You are on page 1of 31

Division of City Schools

City of Mandaluyong Science High School

E. Pantaleon St. Brgy. Hulo, Mandaluyong City

ANG PANGKALAHATANG PAGTANGGAP NG MGA MAG-AARAL SA

IKALABING-ISANG BAITANG NG CITY OF MANDALUYONG

SCIENCE HIGH SCHOOL NG TAONG PANURUAN

2019-2020 TUNGO SA MODERNISASYON

NG MGA DYIP

Ipiniprisenta Nina:

John Bernard Mercurio

Franscene Daphne M. Costo

Y-anlah Sophia A. Lopez

Raven Erin A. Santiago

11- Fermat

Isang Pananaliksik na Iniharap Para Kay:

G. Arnel Navisa

Bilang pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan sa

Asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik 11

Disyembre 2019
PASASALAMAT

Nais ipahayag ng mga mananaliksik ng pag-aaral na ito ang kanilang lubos na pasasalamat

unang-una sa Poong Maykapal sa pagbibigay sa kanila ng buhay, lakas at panahon upang magawa

at mabuo ang pag-aaral na ito. Nais din pasalamatan ng mga mananaliksik ang kanilang mga

magulang sa pagbibigay suporta at pag-intindi sa mga Gawain na dapat tapusin sa takdang oras.

Lubos ding pinasasalamatan ng mga mananaliksik ang pamilyang Costo sa kanilang

pagpapatuloy sa kanilang tahanan at pagsuporta. Pinasasalamatan din ng mga mananaliksik si G.

Arnel Navisa ang kanilang gurong tagapamahala at tagapagpayo sa siyentipikong pananaliksik na

ito.

Ikinagagalak din ng mga mananaliksik ang pakikiisa ng mga mag-aaral sa ikalabing-isang

baiting ng City of Mandaluyong Science High School Taong Panuruan 2019 – 2020 sa kanilang

pagtugon sa mga sarbey na ipinamahagi ng mga mananaliksik.

Ikinatutuwa din ng mga mananaliksik ang lubos nap ag-suporta ng kanilang kapwa mag-

aaral at mga guro upang matapos ng maayos ang pananaliksik na ito.

II
ABSTRAK

Sa Pilipinas, karamihan ng mga mamamayan ay nagkokomyut at umaasa sa mga

pampublikong sasakyan o PUVs upang maabot ang lugar na nais nilang tunguhan, isa na rito ang

paggamit ng dyip. Ayon sa isang pag-aaral, ipinapakita na ang mga dyip ay ang pangalawang

ginagamit na paraan ng transportasyon sa Metro Manila.

Habang lumilipas ang panahon, ang mga sasakyan na ito ay unti-unting nagbabago,

tumatanda, at nagkakaroon ng kalawang. Kaugnay rin nito, ang mga dating sasakyan tulad ng dyip

ay naging isa sa mga pangunahing sanhi ng mga aksidente sa bansa. Ito rin ay naglalabas ng mga

masasamang kemikal sa kapaligiran na nagdudulot ng polusyon at sakit.

Dahil dito ay nais palitan ng gobyerno ang mga makalumang dyipney na may edad labing-

limang taong gulang pataas ng makabagong dyipney na electronic jeepney.

Ang mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong uri ng pananaliksik at random sampling

na uri ng sampling. Ang mga datos at resulta ay kinuha sa pamamaraan ng sarbey na isinagawa ng

mga mananaliksik. Ang istatistikong paraan naman na ginamit ay ang mean upang malaman ang

kabuuang tugon ng mga estudyante na sumagot sa sarbey tungkol sa pangkalahatang pagtanggap

ng mga apatnaput-walong estudyante sa City of Mandaluyong Science High School sa

pagmomodernisa ng mga dyip sa lungsod ng Mandaluyong.

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga komyuter sapagkat tinatalakay nito ang

isyung hinaharap ng mga komyuter. Sa pag-aaral din na ito ay binigyang pansin lamang ng mga

mananaliksik ang ilang mga aspeto tulad ng mga kalamangan, kasahulan, at mga importanteng

kaibahan sa pagitan ng makabagong dyip at ng tradisyunal na dyip na gumagana sa pamamagitan

ng gas.

III
TALAAN NG NILALAMAN

Pasasalamat ………………. II

Abstrak ………………. III

Kabanata

I – Ang Suliranin At Sanligan ng Pag-Aaral

Panimula ………………. 1

Pangkalahatang Suliranin ………………. 2

Espisipikong Suliranin ………………. 2

Null Haypotesis ………………. 2

Alternatibong Haypotesis ………………. 3

Teyoretikal na Balangkas ………………. 3

Konseptuwal na Balangkas ………………. 4

Kahalagahan ng Pananaliksik ………………. 5

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral ………………. 5

Depinisyon ng Terminolohiya ………………. 6

IV
II - Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Lokal na Literatura ………………. 8

Lokal na Pag-aaral ……………..... 10

Dayuhan na Pag-aaral ……………..... 12

Sintesis ………………. 13

III - Pamamaraan ng Pag-aaral

Disenyo ng Pananaliksik ………………. 14

Disenyo ng Sampling ………………. 14

Popoulasyon at mga Manunugon ……………..... 14

Mga Instrumentong Ginamit ………………. 15

Hakbang sa Pagkalap ng Impormasyon ………………. 15

Istatistikong Pagkalap ng Impormasyon ………………. 16

IV – Presentasyon, Pag-aanalisa at Interpretasyon ng Datos

Presentasyon ng Pag-aanalisa ……………..... 17

5
V – Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Konklusyon ………………. 21

Rekomendasyon ………………. 22

Bibliyograpiya ………………. 23

Apendiks ……………..... 24

6
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL

Panimula

Sa Pilipinas, karamihan sa mga mamamayan ang nagkokomyute at umaasa sa

pampublikong sasakyan o mga PUVs upang maabot ang isang tiyak na lugar. Ang ilan sa mga

mamamayan ay nagmamay-ari ng mga pribadong sasakyan, ngunit ang karamihan sa bilang ng

mga tao sa Pilipinas ay pipiliin pa ring mag-komyute. Nawa’y maging mga kotse, tricycle,

motorsiklo, eroplano, bangka o kahit dyip, karamihan sa mga Pilipino ay pinili ang mga Public

Utility Vehicles o PUVs bilang pangunahing paraan ng transportasyon.

