Professional Documents
Culture Documents
Edralyn B. Padua
BSE 1
Komunikasyon
Ito ay ang paraan natin upang malinang ang kakayahang makipag-ugnayan sa ibang tao. Sa
pamamagitan nito, natutugunan ang ating mga pangangailangan sa araw-araw. Napatataas at
napananatili rin natin ang antas ng ating pagkakakilanlan sa sarili.
Kasasaysayan
Masasabing ang paraan ng komuniksyon ng mga Pilipino ay hitik sa mga pahiwatig at ligoy ang
paraan ng pakikipag-usap dahil nagmumula ito sa mas mataas na uri ng pagbabahaginan ng
kahulugan, kumpara sa mga kanluranin na mayroong mababang konteksto ng kulturang mababa
rin ang antas ng pagbabahaginan ng kahulugan. Ito ay bunga ng paggamit ng mga Pilipino ng
konsepto ng pakikipagkapuwa o ang pagturing sa kausap bilang bahagi ng ating sarili na
mauugat sa kulturang mataas ang pagpapahalaga sa ugnayan ng pamayanan (Maggay, 2002).
Bago pa man dumating ang mga Espanyol, mayroon ng sistema ng pakikipa-ugnayan ang mga
sinaunang Pilipino. Ito ay sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga simbolo sa mga pader ng
kuweba o kaya naman ay sa mga bato, pagpapadala ng mensahe sa tulong ng iba-ibang uri ng
ibon at pagbababa ng mensahe mula sa mataas na antas ng lipunan hanggang sa ordinaryong
pamayanan sa pamamagitan ng kasulatan at anunsyo.
Sa pagdating naman ng mga Amerikano ay naipakilala sa atin ang telepono at ang serbisyong
radio-telepono. Nagkaroon din ngiba-ibang estasyong pan-radyo at pantelebisyon sa buong
bansa.
Samantala, sa huling bahagi ng ika-19 na siglo ay naipakilala sa atin ang mga Internet Service
Providers at nagsimulang umusbong ang industriya ng Telekomunikasyon.
Isa sa mga umuusbong na industriyang pang-komunikasyon ay ang Telekomunikasyon. Ito ay
ang aghan at teknolohiya ng komunikasyon kung saan ang mga mensahe ay naipadadala kahit na
malalaking distansya ang pagitan. Ito ay ginagamitan ng makabagong teknolohiya at ng
kuryente.
Kalagayang Panlipunan
Patuloy ang pag-unlad ng sistemang pang-komunikasyon sa ating bansa lalo’t higit ang pagdami
ng mga Pilipinong tumatangkilik sa local na telecommunications company gaya ng Philippine
Long Distance Telecommunications (PLDT) at Globe Telecom.
Ito ay masasabing oportunidad sapagkat nakilala ang ating bansa bilang “Most Social Nation” at
“Texting Capital of the World” dahil na rin sa pagtaas ng social media usage ng mga Pilipino.
Tinatayang ang isang Pilipino ay nakapaglalaan ng 4 oras at 7 minuto kada araw sa mga Social
Media sites (Hootsuite and We are Social, 2017).
Gayundin, ito naman ay banta dahil sa kabila ng mataas na usage ng internet sa bansa ay
pumapangalawa naman ito sa pinakamabagal na internet speed sa buong mundo (Akamai Q3,
2016).
Bukod dito, marami pa ring kinahaharap na suliranin ang Sistema ng komunikasyon sa ating
bansa gaya na lamang ng mahinang telco market. Dalawa lamang ang mayoryang kompanya na
naglalaban upang mabigyan ang ating bansa ng mabilis at may kalidad na serbisyong
pangkomunikasyon.
Upang masolusyonan ang mga suliraning ito, ang Department of Information and
Communications Technology ay nagsagawa ng Philippine Telecommunications Summit noong
ika 9-10 ng Marso sa PICC Forum, Pasay City, Manila.
