You are on page 1of 13

BIONOTE

Kemle M. Indab. Isinilang noong ika –dalamput-


apat ng Disyembre noong taong 2001 sa Bayan ng
Cuarinta, Probinsiya ng Surigao Del Norte. Siya ay
17 taong gulang. Siya ay nag-aaral ngayon sa
Fatima National High School at siya ay
nakapagtapos ng sekondarya bilang Junior High sa
Don Ruben School Of Music Inc. sa Don Ruben,
San Jose, Dinagat Islands at siya ay kasalukuyang
nag-aaral sa Fatima National High School sa Fatima
National High School bilang isang Senior High
School student. Siya ay nangangarap na
makapagtapos ng pag-aaral sa Mindanao State Of
University bilang isang BSEd Mathematics. Sa
kasalukuyan ay pinaghahandaan niya ang mga
pagtataya sa admisyon sa iba’t ibang kolehiyo at
akademiya.
Buod ng Florante at Laura
Ang kuwento ng Florante at Laura ay nagsisimula sa isang madilim na
gubat sa may dakong labas ng bayang Albanya, malapit sa ilog Kositong
na ang tubig ay makamandag. Dito naghihimutok ang nakataling Florante
na inusig ng masamang kapalaran. Ang mga gunita niya ay naglalaro sa
palagay niya ay nagtaksil na giliw na si Laura, sa kanyang nasawing ama,
at kahabag-habag na kalagayan ng bayan niyang mahal.

Sa gubat ay nagkataong may naglalakad na isang Moro na nagngangalang


Aladin. Narinig niya ang tinig ni Florante at dali-dali niya itong tinunton.
Dalawang leon ang handang sumakmal sa lalaking nakatali. Pinatay ni
Aladin ang dalawang mababangis na hayop at kanyang kinalagan at
inalagaan si Florante hanggang sa muling lumakas.

Ikinuwento ni Florante ang kanyang buhay. Siya ay anak nina Duke Briseo
at Prinsesa Floresca. Muntik na siyang madagit ng buwitre at iniligtas siya
ng kanyang pinsang si Menalipo na taga-Epiro. Sinambilat ng isang halkon
ang kwintas niyang diyamante. Pinadala siya ng kanyang ama sa Atena
upang mag-aral sa ilalim ng gurong si Antenor. Natagpuan niya doon ang
kanyang kababayang si Adolfo na kanya ring lihim na kaaway. Iniligtas siya
ni Menandro sa mga taga ni Adolfo nang minsang magtanghal sila ng dula
sa kanilang paaralan. Tapos ay nakatangap si Florante ng liham tungkol sa
pagkamatay ng sinisinta niyang ina.

Pagkabalik niya sa Albanya kasama ang matalik niyang kaibigang si


Menandro, pinatay niya si Heneral Osmalik na kumubkob sa Krotona.
Nagkaroon siya ng mga tagumpay sa labimpitong kahariang di-pa-
binyagan matapos niyang iligtas si Laura sa hukbo ni Aladin na umagaw sa
Albanya nang siya’y nakikipaglaban sa ibang bayan. Natalo din niya ang
Turkong hukbo ni Miramolin at iba pa. Nagwakas ang kanyang
pagsasalaysay sa pandarayang ginawa sa kanya ni Adolfo matapos kunin
ang trono ng Albanya at agawin sa kanya si Laura.

Nagpakilala ang Moro na siya’y si Aladin, kaaway na mahigpit ng relihiyong


Kristiyano at ng bayan ni Florante. Ang kanyang kapalaran ay sinlagim ng
kay Florante. Inagaw sa kanya ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab ang
kanyang kasintahang si Flerida.

Pagkatapos ng pagsasalaysay ay narinig nila ang dalawang tinig na nag-


uusap. Tumayo ang dalawang lalaki at nakita nila sina Laura at Flerida na
nag-uusap. Si Flerida’y tumakas sa Persya upang hanapin si Aladin at
nang mapagawi siya sa may dakong gubat ay nasumpungan niya si Laura
na ibig gahasain ni Adolfo, pinana niya ito at naligtas si Laura sa kamay ng
sukab.