Habang lumilipas ang panahon, ang mga sasakyan na ito ay unti-unting nagbabago,

tumatanda, nagkakaroon ng kalawang. Kaugnay rin nito, ang mga dating sasakyan tulad ng dyip

ay naging isa sa mga pangunahing sanhi ng mga aksidente sa bansa. Ang pinsala na idinulot ng

mga aksidenteng ito ay hindi lamang nagkakahalaga ng higit sa milyong piso na pagkasira ng mga

establisimiyento at imprastraktura, ngunit nag-iwan rin ito ng mga mamamayan na sugatan, may

bali, at kamatayan dahil sa nasabing aksidente.

Sa isang pag-aaral, ipinapakita na ang mga dyip ay ang pangalawang pinaka-ginagamit na

paraan ng transportasyon sa Metro Manila, na may kabuuang biyahe na 19.1% base sa isinagawa

sa rehiyon. Ang karamihan ng mga komyuter sa Pilipinas ay sumasakay sa mga dyip dahil ito ay

mas mabilis at mas mura kaysa sa iba pang mga PUVs. Upang matiyak ang kaligtasan at

maprotektahan ang kalusugan ng mga komyuter at maging ang ating daigdig, pinlano ng

pamahalaan na palitan ang mga lumang dyip na may edad na 15 taong gulang pataas, sa E-jeepney

na hindi lamang makakabuti sa kapaligiran, kundi ito rin ay may mga tampok na kaligtasan para

sa mga Pilipinong komyuter.

1
Paglalahad ng Suliranin

Ang pamanahong papel na ito ay naglalayon na alamin ang posibleng epekto ng pagdagdag

ng modernisasyon sa dyip sa mga residente ng Barangay Hulo, Mandaluyong City.

Pangkalahatang Suliranin:

1. Ano ang pangkalahatang pagtanggap ng mga mag-aaral sa ikalabing-isang baitang ng City of

Mandaluyong Science High School tungo sa modernisasyon ng mga dyip?

Espisipikong Suliranin:

1. Ano ang maaaring tugon ng mga mag-aaral sa City of Mandaluyong Science High School

tungkol sa modernisasyon ng dyip?

2. Ano sa tingin ng mga mag-aaral ang magiging tugon ng iba pang komyuter tungkol sa isyung

pagmomodernisa ng mga dyip?

3. Ano ang tugon ng mga mag-aaral tungkol sa posibleng malutas ang problema ng kapaligiran

dahil sa pagdaragdag ng mga E-jeepney sa Lungsod ng Mandaluyong?

Mga Palagay

Null Haypotesis

Batay sa tatlong espisipikong suliranin na itinatalakay sa pananaliksik na ito, ang mga

sumusunod na haypotesis ay nakasaad.

• Walang makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng mga taong sumang-ayon at hindi

sumang-ayon sa modernisasyon ng dyip.

2
Alternatibong Haypotesis

• Mayroong makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng mga taong sumang-ayon at hindi

sumang-ayon sa modernisasyon ng dyip.

Teyoretikal na Balangkas

Ang transportasyon ay nananatiling mahalaga para sa Asya sapagkat kung magpapatuloy ang

kakulangan nito, maraming mga mamamayan ang maghihirap sapagkat hindi makararating sa

kanilang mga hanapbuhay, mga pamilihan, pagamutan at mga paaralan.

Ang jeepney o jitney ay isang sasakyang mahalaga at makasaysayan ang pinagmulan. Ang jeepney

na siyang pangunahin at orihinal na pampublikong sasakyan na hanggang ngayon ay

pinapakinabangan ng mga mananakay na Pilipino ay maituturing na naging isang simbolo ng

kasarinlan at pagka-Pilipino.

Tunay na hindi natin maiwawaksi ang naging kahalagahan at naiambag ng jeepney sa kultura at

pamumuhay ng mga Pilipino, at sa panukalang tatanggalin (phase-out) na sa lansangan ang mga

mahigit 15 taon nang mga jeepney ay hindi lamang ang kasaysayan nito ang unti-unting mabubura

kundi ang magiging epekto nito sa kabuhayan ng mga nakadepende sa mga pampasaherong

jeepney.

Kung ang pangunahing dahilan ng LTO sa pag-phase out ay upang maibsan ang problema sa

trapiko at tanggalin ang diumano’y hindi magandang “itsura” ng mga lumang jeepney sa lansangan

ay dapat mayroon din silang alternatibong hakbang o kasagutan sa maraming mawawalan ng

ikakabuhay. Ang mga kawawang drayber na nakikimaneho lamang at mga operator ng mga

lumang jeepney na ito ay ilang dekada nang pinagkakakitaan at pinagkukunan ng ibubuhay sa

3
kanilang mga pamilya. Dapat magkaroon ng isang katanggap-tanggap na solusyon (win-win

solution) sa bawat panig bago ito ipatupad.

