You are on page 1of 10

KASAPATAN NG KAALAMAN NG MGA MAG-AARAL SA COMPUTER

ENGINEERING SA UNANG TAON SA KOLEHIYO HINGGIL SA SOCIAL NETWORK


ETIQUETTE
TIP-QC
Panimula
Ang social networking sites ay isa na rin sa pangunahing pangangailangan ng
mga tao lalong-lalo na sa mga mag-aaral ng Computer Engineering dahil sa bawat
asignaturang tinatalakay nila ay hindi naiiwasang mabanggit ang tungkol sa social
networking sites dahil ito ay nakatutulong sa kanila upang mapabilis ang pakikipagusap
sa iba pa nitong kaklase.

Samakatuwid, ang mga mag-aaral sa Computer Engineering ay may mga tanong


sa kanilang isipan na kapag nasagot ay maaari din makatulong upang mabago ang
mga maling pananaw o paggamit ng social networking sites sa mas responsableng
paraan at upang maiwasan rin ang mga kaguluhan na naging sanhi nito.

Ang pag-aaral tungkol sa Kasapatan ng Kaalaman ng mga Mag-aaral sa


Computer Engineering sa Unang Taon sa Kolehiyo Hinggil sa Social Network Etiquette
ay ang siyang magbibigay linaw sa lahat ng mga agam-agam ng mga mag-aaral ng
Computer Engineering at anu man ang nakapaloob dito ay magiging malaking tulong
upang maging responsable ang mga tao sa pag-gamit ng social networking sites.

Kaligirang Kasaysayan
Nitong mga nakaraang taon, mas nadaragdagan ang mga gumagamit ng social
network lalo na sa mga mag-aaral ng Computer Engineering dahilan upang
magkampanya ang GMA ng isang ideya na tinawag nilang Think before you click.

Itong kampanya na ito ay nagturo sa mga gumagamit ng social networks na


maging responsable sa pag-upload ng mga larawan, mensahe o maging palabas at
dahil dito nabawasan ang mga lumalabag sa batas o may maling etiquette. GMA ang
kauna-unahang organisasyon ng pagbabalita sa Pilipinas na laban sa cyber
harassment at bullying na sadyang nakatulong upang baguhin at magkaroon ng tamang
etiquette ang mga tao. Ngunit ayon sa karanasan ng iba, nabu-bully ang isang tao dahil
hinahayaan nitong gawin sa kanya ang hindi niya kagustuhan imbes na ito ay ilapit sa
mga mas nakatatanda upang mabigyan ng gabay o matigil ang mga maling gawain.

Siguro ay sapat na ang mga nasaksihan na masasamang pangyayari na dulot ng


kawalan ng disiplina sa paggamit ng social networking sites upang magtino ang mga
tao at malinawan sa mga dapat na ginagawa nila o ugali nila habang gumagamit ng
social networking sites. Sana ay maging susi ang pananaliksik na ito upang mabago
ang mga tao na paulit-ulit nang gumagawa ng mga kamalian.

Balangkas Teoretical
Ayon kay Robert Sternberg (1949), ang katalinuhan ay kung paano magisip ang
isang tao at ang teorya na ito ay tinawag na Triarchic Theory of Intelligence ng nabuo
noong 1985 at dahil dito nagkaroon ng pamantayan ang mga tao pagdating sa
kaalaman.
Ang mga mag-aaral ng Computer Engineering ay may sapat na katalinuhan
ngunit madalas itong nagagamit sa maling paraan na dapat nang itama at bigyang
linaw. Dapat malaman ng mga mag-aaral ang tungkol sa Triarchic Theory upang
malaman nila kung saan sila nabibilang at kanilang mga pagkukulang na dapat nigyang
pansin sapagkat makatutulong ito upang maging responsableng social network user at
malaman nila ang tama at mali o maging ang kanilang pagdedesisyon ay mabago.
Ayon naman kina Penelope Brown at Stephen Levinson(1978), ang bawat tao na
nakikipag-usap sa kapwa ay parehong gusto ng maayos na pag-uusap at mabuting
paraan at ang katangian ng isang tao ay nagpapakita ng ilan sa mga ugali ng isang
indibidwal at ang teorya na ito ay tinawag na Politeness Theory.

Mga Tiyak na katanungan


Ang mga mananaliksik ay layuning masagot ang mga sumusunod na
katanungan at mabigyan ng linaw ang mga dapat malaman ng mga mag-aaral sa
Computer Engineering sa T.I.P. Quezon City:

1.
2.
3.
4.
5.

Anu-ano ba ang mga dapat isaalang-alang kapag gumagamit ng social network?


Ano ang mga halimbawa ng kawalan ng social network etiquette?
Ano ang mga pangunahing social network etiquette na dapat tandaan?
Ano ang halaga ng pagkakaroon ng social network etiquette?
Ano ang pananaw ng mga mag-aaral sa Computer Engineering ukol sa mga
maling paggamit ng social network sites?

