You are on page 1of 2

Lakbay sa batangas

ni kenneth cometa

Ang Batangas ay isa sa mga lalawigan na nasa


CALABARZON. Ang aming pamilya ay
angpasyang maglakbay patungong Batangas para
magbakasyon, magsaya at bisitahin ang aming
lola. Sa lugar na aming napuntahan, maraming
puno’t halaman ang makikita sa paligid, kaya
naman nakakaanyaya at nakakagaan ng
pakiramdam kahit magmasid ka lamang ng iyong
paligid.

Isa pang magandang atraksyon dine sa lugar na aming napuntahan ay ang dagat dito. Malinis, kalmado at
higit sa lahat, napapalibutan ng kabundukan kaya naman marerelax ka talaga. Ang kinagandahan pa nito,
isang tawid lamang mula sa aming tinutuluyan para makapunta sa dagat kaya kahit maghapon ka pa sa
dagat, ayos lang!

May mga nagamit kaming mga kubo kung saan may lamesa at upuan at ihawan para may mapaglutuan
kami ng inain namin sa tabi ng dagat at kahit ilang beses pa akong umulit ditto ay hindi ko ito pagsasawaan
dahil na din sa ganda ng tanawin kapag palubog na ang araw
Kinaumagahan naman ay agad kaming pumunta sa isang malapit na kainan at siya naman kaming umorder
ng Lomi. Ang lomi ay isan ding sikat na pagkain sa Batangas. Ang lomi ay isang uri ng pansit na gawa sa
“egg noodles” at may malapot na sabaw at para magkaroon pa ng karagdagang lasa ay nilalagyan ito ng
atay, chicharron at itlog na nilabon sa ibabaw. Maaari kang mamili ng iyong gusting ilagaya sa ibabaw pero
ang chicharon ang pinaka masarap at nababagay dito.

Pagkakuha namin mula sa palayok ay may sari sari pa kaming lagay ng toyomansing may sili paa
magkaron din ng karagadagan pang lasa. Masarap itong kainin habang mainit pa at tiyak na
pagnaubos mo ang isang palayok na order eh busog ka na! at hahanp hanapin mo pa kapag nagutom
ka. Isa ito sa mga must try na pagkain dito sa Batangas at hindi ka na mahihirapang maghanap ng
ganito dahil kahit saan ay makakakita ka ng kainan na may lomi, bulalo at goto. Kaya saan ka pa? sa
BATANGAS ka na!

You might also like