Mabuti ang panukalang ito dahil kaakibat nga ng modernisasyon sa transportasyon subalit

kailangan ng isang mahusay at katanggap-tanggap na alternatibo gaya na dapat mabigyan ang mga

operator ng magaang financing sa pagbili ng bagong unit na saksakyan dahil wala ng halaga ang

mga lumang jeep nila kundi sa “junk shop” na ang bagsak. At kung mangyari ito ay maaari pa ring

tuloy ang pakikimaneho ng mga mamang tsuper. Kung hindi naman ito uubra ay dapat mayroon

nang nakahandang lilipatang trabaho ang mga tsuper at alternatibong pagkakakitaan ng mga

operator sakaling hindi sila makabili ng bagong unit.

Konseptuwal na Balangkas

INPUT PROSESO AWTPUT

• Mga manunugon sa • Ang mga • Ang mga tugon ng


ikalabing-isang mananaliksik ay mga mag-aaral mula
baiting ng City of magsasagawa ng sa ikalabing-isang
Mandaluyong isang sarbey upang baitang ng City of
Science High School. makakuha ng mga Mandaluyong
• Ang sarbey na datos tungkol sa ang Science High School
sasagutan ng mga pangkalahatang tungkol sa
manunugon mula sa pagtanggap ng mga pangkalahatang
ikalabing-isang mag-aaral sa pagtanggap tungo sa
baiting ng City of ikalabing-isang modernisasyon ng
Mandaluyong baitang ng City of mga dyip.
Science High School. Mandaluyong
Science High School
ng taong panuruan
2019-2020 tungo sa
modernisasyon ng
mga dyip.

KONSEPTWAL NA BALANGKAS

Kahalagahan ng Pag-aaral

4
Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Para sa mga susunod pang mananaliksik. Mapakinabangan nila ang pag-aaral na ito sa

pamamagitan ng pagkakaroon ng pagbabasehang pag-aaral. Makatutulong din ito sa mga

mananaliksik na ang paksa ng pag-aaral ay tungkol sa modernisasyon ng mga dyip.

Para sa mga komyuter. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga komyuter sapagkat

tinatalakay nito ang isyung hinaharap ng mga komyuter, dahil dito ay maaaring umaksyon ang

gobyerno patungkol sa pagpapatupad ng pagmomodernisa ng mga dyip.

Para sa mga residente ng lungsod ng Mandaluyong. Ang mga taong tumugon sa pag-

aaral na ito ay residente ng lungsod ng Mandaluyong, mga estudyante, magulang, at barangay

opisyals. Ito ay makatutulong sa mga tumutugon dahil hayagang naipakita ang pananaw upang

malaman ng publiko at gobyerno ang mga isyu na dapat nilang bigyan ng solusyon na may kaugnay

sa modernisasyon ng mga dyip.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Isinasagawa ang pag-aaral na ito upang pag-usapan ang maaaring epekto ng pagdaragdag

ng mga makabagong dyip sa mga mamamayan na nakatira sa Lungsod ng Mandaluyong. Sa pag-

aaral na ito ay binigyang pansin ng mga mananaliksik ang ilang mga aspeto tulad ng mga

kalamangan, kasahulan, at mga importanteng kaibahan sa pagitan ng makabagong dyip at ng

tradisyunal na dyip na gumagana sa pamamagitan ng gas.

Gayon pa man, ang katiyakan ng tugon ng mga residente sa Lungsod ng Mandaluyong ukol

sa mga tanong na ibinigay ay walang kaliwanagan at lampas sa kaalaman ng mga mananaliksik.

5
Depinisyon ng mga Terminolohiya

Makabagong Dyip o E-Jeepney - ang de-koryenteng dyip (E-Jeepney) ay isang kamakailang

resulta ng pag-unlad ng teknolohiya sa Pilipinas na nagbibigay ng “sustainable” at malinis na uri

ng pampublikong transportasyon. Ang araw ang nagsisilbing gas nito, ang araw rin ang

nagpapatakbo rito, bilang kapalit ay nagbibigay ito ng ginhawa sa mga pasahero.

Dyip – ang bersyon ng “twin-benched jitney bus” ng Pilipinas na nagsasakay ng humigit labing-

dalawang pasahero. Ito ang pangkaraniwang pampublikong sasakyan sa Pilipinas.

Modernisasyon – ay isang proseso ng pag-angkop sa isang makabagong pangangailangan o

kaugalian.

Pampublikong Sasakyan o PUVs – ay isang kagamitan sa transportasyon na dinisenyo upang

taglayin ang isang particular na gawain. Inihahatid nito ang mga pasahero sa kanilang ninanais na

destinasyon.

Modernisasyon ng mga Dyip – ay isang programang inilunsad ng gobyerno kung saan ay

papalitan nila ang mga makalumang dyipney na may edad labing-lima pataas ng makabagong dyip

na tinatawag na E-dyip.

Komyuter – sila ang mga sumasakay sa mga pampublikong transportasyon upang makarating sa

kanilang pupuntahan.

Teknolohiya – ang mga kagamitan na gawa sa mga makina na nagpapadali ng ating buhay.

Residente - tawag sa mga taong nakatira sa isang pamayanan.

LTO – o Land Transportation Office, isang ahensya ng gobyerno na responsable para sa lahat ng

mga transportasyon sa Pilipinas.

Sarbey – isinasagawa upang malaman ang mga opinyon ng mga tao tungkol sa isang isyu.

6
Drayber – ang taong nagmamaneho ng sasakyan para sa kanilang hanap-buhay.

Pananaliksik – isinasagawa upang makahanap ng solusyon o sagot sa tanong na nabuo sa utak

ng isang tao.

Tradisyunal – mga makalumang paggamit ng mga bagay na nakasanayang gawin ng mga tao.