Ikinuwento ni Laura ang paghuhuwad ni Adolfo sa lagda ng kanyang ama


upang madakip si Florante. Isinalaysay niya ang pamimilit ni Adolfo sa
kanya at pagdadala sa gubat.

Sa ganoon ay nabatid nina Florante at Aladin na ang kani-kanilang mga


katipan ay pawang tapat sa kanila. Sina Florante at Laura ay matagumpay
na naghari sa Albanya at sina Aladin at Flerida, pagkatapos na maging
binyagan at pagkamatay ni Sultan Ali-Adab, ay naghari sa Persya.
Agenda

Lokasyon: Mataas na Antas Ng Paaralan Ng Fatima


Petsa: Ika-11 ng Octobre taong 2019
Oras: 2:30 n.h.
Tagapangasiwa: Punong Guro Mohammad Magaluyan
I. Introduksiyon
II. Pagtala ng bilang ng dumalo
III. Pagpresenta at pagtalakay sa adyenda
1. Pagpaplano para sa pagdiriwang ng Teacher’s Day
a.) Skedyul ng klase
b.) Balangkas ng programa
c.) Listahan ng dadalo sa pagpupulong
2. Pagpaplano sa pagdiriwang ng Christmas Party
a.) Palamuti sa eskwelahan
b.) Petsa ng Christmas Party
c.) Saan gaganapin ang okasyon
IV. Karagdagang Impormasyon
V. Pangwakas na salita
Katitikan Ng Pulong

Katitikan ng pangkaraniwang pagpupulong ng Christmas Party sa ika-20 ng


Disyembre taong 2019, ganap na ika-8:00 ng umaga sa Fatima National
High School Rooms.

Mga dadalo:
Grade-12 STEM-B Students

Napag-usapan ang mga planong gagawin sa darating na pag-gunita sa


araw ng Pasko, isa rin rito ang Parlor Games kung saan napag-usapan ang
mga ihahanda na sumusunod;

1. Regalo ng mga estudyanteng dadalo at makikilaro sa araw na ito,


bibigyang prayoridad ang mga magulang ng mga estudyante ng mga
lihitimong miyembro ng asosasyon. Ang mga bagay na mapakakinabangan
tulad ng panyo, pera at iba pa ay uunahin, sasamahan ng mga kendi at
mga tinapay na ilalagay naman sa supot ng yelo.

2. Gagawa rin ng sulat (Solicitation Letter) para sa mga sponsors.

3. Ang mga pagkain o miryenda ay ginagawan na rin ng estimate na 50


kataong dadalo, bawat magulang ay bibigyan ng STAB upang maging
maayos ang pagbibigay ng mga ito.

4. Ang Sound System ay iparereserba na sa bawat slid-aralan ng mga


estudyante at ilang mga upuan.

5. Ang buong asosasyon ay kukunan ng video at larawan.


Posisyong Papel

Sereno, Di Aatrasan Si Pangulong Duterte

Kinumpirma ni Pangulong Duterte na nasa likod siya ng pagpapaalis sa


puwesto kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Pero hindi aatras ang
Punong Mahistrado sa paggiit ng kanyang mga karapatan at sa
independensiya ng hudikatura.

“Napakademonyo ng ginagawa nila. Sukdulan ito ng pagkakaabsurdo,”


sabi ni Sereno, sa isang pagtitipon ng Movement Against Tyranny
(MAT) sa Quezon City noong Araw ng Kagitingan, Abril 9.
Matapang na hinarap ni Sereno ang mga akusasyon ng mga kapwa
mahistrado ng Korte Suprema sa pagdinig para sa petisyong quo
warranto ni Solicitor General Jose Calida sa Baguio
City kinabukasan, Abril 10. Sinagot niya ang mga akusasyon kaugnay
ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) na ipinupukol
sa kanya ni Calida at ng kapwa mga mahistrado na sina De Castro, Tijam,
Jardelezza, Peralta, at Bersamin.