Balangkas Konseptual

Pigura Bilang 1
Ayon sa konseptong pinapakita sa pigura bilang 1, ang kaalaman ng mga magaaral ay siyang pinaka-pinagmumulan ng lahat dahil hindi naman magagawa ng isang
mag-aaral na maging iresponsable sa ginagawa nito kaya kapag pumunta sila sa ibatibang websites ay dapat meron silang sapat na etiquette o kaalaman hinggil dito
sapagkat napakaimportante na maipakita ng isang tao ang magandang asal sa iba
bilang respeto dito.

Kapag may sapat na etiquette ang isang mag-aaral ng Computer Engineering ay


magiging mas organisado at responsable sila sa paggamit nito at siguradong alam nila
ang ginagawa nila na magreresulta sa pagiging mabuting netizen.

Haypotesis
Sa pagtatapos ng pananaliksik na ito, inaasahan ng mga mananaliksik na
matututunan ng mga mambabasa ang kahalagahan ng etiquette sa paggamit ng social
network at kung ano ang mga ikabubuti nito upang mabago ang mga kabataan na
maging mas responsable sa pakikisalamuha sa mga hindi nila kakilala.

Nitong mga nakaraang taon, marami na ang mga balita na nagsasabi ukol sa
maling paggamit ng social network kaya inaasahan ng mga mananaliksik na
mababawasan ang mga ito matapos isapubliko ang pagaaral na ito upang maipaunawa
sa mga mag-aaral ng Computer Engineering na dapat magingat lalo na sa panahon
ngayon at maging responsable rin sila.
Ang mga tao ang pinaka-matalinong uri dito sa mundo, kaya mas makabubuti
kung gagamitin nila ito ng tama at iyon ang nakikita ng mga mananaliksik na pwedeng
maapektuhan o mabago ng pagaaral na ito at ang pinaka-dapat pansinin ng mga tao ay
ang pagbabago na magsisimula sa sarili.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa pag-uugali ng mga mag-aaral sa


Computer Engineering sa Quezon City Campus. Saklaw nito ang sampung mag-aaral
ng Technological Institute of the Philippines mula sa Kolehiyo ng Engineering sa unang
taong pagaaral na kasulukuyang nagaaral at gumagamit ng social networking sites
tulad ng Facebook, Twitter, Tumblr, Instagram at iba pa..

Samakatuwid, hindi ito naglalayon na busisiin ang tungkol sa programang


Computer Engineering at hindi rin ito tungkol sa mga batas kundi sa etiquette ng magaaral na dapat kaugalian upang maging positibo ang pagiisip ng mag-aaral.

Kahalagahan ng pag-aaral
Ang pagaaral na ito ay hindi lamang para sa kapakanan ng mga mananaliksik
kung hindi ay para din sa mga sumusunod:
Sa mga mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay makatutulong upang mabigyan
sila ng sapat na ideya sa pagsasagawa ng pananaliksik at ito ay pwede rin maging
gabay sa kanilang paggamit ng social network sa tamang pamamaraan.
Sa mga kabataan. Maaari ito magamit ng mga kabataan upang hindi sila
maging padalos-dalos sa paggamit ng social network at upang maging responsable sila
sa paggamit nito.
Sa mga netizen. Kung sakaling nagkamali na sila sa paggamit ng social
networking sites, makatutulong ito upang hindi na maulit ang mga pangyayaring iyon
dahil ito ay magmumulat at magbibigay kaliwanagan sa kanilang isip kung paano
maging nettizen sa tamang paraan.
Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang maging epektibo ang pananaliksik na ito mahalagang malaman ng mga


mambabasa ang mga sumusunod na terminolohiya:

Bullying - ay isang uri ng panlilinlang ng tao o pangaasar upang gawin ang


isang bagay na gusto ng isa pang tao.
Computer - ay isang materyal na bagay na kadalasang ginagamit ng mga tao sa
pagaaral.
Computer Engineering ay tumutukoy sa isang propesyon na nakatuon sa
Hardware at Software ng Computer.
Cyber harassment - ay ang paggamit ng internet upang mangharas ng tao.
Facebook - ay isang social network na ginagamit ng mga tao upang
makipagusap sa mga taong mahal nila sa buhay.
GMA(Global Media Art) - ay isang corporation ng isang telebisyon.
Hardware - ay parte ng Computer na nakikita ng tao at nahahawakan.
Instagram - ay ginagamit upang magbahagi ng mga litrato sa mga kaibigan na
nagpapakita ng kanilang buhay na maaari din makita ng iba.
Netizen - ay isang tao na palaging gumagamit ng internet.
Politeness Theory - ay teorya na tumutukoy sa pagiging magalang ng isang tao
sa kapwa nito.
Social network etiquette - ay ang kaugalian ng isang indibidwal sa paggamit ng
social networking sites.
social networking sites - ay mga pahina na gumagamit ng serbisyo sa web
upang mapagkonekta ang mga tao sa mabilis na paraan.
Software - ay tumutukoy sa mga maaaring gamitin sa loob ng Computer.

Triarchic Theory of Intelligence - ay teorya na tumutukoy sa pamantayan ng


talino ng isang tao.
Tumblr - ay katulad din ng Twitter na maaari magparating ng mensahe kaninu
man.
Twitter - ay isang uri ng social networking site na ginagamit upang maiparating
sa mga kaibigan ang mga nangyayari sa gumagamit nito.

You might also like