Limitasyon – ito ay hanggang kung saan lamang pwede lumagpaso sakop ng isang bagay,

pangyayari o paksa.

Gobyerno – ang namamahala sa isang bansa upang matugunan ang mga pangangailangan ng

mga mamamayan at paunlarin and ekonomiya ng isang bansa.

7
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Hari ng Daan, ito ang iba pang hayag na pangalan ng mga dyip sa Pilipinas noong

nakaraang siglo pa man, maging ngayon. Sa katotohanan, ang dyipney ay kilala rin bilang isang

pinaka-tanyag na paraan ng transportasyon sa Pilipinas, ito rin ay sumisimbolo sa diwa ng mga

Pilipino. Pinaniniwalaang ang salitang dyipney ay nagmula sa dalawang salita na “jeep” at “knee”

marahil siksikan at tuhod-sa-tuhod ang moda ng pagsakay rito.

Ang disenyo ng dyip ay hinango ng mga Pilipino mula sa naiwang dyipney ng mga militar

ng Estados Unidos noong pangalawang digmaang pandaigdig. Ito ay idinisenyo upang

mapaunlakan ng humigit dalawampung pasahero; sampu sa kaliwa at sampu rin sa kanang bahagi.

Ang dyipney na ito ay punong-puno ng mga pasahero at maihahantulad sa “lata ng sardinas”

sapagkat ito ay balikat-sa-kilikili, balikat-sa-balikat, siko-sa-balakang, at ang hindi maiiwasang

hita-sa-hitang pagkadidikit.

Lokal na Literatura

Base sa “Philippine News Agency Website”, ang Kagawaran ng Transportasyon sa

Pilipinas ay naglunsad ng programang pag-modernisa ng mga Dyip noong ika- siyan ng Oktubre,

dalawang libo’t labing-siyam. Ito ay isang inisyatibong na naglalayong "i-overhaul" ang

pampublikong sistema ng transportasyon ng bansa. Sinumulan ang programa sa pamamagitan ng

paglagay ng apat-na-put-limang dyipney na pinagagana sa pamamagitan ng skiat ng araw, ito ay

inihandog ng “Star8 Green Technology Corp.”. Ang mga makabagong dyip na ito ay may ruta

mula sa Tacloban patungo sa Palanog at pabalik, intensyon nito na mapabuti at mapabilis ang

“pag-access” ng mga libu-libong taong nasalanta ng napakalakas na bagyong Yolonda patungo sa

kanilang mga pansamantalahang tirahan.

8
Ayon sa website ng “CNN Philippines”, si Zenaida Maranan, lider ng Pinagkaisang

Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON), at si Jun Magno, presidente ng “Stop

and Go Transport Coalition”, ay nagsagawa ng pag-uusap hinggil sa programang pag-modernisa

ng mga Dyip na inilunsad ng gobyerno. Sinabi rito na maaring tanggalin ang mga makalumang

sikat na disenyo ng dyipneh sa Kalakhang Maynila. Isang proyekto ng gobyerno ay ang

pagbabakasakaling pag-modernisa ng mga makalumang dyipney na may edad labing-lima pataas

patungo sa isang dyipney na hindi gaanong masama sa kapaligiran, may mga makabagong

katangian tulad ng "charging deck", at pagdadagdag ng bagong ruta. Gayunpaman, pinaniniwalaan

ng mga tsuper na ang pagmomodernisang magaganap ay maaring makasama sa kanila at maari

ring umaabot na sa puntong mawawalan na sila ng trabaho.

Ayon sa Lupon sa Pagpaprangkisa at Regulasyon ng Transportasyong-Lupa (LTFRB), ang

pagmomodernisa ng mga dyipney ay isa sa proyektong binibigyang diin ni Presidente Rodrigo

Roa Duterte marahil ito raw ay maiging dinisenyo, makabago, at isang makakalikasang paraan ng

pag-komyut na nagbibigay ng matibay, sapat, at malinis na trabaho sa mga tsuper. Isang

kagandahan din nito ay ang mga komyuters ay makapupunta sa kanilang destinasyon ng mabilis,

ligtas, at mapayapa.

Ayon kina Robertzon Ramirez at Thomas Orbos, ang department of Transportation ay

tatanggalin ang lahat ng mga pampublikong dyipney na may edad labing-limang taong gulang

pataas sa pamamasada bilang parte ng proyekto ng gobyernong pagmodernisa ng mga dyipney.

Ayon kay Orbos, sisimulan na nilang tanggalin ang mga lumang dyipney na may problema na,

subalit, hindi nila kayang tanggalin agad-agad ang mga ito. Sapilitang ipapatanggal ng gobyerno

ang mga makalumang dyip, gustuhin man nila o hindi, walang makapipigil sa plano nilang

pagbabago ng moda ng transportasyon sa Pilipinas. Ang malalang trapiko sa kalakhang Maynila

9
ay nagdudulot ng pagdurusa ng mga komyuters. Sa totoo lang, hindi lamang sagabal sa publiko

ang naidudulot nito, ito rin ay nagdudulot ng banta sa kalusugan ng tao at ng kalikasan.