“Hindi ako [maaaring yumuko dahil] kailangan kong imantine ang


kakayahang tingnan ang bawat mamamayan sa mata at sabihin sa
kanilang lumaban nang may tapang, ipaglaban ang kanilang mga
prinsipyo, huwag bumigay at huwag sumuko,” sabi pa ni Sereno.
Kumakaharap sa impeachment complaint ang punong mahistrado
sa Kamara at nagsampa naman ng quo warranto petition si Calida upang
sumailalim si Sereno sa pagdinig ng Korte Suprema sa mga alegasyon na
di-umano pagkakaroon marangyang pamumuhay at mga iregularidad sa
pamamahala ng hudikatura.

Para sa MAT, hindi lang karapatan ni Sereno sa patas na pag-uusig ang


nakataya sa usaping ito, kundi ang independensiya ng isang co-equal
branch o kapantay na sangay ng gobyerno. Mahalaga umano ito sa
demokrasya para magkaroon ng check and balance o pamamaraan para
matsek na hindi nang-aabuso ang Ehekutibo at hindi maimbudo sa
Pangulo ang lahat ng kapangyarihan.
Replektibong Sanaysay Patungkol Sa Isang Natatanging
Karanasan Bilang Mag-aaral

Tunay ngang ang edukasyon sa buhay ng bawat isa ay kapara ng isang walang
katapusang paglalakbay sa mundong sinasaklawan ng aspektong ‘pagbabago’. Ito ang
pinaka-makapangyarihang sandata na kahit sinuman ay walang kakayahang baguhin at
angkinin sapagkat ito ay permanenteng nakaukit na sa diwa at kamalayang pantao ng
isang nabubuhay. Sa bawat umaga ng ating buhay, tayo ay binabasbasan ng Poong
Lumikha ng kalayaan upang makaanib at makasabay sa kung ano mang kakatwa ang
sumasaklaw sa ating lipunang kinabibilangan. Hindi man lingid sa ating kamalayan
subalit buhat nang tayo ay nasa sinapupunan pa lamang ay batid na natin ang espiritu
ng ‘pagkatuto’. Maging sa kauna-unahang pagsambit natin ng salitang “mama”
hanggang sa tayo ay unti-unting nabihasa sa ating “abakada” tayo ay nabibilang na
pundasyon ng edukasyon. Karaniwang pamantayan sa edukasyon na kung ang tao ay
nasa gulang tatlo na ay maari na itong magsimulang pumasok sa isang paaralan. Sa
makatuwid, mahabang panahon ang iginugugol ng isang tao para sa kanyang
edukasyon.

Sa aking labindalawang taon na pananatili sa loob ng paaralan, masasabi kong ako ay


parang nasa isang paraiso. Bagamat hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ako,
maraming pagkakataon naman sa aking buhay ang nagpapaunawa sa akin na ang
edukasyon ay patuloy na umaangkla sa aking pagkatao at maging sa aking kalapit na
hinaharap. Ito rin ay patuloy na nag-iiwan ng hindi mga matatawarang implikasyon ng
pagbabago sa aking pagkatao na siyang dahilan kung bakit ganito ako katatag ngayon.
Bukod sa mga karaniwang talakayin, prinsipyo at pang-akademikong layunin na siyang
ipinapabatid ng edukasyon, ito rin ang nagsilbing balangkas upang mabuksan ko pa
ang lagusan sa kabilang ibayo. Mula dito ay binigyan din ako ng pagkakataon upang
makakilala ng iba’t ibang deskripsyon ng aking kapwa tao at mga karanasang aking
daldalhin habambuhay. Ito ay ang aking karanasan noong ako ay nasa ika-4 na
baitang. Ang karanasan na marahil para sa akin ay mapanglaw at natatangi lamang.

