You are on page 1of 2

EDITORYAL: Kahirapan, kailan mawawakasan?

MABANGGIT palang ang salitang ekonomiya ng Pilipinas ay isa lang ang ating
unang naiisip, Kahirapan. Gustuhin man natin o hindi, talagang masasabi na
walang naging pagunlad ang ekonomiya ng Pilipinas. Ang mga taong mahihirap ay
mas lalong humihirap, at ang mga taong mayayaman ay mas lalong yumayaman.
Bakit nga ba nagkaganito ang ating bansa? Paano tayo napunta sa ganitong
sitwasyon kung saan miski ang lupain na pagmamayari ng ating bansa ay hindi
man lamang natin maipagtanggol?

Kahirapan ang ugat at sanhi ng mga krimen na nangyayari sa ating bansa. Dahil
sa lubos na kahirapan,Napipilitan ang mga tao na gumawa ng mga bagay na
masasama tulad ng pagnanakaw. Kung kaya’t ang ating bansa ay mas mapanganib
nang tirhan.Mas lalong naging masakit sa mga mahihirap ang pagpataw ng
inflation rate o ang pagtaas ng mga bilihin at ang pagsasagawa ng k-12 program
kung saan dadagdagan ng dalawang taon ang pag-aaral ng isang estudyante bago
tumungtong ng kolehiyo. Dahil dito, mas matagal pa kailangang magaral at ang
iba ay mapipilitan na lamang na tumigil sa pagaaral at magtrabaho na lamang
upang makatulong sa pamilya.

Ngunit miski ang paghahanap sa trabaho ay hindi madali. Napakaraming Pilipino


pa rin ang mga walang trabaho. Ang iba ay nakaranas ng kontraktuwalisayon o
endo at ang iba naman ay underemployed.

Korupsyon ang dahilan kung bakit walang pag angat ang ekonomiya ng ating
bansa. Ang mga pera na dapat sa sangkatauhan ay kanilang ginagamit sa
pansariling kasiyahan. Hindi mawawala ang korupsyon sa mundo ng politika.
Maraming tao ang mga makasarili,mga ganid at hindi marunong mahiya. Dahil
dito, nahihirapan ang mga mamayang pilipino. Ang mga mahihirap ay mas lalong
humihirap at ang mga mayayaman mas lalong yumayaman. Ngunit kung ikaw ay
may sipag,tiyaga, at diskarte, Nakakasiguro na makakaahon ka sa kahirapan na
ito. Kung ang bawat Pilipino ay bukas ang isipan tungkol sa mga paraan kung
paano makaahon sa kahirapan, may pag-asa pa na ang bansang Pilipinas ay
makakabalik sa kanyang dating kalagayan. Ang maunlad at payapang Pilipinas.

LOUISE GABRIELLE M. BOGNOT

10-ST.POLYCARP

You might also like