Ang pagtatanggal ng mga pampublikong sasakyan na may edad labing-limang taong

gulang pataas ay kasama sa planong pag-momidernisa ng paraan ng pampublikong transportasyon

ng gobyerno; ito ay inaasahan na magbibigay ng seguridad at kapayapaan sa mga komyuters. Base

sa naunang pahayag ni Efren de Luna, ang presidente ng grupong ACTO, inihayag niyang naglatag

siya ng isang protesta sa sa Lupon sa Pagpaprangkisa at Regulasyon ng Transportasyong-Lupa

(LTFRB). Sinabi rito na nagorganisa sila ng isang pribadong pagpupulong sa pagitan ng kanilang

grupo at sa sa Lupon sa Pagpaprangkisa at Regulasyon ng Transportasyong-Lupa (LTFRB),

gayunpaman ay hindi sila binigyang pansin ng sa Lupon sa Pagpaprangkisa at Regulasyon ng

Transportasyong-Lupa (LTFRB) kaya't hindi natuloy ang inaasahang pagpupulong. Ayon din kay

Efren de Luna, gusto niyang maganap ang pagpupulong marahil ninanais niyang malaman kung

isa-isa ba o biglaang papalitan ang mga makalumang dyip patungo sa isang ganap na makabagong

dyip.

Lokal na Pag-aaral

Ayon sa pag-aaral na ginawa ni Almorado noong 2013, ang "Fortifying a Developing

Public Transport System: A Puruit for the Optimal Price In the Philippines Focusing on the Light

Rail Transit (LRT)", na nagsisilbing isa pang uri ng pampublikong transportasyon na kung saan

ang presyo ay binabase ng malinaw at mahusay. Gayunpaman, ang datos ng pananalapi nito ay

patuloy na nag-uulat ng napakalaking pagkalugi mula sa mga operasyong hindi nito natugunan ng

maayos at nasa oras. Bilang resulta, ang pondong inutang para sa operasyong ito ay hindi

nabayaran sa oras na naging hadlang sa ganap na pagpapalawak ng mga serbisyo ng LRT. Dahil

10
sa pag-aaral na ito ay napukaw ng mga mananaliksik ang iba't-ibang parteng bumubuo sa

"operating cost" at ang karagdagang bayad para sa "debt of payment". Pagkatapos nito ay sinuri

namin ang aming ipinakulang presyo laban sa presyong inuulat ng Light Rail Transit Authority

(LRTA), dahil dito ay nagkaroon ng linaw at katuwiran ang pagtataas ng pamasahe sa Sistema ng

Magaang Riles Panlulan ng Maynila (LRT). Ang pag-aaral na ito ay makatutulog sa pamamagitan

ng pag-ambag ng malinaw na rason ukol sa pagtaas ng presyo sa Sistema ng Magaang Riles

Panlulan ng Maynila (LRT), dito ay makikita at makikilala ng mga komyuter ang iba’t-ibang

bahaging nagdulot ng pagtaas ng presyo sa LRT.

Gaya ng sinabi ni Napalang (2016) sa kanyang pag-aaral na isinagawa para sa “National

Academy of Science and Technology” na pinamagatang “Breakthroughs and Breakdowns of

Transportation System in the Philippines”, na nakatuon sa moda ng transportasyon sa mga

lungsod/bayan tulad ng mga kalsada, transportasyon sa pamamagitan ng pan-hangin, at mga isyu

sa transportasyong pang-tubig na kailangang tugunan ng gobyerno . Tinalakay niya rin ang mga

hamon ukol sa pagsulong ng makabagong moda ng transportasyon sa lungsod kung saan ay

nalaman niya na ang disenyo ng pampublikong sistema ng transportasyon (mga ruta) ay hindi

organisadong (rationalized) nakaayos. Ang pananaig ng bilang ng mga dyip, mga trisiklo, at iba

pang uri ng moda ng transportasyon tulad ng pedicab bilang uri ng transportasyon sa lungsod ay

nagdudulot ng matinding trapik, lalo na sa mga “transit terminal”. Sa totoo lang ay kailangang

magtayo ng isang pampublikong terminal na nag-aalok ng iba’t-ibang uri ng transportasyon. Sa

kabuuan, mababa ang kalidad ng serbisyo ng mga pampublikong transportasyon marahil sa

mahabang oras sa biyahe dulot ng trapiko at ang kawalan ng seguridad.

Ayon sa pag-aaral na ginawa ni Lirios noong 2004, ang “Assessment of the current

Transportation System managementin Davao City with focus on Vehicular Flow Improvement”,

11
binigyang pansin niya ang kasalukuyang System management (TSM) na ineensayo sa Lungsod ng

Davao. Gayundin, pakay rin ng pag-aaral ni Lirios ay ang paggawa at ang pagkamaaari ng mas

epektibong sistema sa transportasyon gamit ang kasalukuyang mga PUV sa pamamagitan ng

pagprepresenta ng mga murang hakbang. Dahil rito, inaasahan din nila ipatupad ng lokal na

pamahalaan ang kanilang plano upang mapabuti ang daloy ng mga sasakyan at mabawasan ang

trapiko. Ang programang TRAFNETSIM ang ginamit sa i-simulate ang kasalukuyang umiiral na

systema ng transportasyon at ang mga pagbabagong posibleng magawa sa pamamagitan ng

pagpapatupad ng mga iminungkahing plano.

Ayon kay Janesca. Panti noong 2017, ang pagpapatangal ng makalumang dyip sa susunod

na taon na may matinding oposisyon ng mga drayber ay pinagkakaabalahan ni Pang. Rodrigo

Duterte. Nakapaloob sa "jeepney modernization plan" na ang mga dyip at iba pang pampublikong

sasakyan na nagamit na ng 15 taon o higit pa ay hindi na hahayaan pang mamasada sa mga kalsada.

Dayuhan na Pag-aaral

Plug-in Electric Vehicles (EV) offer a clean and cost-effective means in the long run of

driving short to medium distances within the city, even with the current high purchase cost. In

Australia EV may be attractive as a second car in the multicar household. The acceptance of EV

requires a change in behaviour – instead of re-fuelling, this vehicle requires battery charging each

140-160km, either at home or at specialised charging stations. A limited number of EVs are being

driven in Perth as part of the Western Australia Electric Vehicle trial (WA EV trial). The trial

monitors the performance, benefits, infrastructure and practical implications of EV fleet. This

paper explores the opinions and experiences of 43 of the participants. Factor analysis and multiple

regression are applied to identify the main motivators and barriers in purchasing and using an EV.

