ng mga kabataan. Ayon sa Phil. News Agency, ang mg bansa tulad

ng Russia at China ay may makapangyarihang hukbong sandatahan dahil sa

partisipasyon ng kabataan sa military training ng kanilang bansa. Ayon naman sa

Philippine Daily Inquirer dahil sa mandatory ROTC maraming naeenganyo na lumahok

sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Ito ay talagang nakalilinang ng pagiging


makabayan dahil sila ay nakapaglilingkod sa kapwa at bayan. Isa pang positibong aspeto

ng pagpapatupad ng mandatory ROTC ay dahil lumilinang ito ng disiplinang pansarili ng

kabataan. Binanggit ni AFP Spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo na

matuturuan nila ang kabataan ng disiplina sa sarili at paggalang sa may kapangyarihan.

Bukod dito, ayon kay Heneral Rolando Rodil, na Commander ng AFP Reserve

Command, ang mandatory ROTC ay makatutulong sa paglinang ng isang bansa.

Ngunit may mga negatibong aspeto rin ang mandatory ROTC. Isa na ditto ang

dahilan na maaaring pagmulan ito ng hazing. Isang halimbawa na rito ang nangyaring

pag-ulat ng mga estudyante ng PUP noong 2014 sa nangyaring karahasan sa

pamamagitan ng hazing at corporal punishments na ginawa ng mga PUP student

officials, kung saan dalawa sa mga biktima ay babae (Rappler). Isa pang halimbawa ay

ang hazing reports sa ROTC program ng La Salle, kung saan lumabas rin ito sa kanilang

campus newspaper (Rappler). Isa pang negatibong aspeto ay maaring pagmulan ang

ROTC ng korapsyon. Halimbawa na rito ang nangyaring pagkamatay ng isang

estudyante sa UST noong taong 2002, dahil ito sa kanyang ginawang paglabas ng

impormasyon ukol sa korapsyon na nangyayari sa UST-ROTC(Philstar).

Balikan natin ang tanong na “Kailangan ba talaga ng bansa ang mandatory

ROTC?”. Marami man ang positibong aspeto nito, para sa akin hindi ito kailangan. Dahil

unang-una para sa akin, maraming paraan bukod sa ROTC para maitanim sa kabataan

ang pagmmahal sa byan. Dagdag pa ditto ay nilalabag ng panukalang ito ang Optional

Protocol to the Convention of the Rights of the Child, kung saan sinasabi na hindi dapat

nandaramay ng mga bata sa armadong tunggalian (Rappler). Ikatlo ay dahil maraming


nabalita na ginamit ang ROTC sa korapsyon na binanggit ni France Castro ng ACT. Dahil

dito natuturuan na ang mga bata tungkol sa korapsyon sa murang edad. Panghuli para

sa akin dahil sa kagustuhang maagang makontrol ang isip ng mga bata kaya kayang

gawin ng administrasyon na magpataw ng isang programang hindi lamang maaring

lumikha ng isang henerasyon na insensitibo at may malakas na pananampalataya sa

mga armas, kundi lumalabag rin ito sa karapatang pantao ng mga bata.

You might also like