Isa akong walang kwentang mag-aaral. Oo, tama ang nababasa mo. Wala akong ibang
inisip noon kundi ang makawala sa paaralan na kapara ng isang bartolina sa akin ay
nagbibigay lamang ng pasakit at matinding paghihirap. Ang tanging namumutawi na
lamang sa aking isipan noon ay ang pagpasok buhat sa kagustuhan ng aking mga
magulang. Naaalala ko pa noon na sa tuwing darating ang katapusan ng Marso ay wala
akong ibang ginawa kung hindi ay panoorin na lamang ang aking mga kaklaseng
maglakad sa harapan ng entablado kasama ng kanilang mga magulang upang
tanggapin ang kanilang mga parangal. Gustuhin ko mang itago ang aking
nararamdaman, subalit ito ay pilit na kumakawala at ako ay tila isang ibon na sa piitan
ay nananahanan. Hindi man hayag sa aking mga magulang ang kanilang
pangingimbulo subalit nararamdaman ko ito. Pinipilit ko itong labanan subalit wala
akong magawa. Napakalakas ng enerhiyang ito at siya ring enerhiya ang unti-unting
sumisipsip sa aking pag-asang makapagbagong buhay. “Bakit kahit na anong gawin ko
ay wala pa ring nangyayari?” ito ang katanungan na patuloy na sumisilab sa aking mura
at gahasang isipan.

Sinusubukan ko ang lahat ng aking makakaya. Sinubukan kong magsipag at umayon


sa kung ano ang pamantayan sa aming klase. Lahat ng ito ay hindi naging madali sa
akin. Sapagkat noo’y wala pa akong kabatiran patungkol sa mahalagang papel ng
edukasyon sa aking magiging kinabukasan. Wala pa akong alam sa edukasyon maliban
sa ito ay “mahirap at walang kwenta”. Nagdaan ang maikling panahon at dito ay nakilala
ko si Ginang Mohammad Magaluyan. Ang aming guro sa asignaturang Filipino. Siya ay
may edad na sa panahong iyon subalit napakalakas ng kanyang impresyong iniwan sa
akin. Hindi ko maipaliwanag subalit dahil sa kanyang mga pangaral ay tila unti-unting
nagbago ang pagtingin ko sa aking sarili na noo’y walang pakialam sa halaga ng
edukasyon. Sa kanya ko rin natutuhan na hindi lamang pala akademikong kaalaman
ang batid na ipamalita ng mga talakayin sa paaralan bagkus ay naglalayon din itong
bigyan ang lahat ng pagkakataong makabuo ng pagkakaibigan at pamilya sa lahat ng
aspektong sinasaklawan nito. Hindi lang dapat kaalaman ang ating panghawakan mula
sa ating mga guro nararapat ding maunawaan natin ang tunay na karunungan mula
dito. Sa markang “90” ako nagsimulang yumabong at nagpatuloy sa pagkamit ng aking
mga adhikain sa paaralan. Hanggang ngayon sa kasalukuyan, patuloy pa rin akong
naglalakbay papalapit sa aking mga pangarap sa buhay.

Ang karanasang ito ang nagturo sa akin kung paano umunlad hindi lamang sa aking
mga markang nais matamo subalit nakaanib na rin dito ang mga prinsipyo at
impresyong hindi na maiaalis sa aking puso’t isipan sa kalagitnaan ng aking
paglalakbay sa mundong ibabaw. Nawa’y lubusan nating mabatid na sa ibayo ng mga
pamantayang sumasaklaw sa kultura ng edukasyon, ang layon nitong magbigay ng
magaganda at makabuluhang karanasan ang magsisilbing proteksyon at sandata natin
sa pakikidigma sa ating mga sarili at sa kung ano mang pagbabagong nakaukit na sa
ating panahon.
Abstrak

Ang senior high school ay dalawang taon ng


dalubhasang pang-sekondaryang edukasyon; ang mga
mag-aaral ay maaaring pumili ng isang dalubhasa batay
sa kakayahan, interes, at kapasidad ng paaralan. Ngayon,
ang mga propesyonal na dalubhasa sa larangan ng
agham, teknolohiya, engineering at matematika (STEM)
ay nakikita bilang isa sa pinakamahalagang kadahilanan
para sa pagbabago ng isang bansa at kaunlaran ng
ekonomiya.