Ninety per cent of respondents are confident about driving the EV; more than 45% take trips of

12
more than 30km. While zero tailpipe emissions is the most desirable feature of EV, followed

closely by home charging, the limited range of the vehicle is regarded as the most serious barrier

to EV uptake. The overall satisfaction with the EV performance is high (an average score of 3.96

out of 5), although 13 participants experienced at least one technical difficulty, when driving the

EVs in the trial. Two latent constructs reflecting environmental concerns, and technology learning,

along with EV benefits and technical difficulties experienced while driving an EV explain 59.2%

of the variability of the willingness to purchase an EV as the next vehicle. Base sa abstrak nina

Jabeen, Olaru, Smith, at Braunl noong 2014.

Sintesis

Sa pamamagitan ng mga literatura at pag-aaral, napagtanto ng mga mananaliksik ang

maaaring maging epekto ng pagmodernisa ng dyip sa publiko. Ang mga literatura at pag-aaral na

nabanggit ay nagsilbing gabay upang lalo pang palawakin ang pag-aaral tungo sa pagbibigay ng

sarbey sa mga mag-aaral ng ikalabing-isang baitang ng City of Mandaluyong Science High School

sa kanilang pagtanggap sa modernisasyon ng mga dyip.

13
KABANATA III

PAMAMARAAN NG PAG-AARAL

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa gamit ang disenyo ng deskriptibong pananaliksik. Ito

ay ginamit ng mga mananaliksik upang malaman at mabigyan ng interpretasyon o pagsusuri ang

magiging epekto ng pagdagdag ng modernisasyong dyip at pagtanggal sa mga lumang dyip sa mga

mamamayan o komyuter sa lungsod ng Mandaluyong.

Disenyo ng Sampling

Upang maging matagumpay at maisakatuparan ang pag-aaral, ang mga mananaliksik ay

gumamit ng random sampling. And random sampling ay isang uri ng sampling kung saan lahat ng

elemento sa populasyon ay may pare-parehong pagkakataon o probabilidad na mapili sa isang

sampol na isinasagawa. Naghanda ng online na palatanungan gamit ang Google Docs ang mga

mananaliksik upang pasagutan sa mga respondente.

Populasyon at mga Manunugon

Ang mga mag-aaral sa ikalabing-sang baitang ng City of Mandaluyong Science High

School ay ang napili upang tumugon sa sarbey para sa pag-aaral na ito. Ang kabuuang bilang ng

mga manunugon ay apatnapu’t walo na mag-aaral. Ang datos na ito ay nakuha matapos

kompyuting ang sample size ng kabuuang populasyon ng mga kinuhang respondente.

14
𝑁𝑉 + ሾ𝑆𝑒 2 ሺ1 − 𝑝ሻሿ
𝑆𝑠 =
𝑁𝑆𝑒 + ሾ𝑉 2 𝑝ሺ1 − 𝑝ሻሿ

ሺ184ሻሺ2.58ሻ + ሾሺ0.05ሻ2ሺ1 − 0.5ሻሿ Ss = sample size


𝑆𝑠 =
ሺ184ሻሺ0.05ሻ + ሾሺ2.58ሻ2 ሺ0.5ሻሺ1 − 0.5ሻሿ N = population (184 grade 11
students)
V = standard value (2.58)
𝑆𝑠 = 43.69633 Se = sampling error (0.05)
43.69633 p = largest possible proportion
𝑆𝑠 ሺ𝑝𝑒𝑟 𝑠𝑒𝑐𝑡𝑖𝑜𝑛ሻ =
6 (0.5)
𝑆𝑠 ሺ𝑝𝑒𝑟 𝑠𝑒𝑐𝑡𝑖𝑜𝑛ሻ = 7.28272167 ≅ 8

Mga Instrumentong Ginamit

Ang mga datos at resulta ay kinuha sa pamamaraan ng sarbey na isinagawa ng mga

mananaliksik. Naghanda ng palatanungan ang mga mananaliksik upang malaman ang magiging

epekto ng pagdagdag ng modernisasyong dyip at pagtanggal ng lumang dyip sa mga mag-aaral

lungsod ng Mandaluyong.

Hakbang sa Pagkalap ng Impormasyon

Ang pananaliksik ay isinagawa sa paaralan ng City of Mandaluyong Science High School.

Ang mga napiling manunugon ay ang ika- 11 baitang ng Senior High School. Bilang isang

deskriptibong pananaliksik, ang mga mananaliksik ay bumuo ng isang sarbey na pinasagutan sa

44 na mag-aaral sa anim na seksyon. Ang nabuong sarbey ay magsisilbing instrumento upang

makakalap ng datos ang mga mananaliksik. Ang datos na makukuha sa mga respondente ay

bibigyang interpretasyon at sa pamamagitan nito ay dito ibabase ng mga mananaliksik ang

kanilang konklusyon sa pag-aaral.

15
Istatistikong Pagkalap ng Impormasyon

Ang Pangkalahatang Pagtanggap ng mga Mag-aaral sa ikalabing-isang baitang ng City of

Mandaluyong Science High School ng Taong Panuruan 2019-2020 Tungo sa Modernisasyon ng

mga Dyip ay masusuri gamit ang Mean upang malaman ang kabuuang tugon ng mga estudyante

na sumagot sa sarbey tungkol sa pangkalahatang pagtanggap ng mga estudyante sa City of

Mandaluyong Science High School sa pagmomodernisa ng mga dyip sa lungsod ng Mandaluyong.

