You are on page 1of 6

UNANG

SI SARAH DIZON AY ISANG MATAGUMPAY NA


NEGOSYANTE NA NAGMULA SA BAYAN NG STA. ANA,
PROBINISYA NG PAMPANGA. SIYA AY NAKAPAGTAPOS NG
SENIOR HIGH SCHOOL SA HOLY CROSS COLLEGE NA
GINAWARAN NG KARANGALAN BILANG “PINAKAMAHUSAY
NA NEGO-ESTUDYANTE” NOONG TAONG 2021. NAG-ARAL
SIYA NG KOLEHIYO SA ATENEO DE MANILA UNIVERSITY
(ADMU) NA MAY KURSONG BACHELOR OF SCIENCE IN
ENTREPRENURSHIP, AT NAGTAPOS BILANG CUMLAUDE.
Sa kasalukuyan, siya ay
nakapagpatayo ng orphanage sa
probinsiya ng Pampanga at isang
ospital na kung saan libre ang lahat
ng gatusin para sa mga kapos sa
pera. Siya rin ang may ari ng isang
kilalang restaurant sa Batanes.
Nakapagpundar din siya ng
kanyang mga ari-arian tulad ng
bahay at kotse. Sa kanyang
pagiging bukas-palad,
nakatanggap siya ng mga
karangalan kabilang na ang, “Most
Famous and Successful Entrepreneur
in the Philippines”, “EY Entrepreneur
of the Year”, at “Entrepreneurial
Achievement Award”.
IKALAWANG

SI ACEL M. FERNANDO AY ISANG TANYAG NA


PERYODISTA SA PILIPINAS. SIYA AY TUBONG ARAYAT,
PAMPANGA, AT DOON NA RIN SIYA LUMAKI AT NAMULAT SA
KATOTOHANAN. SA PAGTUNTONG SA SENIOR HIGH SCHOOL,
NAG-ARAL SIYA SA HOLY CROSS COLLEGE SA KARATIG
BAYAN NG ARAYAT, SA STA. ANA PAMPANGA, NA
NAGTAPOS NANG MAY MATAAS NA KARANGALAN AT
KINILALA RIN BILANG “PINAKAMAHUSAY NA MAG-AARAL SA
ASIGNATURANG FILIPINO”. IPINAGPATULOY NIYA ANG
KANYANG PAG-AARAL SA UNIBERSIDAD NG PILIPINAS NA
MAY KURSONG BACHELOR OF ARTS IN BROADCAST
COMMUNICATION, AT NAGTAPOS BILANG CUMLAUDE.
Sa kasalukuyan, siya ay miyembro ng
Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas,
at Executive Producer ng GMA DZBB (AM
Band) Teleradyo Live Streaming. Kilala rin siya
bilang isang mahusay na tagapagsalita sa
mga dokyumentaryo sa GMA7, partikular na
sa iWitness at Front Row. Siya rin ay batikang
Script Writer ng 24 Oras ng GMA7, at
naipadala na sa iba’t ibang bansa upang
maging taga-ulat ng mga balita. Bilang
mahusay na peryodista, nakatanggap siya
ng mga karangalan tulad ng “KBP Lifetime
Achievement Award”, at “Ka Doroy
Broadcaster of the Year”. Taun-taon naman
ay natatanggap niya ang “Best Program
Script Writer”. Marami na rin ang kanyang
mga dinaluhang patimpalak sa larangan ng
pamamahayag upang magsilbing hurado.
IKATLONG

SI JOSEPHINE ROSE A. FRANCO AY ISANG LISENSYADONG


CERTIFIED PUBLIC ACCOUNTANT NA NAKAPASA SA LICENSURE
EXAM NOONG TAONG 2025. SIYA AY TUBONG PAMPANGA
SA BAYAN NG STA. ANA. NAKAPAGTAPOS SIYA NG SENIOR
HIGH SCHOOL NA MAY MATAAS NA KARANGALAN SA
PRIBADO AT KILALANG PAARALAN SA PAMPANGA, ANG
HOLY CROSS COLLEGE- THE SCHOOL WITH A HEART. BILANG
PAGTUNTONG SA KOLEHIYO, NATAPOS NIYA ANG KANYANG
KURSONG BACHELOR OF SCIENCE IN BUSINESS
ADMINISTRATION MAJOR IN ACCOUNTANCY SA UNIBERSIDAD
NG PILIPINAS (UP DILIMAN) BILANG MAGNA CUMLAUDE.
Nang makatapos siya ng
kolehiyo, kaagad siyang kinuha
ng San Miguel Corporation bilang
isang Finance Manager. Naging
propesor din siya sa kilalang mga
unibersidad sa Pilipinas, partikular
na sa Unibersidad ng Sto. Tomas,
at De La Salle University sa
Manila. Sa kasalukuyan, siya ay
bahagi ng Philippine Institute of
Certified Public Accountant
(PICPA), at nagtatrabaho bilang
Accounting Supervisor sa
Reeracoen Philippines.
IKA-APAT NA