Napag-usapan sa summit na ito ang planong pagbukas ng pamahalaan ng pinto sa panibagong
telcom company na nais magbigay ng serbisyo sa ating bansa. Noong Marso rin ay inasahan ang
pagpasok ng Telstra, ang nangungunang service provider mula Australia, ngunit tila hindi ito
natuloy. Ngayon, inaasahan naman ang pagpasok ng isang kompanya mula Tsina ngunit hindi pa
rin ito tuluyang naipipinalisa. Inaasahan naman na kapag maisakatuparan ang planong ito ay
magiging mas mabilis na ang internet sa ating bansa.
Samantala, sa huling State of the Nation Address (SONA) ng ating Pangulong Rodrigo R.
Duterte, isa ang industriya ng telekomunikasyon sa mga naging prayoridad.
“The spot is open to all interested parties, both foreign and local. The only condition is that the
chosen player must provide ‘the best possible service at reasonably accessible prices.’ They will
be lowering interconnection rates which not only lowers the cost of services for customers but
also lowers the cost incoming players have to pay to access existing networks. All of our efforts
to usher in a new major player shall render futile if we do not improve its odds of success in an
industry long dominated by a duopoly.”
Ang Transportasyon ay isang paraan ng paghahatid mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar.
Noong sinaunang panahon, iba’t ibang paraan at sasakyan ang ginamit sa paglalakbay depende
sa kalagayan ng mga manlalakbay at sa kanilang destinasyon o sa mga lugar na pagdadalhan ng
mga kargamento.
Kasaysayan
Noon pa man, bago ang pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas ay may sistema na ng
transportasyon ang mga tao. Ang paggamit ng mga hayop tulad ng kalabaw at kabayo ay naging
tanyag na sasakyang panlupa; ang sasakyang pantubig naman ay mula sa kalikasan tulad ng
kawayan na ginagawaneg balsa o balanghay; gayunpaman, wala pang sasakyang
panghimpapawid noon.
Ang ating bansa ay may iba’t- ibang sangay ng gobyerno na nakaatas para sa pamamahala ng
mga transportasyon at pagpapagawa ng kalsada:
Department of Public Works and Highways (DPWH). Ito ang namamahala sa pag-sasaayos at
pagpapagawa ng mga kalsada sa buong bansa.
Bukod pa rito ay mayroon pang mas maliliit na ahensya ang namumuno at tumutulong upang
maisaayos ang sistema ng ating transportasyon.
Gayundin, naging malaking tulong ito sa pagpapaunlad ng iba’t- ibang sector ng lipunan tulad ng
ekonomiya. Hindi lamang ito nakatulong dahil sa malaking pera na kinikita ng mga drayber mula
rito ngunit ito din ay naging midyum ng mga tao sa pagpunta sa iba’t- ibang lugar para sa
negosyo, pakikipagkalakalan o turismo.
Kilala ang mga Pilipino bilang matipid sa pera kaya maraming pinipiling sumakay na lamang sa
mga pampublikong sasakyan. Maraming Public Utility Vehicles (PUV) sa buong bansa katulad
ng Public Utility Jeepneys (PUJ), bus, tren, tricycle, pedicab, bangka at iba pa na maaring sakyan
ng mga mamamayan. Mas mura ang gagastusin ng mga tao dahil pamasahe lamang ang kanilang
binabayaran sa mga pampublikong sasakyan. Ngunit hindi lamang pampublikong sasakyan
mayroon ang Pilipinas, mayroon ding mga pampribadong sasakyan. Nang dahil sa globalisasyon,
nakapasok na sa bansa ang mga banyagang pangalan ng mga sasakyan tulad ng Honda, Suzuki,
Mercedes Benz at iba pa. Ang mga ganitong uri ng sasakyan ay madalas gamitin ng mga
indibidwal na kayang bumili ng sarili nilang sasakyan at hindi na namamasahe pa.
Gayunpaman, sa kabila ng magagandang epekto ng industriyalisasyon ng transportasyon ay
marami rin itong kinakaharap na problema. Sa Maynila pa lamang, ang sentro ng Pilipinas, ay isa
na ang transportasyon sa mga pangunahing problema ng mga mamamayansa kanilang pang
araw- araw na pamumuhay. Palagiang nasa balita ang mga aberyang nangyayari sa kalsada na
minsan ay hindi na kagulat-gulat.