Ginamit ng mga mananaliksik ang pormula ng Mean upang makuha ang pinal na datos:

∑𝑥 ∑ 𝒙 = Kabuuan na tugon
𝑀𝑒𝑎𝑛 = 𝑵 = Populasyon
𝑁

16
KABANATA IV

PRESENTASYON, PAG-AANALISA, AT INTERPRETASYON NG DATOS

Presentasyon at Pag-aanalisa

Itinala ang mga kasagutan matapos ibigay ang sarbey, tungkol sa modernisasyon ng dyip

sa walong estudyante, kada seksiyon sa ika-11 na baitang ng City of Mandaluyong Science High

School.

Ipinapakita ng mga grap sa ibaba ang mga tugon ng mga estudyante sa mga tanong na

inihanda ng mga mananaliksik tungkol sa pagmomodernisa ng mga dyip.

6
∑ሺ5 + 5 + 6 + 5 + 6 + 4ሻ
𝑀𝑒𝑎𝑛 =
48
5
31
= 48
4

3 = 0.65
2

1
∑ሺ3 + 3 + 2 + 3 + 2 + 4ሻ
0 𝑀𝑒𝑎𝑛 =
48
17
= 48
= 0.35
Oo Hindi

Grap 1.1: Kabuuang bilang ng mga sumang-ayon at hindi sumang-ayon sa


pagmomodernisa ng mga dyip

Halos lahat ng respondente sa Beilstein, Fermat, Gates, Jobs, at Pauli ay sang-ayon sa

pagmomodernisa ng mga dyip. Samantalang kalahati sa Schrodinger ang sumasang-ayon at hindi

sumasang-ayon. Mas maraming sumasang-ayon na mga mag-aaral sa modernisasyon ng mga dyip.

17
8
7 ∑ሺ6 + 4 + 7 + 5 + 6 + 7ሻ
𝑀𝑒𝑎𝑛 =
6 48
5 35
= 48
4
= 0.73
3
2
1
0 ∑ሺ2 + 4 + 1 + 3 + 2 + 1ሻ
𝑀𝑒𝑎𝑛 =
48
13
= 48
= 0.27
Oo Hindi

Grap 1.2: Kabuuang bilang ng mga sumang-ayon at hindi sumang-ayon na


maganda ang epekto ng pagmomodernisa ng mga dyip sa Lungsod ng
Mandaluyong

Marami ang sumang-ayon na maganda ang epekto ng pagmomodernisa ng mga dyip sa

lungsod ng Mandaluyong sa Beilstein, Gates, Jobs, Pauli, at Schrodinger. Samantalang kalahati ng

Fermat ang sumasang-ayon at hindi sumasang-ayon. Mas maraming sumasang-ayon na mga mag-

aaral na maganda ang epekto ng pagmomodernisa ng dyip sa Lungsod ng Mandaluyong

8
7 ∑ሺ3 + 7 + 4 + 4 + 7 + 4ሻ
𝑀𝑒𝑎𝑛 =
6 48
5 29
= 48
4
= 0.60
3
2
1
0 ∑ሺ5 + 1 + 4 + 4 + 1 + 4ሻ
𝑀𝑒𝑎𝑛 =
48
19
= 48
= 0.40
Oo Hindi

Grap 1.3: Kabuuang bilang ng mga sumang-ayon at hindi-sumang-ayon


na mareresolba ang problema ng kapaligiran sa pagmomodernisa ng
mga dyip

18
Kalahati ang sumasang-ayon at hindi sumasang-ayon na mareresolba ang problema ng

kapaligiran sa pagmomodernisa ng dyip sa Gates, Jobs, at Schrodinger. Karamihan naman sa Pauli

at Fermat ang sumasang-ayon, samantalang karamihan naman sa Beilstein ang hindi sumasang-

ayon. Karamihan sa mga mag-aaral ang sumasang-ayon na mareresolba ang problema ng

kapaligiran sa pagmomodernisa ng mga dyip.

8
7
∑ሺ1 + 6 + 3 + 1 + 2 + 7ሻ
𝑀𝑒𝑎𝑛 =
6
48
20
5 = 48
4 = 0.42
3
2
1
0 ∑ሺ7 + 2 + 5 + 7 + 6 + 1ሻ
𝑀𝑒𝑎𝑛 =
48
28
= 48
= 0.58
Oo Hindi

Grap 1.4: Kabuuang bilang ng mga sumang-ayon at hindi sumang-ayon


na magiging positibo ang tugon ng ibang komyuter sa isyung
pagmomodernisa ng mga dyip

Karamihan sa Beilstein, Gates, Jobs at Pauli ang hindi sumasang-ayon na magiging

positibo rin ang tugon ng mga ibang komyuter sa isyung pagmomodernisa ng mga dyip.

Samantalang karamihan naman sa Fermat at Schrodinger ang sumasang-ayon. Mas maraming

hindi sumasang-ayon na magiging positibo ang tugon ng ibang komyuter tungkol sa isyung

pagmomodernisa ng mga dyip.

19
8
7 ∑ሺ2 + 2 + 3 + 3 + 1 + 3ሻ
𝑀𝑒𝑎𝑛 =
6 48
14
5 = 48
4
= 0.29
3
2
1
0 ∑ሺ6 + 6 + 5 + 5 + 7 + 5ሻ
𝑀𝑒𝑎𝑛 =
48
34
= 48
= 0.71
Oo Hindi

Grap 1.5: Kabuuang bilang ng mga sumang-ayon at hindi sumang-ayon na


makakatulong ang pagmomodernisa ng mga dyip sa mga dyipney draybers

Karamihan sa lahat ng seksiyon sa ika-11 na baitang ang hindi sumasang-ayon na

makatutulong ang pagmomodernisa ng mga dyip sa mga dyipney draybers.

