You are on page 1of 2

Matte Gico SPSTE 10

KORAPSYON SA PILIPINAS

Talamak ang corruption sa maraming tanggapan ng pamahalaan. At ang


apektado ng mga nangyayaring katiwalian ay walang iba kundi ang mamamayan.
Ang mga serbisyong dapat kamtin ng mamamayan ay hindi naisasakatuparan
sapagkat ang perang nakalaan para sa mga ito ay napupunta sa bulsa ng mga
kawatan. Ito ang dahilan kaya patuloy ang paghihirap ng mamamayan.

Sa likod ng korapsyon may kahirapang magaganap sa ating nasyon.


Namumuhay tayo ng salat sa mga pangunahing pangangailangan upang tayo ay
mamuhay ng matiwasay. Taon-taon ay mas lumalala pa ang problema ng ating
bansa na hindi masolusyunan dala ng kahirapan. Isa sa pangunahing dahilan nito
ay ang mga korap na opisyal ng gobyerno. Ninanakaw nila ang kaban o pondo ng
ating bansa na para sana sa ikauunlad ng mamamayang Pilipino, ngunit
napupunta sa sariling bulsa ng mga opisyales, kung kaya naman mas ramdam
Matte Gico SPSTE 10

natin ang krisis. Isa pang dahilan ang kawalan ng mapapasukang trabaho ng mga
tao kasabay ng sunod sunod na pagtaas ng bilihin. Paano tayo makararanas ng
isang matiwasay na pamumuhay kung ang mga pangunahing pangangailangan
pa nga lang ay hindi na natin kayang tustusan?

Wakasan na ang corruption sa bansang ito. Lipulin ang mga masisibang


“buwaya” na walang kabusugan. Ito lamang ang tanging paraan para ganap na
maramdaman ng mamamayan ang tunay na pagbabago sa bansa.

You might also like