Isa pang problema ay ang presyo ng langis na inaangkat pa natin sa ibang bansa. Hindi lamang
ang mga mamamayan ang apektado sa problemang ito ngunit pati na rin ang ekonomiya ng
bansa. Ang mataas na presyo ng langis sa bansa noon ay mas pinataas pa dahil sa pagpapatupad
ng gobyerno ng Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) law sa bansa.
Ayon sa isang ekonomista, ang pagtaas ng presyo ng langis at ang pagbabago ng Bangko Sentral
ng Pilipinas (BSP) ng polisiya sa kaperahan ay makakaapekto sa pagbagal ng paglago ng
ekonomiya ng bansa. Ang patuloy na pagmamahal ng langis at pagbaba ng piso ay nakakaapekto
sa ekonomiya. Ang problema sa usapan ng mga langis ay maidudugtong sa mga pampasaherong
mga sasakyan na humaharap din naman sa maraming problema.
Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis ay pataas at pataas din ang presyo ng pamasahe ng
mga mamamayan. Noon ang “minimum fare” ng mga mamamayan sa pagsakay ng mga jeep ay
6.50 Php lamang na nagging 8.50 Php.
Ang salitang industriyalisasyon ay maikakabit mo sa salitang globalisasyon dahil ito ang puno’t
dulo ng lahat. Nang dahil sa globalisasyon ay namulat ang Pilipinas sa iba’t- ibang sektor
panglipunan at pangekonomiya na ginagamit na ng mga mamamayan sa panahong ito.
Dahil dito ay lalong umuunlad ang usaping pangteknolohiya ng bansa kaya nagkakaroon ng mga
bagong inobasyon sa bansa na makatutulong sa lahat. Matagal ng usap- usapan sa gobyerno ay
ang pag phase out sa mga lumang jeepney. Isa na marahil sa mga matagumpay na nakagawa ng
inobasyon ay ang pinakabagong “e- jeepney”. Ito ay malayo sa ating nakasanayang jeep dahil
ang pisikal na kaanyuan nito ay mas maliit na bersyon ng mga bus. Mas madali at mas ligtas din
ang biyahe kumpara sa mga naunang bersyon ng jeepney. Bukod ditto, ito ay mayroong air
conditioner, Beep card payment system, Global Position System (GPS) at Closed- Circuit
Television (CCTV).
Sa paglaaon ng panahon ay patuloy na umuunlad ito at mas napadadali ang buhay ng mga tao.
Bagaman maraming problemang kinakaharap ay patuloy at hindi nagsasawa ang gobyerno upang
malutasan na ang mga usaping ito.
Hindi natin tiyak kung ano ang naunang umusbong sa ating bansa- komunikasyon o
transportasyon.
Kabilang sa mga ito ay ang naging bahagi na ng pamumuhay ng mga Pilipino. Ginagamit
ito hindi lamang sa pakikipagtalastasan kundi maging sa pagpapadala ng mensahe (maaring sa
paraan ng pagliham o kaya naman ay pagpapaanod ng boteng may mensahe sa dagat),
pagpapatupad ng batas, pakikipagkasunduan at pagpapakalat ng mga patalastas.
Mula rito ay natuto silang bumuo ng iba-ibang uri ng sasakyang panlupa at pandagat
katulad na lamang ng bangka at balsa. Ang pag-unlad ng transportasyon ay umusbong lamang
noong dumating ang mga dayuhang mananakop.
Ngunit, kung ang pagbabasehan natin ay ang pag-unlad ng industriya, higit na naunang
umunlad ang transportasyon. Mas unang nakilala ang iba’t ibang uri ng sasakyan kaysa sa
industriya ng komunikasyon (o ang telekomunikasyon) na nakilala lamang noong huling bahagi
ng ika-19 na siglo o ang pagsisimula ng makabagong teknolohiya.