20
KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Konklusyon

Matapos ma-analisa ang mga datos na nakuha ng mga mananaliksik sa kanilang pinasagot

sa sarbey sa mga manunugon, maiinuha na ang mga mag-aaral sa ikalabing-isang baitang ng City

of Mandaluyong Science High School sa taong panuruan 2019-2020 ay sang-ayon sa

pagmomodernisa ng dyip.

Karamihan sa mga tugon ng mga mag-aaral sa City of Mandaluyong Science High School

ay sumasang-ayon sa ideyang pagmomodernisa ng mga dyip at ang posibleng kagandahang epekto

nito para sa Lungsod ng Mandaluyong. Ngunit, karamihan sa mga mag-aaral ay hindi sumang-

ayon na ang pagmomodernisa ng mga dyip ay makatutulong sa mga dyipney draybers.

Ang mga mag-aaral ng City of Mandaluyong Science High School ay hindi sumasang-

ayon na magiging positibo ang tugon o opiniyon ng mga ibang komyuter tungkol sa

pagmomodernisa ng mga dyip.

Ang mga mag-aaral ng City of Mandaluyong Science High School ay sumasang-ayon na

makatutulong ang pagmomodernisa ng mga dyip sa problema na kinahaharap ng ating kalikasan

sa kasalukuyan.

21
Rekomendasyon

Inirerekomenda ng mga mananaliksik para sa mga susunod na mananaliksik ay gawin rin

nila ang pagkuha ng mga perspektibo ng mga komyuter sa iba pang lungsod, upang mas maging

malinaw o makita ang pagkakaiba ng mga pananaw ng mga komyuter sa iba’t ibang lugar.

Inirerekomenda rin ng mga mananaliksik na magdagdag pa ng mga katanungan kung ang mga

susunod na mananaliksik ay magbibigay ng sarbey upang makakuha pa ng mga balid at malalim

na datos tungkol sa mga pananaw o pangkalahatang pagtanggap ng mga komyuter sa isang lungsod

o siyudad. Inirerekomenda rin ng mga mananaliksik na gumawa ng iba pang hakbang ang mga

sususnod na mananaliksik upang makakuha ng iba pang datos tungkol sa pagmomodernisa ng mga

dyip.

22
BIBLIYOGRAPIYA

Almorado, C., Chua, K., Sarmiento, C., & Tia, Q. (2013, March). Fortifying A Developing Public

Transport System: A Pursuit for The Optimal Price in The Philippine Light Rail Transit.

Retrieved from https://www.dlsu.edu.ph/wp-content/uploads/pdf/conferences/research-

congress-proceedings/2013/LCCS/LCCS-I-003.pdf.

Braunl, T., Jabeen, F., Olaru, D., & Smith, B. (2014, January). Acceptability of Electric Vehicles:

Findings from a driver survey. Retrieved from

https://www.researchgate.net/publication/265883429_Acceptability_of_Electric_Vehicle

s_Findings_from_a_driver_survey.

Brizuela, M. B., & Gamil, J. T. (2015, December 8). LTFRB: No phaseout of old passenger jeeps

in 2016. Retrieved from https://newsinfo.inquirer.net/745481/ltfrb-no-phaseout-of-old-

passenger-jeeps-in-2016.

Lirios, H. D. C. (2012, February 3). Traffic Engineering--Davao--Philippines. Retrieved from

https://iskwiki.upd.edu.ph/index.php?title=Assessment_of_the_current_Transportation_S

ystem_management_in_Davao_City_with_focus_on_Vehicular_Flow_Improvement.&ac

tion=edit.

Meniano, S. (2018, January 23). DOTr launches PUV modernization program in Tacloban.

Retrieved from https://www.pna.gov.ph/articles/1022608.

Napalang, S. (2016, June 2). Breakthroughs and Breakdowns of Transportation System in The

Philippines. Retrieved from https://www.nast.ph/index.php/downloads/category/88-

transportation.

23
APENDIKS

Schools Division Office


City of Mandaluyong Science High School
E. Pantaleon St., Hulo Mandaluyong City

Ang Pangkalahatang Pagtanggap ng mga Mag-aaral sa ikalabing-isang


baitang ng City of Mandaluyong Science High School ng Taong Panuruan
2019-2020 Tungo sa Modernisasyon ng mga Dyip

Section:

Disclaimer: Itong talasagutan ay gagamitin lamang para sa pag-aaral na ito. Pinaparating


naming ang aming pasasalamat sa inyong pakikilahok bilang manunugon sa pag-aaral na ito.

Direksiyon: Sagutan ng maayos at matapat ang mga tanong. Itiman ang bilog na aayon sa iyong
sagot.

1. Sang-ayon ka ba sa pagmomodernisa ng mga lumang dyip?


o Oo
o Hindi
2. Sa iyong palagay, maganda ba ang epekto ng pagmomodernisa ng mga dyip sa

lungsod ng Mandaluyong?
o Oo
o Hindi
3. Sumasang-ayon ka ba na mareresolba ang problema ng kapaligiran sa

pagmomodernisa ng dyip?
o Oo
o Hindi
4. Sa tingin mo ba, magiging positibo ang tugon ng ibang komyuter sa isyung

pagmomodernisa ng mga dyip?


o Oo
o Hindi

24
5. Sa iyong palagay, mas makakatulong ba ang pagmomodernisa ng mga dyip sa mga

dyipney draybers?
o Oo
o Hindi

25

You might also like