Ang descriptive survey na pananaliksik ay disenyo ay


inangkop sa pag-aaral. Isang halimbawa ng 76 na mga
respondente ang napili mula sa populasyon ng lahat ng
mga mag-aaral sa grade-11 na STEM na buong oras na
undergraduate sa Fatima National High School na napili
gamit ang random na sampling technique ay ginamit para
sa pagpili.

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay walang


makabuluhang ugnayan sa pagitan ng impluwensya ng K-
12 Kurikulum at ang pagganap ng mga mag-aaral na
Grade-11 STEM ay isang p-halaga ng 0.51.

Ipinakita ng mga natuklasan na ang K-12 Kurikulum


ay may impluwensya sa pagganap ng mga mag-aaral ng
impluwensya ng Kurikulum ng grade 11 at ang pagganap
sa matematika at agham ng mga mag-aaral na grade-11.
Lakbay Sanaysay
Ang Magagandang Tanawin ng Surigao Del Norte

Ang mga mga tanawin ng Surigao Del Norte ay napakaganda at


madalas pinupuntahan ng mga turista galling sa ibang bansa.
Tanyag dito ang maliliit na isla dahil ang bawat isla ay nagtataglay
ng mga puting buhangin, magagandang tanawin, mga iba’t ibang
aktibidad na maaaring gawin sa tubig, waterfalls, at marami pang
iba. Sa aming paglalakbay sa sandaling panahon aking
maipapakita ang ilan sa aming napuntahan.

UNANG ARAW:

Ang larawan na ito ay kuha nang


kami ay makarating sa aming titirhan sa
loob ng tatlong araw. Inabot kami ng
dilim sa kadahilanang mahaba ang
byahe mula sa Diegas. Halos 8 oras
lalakbayin ang isla galling sa Diegas o
aabutin ka nang hapon kung aalis ka
ng umaga galing sa inyo.

IKALAWANG ARAW:

Sa pagsapit ng umaga agad naming sinimulan ang


pagpunta sa beach kasama ang mga barkada at mga
kaklase. Ang orihinal na tawag dito ay Santa Cruz
Beach Resort ngunit sa dahilan na ang hugis nito at
sikat ito sa mga turista ang nakasanayang tawag dito
ay Santa Cruz Beach dahil masyado kaming nalibang
sa tanawin na dala nito. Mas masaya kung
mapapanood mo ang paglubog ng araw sa kalupaan.
Ang pangalawang araw namin+ ay ang pagpunta sa iba’t-ibang
isla ng Surigao Del Norte. Makikita sa litrato ang aking mga
kaibigan kong pumunta sa iba’t-ibang isla ng Surigao Del Norte.
Sa isla na nagkataon na mayroon kaming nakitang pawikan sa
kailaliman ng dagat. Dito binigyan kami ng aming tourist guide ng
oras upang makapag snorkeling. Nagkataon na mayroon kaming
nakitang pawikan sa kailaliman ng dagat. Kumuha kami ng iba’t-
ibang klase ng mga “tuyom” yung kulay orange.
Talaan ng Nilalaman

I. Bionote
II. Abstrak
III. Buod
IV. Agenda
V. Katitikan ng Pulong
VI. Posisyong Papel
VII. Replektibong Sanaysay
VIII. Larawang Sanaysay
IX. Lakbay Sanaysay
Larawan Sanaysay

You might also like