SI LOUIS JOSEPHINE Y. GATCHALIAN AY ISANG LISENSYADONG


INHINYERONG SIBIL, AT NAKUHA ANG UNANG PWESTO BILANG
MAY PINAKAMATAAS NA GRADO SA BOARD EXAM NOONG
TAONG 2027. SIYA AY IPININANGANAK SA ARAYAT, PAMPANGA,
AT DOON NA RIN LUMAKI. MALAYO MAN SA KANILANG BAYAN,
NATAPOS NIYA ANG KANYANG BUHAY HIGH SCHOOL SA HOLY
CROSS COLLEGE, STA. ANA, PAMPANGA, AT GINAWARAN BILANG
“PINAKAMAHUSAY NA MAG-AARAL SA ASIGNATURANG
SIPNAYAN”. IPINAGPATULOY NIYA ANG KANYANG PAG-AARAL SA
ATENEO DE MANILA UNIVERSITY (ADMU), AT DOON AY NATAPOS
NIYA ANG KANYANG KURSONG BACHELOR OF SCIENCE IN CIVIL
ENGINEER BILANG MAGNA CUMLAUDE. NAG-ARAL DIN SIYA NG
MASTERAL/MASTER’S DEGREE SA UNIBERSIDAD NG PILIPINAS.
Sa pagpapatuloy sa karera ng
kanyang buhay, naging propesor siya
sa Brent International School, at naging
CEO sa isang tanyag na construction
company sa Pilipinas. Sa kasalukuyan,
siya ay Presidente ng Philippine Institute
of Civil Engineers, Stakeholder sa Ayala
Land Incorporated, Board Member sa
Actividades de Construcción y
Servicios sa Espanya, Engineering Head
sa Tesla Inc., at opisyal na Kalihim sa
Department of Public Works and
Highways (DPWH). Bilang mahusay na
inhinyero sa loob ng ilang taon, siya ay
nakatanggap na nang mahigit
dalawampung mga karangalan.
IKALIMANG

SI PRECIOUS JOY D. GUIAO AY ISANG KILALANG


CERTIFIED PUBLIC ACCOUNTANT NA PUMASA NOONG
TAONG 2026. SIYA AY IPINANGANAK SA STA. ANA,
PAMPANGA, AT DOON NA RIN LUMAKI. TINAPOS NIYA ANG
KANYANG BUHAY HIGH SCHOOL SA HOLY CROSS COLLEGE
SA KANILANG BAYAN, AT TUMANGGAP NG MGA
KARANGALAN. NAG-ARAL SIYA NG KOLEHIYO SA
UNIBERSIDAD NG STO. TOMAS SA KURSONG BACHELOR OF
SCIENCE IN ACCOUNTANCY, AT NAKAPAGTAPOS BILANG
CUMLAUDE.
Sa pagpasok sa larangan ng
pagtatrabaho, naging Auditor siya sa
lungsod ng San Fernando Electric Light and
Power Co., Inc. nang mahigit dalawang
taon, at ‘di kalauna’y naging Stock
Investor sa iba’t ibang sikat na kumpanya.
Siya rin ang namamahala sa Sneaker Store
sa lungsod ng Makati, at manager sa Sky
Deck at the Bayleaf Hotel sa lungsod ng
Maynila. Sa kasalukuyan, nakapagpundar
na siya ng kanyang mga ari-arian tulad ng
kotse at sariling bahay, at nakapagpatayo
ng isang malaking Christ the Living Hope
Community Church United (CLHCC) sa
Tagaytay, at tumanggap ng parangal
ngayong taon bilang Gawad ng Kalakalan
(Business Leader Award) dahil sa kanyang
mahusay na naipamalas sa larangan ng
kalakalan.

You might also like