You are on page 1of 1

Magandang hapon po sa inyong lahat.

Isa sa pinakamalaking kinakaharap na problema ng ating bansa ay ang kahirapan.

Dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan, dala ng kanilang kakulangan sa pera, ay
napipilitan silang gawin ang mga bagay na hindi kanais-nais. Dahil doon, patuloy na dumarami ang bilang
ng krimen sa ating bansa. Tayong mga Pilipino ay nahaharap ngayon sa isang matinding krisis.
Namumuhay tayo ng salat sa mga pangunahing pangangailangan upang tayo ay mamuhay ng matiwasay.
Taon-taon ay mas lumalala pa ang problema ng ating bansa na hindi masolusyunan dala ng kahirapan.

Isa sa pangunahing dahilan nito ay ang mga korap na opisyal ng gobyerno. Ninanakaw nila ang ang kaban
o pondo ng ating bansa na para sana sa ikauunlad ng mamamayang Pilipino, ngunit napupunta sa sariling
bulsa ng mga opisyales, kung kaya naman mas ramdam natin ang krisis.

Isa pang dahilan ang kawalan ng mapapasukang trabaho ng mga tao kasabay ng sunod sunod na pagtaas
ng bilihin. Paano tayo makararanas ng isang matiwasay na pamumuhay kung ang mga pangunahing
pangangailangan pa nga lang ay hindi na natin kayang tustusan?

Isa pang dahilang ng kahirapan ay ang katamaran at maling pag uugali nating mga Pilipino.

Ano pa nga bang hinihintay natin? Ang patuloy pang lumala ang kahirapan na ating natatamasa? Bakit
hindi tayo kumilos? Magsikap tayo habang maaga pa upang umunlad ang ating buhay!

You might also like